Sinundan ng aking mga mata ang ginagawang pabalik-balik na paglalakad ni Dahlia sa aking harapan na tila may malalim na iniisip. Tapos na kaming mag-almusal at hinihintay na lang din namin ang discharge papers ko na ipinasa niya kanina. Ani ng nurse ay hintayin na lang namin na dumating ang Doctor para sa huling check up ko sa kanya. At habang hinihintay na ma-approve iyon ay nagawa ko na sa kanyang pahapyaw na sabihin ang mga suliranin na halos ay hindi nagpatulog sa akin sa nagdaang buong magdamag. Nagresulta na iyon ng mga mata kong nangangalumata. Nai-imagine ko na ang magiging reaction niya at hindi nga ako doon nagkamali. Nagulantang si Dahlia ng aminin ko na ditong nagdadalang tao ako at hindi lang overfatigue ang nararanasan ko. “What do you mean, Sanna? Mga cravings at normal na