Chapter 10

1518 Words
Nang dahil sa nangyari ang buong akala ko ay magkaibigan na kaming dalawa ni Nicko, kung kaya naman nang sumapit ang araw ng Lunes ay makapal na ang mukha kong nilapitan siya. “Good morning, Nicko!” Malapad pa ang mga ngiti ko sa kanya, nasa may gate pa lang kami ng school. Nakahanda na ang aking bibig na magsalita upang ikwento ang mga kaganapan sa tutang ibinigay niya sa akin. Kung gaano nito kagusto ang pangalang ibinigay niya at marami pang iba. Ngunit, halos mahulog ang aking panga nang lagpasan niya lang ako doon na para bang hindi niya nakita. “Hindi niya ba ako narinig? I am sure na sapat ang lakas ng tinig ko para marinig niya kanina.” Inilibot ko na ang aking mga mata sa paligid upang matagpuan lang ang aming schoolmate na nakatingin na sa akin at ang ilan pa ay nagbubulungan na dinig na dinig ko naman. Hindi na mapigilan na mapahiya doon nang dahil sa pangde-deadma niyang ginawa. I thought magkaibigan na kami, mali pala ako. Ilang beses akong napalunok ng sariling laway. Kung alam ko lang na hindi niya ako papansinin ngayon ay nungkang batiin ko siya. Pigil ang aking hininga at taas ang noong humakbang na ako patungo ng aming classroom. Hindi pinansin ang mga schoolmate na alam kong nakasunod ang mga mata sa akin. Ang ilan pa nga doon ay kaklase namin na marahil ay nagulat din sa nakita. Sino nga ba naman ako para pansinin ni Nicko? I am their muse, nah, I am nobody. “Good morning, Sanna!” malakas na bati ni Alma pagpasok ko pa lang ng pintuan, nasa loob na ito na palagi namang maagang pumasok. Siya na yata ang nagbubukas ng gate, na halos kasabay ng guard dumating. “Good morning.” Wala sa mood akong pumasok ng silid-aralan. Hindi pinansin ang bandang upuan ni Nicko na alam kong nakaupo na doon. Naramdaman ko ang mga mata niya sa akin ngunit hindi ko pa rin siya nilingon. Ayaw niya pa lang pansinin ko siya, sana sinabi niya para nagpanggap pa rin ako na hindi ko siya kilala. O baka naman bad day pa rin siya ngayon gawa ng problema niya? Bahala nga siya. Uso naman ang text, 'di ba? “Si Azky?” tanong ko habang nauupo na sa aking bangko matapos na hubarin ang bag. “Wala pa, alam mo naman iyon laging late.” Tumango lang ako, hindi na nagbigay ng kahit na anong reaction. Muli lang napaangat ang aking mukha ng makita ang pares ng sapatos sa harapan ng aking upuan. Kay Celeste iyon. “Kailan ka magpapalagay ng brace? Akala ko ba ngayong nasa grade 11 na tayo? Kapag mas maaga, mas mabilis maaayos ang ngipin mo.” Mahina ako doong natawa. Hindi naman kami magkaibigan na dalawa. Ngayon lang niya ako kinakausap ng ganito. Natatandaan ko noong mga unang araw namin ng pasukan sa grade seven ay inis na inis ako sa kanya. Hindi ko alam pero may parte sa dugo kong kumukulo kapag makikita ko ang maganda niyang mukha. Maganda siya. Mula grade seven ay siya muse namin siya, ngayon lang na grade eleven ako naging muse marahil ay dahil sa absent siya noong nag-nomination kami dito. At ngayon ngang nasa grade 11 na ako, hindi ko alam kung paano naka-close siya. Basta natagpuan ko na lang ang sarili na kinakausap niya na at nakikitawa na rin ako sa kanila. Si Alma lang talaga at Azky ang kaibigan niya. “Hindi ko pa nababanggit kay Mama, masyado siyang busy sa munti naming business eh.” “Magpaalam ka na, may kilala akong dentist na pwede kang bigyan ng discount. Trust me.” “Sige, tatandaan ko iyan ah Celeste?” “Oo naman, ako pa ba? Siya ang naglagay ng braces ko. Tingnan mo, bagong adjust pa ito.” Tumango lang ako sa kanya. Hindi ko man aminin, hanggang ngayon may insecurity pa rin ako sa katawan para kay Celeste. Ibang-iba kasi kami. Siya sobrang babae gumalaw, ako ay hindi ko malaman kung kahanga-hanga ba. Tahasan ang pagpapahayag ni Azky na gusto niya si Celeste, pero deadma lang niya ito. At kung minsan pa nga nakita ko si Celeste at Nicko na may parang masinsinang usapan. Hindi ko na lang din sinabi iyon kay Alma. “Sige, sabihan kita agad kapag pumayag si Mama at ang Kuya Roelle ko sa bagay na ito.” “Sige.” Naupo na siya sa aking tabi. Hindi ko rin alam kung bakit nasa row namin siya. Samantalang dati ay palagi siyang nasa tabi ng upuan ni Nicko. Madalas silang mapagkamalan ng mga kaklase namin at kahit schoolmate na may tagong relasyon. Pinapabulaanan iyon lagi ni Celeste, ngunit walang imik dito si Nicko. At sa araw na iyon ay naisip kong baka totoo nga ito. “Hindi nga, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi kami pwedeng magkaroon ng relasyon ni Nicko?” tanong ni Celeste kay Alma, kinukulit na naman nila kasi ito ni Azky. Nasa canteen na kami at sama-sama doong kumakain, maging sa pagkain ay sa amin na rin ito sumalo. Wala naman akong pakialam. ”Let say blood related kaming dalawa nito.” “Blood related?” takang tanong ni Azky doon na kanina pa sa kanila matamang nakikinig, nagliwanag bigla ang kanyang buong mukha. “Yes, pero hindi ko pwedeng sabihin sa inyo ng wala niyang permission. Malalaman niyo rin.” Napabaling ako ng tingin sa aking tabi nang maramdaman na may naupo doon. Ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang mapagsino iyon. Si Nickolai! Dala ang tray ng pagkain niya na agad inilapag niya sa lamesa. “Pwede bang maki-share?” Mabilis akong nagbawi ng tingin sa kanya. Ganundin si Azky at Alma na kagaya ko ang reaction, na hindi makapaniwala sa gawi niya. “Sure!” malapad ang ngiting tugon ni Celeste na hindi man lang kami tinanong kung okay lang ba sa amin iyon, alam naming campus babe siya o friend ng halos lahat pero sana man lang ay may pakiramdam siya sa amin. “Nagkausap na kayo ng maayos ni Tita Suzy?” “Yes.” “Ano? Okay na ba kayo?” “Medyo.” Nagsimula ng kumain dito si Nicko, bagay na nagpailang pa sa aming tatlo sa mesang iyon. “I am sure, wala namang kasalanan si Tita Suzy dito. Tito Vandrou is at fault. Siya talaga ang may gusto sa mga nangyari noon. Siya iyong dapat na managot at hindi si Tita Suzy.” I think alam ko na kung ano ang paksa nila. At hindi ko mapigilan ang aking sarili na mainis kay Celeste. Nauna na naman kasi siya doon. Pilit hinagilap ni Alma ang aking mga mata na gaya ng mata ni Azky na puno ng katanungan. Iginalaw ko ang aking magkabilang balikat na ang ibig kong sabihin ay wala rin akong alam. Nang sumulyap sa amin si Celeste ay muli na naming hinarap ang pagkain nang tahimik dito. Hindi lang iyon ang una at huling pagkakataon na nakasabay naming kumain si Nicko doon. Masasabi kong iyon ang naging simula ng mga pagsabay-sabay niya sa aming kumain. “I hope you guys don't mind.” “Okay lang naman sa akin.” mabilis kong tugon sabay tingin ng may kahulugan kay Azky at Alma. “Ewan sa kanilang dalawa kung okay.” “Okay lang din sa akin.” si Alma na umiiling at hindi ko mawari kung ano ang ipinaparating. “Sa akin din, Nicko, ayos lang.” si Azky na iyon na abot na sa tainga ang mga ngiti sa labi. Mabilis akong natigilan sa pag-iyak nang marinig ko ang paghuhuramentado ng cellphone na nasa loob ng aking bag. Binitawan ko si Potchi at kinuha na iyon. “H-Hello?” sagot ko ditong malat ang tinig, humihikbi pa rin ako doon at sinisinok pa. “Sanna umiiyak ka ba?!” OA na tanong ni Dahlia sa kabilang linya, she is one of my friends way back senior high, classmate ko sa ballet class. Co-teacher ko rin siya sa ballet school. “N-No, masakit lang talaga ang lalamunan--” “Try harder, hindi ka magaling na sinungaling.” nilakipan niya pa iyon ng mahinang pagtawa, halatang kilalang-kilala ang aking sarili na kahit ako kung minsan ay hindi ko rin naman kilala. “Spill the tea. Ano este sino na naman ba ang pinag-aaksayahan mo ng precious tears mo?” “Hindi nga ako umiiyak.” “Si Tita Rema, maloloko mo pero ako ay hindi.” Mariing kinagat ko na doon ang aking labi. Tama siya, ang hilig kong magsinungaling tapos sa bandang dulo ay nahuhuli rin ako. “Fine. Oo na. Umiiyak ako. Nasaan ka?” “Nasa apartment ko, bakit?” “Tara sa bar Dahlia, samahan mo akong uminom ngayong gabi kahit na saglit lang.” Dinig na dinig ko kung gaano kalakas ang pinakawalan niyang mga halakhak nang sabihin ko iyon. Tuwang-tuwa na naman ito. “Tigilan mo nga ako Sanna, manatili ka kung nasaan ka at ako na lang ang pupunta diyan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD