Chapter 11

2578 Words
Hindi nagsisinungaling si Dahlia nang sabihin niya sa aking pupuntahan niya ako ora mismo. Thirty minutes lang ang lumipas at ang aking hinintay ay natagpuan ko na lang siya sa harap ng pintuan ng aking apartment. May mga bitbit na inumin na binili pa niya sa isang famous na convenience store. Mapanuri na ang kanyang mga matang nakatuon sa akin kahit na nakangiti pa ang kanyang labi. Sa mga tingin pa lang niya sa akin ay alam kong napatunayan niya na ang ibinibintang niyang pag-iyak ko. “Look at you, parang mukhang labis na nalugi ang hitsura mo, Sanna. Ano bang nangyayari na naman sa'yo ha? Akala ko ba okay ka na? Maayos ka na? Bakit panay iyak ka na naman?” Iyon marahil ang emosyong nakalarawan sa mukha ko na nakita niya. Noon ay isa siya sa mga nakasaksi kung paano ako nahirapang umusad. Dinadaan ko ang lahat sa pag-iyak. Hindi ko naman ito makontrol at magawang itago nang dahil sa pamamaga ng aking mga mata at pamumula ng ilong. At alam ko rin na kahit anong pagsisinungaling ko, hindi niya pa rin iyon papaniwalaan. Wala na akong maitago. O marahil sobrang transparent ko kahit kanino. “Tell me now Sanna, anong nangyari? Sino ang may gawa?” paused niya pa sa aking harapan sabay tikwas ng isang kilay niya, nameywang pa siya doon na parang pagod na pagod na sa aking ginagawa. “I will find it later, anyway.” “Wala, may napanood lang akong nakakaiyak. Kilala mo naman ako na mababaw ang luha. Hindi ka pa rin ba nasasanay sa akin, Dahlia?” depensa ko kahit na alam kong malabo na itong maniwala sa akin, bukod sa madalang na rin akong manood ay hindi ako basta umiiyak. “Korean drama addict na ako mula pa noon ‘di ba? Baliw na ako doon since grade seven pa.” “Sige, anong title? Sinasabi ko sa'yo girl, hindi ka magaling na sinungaling. Halatang hindi totoo ang sinasabi mo sa akin. Kilalang-kilala na kita at alam ko kung nagsasabi ka ng tunay.” Pagak akong tumawa kahit na alam kong tama ang sinasabi niya. Maya-maya pa ay inirapan ko siya nang hindi siya umalis sa harapan ko. Humigpit ang hawak ko sa handle ng pintuan. Maya-maya pa ay niluwagan ko na ang bukas ng pintuan ng aking apartment para verbal siyang alukin na pumasok na siya at maginaw ang simoy ng hangin sa labas buhat sa bukas na bintana sa may hallway. Wala akong plano na sagutin ang lahat ng mga tanong niya. And she knows me very well kaya alam ko namang mahahanapan niya iyon ng sagot kahit na hindi ko sagutin. At kusang napapaamin niya ako. “Pasok na, ano pang ginagawa mo diyan?” may katarayan ang tono ng aking tinig, sanay na siya sa ganung gawi ko na para sa kanya ay defense mechanism ko para tigilan na niya ang magtanong. Subalit sa halip na tigilan niya ako ay lalo pa niya akong inuusisa sa mga bagay. “Bilisan mo at papasok na ang lamok, Dahlia!” Humalakhak lang siya sa naging reaction ko at kapagdaka ay pumasok na siya matapos na magtanggal ng suot niyang sapatos. Hindi pa rin nawawala ang makahulugan niyang mga titig sa aking mukha. Kibit-balikat ko iyong hindi pinansin at isinara na ang pinto. Hindi na bago sa akin ang ganun niyang reaction. Noon ay isa siya sa aking mga kaibigan na naging sandalan tuwing umiiyak at nahihirapan ako. Naging karamay ko siya sa mga panahong sobrang dapang-dapa ako at nakasadlak sa sakit na idinulot ng karanasan sa kahapon. “Oo na, ito na papasok na ako Madam!” umikot pa ang kanyang mga mata sa kawalan. “Ang taray mo, ha?” Tumawa lang siya nang mahina. Sanay naman na ako sa kanya. Sa aking mga kaibigan siya iyong tipo ng taong palaging palaban. Walang sinuman ang makakapantay sa kanya. Kung sina Alma, Azky, Celeste at iba pa ay agad ng tatahimik kapag sinabihan ko. Siya ay hindi. Parang palagi siyang maraming ipinaglalaban. Sumunod na ako sa kanya na dere-deretsong nagtungo sa aking nakabukas pang kusina. Inilapag niya sa center counter ang bitbit niya. “May sipon din kasi ako Dahlia at saka—” “Hay naku, Sanna, ilang beses ko pa bang sasabihin sa'yo na hindi bagay sa’yo ang maging sinungaling? Halatang-halata ka eh!” sulyap niya sa akin na ang mga mata ay hindi pa rin makapaniwala, paulit-ulit pa siyang umiling na animo ay dismayado sa akin. ”Ilang beses ko pa ba iyang sasabihin sa’yo para tumatak sa isipan mo at hindi mo na gawin? Nakakasawa rin na paulit-ulit na lang tayo dito. You are the worst liar na nakilala ko! Realtalk!” irap pa nito sa hangin, na lalo pang nadismaya. Ngumuso na ako doon. Doon naman siya magaling. Ang mang-realtalk pero mabait naman at reliable siya bilang kaibigan ko. “Maganda ka. Hindi mo kailangang aksayahin ang beauty at mga luha mo sa lalakeng iyon na hindi ka marunong pahalagahan. Tumigil ka ng umasa sa kanyang babalikan ka pa niya Sanna. At tama na rin ang paghihintay mo sa wala.” Hindi ako doon nagkomento. Pinili ko na lang ang manahimik. Kahit na mangatwiran naman ako sa kanya sa bandang huli ay hindi pa rin naman ako sa kanya mananalo. Sinundan ng aking mga mata at pinagmasdan kong tanggalin niya ang mga inuming dala mula sa loob ng plastic bag at kaagad na binuksan. “Oh, inumin mo at baka matauhan ka na!” Tinanggap ko ang bote na ibinigay niya sa akin nang walang pag-aalinlangan. Hindi pa rin ako nagsasalita laban sa mga hanash na sa buhay. “Ilang taon na rin naman ang lumilipas mula ng matapos ang relasyon niyo at maputol ang communication at connection niyo. Sa tingin ko panahon na para kalimutan mo na siya, girl. Dapat lang din na maging maayos ka na dahil sigurado akong maayos na rin siya ngayon.” dagdag niyang ang tinutukoy ay si Nicko dito. “No comment ako, Dahlia.” “As usual, palagi ka namang ganyan kahit dati.” Panandalian kaming nagsukatan ng tingin nito. Lumabas na rin ng aking silid si Potchi at kakawag-kawag na ang buntot nito kay Dahlia. Halos kilala na niya ang lahat ng aking mga kaibigan kung kaya naman sa halip na batukin, ikiniskis pa nito ang katawan sa mga friends ko. Walang mintis iyon, kilala sila ng aso ko. “Hi, Potchi sino ang nagpaiyak sa Mommy mo this time? Ang Daddy mo ba ha? Sumagot ka!” Mabilis na lumipad ang aking isang palad sa kanyang isang braso at marahang pinalo iyon. “Gaga, para kang sira diyan!” Nilakipan ko iyon ng tawang ni hindi umabot sa aking mga mata. Ramdam ko iyon kung kaya alam kong kanya rin namang mababasa. Pinandilatan niya ako ng kanyang mga matang mayroon pang suot na make up. Halatang may pinuntahan ito bago siya makipagkita sa akin. “Mali ba ako? Hindi ba siya ang rason? OMG!” pairit na natutop na nito ang kanyang nakaawang na bibig. Hindi pa rin siya makapaniwala dito. “Sabihin mo sa akin Sanna, kung mali ako. Siya lang naman ang alam kong nagpapaiyak sa’yo palagi. Paano ba naman ang martir mo, ang dami mong manliligaw hindi ka makapili ng ipapalit sa lalakeng walang kwenta na iyon! Huwag mong sayangin ang beauty mo sa kanya, aba!” Tumawa lang ako at muli pang piniling hindi na nagkomento sa bagay na iyon. Kung papatulan ko siya ay paniguradong hahaba pa ang magiging paliwanag ko. Mabuti na iyong manahimik na lang ako. Hindi ko pa mararamdaman ang muli ko pang panghihinayang sa mauungkat na mga bagay. “Hindi siya Dahlia, huwag ka ngang mangbintang diyan!” “Palitan mo na kasi, ang dami mong pamalit. Huwag kang mag-inarte!” Iniwan ko na siya doon at humakbang na patungo ng aking sala. Sinundan niya ako dito habang nagbabanggit ng iba't-ibang mga pangalan. Mga pangalan ng aking mga manliligaw na nakahilera dati. “Nandiyan si Daz, bagay na bagay kayo noon. Gwapo siya at maganda ka. Wala ka ng ibang hahanapin pa sa katauhan niya dahil total package na siya. Good job and good image. At saka halatang head over heels siya sa’yo dahil kahit na nagkakaroon siya ng girlfriend kung minsan, oras na mag-break sila, sumusubok pa ‘ring manligaw ulit sa’yo sa pag-asang baka nagbago ka na at bibigyan mo na siya ng chance.” “Nakailang basted na nga ako sa kanya, ewan ko ba sa taong iyon at ayaw pa ‘ring tumigil kahit prina-prangka ko na.” Naupo na ako at inilapag ang inumin sa salaming center table. Tumabi siya sa akin at ginaya na rin ang ginawa ko. Bumaling pa siya sa akin upang may e-rebutt na naman sa mga sinabi ko. “Parang ikaw lang din siya Sanna, matagal na kayong hiwalay ni Nicko pero heto ka pa rin at naghihintay sa kanyang pagbabalik. Ni hindi na nga yata kayo nag-uusap pa magmula noong magdesisyon siyang makipaghiwalay sa'yo eh. Ang martir mo talaga!” “Binati niya ako noong huling birthday ko,” giit ko kahit na ang petty ng reason na iyon. Kahit sino naman ay pwedeng bumati dahil nga sa rason na birthday ko iyon. Gusto ko lang sabihin sa kanya. “At happy ako doon.” “OMG! Sanna, hindi ka na bata. Natural na may bumati sa'yo noon dahil nga birthday mo di ba? Ang babaw pa rin talaga ng kaligayahan mo!” Malakas siyang humagalpak ng tawa nang dahil sa sinabing iyon, naiiling pa ito. “Hindi ka na niya gusto. At saka expire na rin iyong pagmamahal na nararamdaman niya noon para sa'yo. Tama na. Huwag ka ng umasa.” Ouch! Ang harsh ah? Walang preno ang bibig! Kaibigan ko ba talaga ito? Hindi ako muling nagkomento or kahit na suplahin ang mga sinabi niya dahil ang iba dito ay totoo. Hindi ko rin iyon kailangang itanggi sa harapan niya. Ilang beses na rin akong sinasampal ng katotohanang iyon. Hindi ko lang ito pinapatulan dahil mas lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko rin iyon iniisip dahil alam ko sa aking sarili kung ano ang totoo. “Oo na, hindi na kailangang ipagdiinan pa!” hindi nakatiis ay alma ko na sa mga sinabi niya, “Grabe ka naman sa akin!” Muli lang itong tumawa ng makita ang reaction ko. Suportado naman niya ako sa kahit na anong maging desisyon ko sa buhay kagaya ng ibang mga kaibigan ko, ngunit may mga pagkakataon na sinasalungat niya ako. Hindi siya payag o palaging pabor. O hindi man niya iyon tahasang sabihin sa akin pero ipinaparamdam naman ang mga ito. “Subukan mong magmahal ng iba. Trust me, doon mo malalaman na capable ka naman pa lang magmahal ng iba. Ikinukulong mo lang ang sarili mo sa nakaraan na ikaw na lang ang siyang nakakaalala. I am sure, he is having fun at this moment while you is here crying alone. Nakakulong pa rin sa nakaraan.” “I am not alone, narito ka at kasama ko.” “Huwag ka ngang pilosopo diyan, Sanna!” irap nitong muli na binuhat na ang inumin niya. “Ang daming lalake na mas higit sa kanya.” Tumango-tango ako, kunwari sang-ayon dito kahit na wala naman akong ibang makita na higit pa kay Nicko. “Kung ayaw mo kay Daz ay nandiyan naman si Preston. Wala ka na ‘ring ibang mahihiling doon. Ang kailangan mo lang gawin ay ang mamili sa kanilang dalawa at subukan na ibaling ang atensyon mo sa kanila.” tukoy niya sa isa ko pang masugid na manliligaw na walang kadalaan kahit pa sinabihan kong wala naman din itong pag-asa sa akin at mapapala. “Tuluyang kalimutan mo na ang first love mong si Nickolai. Ako na ang magsasabi sa’yo girl, maraming magagandang babae doon sa Guam. Baka nga mamaya ay pinalitan ka na niya nang hindi mo alam. Asang-asa ka pa sa kanya habang nagsasaya sa kandungan ng iba. Huwag mong ikulong ang sarili mo, girl! Listen to me!” Hindi ako nagsalita. Binuhat ko lang ang bote ng aking alak at sunod-sunod iyong tinungga. Hindi ko na mapigilan na maramdaman ang sakit sa dibdib lalo pa nang maalala ko ang aking nakita kanina. Paulit-ulit iyong nag-replay sa aking isipan. At tumatak pa ang halikan nila! “Gusto mo bang ako na ang mamili sa kanila para sa'yo ha? Sabihin mo lang sa akin, Sanna.” Umiling ako. Bagay na ikinalingon na niya sa akin. Naburo ang mga mata niya sa aking mukha. Hindi ko na naramdaman ang muling pagbalong ng aking mga luha. Bagay na huling-huli ni Dahlia kahit na itago ko pa. “What’s wrong with you, Sanna? Bakit umiiyak ka na naman ha? Ano ba talagang problema?” “Tama ka nga yata, Dahlia. Marapat lang talaga na kalimutan ko na siya.” humihikbing sambit ko na kahit na anong palis ang gawin sa mga luha ay umaagos pa rin pababa. Hindi ko na iyon maampat kahit na anong gawin ko pa dito. “N-Nakita ko siya kanina, may kasamang iba. Hindi ko alam na sa lahat ng pagkakataon ay ngayong araw pa talaga. Akala ko nasa Guam pa siya, pero hindi ako maaaring magkamali. Siya iyong nakita ko kanina at...” natigilan ako, hindi ko na alam kung ano ang idudugtong ko. Bago pa ako muling makapagsalita ay kinabig na niya ako at niyakap na doon nang mahigpit. “Okay lang iyan, iiyak mo lang ang lahat pero sana pagkatapos ng gabing ito ay tama na. Wala ka ng kahit na isang patak ng luhang sasayangin sa kanya. Hindi mo ito deserve, Sanna. You deserve to be love and be happy with someone else.” Pumalahaw pa ako doon ng iyak. Inilabas ang sama ng loob na matagal nanatili sa puso ko. Tama si Dahlia, panahon na para kalimutan ko na siya at tuluyang bitawan dahil hindi na ako mahalaga sa kanya. At ibang babae na iyon. Sapat na siguro iyong ilang taon na tinikis ko ang aking sarili upang maging maligaya sa piling ng iba. Panahon na siguro para buksan ko ang aking puso sa lalakeng alam kong kaya akong pahalagahan, mahalin at alagaan. Hindi na dapat si Nicko ang klase ng lalakeng ideal man ko dahil matagal na niya akong binitawan. “Makakatagpo ka rin ng lalakeng mamahalin ka niya ng higit pa sa pagmamahal ni Nicko noon. Go out, have a dates and have fun. Alam mo naman ang limitations mo pagdating sa bagay na iyon. Kung ayaw mo kay Daz or Preston, go out and have a blind dates as you want. Walang pipigil sa gusto mo. Pero kung ako ang tatanungin mo? I'd rather choose between Daz and Preston, Sanna, dahil sila ay kilala ko na mula noon. Hindi na mahirap pakisamahan.” Hindi ko alam kung magagawa kong mamili sa kanilang dalawa dahil tuwing tinititigan ko sila, si Nicko ang aking nakikita at naaalala. Marahil ay dahil sa halos malapit lang ang edad nila. “E-Enjoy mo lang ang buhay, Sanna.” dagdag niya pang marahang hinagod ang likod ko. “I will definitely do that, Dahlia. Susundin ko na ang mga payo mo na maging masaya ako.” “That's right girl, tama ang desisyon mong iyan dahil alam mong nakakapangit ang maging malungkot nang matagal. Piliin mo ang maging masaya dahil mas nakakaganda iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD