Chapter 6

2766 Words
Nanlulumo akong tumalikod sa kanila noon at humakbang patungo kay Mama na aligaga na ngayong naghahanap sa akin. Dala na ang panghihinayang sa aking puso. “Saan ka ba galing na bata ka ha? Anong brand ng ballpen ang gusto mo? Ito ba?” pakita niya sa akin ng normal na ballpen, kinukuha niya ang opinyon ko pero alam kong sa bandang huli ay siya pa rin naman ang masusunod sa brand na kanyang bibilhin para aking gamitin. Tinatanong pa talaga niya ako pero hindi rin naman niya ako susundin sa bandang dulo. “O itong ganito?” tanong niya sa isang mamahaling ballpen na may alinlangan naman. “Iyan po,” turo ko sa huling ballpen na kanyang hinawakan, walang kabuhay-buhay iyon kaya alam kong kanyang mapapansin niya. “Ilan ba ang gusto mo anak?” “Ikaw na po ang bahala Mama kung ilan.” matamlay ko pa ‘ring tugon sa kanya, hindi magawang tumingin sa kanyang mga mata. “Pwede naman akong bumili kapag wala na at naubos na.” “Anak ayos ka lang ba? Gutom ka ba?" kunsumi at natitigilang tanong na niya sa akin, sabi ko na eh, mapapansin niya ang pagbabago sa aking mood ngayon. “May gusto ka bang ipabiling iba pa na nakakalimutan ko? Sabihin mo lang sa akin, at bibilhin ko.” Umiling ako, “Wala na po, iyong rubber shoes sana doon banda ay gusto ko kaso nga lang ay naunahan naman ako.” Panandaliang naburo ang kanyang mga mata sa akin, halatang hindi siya makapaniwala sa rason na aking sinabi. Kumurap-kurap pa ang kanyang mga mata. “Rubber shoes?” ulit niya sa aking sinabi na alam kong nais niya lang i-klaro sa akin kung tama ba ang kanyang narinig na dahilan ko, walang gatol na akong tumango. Kumunot na ang kanyang noo, at alam na alam ko na ang reaction niyang ganito. Paniguradong mayroon na naman siyang komento pagdating dito. “Sanna, marami kang rubber shoes sa bahay at iyong iba pa nga sa mga iyon ay hindi mo pa nagagawang isuot. Ang dami mo noon sa bahay, tigilan mo nga ako diyan!” Lalo pa akong sumimangot sa kanyang tinuran. Halatang tutol na naman siya sa aking kagustuhang bilhin. Oo, tama siya marami nga akong rubber shoes. “Pero Mama, gusto ko po talaga iyong design niya at saka ako naman ang unang nakakita noon.” katwiran ko na kaunti na lang ay maglulupasay na sa sahig dahil sa frustration na aking nararamdaman. Alam ko naman na kahit na igiit ko pa iyon, hindi ko rin naman iyon makukuha dahil nga sa naunahan na akong bilhin iyon. Humalukipkip siya sa harapan ko at tinitigan akong mabuti sa aking mga mata, “Sanna, kung gusto mo talaga iyong rubber shoes na 'yon, eh, ‘di sana inunahan mo na iyong kumuha. Ano pa bang ginagawa mo at naunahan ka? Tapos ngayon sa akin ka magmamaktol na parang ako ang mayroong sala? Tigil-tigilan mo akong bata ka.” “Tinitigan ko po at nang dadamputin ko na ay—” “Ayan, ayan!” sabay kumpas niya ng isang kamay niya sa aking harapan na may kasamang pagkainis na sa kanyang mga mata, “Sana hinawakan mo na saka mo pinuring maganda. O siya bumalik ka doon at itanong mo kung may stock pa sa staff. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa’yong bata ka. Minsan hindi ko alam kung anak ba talaga kita o hindi. Hindi naman ganyan ang Kuya Roelle mo, eh! Ang slow mo, sa totoo lang Rosanna.” sinamahan niya pa iyon ng pag-irap ng kanyang mga mata. Noon, okay lang naman sa akin kapag kinukumpara ako sa aking panganay na kapatid. Wala akong katiting na pakialam. Ngunit kapag siguro ngayon sasabihin iyon ni Mama sa akin ay tiyak na magagalit ako sa kanya nang sobra. Masasaktan ako, dahil pakiramdam ko sobrang sucessful ng buhay na mayroon ang aking kapatid ngayon. Bukod sa medyo nakakaangat na siya sa bnuhay, may nabuo na rin siyang pamilya niya na alam kong masaya. Masaya naman ako para sa kanya, pero nakakainggit pa rin talaga kung minsan at iisipin ko. Mabilis ko ng idinilat ang aking mga mata nang marinig na tumunog ang aking cellphone, nang tingnan ko iyon ay buhat ang message sa aking Kuya Roelle. Kuya: Sanna, pakisabi kay Mama na dito na lang tayo mag-dinner sa bahay. Magpapaluto na lang kami. Huwag na tayong lumabas sa kung saang restaurant pa. Nagtipa na ako ng reply sa kanya. Kahit na medyo threaten ako sa tagumpay ng aking kapatid, hindi ko kaya ang magdamdam sa kanya lalo na at siya ang gumastos ng lahat sa aking pag-aaral. Gaya ng sabi ko kanina, spoiled ako sa kanya. Ang lahat ng gusto ko ay ibinibigay niya, mahal man ang halaga nito. Ganun niya ako kamahal bilang kapatid. At normal na ang ganitong pakiramdam na alam ko naman na hindi magtatagal. Masasabi ko rin namang matagumpay na ako ngayon, may career at trabaho na rin naman ako. Ngunit alam ko sa aking sarili kung ano ang kulang para matawag kong gaya niya, wala na rin akong mahihiling pa. Pamilya. Sariling pamilya ko ang kulang na mayroon siya. “Sige Kuya, sasabihin ko kay Mama.” sambit ko sa aking naging reply sa mga sinabi niya, “Anong oras kami pupunta diyan sa bahay niyo?” Sa puntong iyon ay iinot-iinot na akong bumangon. Panandaliang inayos ang buhok na nagulo bago bumaba ng kama. Alam kong kakailanganin niya ng assistant sa pagluluto kaya ngayon pa lang ay kailangan na naming pumunta. Kunwari lang na nagtanong ako sa kanya. Oo, may mga kasama naman sila sa bahay pero iba pa rin ang saya kapag ikaw mismo ang gumalaw. Bagay na minsan lang namang mangyari sa aming pamilya. At saka, kailangang ihanda ko na naman ang aking sarili sa magiging mga tanong niya. Kuya: Pwede naman na kayong pumunta. Tapos na ba ang check up ni Mama? “Oo Kuya, tapos na, kanina pa. At nakapahinga na rin naman kami ni Mama.” Lumabas na ako ng silid, tinalunton na ang daan patungo ng aming sala habang ang mga mata ay nasa screen pa rin ng aking cellphone. “Mama?” tawag ko dito kahit na hindi ko ito nakikita, alam ko namang maririnig niya ako kahit na malayo siya o nasaang sulok ng aming bahay. “Oh? Bakit?” “Sa bahay na lang daw ni Kuya tayo mag-dinner ngayon!” Pagkatapos ng dinner namin doon ay nagpasya na rin akong umuwi. Bukod sa gabi na iyon ay grabe na ang antok ko. Uminom rin kasi kami ng ilang bote ng wine dala ng kasiyahan ng dinner na iyon sa bahay ng aking kapatid. Matulin ang takbo ng aking sasakyan sa aking pagmamadali. Gusto ko ng ilapat ang aking likod sa higaan na alam kong kapag aking ginawa ay agad akong yayakapin ng antok. At saka iniisip ko na maaga pa akong papasok sa paaralan kinabukasan. Graduate ako ng education sa elementary, ngunit hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking kokote at mas pinili ko ang magturo ng ballet. Siguro mas nae-enjoy ko na iyon keysa sa normal na pagtuturo lang. At iyon ang mahalaga, ang maging masaya ako sa kung anong ginagawa ko araw-araw. Although, alam kong isang araw ay babalik ako sa aking pagiging normal na maestra. “Sanna, sigurado ka ba talaga na iyan ang gusto mong ituro sa mga estudyante mo ha?” si Mama nang sabihin ko na nag-apply ako maging teacher sa isang ballet school, may license ako doon at professional ballet dancer ako. Ilang gold din ang nauwi ko noon nang dahil sa competition na sinasalihan ko as individual ballet dancer. Halos dalawang taon pa lang akong nagtuturo sa grade five student, ngunit nasa puso ko pa rin talaga ang maging mananayaw ng ballet. Iba ang hatid na saya sa aking puso noon. Marahil ay dahil likas na mananyaw ako at nais kong ibahagi ang mga kakayahang iyon sa aking mga magiging mag-aaral. “Alam mo namang mababa lang ang sinasahod mo diyan.” “Okay lang po iyon Mama, ang mahalaga ay nag-e-enjoy ako. I am not after sa malaking sweldo tapos ay alam kong katakot-takot na stress naman ako dito.” “Hay naku! May magagawa ba ako sa gusto mo? Kilala kita. Kung ano ang gusto mong gawin ay iyon ang ginagawa mo at wala akong nagagawa doon.” Sinunod ko ang gusto ng aking puso sa kabila ng sinasabi ng ibang mga tao, dating kaklase at mga kaibigan ni Mama. Hindi na rin ako napigilan ni Mama na gawin iyon, siya kaya ang nagtulak sa akin na mag-aral ng ballet noong nasa middle school ako, silang dalawa ni Ate Doly kaya kasalanan na nila ito kung bakit kinahiligan ko. Bagay na ipinapagpasalamat ko dahil ngayon ay matagumpay na akong ballet dancer sa aming bayan at ballet teacher. Hindi man kagaya ng aking mga dating kaklase na sucessful, alam ko naman sa aking sarili na para sa akin ay ito ang definition ko ng pagiging sucessful sa buhay ngayon. Kanya-kanya rin naman ng hilig ang tao, kaya okay lang ang ganito. Natatandaan ko pa nang sabihin ni Ate Doly na mag-aral ako nito na senegundahan ni Mama, wala sa vocabulary ko ang maging mananayaw. Ni hindi ko nga iyon kilala eh. “Bakit iyon? Hindi na ba ako late, para mag-aral ng ganun?” inosenteng tanong ko na pabalik-balik ang paningin kay Ate Doly at Mama na nasa aking harapan, nakangiti upang ikumbinsi ako na gawin ang bagay na iyon. “Baka ako na rin ang pinakamatanda doon?” “Bata ka pa, bakit ka magiging late para doon?” si Mama, mariing umiling upang pabulaanan ang mga bagay na aking inaalala. “Marami ka doong ka-edad.” “S-Sige po, maghahanap ako ng studio sa weekend.” balewalang tugon ko, umaasang pagdating ng weekend ay makakalimutan din naman nila ito. Iyon ang buong akala ko, pagdating ng weekend ay maaga akong binulabog ni Mama upang paulit-ulit na ipaalala ang aking gagawin sa araw na iyon, “Mama? Ang aga pa naman po oh, mamaya na.” “Bumangon ka na diyan, remember na nangako ka sa amin ng Ate Doly mo?” Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon, labag man iyon sa aking kalooban pero kailangan kong gawin dahil sa binitawan kong mga salita sa kanila. “Moana Ballet Dance Studio,” maliit ang mga ngiting banggit ko sa studio kung saan ako nag-aral ng ballet. Hinding-hindi ko makakalimutan ang unang araw na magtungo ako doon. Sunday iyon at matapos naming magsimba ni Ate Doly. Hindi ako nasamahan ni Mama dahil sa may pinagkakaabalahan daw ito na hindi ko na inusisa pa at baka mapektusan niya lang ako. Sanay naman ako na kapag wala si Mama, si Ate Doly na lang ang guardian ko doon. “Third floor hija,” nakangiting tugon sa akin ng guard nang itanong ko kung saan doon matatagpuan ang ballet studio na aming hinahanap. “Salamat po...” ngiti kong yukod sabay harap na kay ate Doly na gumagala na ang mga mata sa lugar. “Third floor daw, Ate Doly.” “Ganun? Halika na...” hawak niya sa aking isang palad at iginiya na ako paakyat ng hagdan. Walang elevator sa building o escalator, hagdan lang talaga. Natigilan ako sa gagawin sanang akmang paghakbang nang maramdaman na may humihila sa laylayan ng suot kong damit. At nang lingunin ko iyon ay natagpuan ko ang dalawang pamilyar na pares ng singkit na mga matang nakatitig na sa aking mukha. Nakangiti rin ito. “H-Hi...” Awtomatiko na ako doong ngumiti. Natatandaan ko siya! Siya iyong batang kasama noong lalake na nakabili ng rubber shoes! “Hello? Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?” Walang imik niyang itinuro ang babaeng agad kong nakilala na kanilang ina. May kausap ito hindi kalayuan sa aming banda. “Sanna, halika na...” si Ate Doly na nagulat na wala na ako sa kanyang tabi, ang buong akala niya ay kasama niya akong paakyat ng hagdan. “Wait lang, Ate Doly.” “Ikaw, anong ginagawa mo dito?” muli niyang hila sa laylayan ng aking suot n adamit upang kunin ang aking buong atensyon. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mamula ang magkabilang pisngi doon. “Mag-aaral akong sumayaw ng ballet...alam mo ba iyon?” Tumango siya. Nangislap ang kanyang mga mata sa saya, pero kaagad din iyong naglaho nang tawagin na siya ng kanyang ina. “Tara na, uuwi na tayo Zyvan.” Lumapit na ito sa aming banda nang makita niyang naroon ako. “Hi, hija...” Mabilis akong yumukod sa kanya bilang pagtanggap sa kanyang pagbati. “Hello po.” Mula doon ay napag-alaman kong may photoshoot si Zyvan, partime model ito ng mga damit pangbata. Hindi na ako magtataka doon dahil sa angkin niyang ganda. Lumapad pa ang aking mga ngiti nang maalala iyon, sobrang liit ng mundo para sa amin kung kaya palaging nagkru-krus ang landas naming dalawa nito bagay na unti-unting nakasanayan ko na. Hindi na rin naman bago iyon sa akin. Namayagpag pa siya sa industriya ng pagmomodelo habang lumalaki, hanggang sa nag-aral na siya ng ballet din. Nanlalake ang mga mata kong biglang inapakan ang siolinyador ng aking sasakyan nang biglang may tumawid hindi pa man nakapula ang traffic light sa may pedestrian lane! “What the f**k!” Hindi ko na napigilang ibulalas doon habang hindi na mapigilan ang labis na takot. Kung hindi ko agad iyon naapakan, paniguradong makakasagasa ako ng wala sa oras! “Bulag ba siya?! Hindi niya ba nakitang naka-green pa?” bakas sa aking tinig ang iyamot na sinundan ng tingin ang likod ng lalakeng nagmamadali pa rin sa kanyang paghakbang sa kabilang bahagi na ng kalsada, bumangon ang labis na pagkairita sa aking dibdib nang dahil sa kanyang ginawa. Mabilis kong iginilid ang aking sasakyan! Sa isang iglap ay nakahanap ako ng parking space sa isang fastfood chain na nasa gilid lang ng highway. “Humanda ka sa akin! Hindi ko papalagpasin ang ginawa mong ito! Gagawin mo pa akong kriminal sa araw na ito ha? Magtutuos tayo!” wika kong kinakalas na ang aking suot na seatbelt, hindi na doon alintana ang mga kahol ni Pochi. Malalaki at nagmamadali na ang hakbang ng aking mga paa palayo ng aking sasakyan. Dinig na dinig ko ang pag-iyak ni Pochi sa loob noon dahil marahil ay iniisip nitong iiwan ko siya. Sinundan ko ang lalakeng may bitbit na bouquet ng bulaklak. Naisip ko na marahil ay late na ito sa date niya, ngunit hindi pa rin excuse iyon na muntik na siyang mag-cause ng aksidente kung hindi lang ako nakapag-preno. Paniguradong mas malaking problema iyon na kakaharapin ko. Patuloy ko siyang sinundan, ilang dipa ang agwat ko sa kanya na hindi na napapansin na papalayo na ako sa aking iniwang sasakyan kung saan naiwan doon ang aking alagang aso. Kailangan kong ipaalam sa kanya ang muntik na! “Kailangan niyang mapagsabihan para sa sunod ay hindi niya na ulitin pa.” kumbinsi ko sa aking sarili na hindi tinatanggal ang mga mata sa likod niya. Bumagal ang aking mga hakbang nang makitang pumasok siya sa isang pamilyar na shop. Sa sobrang pamilyar noon sa aking paningin ay hindi ko na napigilan pang higitin ang aking hininga. Iyon lang naman ang shop na paborito naming tambayan ni Nicko, noong may relasyon pa kami nitong dalawa. Sunod-sunod na akong napalunok ng sariling laway. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang buhos ng mga alaala namin doon kung pipilitin ko ang sariling pumasok dito upang sundan ang lalakeng iyon! “At least, I should know his face para sa sunod na makita ko siya ay masita ko na.” Umikot ako sa kabila kung saan nakita kong nakaharap doon ang lalakeng aking sinundan, kasama ang magandang babae na alam kong kanyang kasintahan. Tinanggap nito ang bulaklak na kanyang dala kung kaya naman sigurado akong may relasyon silang dalawa. Bumagal pa ang aking hakbang paikot ng shop habang hindi tinatanggal ang mga mata sa kanilang lamesa. Nag-order sila ng inumin sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kamay ng lalake sa malapit na staff. Habang unti-unti kong nakikita ang mukha ng lalake ay hindi ko mapigilan ang sariling kabahan, lalo na nang maging klaro ang mukha nito sa aking mga matang namuo na ang mga luha dahil si Nicko ang lalake, ang ex-boyfriend kong ang buong akala ko ay nasa ibang bansa pa kagaya ng pagkakaalam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD