Chapter 45

1612 Words

Sunod-sunod na akong napalunok ng sariling laway nang lumamlam pa ang mga mata ni Preston na nakatitig lang sa akin. Naghihintay ng magiging paliwanag ko. Pakiramdam ko ay biglang naumid ang aking dila at biglang nanuyo ang aking lalamunan sa mga paninitig niya na umaabot sa kaibuturan ng buo kong pagkatao. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ang reaction na ibinibigay sa akin. Nagbigay iyon ng ibayong kaba. Hindi ako sanay na ganun ang presensiya niya. Gumalaw-galaw ako doon upang umayos ng upo, ngunit hindi iyon nakabawas ng kaba ko na lalo pang nadagdagan dahil sa ipinapamalas niyang pagkagulat sa harapan ko. “Siguro naman ay hindi kalabisan kung hihingi ako ng paliwanag sa'yo, Sanna, kung bakit? Sa anong dahilan?” ulit ni Preston sa kanyang katanungan sa tinig na mas humina pa, sa pun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD