Chapter 2

1332 Words
Nakangiti kong binuhat ang paper bag pababa ng aking sasakyan. Medyo mabigat ito sa usual na ibinibigay noon ni Zyvan sa akin. Pagkatapos isarado ang pintuan ng sasakyan ay tinalunton ko na ang daan patungong hagdan. Nasa ikatlong palapag ang aking apartment at kapag pababa lang ako gumagamit ng elevator at kung nagmamadali. Maingat ang aking mga hakbang paakyat sa baitang, habang nagtitipa ng sagot sa kaibigan. Ako: Ayos lang naman ako Alma, ikaw ba? Kayo? Alma: Okay lang rin, palagi kang busy Sanna. Hindi ka man lang sumasama sa mga labas namin. Pagak akong tumawa, hindi naman ako busy. Ako: Sige kapag inaya mo ulit ako ay sasama na ako Alma, huwag ka ng magtampo pa diyan. Alma: Matagal mo ng sinabi iyan, dati pa Rosanna. Naiiling kong ibinalik sa bag ang cellphone, kung makikipagtalo ako sa kanya wala rin naman iyong pupuntahan. Si Alma ay isa sa mga kaibigan ko noong highschool pa kami. Magkaiba kami ng pinasukang college kaya nahati na rin ang atensyon naming dalawa. Ngunit minsan ay nagkikita pa rin naman. Ma-drama lang siya na gusto niya akong kaladkarin sa mga lakad niya na gaya ng dati. “Pochi!” sigaw ko habang binubuksan ang pintuan ng aking apartment, “Nandito na ako.” Narinig ko ang kanyang malakas na pagkahol sa kabila ng aking nakapinid pang pintuan. Maliit akong ngumiti at unti-unti iyong binuksan. Tumambad sa aking harapan ang hitsura niya na tuwang-tuwa, kumakahol at walang humpay na kumakawag ang buntot. “How are you baby?” upo ko sa harapan niya, mabilis siyang padamba na yumakap sa akin. Paulit-ulit na dinilaan ang aking mukha, maingay na tumunog ang kanyang bell sa leeg. “Did you missed me that much? Ha?” Paulit-ulit kong hinaplos ang kanyang ulo, at ang kanyang flat at makinis na tiyan. Isa siyang dachshund na blue and tan. Mayroon siyang pares ng tainga na nakalaylay. Pahaba ang kanyang katawan at maamo ang mukha. Maikli ang kanyang apat na mga paa. Uri ng aso na kung bibilhin ay mahal ang magiging halaga. “Gusto mo ng treats?” tanong ko na agad siyang binuhat sa aking bisig, medyo mabigat siya dahil sa siksik ang kanyang laman. Sagana rin siya sa pagkain at mga treats na aking ibinibigay sa kanya. Tuwing umaga ay naglalakad kami habang wala pang araw, that way ay matatanggal ang fats niya sa katawan. “Bibigyan kita bago tayo lumabas Pochi.” Ilang beses niya akong dinilaan sa pisngi. Bagay na ikinangiti ko nang malawak. Noong puppy pa siya ay sinanay ko siya na huwag niya akong hahalikan sa labi, sa pisngi lang. Tinandaan niya iyon hanggang sa pagtanda. “There you go Pochi,” baba ko sa kanya sa kusina at bigay ng dalawang piraso ng treats. “Bihis lang si Mommy ha? Inom ka ng tubig.” Pochi is a male blue and tan dachshund, nasa eleventh grade pa lang ako nang matanggap ko siya bilang aking unang regalo. Inalagaan ko siya mula ng araw na iyon. He is ten years older now, ibig sabihin sampung taon na siya sa aking piling. Ang sabi nila ang lifespan ng uri nila ay aabot lang ng 12.5 years, bagay na ikinalulungkot ko tuwing naiisip ko na ilang panahon pa at tuluyang iiwanan niya rin ako. “At least ipinahiram siya sa akin ng aabot sa lifespan ng buhay niya.” bulong ko na humuhugot ng malalim na hininga, binuhat ko ang paperbag na bigay ni Zyvan at walang imik na ipinasok iyon sa aking refrigerator. “Basta susulitin naming dalawa ang natitirang taon.” Isang sulyap sa kanya ang aking ginawa na kasalukuyan nang umiinom ng tubig bago ko tinalunton ang daan patungo sa aking silid. Gabi-gabi ko siyang katabi sa aking pagtulog, bagay na nakasanayan ko na kahit noong nag-aaral pa ako ng highschool at kolehiyo, noong nakatira pa kami kasama ni Mama. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago hilahin ang aking denim short. Mabilis akong nagpalit ng shirt at pants. Check up lang naman iyon at dinner na kami lang rin. Iniikot sa taas ng ulo ang aking mahabang buhok, nilagyan ng ponytail at pagkatapos ay lumabas na ako ng silid. Nasa labas na ng pinto si Pochi hinihintay ang aking paglabas. “Excited ka na bang lumabas?” tanong ko na pahapyaw na hinaplos ang kanyang ulo, bahagya siyang kumahol at umingit-ingit. “Papasyal tayo kila Mama, iiwan kita doon kasi may check up siya. Behave ka lang dapat ha?” iwinagayway niya ang kanyang buntot sa akin, “Good boy, alam ko naman na behave ka eh.” Kinuha ko ang leash niya at ang bag na naglalaman ng kanyang bottled water, laruan, treats at saka wet wipes. Inayos ko ang pagkakabit ng tali niya sa leeg. Titig na titig ang kanyang magandang mga mata sa akin. “Kailan mo huling nakita si Ate Doly?” muli siyang kumahol na ikinangiti ko, “Miss mo na siya?” muli siyang kumahol na aking ikinatawa, “Hindi ko sure kung miss ka niya, pasaway ka kasi last time. Inagawan mo siya ng pagkain.” Hindi ko siya pinapakain ng table food pero minsan ay hindi maiwasan na mang-agaw siya. Bagay na palagi kong ikinakagalit sa kanya, hindi ko naman rin siya ginugutom o ano. Kapag nasa trabaho ako ay iniiwan ko siya sa pet shop na malapit sa amin, mabait iyong mga staff at vet na namamahala doon. Iniiwan ko lang siya dito sa bahay kapag may saglitan akong lakad kagaya nalang ngayong araw. “Pochi, behave ka lang okay?” sambit kong muli habang hinihila siya palabas ng apartment, nauuna pa siyang tumungo sa lift kahit na nila-lock ko pa ang pintuan at magsusuot palang ako ng sapatos. “Pochi?” lumingon siya sa akin at humakbang na pabalik, “Anong sabi ng Mommy sa'yo?” kumahol siya sabay upo sa aking harapan, “Good boy, behave ka lang dapat hindi ba?” Kung may makakakita sa akin o makakarinig iisipin nilang nababaliw ako, kinakausap ko ang isang aso. Wala akong pakialam sa kanila, iyong may mga aso lang iyong nakakaintindi. Sa mga sakit at saya na aking napagdaanan sa buhay ay siya ang aking labis na naging karamay. Umiiyak ako habang yakap ko siya. At alam ko na nakatulong rin siya sa aking pagbangon at muling pagpapatuloy sa buhay. “Baby let's go!” ngiti ko pagkatapos itali ang sintas ng aking sapatos, “Come on, Pochi!” Bumukas ang lift, magkasabay kami doong lumulan. Ang bawat makakasabay naming dalawa ay binabati niya ng wagayway ng kanyang masayang mahaba at payat na buntot. “Saan ang punta mo Pochi?” tanong ng isa sa kapitbahay namin, “Mukhang may lakad ka.” “Aah, pupunta kami sa bahay nina Mama.” tugon ko na maliit na nakangiti sa kanya. “Wow, may gala pala ang Poching iyan.” anitong yumukod pa at hinaplos ang ulo ng aking aso na nakangiti sa kanya, he loves attention ng mga taong nakakakita sa kanya. Gustong-gusto niya na lagi siyang binabati. “See you later Pochi, ingat ka sa gala mo.” Kumahol siya ng isang beses bilang paalam sa babae. Tinalunton na namin ang parking lot at isinakay ko siya sa front seat. Nilagyan ng seatbelt at bahagyang binuksan ang bintana. Sa pag-andar ng aking sasakyan ay nakasilip na ang kanyang buong mukha sa bintana. Isinasayaw ng mahinang ihip ng hangin ang kanyang dalawang nakalaylay na mga tainga. “You loved that Pochi?” tanong ko na bahagyang natatawa, sinulyapan ko siya nang saglit siyang lumingon sa aking banda. “Gusto mo ang amoy ng hangin sa labas?” kumahol siya at muling ibinalik sa labas ng bintana ang kanyang nakangiting mukha, “Maganda ba sa pakiramdam?” muli siyang kumahol ng isa. Sana kagaya ng buhay ng tao ang tagal ng buhay nila, para hanggang sa aking pagtanda at pagkakaroon ng sariling pamilya kung mayroon man ay kasama ko pa rin siya doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD