Kung saan-saan pa napunta ang mga usapan naming dalawa. Sa love life niya, sa trabaho ko. Sa nakaraang mga alaala nalang, sa mga pangarap niyang gawin sa pagtanda niya.
“Pero kailangan mo pa ring mag-aral ng mabuti.” pangaral ko sa kanya, “Ang mga lalaki ay nandiyan lang iyan, iyong panahon na mawawala sa'yo dahil sa kanila ay mahirap ng balikan pa iyon.”
“May pinaghuhugutan ka ba niyan Ate Sanna?”
Umiling ako, natatawa sa mga pang-aasar niya.
“Tigilan mo ako,” halakhak ko, “Base iyan sa experience na mga pinagdaanan ko.”
Malakas siyang tumawa, hinarap ang frappe niya na halos ay paubos na. Sumipsip doon.
“Nag-aaral naman akong mabuti Ate Sanna.” tugon niya na ginalaw-galaw ang baso ng frappe, “Gusto ko kasi na magkaroon ng lovelife gaya ni Mommy at Daddy, pangmatagalan kahit na ten years gap silang dalawa ni Daddy.”
“Wow! Ten years gap ba silang dalawa?” tanong ko na umayos ng upo, kapag ganitong usapan ay matagal-tagal pa kaming aalis. “Kwento mo pa sa akin Zy.”
“Oo, si Daddy ay teacher ni Mommy.” panimula niya sa lovestory ng magulang nila, kahit nagkaroon kami ng relasyon ng Kuya niya ay never niya pa itong nabanggit sa akin noon. Hindi siya nagbubukas ng topic ay ang pamilya niya. “Magkakaibigan ang mga grandparents namin pero iyong parents nalang ni Mommy ang nabubuhay. Matagal na panahon na nagpahinga iyong parents ni Daddy. Nasa senior high si Mommy nang ipakasal siya kay Daddy, uso iyon dahil chinese kami Ate Sanna.”
Tumango ako, doon ko pa lang naisip na baka isa rin iyon sa naging rason ng Kuya niya para putulin na agad ang relasyon naming dalawa.
“Tapos pinagawan sila nila Wowa ng bahay, pinagsama sila doon. Nambabae si Daddy, nagkahiwalay sila ni Mommy.” ngumuso ito, tumikwas ang isang kilay bago muling nagpatuloy. “Pero ika nga nila true love will always back kung talagang para sa iyo ang pag-ibig na iyon.” ngiti niya na umayos ng upo, “Umalis ng bansa si Mommy, pagbalik niya naging okay ulit silang dalawa ni Daddy.”
“E 'di ba bawal iyong teacher student na--”
“Tinago nila iyon tapos sa huli may nakaalam pa rin, umalis si Mommy kaya kumbaga teacher pa rin doon si Daddy dahil wala rin naman silang nilabag na batas doon 'di ba?”
“Anong nangyari doon sa babae ng Daddy mo?” kuryuso kong tanong sa kanya, hindi sa pagiging tsismosa curious talaga ako. “Kung ayaw mong sagutin ang tanong ayos lang.”
Huminga siya nang malalim bago umiling. Pinagsalikop ang dalawang palad na itinukod niya sa lamesang aming kaharap.
“Naghiwalay sila ni Daddy, pero nabanggit sa amin ni Mommy na patay na daw iyon ngayon.”
“Nagkasakit siya o na karma?”
Muli siyang umiling, napalitan ng kulimlim ang kanyang mga matang napaka-aliwalas kanina.
“Hindi ko sure pero patay na daw iyon.” aniyang parang nawalan ng ganang magpatuloy pa.
We ordered frappe again pagka-ubos nila, this time may kasama na iyong pudding. Lumalim pa ang usapan namin na kung saan nalang napunta sa pagitan ng aming mga tawanan.
“Wala ka namang lakad Ate Sanna hindi ba?” alanganin niyang tingin sa akin, inaalog-alog niya ang baso ng frappe niya. “I mean date or something today?”
“Wala, linggo naman ngayon.” tugon ko na ngumiti sa kanya, “Bakit? Saan ka mag-aaya?”
Kung dati sa school ballet na pinasukan namin ay sabado at linggo ang pasok, ganundin sa school namin. Ngunit binakante ko ang linggo. Para sa akin ay pahingang araw ko na iyon.
“Sa bahay sana Ate Sanna, salo ka sa lunch namin ngayon.” alumpihit niya pang sambit.
“Ngayon?” tanong kong tumingin sa aking relo, alas diyes palang naman. “May pupuntahan ako ng alas tres Zyvan, may lakad kami ni Mama sasamahan ko siya sa check up niya.”
“Ganun ba Ate Sanna? Sayang naman pero may mas importante ka palang lakad ngayon.”
“Bukas nalang kahit mayroon akong trabaho ay sasaglit ako sa bahay niyo.” pampalubag loob ko sa kanya, minsan lang siya mag-aya kaya mahirap iyong tanggihan. “Sa tingin mo?” nagkibit-balikat siya sa akin, “O sa next sunday nalang Zy, alam kong may school class ka pa.”
Huling taon niya na bilang kolehiyo, at masaya ako na malapit na siyang makapagtapos. Malapit niya nang makamit ang pangarap niyang kurso noon. Para sa akin ay isa iyon sa achievement ng kaibigan na itinuring ko ng aking tunay at nakababatang kapatid.
“Sige Ate Sanna, sasabihin ko kay Mommy.”
“O sige, at sabihin mo rin kay tita Suzy na pasensiya na. Hindi kasi pwedeng e re-schedule ang check up ngayon ni Mama.”
“Naiintindihan ko Ate Sanna, nakalimutan kong e-text ka para naman nakapaghanda ka pa sana nang mas maaga, pasensiya ka na.”
“Naku, wala iyon at hayaan mo na, ganun naman talaga.” tumawa ako at hinarap na ang pudding na nakalagay sa maliit na platito, “Basta next time na aayain mo ako ay i-advance mo para hindi conflict sa magiging mga lakad ko sa araw na iyon.”
“Sige Ate Sanna, next time.”
Natapos sa isang mahigpit na yakap ang pagkikita naming dalawa. Inihatid niya pa ako sa harapan ng aking nakaparadang sasakyan.
“See you soon, Ate Sanna.” kaway niya habang papaalis ako sa garahe ng nasabing coffee shop, “Ingat ka sa pagmamaneho mo Ate!”
Inilabas ko sa bukas na bintana ang aking isang kamay at ikinaway iyon sa kanya bago mag speed nang mas mabilis sa takbo ko.
“See you!” sambit ko kahit na hindi niya naman iyon maririnig, “Ingat ka pauwi.”
Nakailang sulyap pa ako sa paperbag na nakalagay sa front seat ng aking sasakyan. Hindi ko pa iyon nasisilip simula kanina. Hindi na bago sa akin ang mga banyagang chocolate. Si Kuya ang aking nag-iisang kapatid at ex OFW, kaya normal na sa akin ito.
“Siguro puro cadbury na naman iyan kagaya noong nakaraan.” bulong ko na inapakan pa ang silinyador ng sasakyan upang mas bumilis, nakangiti kong dinampot ang wireless headseat nang mag vibrate ang aking phone. “Hello?”
“Sanna...”
“Mama, papunta na po ako dadaanan ko lang si Pochi sa bahay.” agad na paliwanag ko dito.
“O sige, sabi ng Kuya mo mag family dinner rin daw tayo mamaya. Ilang buwan na daw noong huli ka niyang makita, kumustahin mo naman siya Rosanna. Hindi ka naman busy hindi ba?”
Malakas akong humalakhak, nami-miss na ang mga panahon na bubungangaan niya ako araw-araw. Nasa lumang tahanan pa rin namin siya kasama si Ate Doly na halos ay kasabay niya ng tumatanda. Noong magtapos ako ng college ay ni-regaluhan ako ni Kuya ng apartment, hindi malaki at hindi rin maliit. Doon ay ako lang mag-isa ang nakatira, kasama si Pochi at ako lang rin ang gumagawa ng mga gawaing bahay na sa pagdaan ng panahon ay aking natutunan at pilit kinakaya.
“Okay po Mama, pupunta po ako sa dinner.”
“Siguraduhin mo, ilang beses mo na kaming hindi sinisipot ng Kuya mo!”
Muli akong tumawa, nai-imagine sa aking balintataw ang kanyang pamilyar na hitsura.