Chapter 17

1714 Words

Bantulot ang hakbang ko habang nakasunod sa kanilang tatlo. Ayaw ko sanang gawin ang naisip nila, pero wala akong choice na doon dahil kung hindi ay paniguradong madadamay ang mga kaklase ko dahil sa kapabayaan ko. Magagalit sila sa akin at baka nga e-bully ako. “Para malaman din natin kung may nakuha ba si Ate Doly o wala, Sanna. Nakakahiya naman sa tatanggap ng regalo mula sa'yo kung wala kang bibilhin hindi ba? Maawa ka naman at baka isa pa sa amin iyan. Ang unfair noon. Kaya kapalan mo na ang mukha mo kay Nicko.” palatak ni Alma na alam kong nagbibiro lang naman, ganunpaman ay napapahiya pa rin ako. “Oo na, ito na nga kahit na ayaw ko 'di ba?” “Bakit galit ka? Tinutulungan ka na nga eh!” si Celeste na noon ko lang nakitang magtaray, o baka binibiro lang din ako nito at seneryoso ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD