Chapter 5

2619 Words
Matapos na makipagkuwentuhan kay Ate Doly ng ilang sandali ay pinili kong magtungo ng aking silid at doon muna tumambay. Hapon pa naman kami aalis at masyado pa iyong maaga. Napagkasunduan na lang din namin na sa labas na kumain, since tinatamad ang lahat na magluto ng aming pagkain. Pabor din iyon sa akin dahil after noon ay pwede na akong dumeretso pauwi since kasama namin si Pochi at Ate Doly, sa pet friendly na shop kami kakain kaya naman hindi na ako doon mahihirapan pa dahil medyo malayo ang luma naming bahay kumpara sa aking apartment. At isa pa, gusto ko ‘ring maagang mamahinga ngayong araw. Kulang na kulang din ako sa aking tulog na hindi naman na talaga nakumpleto. Feeling ko lang ay kulang pero ang totoo ay hindi naman, namimiss ko na ‘ring magkaroon ng lazy bones buong maghapon na madalas na hindi ko na nagagawa. Iyong tipong hihilata lang ako maghapon at babangon lang ako once na nakaramdam na ako ng uhaw o kung hindi naman ay nagugutom. Mga panahong walang ibang iniisip kung hindi ano ang aking gagawin pagdating ng bukas at kung kailan ako tatanda na minamadaling mangyari. “Sa silid lang ako, Mama.” wika ko sabay turo sa dereksyon noon. “Sige, kakatukin na lang kita kapag aalis na tayo. Bagong palit naman iyon ng bedsheet at mga punda, magpahinga ka muna. Patpatin ka na naman.” Tumawa lang ako ng mahin at bumaling kay Ate Doly. “Ate Doly, ikaw na muna ang bahala kay Pochi.” “Oo, sige, ako na ang bahala sa aso mong iyon.” Ngumiti lang ako at tinalikuran na silang dalawa ni Mama. Mabagal akong humakbang patungo ng aking silid na alam kong maraming alaalang ibibigay sa akin oras na manatili ako dito keysa ang inaasahan nilang magpahinga ako. Matagal din na panahon na naging karamay, kasalo at kanlungan ko ang silid na iyon. Magkahalo man ang aking emosyon. Masaya man o malungkot. Umingit ang pintuan noon nang marahan kong itulak. Hindi iyon naka-lock na aking nakasanayan na dati pa. Nagbigay ng kakaibang pakiramdam ang amoy ng simoy ng hangin doon. Para akong ibinalik nito sa aking kabataan na hindi ko man aminin ay alam kong labis kong namimiss. Sa aking batang imahe na walang alam kung hindi ang manood ng korean drama, matulog sa tanghali, mag-aral ng mabuti at humilata buong araw at magdamag sa kanyang munting kama na ang buong akala ko noon para sa akin ay malaki na. Namimiss ko ang mga panahong iyon na ang tanging iniisip ko lang ay pansariling kapakanan at ang aking patuloy na pag-aaral. Ni hindi sumagi sa aking isipan na sa aking paglaki at pagtanda pa, hihilingin ko na sana ay habangbuhay na lang akong naging bata, habangbuhay na lang akong nakatira dito. Although binigyan ako ng kalayaan na matagal kong inaasam, mas lamang pa rin sa aking puso ang kahilingan na sana ay manatili na lang ako noong bata, na masaya lang lagi. “Nakakamiss talaga...” Dumeretso ang aking hakbang sa mini-table ko kung saan nakalagay ang aking old model na computer set. Pinagapang ko ang aking mga daliri sa magaspang na texture ng table pababa sa mga munting cabinet kung saan may bakas pa rin ng aking kabataan. Doon ko itinatago ang ilang letters na aking natanggap noon. Uso na noon ang cellphone at maging ang social media account, pero I find na mas sweet pa rin iyong minsang nakakatanggap ng love letter galing sa taong hinahangaan mo. Bagay na namimiss ko rin. “Parang walang nagbago,” mahinang bulong ko na umatras ng kaunti upang dumikit lang ang aking mga binti sa gilid ng aking kamang niluma na rin doon ng panahon. Naupo ako doon at muli na namang sumilay sa aking labi ang kakaibang ngiti ng pangungulila sa panahong nakalipas na. Tandang-tanda ko pa noon ang mga panahong lulong pa ako sa mga korean drama sa edad na twelve. Masyado pang bata ngunit ibang kilig na ang hatid sa akin ng mga pelikulang iyon. Kung minsan naman ay libro ang hawak ko. “Sanna, ano na? Bilisan mo naman, aba!” nauulinigan ko pang hiyaw ni Mama nang araw na pa-grade seven na ako at mamimili kami ng mga gamit ko sa palengke. Malawak na ang aking ngiti na sumampa ako ng kama. Iniunat ang aking katawan doon na bagama’t kasya pa naman ay medyo bitin na iyon sa banda ng aking paa. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakaunan sa isang braso ang ulo. Kaagad kong nakita sa aking balintataw ang batang Rosanna na noon na ballet teacher na ngayon at malaki na. “Nandiyan na po Mama, sandali lang naman!” “Ayan, magpuyat ka pa! Kakapanood mo iyan ng walang kwentang mga pelikula na hindi mo naman maintindihan ang mga sinasabi nila.” Napabunghalit na ako doon ng tawa habang nakapikit pa rin. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano ka-anti korean drama si Mama. Bagay na namimiss ko rin dahil sa ngayon, hindi ko na iyon magawa o marahil ay lumipas na rin dahil sa ibang mga bagay na priority ko na ngayon. Hindi kagaya noon na walang iba akong iniisip bukod doon. “Si Mama talaga, pero ngayon siya naman ang lulong sa mga korean drama...” nguso ko pang natatawa dahil late bloomer siya pagdating sa bagay na iyon. Naging mabilis ang aking galaw noon dahil mukhang badtrip na naman sa akin si Mama. Binuksan ko na ang pintuan ng silid upang marinig lang ang mga pinagsasabi niya sa akin na ang kadalasan ay puro pagbabanta nang dahil sa aking mga ginagawa. Nakakatawa kung aking babalikan ngayon, pero noon takot na takot na ako kapag sinasabi niya na ang bagay na iyon. Siguro dahil masyado pa ako noong bata at hindi alam kung alin ang kaya niyang gawin sa hindi. Ngunit ngayon, balewala na lang sa akin ang lahat-lahat. “Mama, hindi naman ako nanood ah? Naligo po ako agad noong sinabihan mo akong maligo at aalis tayo.” katwiran ko sa kanya na alam kong hindi niya papaniwalaan. “Sus, kung naligo ka agad eh ‘di sana kanina ka pa tapos.” “Isang episode lang naman iyon, itinuloy ko lang naman para hindi ako naghahabol.” “Tingnan mo na? Nangangatwiran ka pa talaga sa akin ng pabalagbag?!” Ngumisi na ako doon, aliw na aliw na sa galit na galit na reaction niya noon. “Isang episode, pero isang oras ang tagal noon.” Hindi na ako nagkomento na lumabas na ng silid. Hindi na nag-abalang magsuklay ng buhok na aking nakalimutan na ‘ring gawin dahil sa bunganga niyang nagra-rap. “Nakung bata ka, punuin mo pa ako at talagang papaputulan ko ang internet connection natin.” bagay na mas ikinakatakot ko sa lahat ng kanyang pagbabanta, kakabahan na ako doon at iisipin na ano na lang ang magiging buhay ko kapag ginawa niya iyon? “At isusumbong din kita sa Kuya Roelle mo nang mapagalitan ka niya.” “Mama, ito na nga po oh, nakalabas na ako.” pandidilat ko ng aking mga mata sa kanya ngunit hindi ko naman iyon magawang ibaling sa kanya, kumbaga lihim lang ang mga emosyon ng inis sa aking mukha. Baka kapag ginawa ko iyon sa kanya, makalbo niya ako ng wala sa oras at panahon. Pamartsa na akong humakbang paalis doon. Dere-deretso akong lumabas ng bahay. “O bakit hindi maipinta 'yang itsura mo?” tanong nitong bahgayang sumulyap sa akin, lulan na kaming dalawa ng sasakyan. “Ang gusto ko lang naman ay ang magising ka sa katotohanang nasa totoong mundo ka Sanna at wala sa mundo ng mga kakaibang nilalang. Huwag mo sanang ikasama iyon ng kalooban, Rosanna.” Hindi pa rin ako kumibo. Masyado akong sensitive noon bilang bata. Ayoko ng pinapakialaman din ako na pangit naman talagang pag-uugali. Nakakakonsensya tuloy. “Kulang na lang ng kaldero para may maisabit ako diyan sa nguso mong ang haba-haba.” “Mama?” reklamo ko na doon, as if namang kakayanin ng nguso ko ang kaldero kapag sinubukan niya iyon. “Bakit ho ba tayo nagmamadali?” “Hoy Sanna, hindi na aakalain ng iba na maaga tayong gumising. Neng, kung nakakalimutan mo ay alas onse na ng tanghali.” diin nito sa oras na ng araw na iyon. “Eh, ‘di dapat mamaya na lang pong hapon tayo pumunta. Nakapagsuklay man lang sana ako.” dabog kong kuha sa salamin sa aking harapan, “Ni hindi pa ako nakapagpolbo, ano na naman ang sasabihin ng mga old classmate ko kapag nakita nila akong ganito ang hitsura ko?” “Aba! Kasalanan mo na 'yan, huwag mong isisi sa akin.” irap nito at balik ng mga mata sa kalsada, isa sa mga gusto kong matutunan din ay ang magmaneho para kapag lumaki na ako at magkaroon ng sasakyan ay hindi na ako mahihirapan. “Kung maaga kang gumalaw eh, ‘di nakapag-ready ka ngayon. Hindi iyong maaga ka ngang gumising pero kaharap agad iyong panonood ng walang kwentang palabas. Suggest ko nga sa Kuya mong ibenta na lang iyong laptop mong bago, hindi nakakatulong sa'yo eh. Gastos lang sa kuryente, anong sa tingin mo? At saka ang hirap mo na ‘ring utusan mula ng matanggap mo iyon. Bigla kang naging bingi o bingi-bingihan.” “Mama summer pa naman,” agad na katwiran ko na bigla na lang nalungkot doon. “At saka birthday gift 'yon sa akin ni Kuya Roelle, bakit ibebenta mo?” “Isang linggo na lang Sanna at grade seven ka na, hindi ko alam kung saan mo natutunan iyang mga kalokohan mong 'yan. At isa pa kaya kita sinasaway ay dahil sa maagang lalabo iyang mga mata mo. Sinasabi ko sa’yo, maaga kang magsusuot ng salamin nang dahil sa mga ginagawa mo ngayon sa sarili mo! May singil iyan.” And she was right. Nasa huling taon ako sa college nang kinailangan kong magsalamin nang dahil sa madalas na pananakit ng aking ulo at pagluluha ng mga mata. Hindi naglaon noon ay nalaman na ang taas daw ng aking astigmatism. Bagay na alam ko kung bakit ako maagang nagkaroon nito. Natawa pa ako nang maalala ang naging sagot ko noon kay Mama, hindi ko inakalang darating pala talaga ako sa puntong iyon ng aking buhay. May pagsisisi, pero anong magagawa ko kung naroon na iyon at malabo na? “Eh, ‘di sasabihin ko kay Kuya na pasalaminan niya ako.” Biglang pumreno si Mama mabuti na lang at naka seatbelt ako. “Alam mo Rosanna, iyang mga barkada mo bad influence iyan sila sa’yo.” litanya niyang ikinakunot ng aking noo, hindi ko maintindihan kung bakit ano ang koneksyon nila sa sinabi kong pagpapasalamin ng mga mata. “Ngayon pa lang ay lumayo ka na sa kanila. Hindi talaga nakakabuti sa’yo, ngayon pa lang ay suwail ka ng anak.” Napabuntong-hininga na ako noon. Siguro nang dahil sa katigasan ng ulo ko kaya niya nasabing suwail ako, na hindi ko rin naman siya masisisi. “Ayan ang sinasabi ko sa’yo! Ang tigas-tigas kasi ng ulo mo, Sanna. Pagod na pagod ang mga mata tapos maliligo, iyan ang napapala mo. Tingnan mo na? Hindi ako nagkamali na maagang lalabo ang iyong mga mata nang dahil sa mga ginagawa mo noon? Ayaw mo sa aking maniwala!” pagbubunganga nito habang tinitingnan ng doctor ang aking mga mata, panay ang bunganga nito sa aking gilid. Sana pala, hindi ko na lang siya noon isinama. “Huwag ka pang makinig hanggang sa mabulag ka nang tuluyan!” hilaw akong ngumisi noon, hiyang-hiya na sa ginagawa niyang pagbubunganga sa akin. Wala talaga siyang pinipiling oras at lugar, si Mama talaga! “Mama?” “Ano? Hindi ka pa rin ba makikinig sa akin?” “Tama na Mama, oo na po tama ka na at mali ako. Makikinig na ako sa inyo, sa bahay mo na lang ako pagalitan at huwag dito.” Napapahiya na rin siyang iginala ang kanyang mga mata sa paligid at napansin ang ilang mga matang nakatingin na ngayon sa kanya. Muli pa akong sinulyapan na may nagbabanta pa rin sa aking mga mata. Tumahimik nga siya, at itinuloy iyon sa pag-uwi namin ng bahay na malakas ko lang noong ikinahagalpak ng tawa. Umayos ako ng higa. Binalikan sa aking balintataw ang pagpunta namin nito ng palengke kung saan una kong nakita at nasilayan si Nicko nang dahil sa rubber shoes kasama ang kanyang pamilya. Hindi ko naman suka’t akalain na ang tagpong iyon ay hinding-hindi ko makakalimutan kahit na alam kong hindi niya naman iyon natatandaan na. “Huwag kang lalayo sa akin Sanna ha?” makailang ulit ng paalala ni Mama bago ito kumuha ng basket pagpasok ng grocery at maglakad palayo sa akin. Tumango lang ako sa kanya at iginala na ang paningin sa kabuohan ng lugar. Nasisiyahang hinawakan ang mga bag na nakalagay sa baba. May gulong iyon na school bag kaya sigurado akong hindi ito ang bibilhin ni Mama sa akin, nagsawa na ako sa mga ganito. Marami na rin akong nasira bago ako makatapos ng elementary, mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ng mga rubber shoes. Gusto ko ng isa kahit na marami akong ganito na pasalubong ni Kuya Roelle mula sa Qatar. Doon siya nagtra-trabaho bilang OFW sa propesyong Architect. Siya ang bumubuhay sa aming dalawa ni Mama, at kaya rin spoiled ako sa kanya pagdating sa materyal na mga bagay. “Rosanna?” hindi kalayuan ay narinig kong tawag ni Mama, hindi ako lumingon dahil nakatutok ang aking paningin sa kulay pulang stripe na sapatos. Ang ganda nito at alam kong babagay ito sa aking mga paa. Kunin ko na kaya? Hindi kaya ako pagalitan ni Mama? Baka hindi niya rin bilhin. “Sanna? Aba, parang hindi tinatawag ah?” “P-Po?” sagot ko pero nakatingin pa rin ako sa sapatos na iyon, pang-unisex ito kung kaya't sigurado akong bagay talaga ito sa aking mga paa. “Rosanna, halika nga dito!” mas lumakas ang tinig ni Mama, ngunit hindi ko iyon alintana. Umamba na akong kukunin ang sapatos upang ipakita kay Mama nang may isang batang lalake na dumampot dito na ikinalaki ng aking mga mata. That’s mine! Akin dapat iyon! Bakit niya kinuha? Bulag ba siya? Ako ang nauna sa sapatos! “Mommy, I want this shoes.” matigas niyang english sabay harap sa isang babaeng buntis, ipinapakita na dito ang hawak niyang sapatos. “Okay Nicko, itanong mo kung may iba pa iyang size na kakasya sa’yo.” “I think...kasya naman itong size na ito, Mommy.” sabay siyasat niya sa sapatos, tinitigan kong mabuti ang sapatos na hawak niya at tiningnan ko ang paa niya, nakasandals lang siya kung kaya't kitang kasya nga ito sa kanya. Ganunpaman ay humarap pa rin ang Ginang sa isa sa mga staff ng pamilihan upang magtanong. Ganun na lang ang panlulumo ko nang sabihin nitong nag-iisa na lang iyon at wala na ‘ring ibang size na available at naubos na ang mga iyon nang dahil sa nalalapit na pasukan sa school. Tiningnan ko ang batang babae na nakasuot ng magarang headband na pula. Unat na unat ang buhok nito at laging nakatawa maging ang kanyang mga mata. I’ll never thought na ang batang babaeng iyon ay magiging bahagi ng aking buhay for the long run, dahil ang batang babae na iyon ay si Zyvan na ngayon. Halos nasubaybayan ko rin ang kanyang paglaki, kung kaya parang tunay niya na talaga akong Ate. Itinuring ko siyang bunsong kapatid, bagay na hindi ko makuha kay Mama dahil sa wala na akong ama kung kaya imposible ang bagay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD