Chapter 17 ALMIRA Isang linggo ako nanatili sa hospital at ilang araw. Bago ako lumabas kahapon ng hospital ay dumating ang mga magulang ni Samuel. Sangkatutak na sermon ang inabot ni Samuel sa mga magulang niya. Kasalukuyan ako nasa silid ni Samuel, dito sa bahay ng mga magulang niya. Naka-bed rest lang talaga ako at bawal pa ako kumilos-kilos. Ano mang oras kasi ay puwede akong duguin. Magtatatlong buwan pa lang ang bata na nasa sinapupunan ko, pero marami na siyang hirap na pinagdaanan sa sinapupunan ko. May adult diaper na nakakabit sa akin para kapag umihi ako hindi na ako magtayo-tayo pa. Sobrang nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Kapg kailangan kong dumumi ay bubuhatin pa ako ni Samuel. Kahit ginagawa niyang alagaan ako, pero alam ko na labag iyon sa puso niya at pabigat