Chapter 55

1862 Words

Nagkibit na lang ako doon ng aking balikat at hindi na nagsalita pa hanggang sa matapos namin ang aming pagkain. Himalang naubos ko iyon ng hindi sumasama ang aking pakiramdam na kagaya ng pagbaliktad ng aking sikmura. Hindi rin ako naduwal o nasuka. Siguro ay nang dahil iyon sa aking naging pahinga. Sa ngayon ay itutulog ko na lang muna ang lahat at pipigilan ang aking sarili na alalahanin ang problemang aking kinakaharap. Bukas na lang ako mag-iisip kung ano ang nararapat kong gawin at sabihin sa kanila. Isa ko pang malalang problema ay ang aking pamilya. Oras na malaman nila ito, malamang ay papaaminin nila ako kung sino ang ama. Naisip ko na kanina na sabihing hindi ko alam at nadisgrasya ako sa aming inuman, kaya lang ay baka itakwil ako nilang dalawa kapag sinabi ko ang bagay na iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD