Chapter 9

2715 Words
Ganun na lang ang gulat ni Ate Doly nang makita at makilala kung sino ang asong yakap-yakap ko. Alam kong kilala niya ito dahil minsan ko na silang dinala dito sa bahay kasama si Nicko, pero hindi na siya nagsalita at nagbigay ng reaction doon nang magsumbong na si Mama sa kanya ng mga kalokohang ginawa ko na ang buong akala nito ay wala siyang malay at alam. Sinabi nitong itinago ko ang tuta sa room ko sa kabila ng alam kong maysakit akong hika. Hika na hindi ko naman na nararamdaman sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. And that's a good thing. Parang naging gamot ko ang aso dahil hindi nito hinayaang muling atakehin ako. “Can you imagine Doly? Nagawa niya sa ating itago ang aso! Baka nga hinahalikan pa iyan ng batang iyan eh! Hindi natin alam!” OA na reaction ni Mama na may pandidilat pa ng kanyang mga mata, halatang hindi sang-ayon sa aking ginawa ngunit wala naman siya ditong magawa. “Ang tigas talaga ng ulo!” “Birthday gift nga po sa akin siya, Mama, hindi ko naman matanggihan dahil birthday ko at saka hindi naman na ako hinihika.” katwiran ko pa rin sa kanya na pinatulis pa ang aking nguso, humigpit pa ang yakap ko sa alagang aso nang balingan niya kami ng tinging dalawa. Ginulo na niya ang kanyang buhok doon. “D-Dapat bang tinanggihan ko? Kaso nga po, birthday ko at regalo ito sa akin.” Nakita ko kung paano umangat ang gilid ng labi ni Ate Doly. Alam kong hindi siya naniniwala sa alibi kong iyon. Kung si Mama ay maloloko ko, pero siya ay hindi. Ganunpaman ay wala akong planong isuko iyon. Igigiit ko pa rin sa kanila na ang asong iyon ay regalo sa akin, at wala akong planong ibalik iyon sa nagbigay nito. “Oo nga, naroon na tayo pero bakit kailangan mong itago sa loob ng kwarto mo Sanna? Talagang hinihintay mong atakehin ka ng asthma nang dahil diyan?” wika pa niyang nagsimula ng humakbang nang pabalik-balik doon, halatang naiinis na sa akin pero wala naman siyang ibang magawa. “Ilang beses ka ng muntik mamatay nang dahil diyan. Hindi ka pa rin ba magtatanda? Wala kang isip!” Hindi ako sumagot na makahulugan lang na tumingin kay Ate Doly. Humihingi ng sorry sa pagsisinungaling na aking ginagawa. Gawa-gawa ko lang naman iyon at alam kong alam niya. Hindi niya lang ako masupla, masita at mapagalitan sa harap ni Mama dahil paniguradong magiging OA na naman ang aking ina dito. “Hay naku, pasalamat ka talaga at birthday mo ngayong araw na bata ka dahil kung hindi ay paniguradong natuktukan na kita diyan! Huwag ng umulit, ha?” Doon na nawala ang mga ngiti ni Ate Doly, alam kong maging siya ay nalimutan din ang araw na iyon at nakikita ko sa kanilang mga mata ang guilt. Okay lang naman iyon sa akin, kahit na noong mga nakaraang taon ay ipinaghahanda nila ako kahit na kaunti. Pati nga si Kuya ay hindi niya nagawang maalala iyon ngayon. Ni wala siyang tawag sa akin o kahit chat para batiin ng happy birthday. Hindi naman masama ang loob ko o nagtatampo, normal lang naman iyon eh. Busy rin sila. At syempre, ako. Ngayon ko lang din naman iyon naalala kung kailan naghahanap ako ng ira-rason ko kay Mama. Naging abala rin ako sa bisita ko. “Oo nga pala, birthday mo ngayong araw Sanna.” mahinang sambit ni Ate Doly matapos na tingnan ang kalendaryo sa gilid niya, wait, mukha ba akong nagsisinungaling? Hindi ko naman iyon sasabihin kung hindi too. O baka nagiging sensitive lang ako ngayon dahil sa sitwasyong ito? “Pasensiya na, Rosanna...” Hindi ako nagsalita. Hindi naman nga ako galit o nagtatampo sa kanila dahil maging ako ay hindi ko rin naalala. Napaka-unusual lang na hindi nila iyon maalala ngayong araw, kahit na isa lang sa kanila. Alam kong hindi naman iyon importante, pero bakit iba ang feeling ko? Feeling ko sinadya nila iyong maganap. “Mukha ba akong nag-iimbento na birthday ko? Kaya nga ako may gift na aso, eh.” nguso ko na doon at pahaging upang ipakita ang pagpro-protesta ko kuno sa kanilang harap na dalawa, “Okay lang namang hindi niyo naalala. Instead ang kapalit ay hayaan niyong alagaan ko ang asong ito at gawing pet. Iyon na lang ang pangbawi niyo sa akin sa pagkalimot sa aking kaarawan ngayong araw.” Nakita ko kung paano sila magkatinginang dalawa. Alam ko ditong wala na silang kawala. Hindi na sila makakapalag. Kapag hindi nila ako pinagbigyan, alam nilang magtatampo ako dahil sa igigiit kong kinalimutan nila ang mahalagang araw ko. “Sorry Sanna, bukas na bukas din ay ipaghahanda ka namin—” “Mama kahit huwag na, basta hayaan mo akong alagaan itong aso at saka bigyan mo siya ng access sa kwarto ko. Malulungkot siya kapag dito lang siya sa labas mag-isa. Ang lamig pa naman ng panahon ngayon. Iyon na lang ang regalo mo sa akin. Okay na ako doon.” pagputol ko sa kanyang sasabihin na alam kong hindi niya naman iyon pagtutuonan ng pansin, babalewalain niya lang din iyon. “Rosanna, hindi mo ba maintindihan na may hika ka at hindi ka dapat—” “Ang tagal ko ng inatake pero hindi naman na naulit pa, meaning wala na iyon. Magaling na ako. Hindi na nga ako madalas na makaramdam ng hinihingal eh.” muli pang putol ko sa kanya na ganun na lang ang naging pag-iling sa aking sinabi, ayaw niya pa ‘ring pumayag at makikita iyon sa kanyang mga matang nakatitig sa akin. Napalunok na ako ng sariling laway doon, parang ang hirap niya namang kumbinsihin. “Please? Mama? Pagbigyan mo na ako. Ang simple lang.” “Huwag ng matigas ang ulo mo, Sanna. Higit na alam ko ang makakabuti sa’yo sa hindi. At huwag mo ng ipilit ang pag-aalaga ng asong iyan. Hindi iyan makakabuti sa iyong pakiramdam. Baka iyan pa ang maging dahilan ng kapahamakan mo!” Lalo pang lumakas ang aking pag-iyak doon nang makita ang pagpasok ni Pochi sa loob ng aking kwarto. Tapos na nitong kainin ang pagkaing ibinigay ko kanina. Dere-deretso siyang naglakad at sumampa ng aking kama. Binangga niya ang aking isang binti at pilit na nakikipag-eye contact sa akin habang umiingit pa dito. Alam ko, nararamdaman niya kung gaano kalala ang kalungkutan ko at sakit dito. Higit pang lumakas ang aking mga hikbi nang pilit niyang isiksik ang kanyang katawan sa pagitan ng aking mga binti at kumarga sa aking kandungan na tila ba niyayakap ko siya upang kunan ng lakas kagaya ng aking ginagawa sa nakaraan. Pagkaraan ng ilang sandaling diskusyon pa doon ay hindi pa rin ako nanalo kay Mama. Hindi pa rin ako nagawang pagbigyan nito sa aking hiling na regalo dahil nais nilang siguraduhin na maayos ang lagay ng katawan kong may asthma. “Bukas after school ay kailangan mong dumeretso sa hospital upang magpa-check up. At kapag okay ka ay hahayaan kong sa kwarto mo ang aso manatili, at kapag hindi naman ay wala kang magagawa, mananatili ito sa labas ng bahay.” “Pero Mama—” “Wala ng pero-pero, Sanna, matulog ka na.” maagap niyang pagputol sa aking sasabihin na mabilis kinuha sa akin ang tuta, bagay na wala na akong nagawa. Ibinigay niya iyon kay Ate Doly na tinanggap naman nito agad. “Siya na muna ang bahala sa kanya ngayong gabi. Huwag ka ng umangal pa diyan nang umangal.” Gusto ko pa sanang magprotesta, gusto ko pang humirit ngunit minabuti kong huwag ng gawin iyon dahil alam kong wala naman na akong magagawa pa. Lupaypay at bagsak ang aking magkabilang balikat nang bumalik na ako ng silid. Inililipad ng hangin ang isipan sa katotohanang saan matutulog ang tutang iyon? Malamig pa naman ang panahon ngayon. Tiyak na iiyak lang din iyon sa labas. “Dapat talaga ay pinilit ko si Mama, hindi ko naman itatabi sa aking kama eh!” dabog ng aking mga paa pabalik ng aking silid, pinapakitang naiinis ako. “Doon lang naman siya sa lapag matutulog kasama ng kanyang amo. Hindi sa kama!” Pagbukas ko ng pintuan ay mabilis ko iyong isinara nang makitang nasa likod pa rin ng pintuan si Nicko at patuloy pa doong nagtatago. Pigil pa rin ang hininga. Kaagad siyang nagbaling ng paningin sa akin. Kitang-kita ko ang kaba at takot na bumabalot sa kanyang mga mata. Mahahalata rin iyon sa butil ng mga pawis niya na mangilan-ngilang nahuhulog sa kanyang noo. Napabuga na ito ng hinga. “I am sorry—” Sabay naming wika na parehong natigilan lang din habang magkatitigan ang mga mata. Nakikinita ko na ang hiya na bumabalot sa kanyang mga mata ngayon. Alam kong para sa aking ina ang hiyang iyon at sa abalang ginagawa niya rin. “Sorry sa abala namin sa’yo, Rosanna.” mahina niyang turan na nakahinga na ng maluwag, siya na ang unang nagsalita nang makita niyang wala akong planong dugtungan ang aking sinasabi kanina. Tumango lang ako na humakbang na ng ilang hakbang palayo sa kanya. “Hayaan mo bukas ay uuwi na ako sa bahay—” Hindi ko pinansin ang kanyang litanya pero pinutol ko ang kanyang sasabihin pa dahil sa may nais akong ipaalam sa kanya. Wala na akong choice kaya ko sinabi iyon. Sa una naman talag ay hindi ko planong gawin iyon, hiningi ng pagkakataon. Keysa naman mahuli siya at kung ano ang isipin ni Ate Doly at Mama, iyong tuta na lang na dala niya ang isinakripisyo ko. Iyon din siguro ang purpose nito dito. “I think, kailangan mong iwanan sa akin ang tuta. Sa labis kong taranta kanina ay nasabi ko kay Mama na regalo iyon sa akin dahil birthday ko ngayong araw. Hindi ako nagsisinungaling dahil totoo ngang birthday ko na ngayon ko lang din naman naalala. At thankful ako sa nagkataong araw. Hindi na iyon mahirap na paniwalaan dahil birthday ko nga.” wika kong iniiwas na ang mga tingin sa kanya, pasalampak na akong naupo doon sa gilid ng aking kama at paharap sa kanya na parang itinulos lang sa sahig na kanyang kinatatayuan. Walang reaction ang mukha niya kung kaya naman hindi ko alam kung galit ba siya sa aking ginawa o naiintindihan niya ang nais kong ipahiwatig. Wala siyang kakurap-kurap na nakatitig sa aking mga mata. “Huwag kang mag-alala, pwede mo naman siyang hiramin sa akin. At saka kapag hindi naging maayos ang check up ko bukas, mas may chance na ibalik ko na lang siya sa’yo. Pasensiya na talaga, Nicko. Hindi naman sa gusto kong angkinin ang asong iyon, hiningi lang ng pagkakataon.” Iniiwas ko na ang aking mga mata sa kanya. Nahihiya sa biglaang naging action. “It’s okay...” Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti. Iyong ngiting tipong totoo at walang halong kahit na anong pagkukunwari. Kilala siyang seryoso sa aming klase, masungit at iilan lang ang nagagawa sa kanyang makipaglapit at lumapit. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, pakiramdam ko ay bahagi na niya ako. “You can have him if you want to. Ang isipin mo na lang ay totoong regalo mo siyang natanggap sa iyong kaarawan mula sa akin. By the way, happy birthday.” muli niyang ngiti na ikinatameme ko ng ilang segundo habang nakatingin dito. Panandalian akong napatanga doon na sinundan ang kanyang paghakbang sa gilid niyang pwesto kung saan binigyan ko siya ng manipis na higaan. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero titig na titig ako sa kanyang mukha ngayon nang hindi niya napapansin. Iyong butil at binhi ng aking paghanga sa kanya noon ay alam kong ngayon ay unti-unti ng tumutubo sa loob ng aking puso. Bagay na alam kong kailangan kong supilin, at gapiin. Hindi ako pwedeng lumagpas pa sa pagiging kaklase niya. Hanggang doon lang dapat iyon. Hindi ko rin dapat isipin na magkaibigan na kaming dalawa pagkatapos ng event na ito. Umayos ka Sanna, huwag mong bigyan ang iyong sarili ng mas malalang problema pa dito! “T-Thank you...” “You’re welcome.” tugon niya bago nahiga sa kanyang inilatag ng sapin, hindi ko mapigilan ang aking sarili na medyo mailang sa aming kalagayan. Ngunit ganun pa man ay nagawa kong maging casual sa kanya, at iwinaglit ang isiping iyon. Nang gabing iyon ng aking kaarawan ay nagbukas ako sa kanya ng tungkol sa aking pamilya. Nagkwento ako ng ilang bahagi ng aking pagkatao hanggang sa makaramdam ng antok. At kagaya ng ipinangako niya, umuwi na nga siya ng tahanan nila kinabukasan. At iniwan lang sa akin ang kanyang phone number. Wala akong planong i-contact siya, at hindi pa ako nahihibang para gawin iyon! “Anong pangalan ang gusto mo?” tanong kong parang timang habang nakaharap sa asong nakaupo sa kanyang higaan, tapos na ang aking check up at isang himala na okay naman ako at sinabi rin ng Doctor na I am getting better dahil sa hindi na ako inaatake ng asthma na ilang taong nagpapahirap sa akin noon. Binigyan na siya ng access ni Mama sa loob ng aking silid sa pangakong sa higaan nito ito matutulog at hindi sa aking tabi. Bagay na sinang-ayunan ko naman kaagad. At least, nasa loob pa rin kaming dalawa ng iisang space. Hindi siya giginawin, at feeling ko ay may kasama rin ako. “Pasensiya ka na at hindi ko natanong ang totoong nagmamay-ari sa’yo. Makakalimutin na ako.” umayos ako ng dapa doon paharap sa kanya, isinara ang librong binabasa para lang parang gagang kausapin ang tutang nakatitig sa aking mukha. “Siya nga pala, mula ngayon ay ako na ang siyang may-ari sa’yo. Tandaan mo sana ang mukha ko.” Iginala ko siya sa park nang sumapit ang weekend sa pag-asang baka makita ko doon si Nicko. Nais kong makibalita sa kanya kung ano ang nangyari sa pagbabalik niya. At saka nais ko ‘ring malaman kung may pangalan siyang nais na ibigay dito. Syempre, bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa kanya ‘di ba? Subalit, sa loob ng dalawang araw na pagtungo namin doon ng tuta upang ilakad siya ay hindi namin ito nakita kahit na ang anino nito. Nalungkot ako, medyo. Ngunit inisip kong okay na rin iyon, baka busy na rin siyang muli sa pamilya niya. “Let’s go home, tatanungin ko na lang siguro siya through text kung ano ang gusto niyang pangalan mo. Kapag sinabi niyang ako na ang bahala, hahanapan kita ng pangalang babagay sa maamo mong mukha.” buhat ko sa aso at mahigpit itong niyakap, hinihingal na siya doon suiguro dahil sa layo ng aming nilakad ay napagod na siya. Gusto ko rin malaman ang breed niya para makapag-research ako ng tungkol sa kanila upang mas maging responsableng pet owner ng tuta. Nakailang tipa na ako doon ngunit agad ko rin namang binubura. Hindi ko maintindihan kung bakit nagdadalawang-isip akong mag-text sa kanya. Iniisip ko na baka maging abala ako, o kung hindi man ay baka isipin niyang may gusto ako sa kanya. Bagay na hinding-hindi ko aaminin kahit na pilitin niya akong umamin. “E-text mo na, understandable naman ang reason ng text mo.” utos ko sa aking sarili na gawin ang bagay na iyon, alam ko naman ang social media account niya pero nahihiya pa rin akong mag-send ng friend request o chat sa kanya doon. It’s not necessary naman at wala rin akong kailangan sa kanya. “At saka baka inaasahan niyang magte-text ka dahil iniwan niya ang number niya sa’yo, ‘di ba?” Pikit ang mga matang nagtipa ako ng message sa kanya. Hindi alintana ang sumisidhing kaba sa loob ng aking dibdib. Hindi ko malaman kung natatae ako o ano nang dahil sa aking ginagawa. Ganunpaman ay nagpatuloy pa rin ako. “Hi, Nicko. Nag-text ako upang itanong kung may gusto ka bang pangalan na ibigay sa tutang ini-regalo mo?” ilang segundo pa ang aking hinintay bago i-send iyon, wala pang isang minuto ay nag-reply na ito sa aking katanungan na hindi ko rin naman inaasahan. Hindi ko tuloy maiwasang mapamulagat ang mga mata!  “Pochi, iyon ang gusto kong pangalan niya kung okay lang naman iyon sa’yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD