Chapter 3

2630 Words
“Mama?” Nasa labas pa lang ng luma naming bahay ay umaalingawngaw na ang aking tinig doon. Nakababa na ako ng sasakyan at kasalukuyan kong binubuksan ang luma naming gate. Hawak ng isang kamay ang tali ni Pochi na gusto ng pumasok dito. “Oh? Narito ka na?” sungay ni Mama ng kanyang mukha sa nakabukas na pintuan ng aming bahay, nakabihis na ito ngunit hindi pa niya nagagawang magsuklay. “Opo, gayak ka na po ba?” Tuluyan ko ng nabuksan ang gate at tinatalunton na ang daan patungong pintuan. Sinusundan ang kagustuhan ng aking alagang aso na kaagad ng makapasok doon. “Sandali lang, Sanna, magsusuklay na lang ako.” Nakangiti na akong tumango sa kanya. “Sige po Mama, maaga pa naman.” sipat ko sa aking pangbisig na orasan, bukod pa doon ay malapit lang din naman ang hospital kung saan every three months siyang nagpapa-check up. Healthy naman siya, nais lang namin ni Kuya na gawin niya iyon in case na may mali na pala sa kanyang katawan ay makita namin agad. “At saka hindi naman gaanong traffic patungo ng Valderama Medical Hospital.” “Kumain ka na ba?” “Tapos na po.” “O sige.” Nawala ito sa may pintuan upang ituloy na ang kanyang ginagawa. Pinakawalan ko na si Pochi na mabilis nang tumakbo palibot ng aming lumang tahanan. I bet na-miss niya rin ang lugar na ito na kanyang naging tahanan bago pa man ako mag-move sa aking apartment. Secured iyon nang dahil sa bakod nitong bakal at hindi naman din siya doon makakalabas dahil sa maliit na mga pagitan. Nakalatag pa rin ang bermuda doon na hindi na nila tinanggal. Lugar na gustong-gustong paglaruan noon ni Pochi, umaraw man at umulan. Nakangiti ko na siya doong pinagmasdan na manakbo. Humiga-higa pa siya doon na para bang tuwang-tuwa siyang muling nakabalik dito. Madalas kaming pumunta dito kapag hindi ako busy at isinasama ko siya. Playground niya ang bahaging iyon ng aming lumang bahay. “Hi, Pochi! It’s been a while...” labas ni Ate Doly sa likod na pintuan ng bahay upang batiin lang ito na mabilis ng tumakbo palapit sa kanya, tuwang-tuwa na siyang pinaghahalikan ng matanda na noong una ay ayaw ng aso pero hindi nagtagal at natutunan din niya itong magustuhan. “Na-miss mo ako ano?” Excited na kumahol si Pochi na patuloy na dumadamba kay Ate Doly. Maya-maya pa ay tumayo na ang babae at iniwan doon si Pochi na muling ikinuskos habang nakahiga ang katawan niya sa manipis na tubo ng damong bermuda. Ibinabalik ng tanawing iyon sa aking isipan ang unang beses ko siyang iniuwi dito kasama ng taong nagbigay nito sa akin bilang regalo. Sobrang liit pa lang niya noon. Takot na takot humakbang nang bitawan namin sa lupa. Puno ng pakiusap ang kanyang mga mata na huwag iwan doon. Umiingit ito na parang iyak ng aming tatalikuran. “Siguro ayaw niyang maiwan dito sa labas?” Muli namin siyang nilingon noon na agad tumigil sa kanyang munting mga ingit. Galing ako sa labas ng bahay at may binili lang sa tindahan nang madaanan ko sila sa may park. Nakakubli sa ilalim ng slide habang pumapatak ang ulan. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag noon, pagabi na at natapos na rin ang araw na iyon. At nang dahil sa medyo kakilala ko naman siya at good samaritan ako, inaya ko siyang sumukob sa akin sa payong at pumunta muna sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at ginawa ko iyon. Napansin kong mugto ang mga mata niya na parang galing sa matagal na pag-iyak. Hindi ko inusisa kung bakit, ang tanging goal ko lang noon ay ang maalis siya ilalim ng buhos ng ulan. “Hindi siya pwede sa loob, tiyak magagalit sa akin si Mama.” Natatandaan ko na ilang beses akong nagsabi sa kanya na bilhan o mag-ampon kami ng aso at palaging sermon lang ang aking nakukuhang reaction niya. But luckily, nang araw na iyon ay wala ang aking ina sa bahay. Umuwi saglit ito ng probinsya upang dumalo sa kasal ng isa sa mga pamangkin niya. Hindi ako isinama na lagi niyang ginagawa dahil may pasok pa kami sa eskwela. Nakangiti ko siyang nilapitan, marahang hinaplos ang ulo na ikinatigil ng ingit niya. May nginig ang kanyang katawan na dala siguro ng kakatapos lang ng malakas na buhos ng ulan. “Nilalamig ka?” Humarap ako sa aking kasama na tahimik lang akong pinagmamasdan sa aking ginagawa. Umangat ng kaunti ang gilid ng kanyang labi, bagay na bago sa kanya. Sa school namin, halos hindi siya malapitan ng mga kagaya kong tahimik na sa kanya ay humahanga. Masyado siyang tahimik, mataas at mukhang masungit. “Alaga mo siya?” Umiling ito na bahagyang ikinakunot ng aking noo. “Eh, saan siya galing?” “N-Napulot ko. Nakita ko sa park kanina na pagala-gala lang. Mukhang naligaw.” Napakurap-kurap na ako doon at mabilis na tumayo. Baka mamaya ay hinahanap na ito ng tunay na nagmamay-ari sa kanya. Baka nakawala ito ng kulungan dahil hindi naman basta ang hitsura ng asong iyon na kagaya ng mga nakikita sa kalye. Mukha rin siyang malinis at alagang-alaga kung kaya sigurado akong may may-ari. “Baka nakawala lang siya. Paniguradong hinahanap na iyan ng tunay na may-ari.” Nagkibit lang siya ng balikat doon. Hindi rin alam kung ano ang gagawin dito. “Ang mabuti pa ay i-keep na muna natin, kapag may naghanap eh ‘di ibigay natin.” suhestiyon ko na hindi ko alam kung marapat ko bang gawin, siya naman kasi ang nakapulot noon at hindi ako. Ibig sabihin ay siya ang magdedesisyon sa bagay na ito. “Kawawa rin. Tiyak gutom na iyan at saka baka masagasaan siya.” Ganun na lang ang gulat ni Ate Doly nang pumasok ako sa loob kasunod siya. Hindi ko alam kung kakabahan ba o matatawa habang nagpapalipat-lipat na sa amin ang kanyang mga mata. Maliit akong ngumiti, nahihiya na sa ginagawa niya. “Classmate ko, Ate Doly.” pakilala ko gamit ang matinis na tinig, sa paninitig niya sa amin ay para ‘bang mayroon siyang kakaibang ipinapahiwatig. “Nadaanan ko sa may park, umuulan. Inaya ko muna silang sumilong dito sa atin, pansamantala.” “Sila?” napuno ng pagtataka ang kanyang mga mata nang sabihin ko iyon, muli niyang sinuri ang tindig ng aking kasama na bagama’t nakasuot ng jacket ay basa ang buhok niya. Marahil ay inabutan siya ng ulan kanina, wala doong may alam. “Opo, sila.” Naging malikot ang mga mata ni Ate Doly nang sabihin ko iyon. Gasgas ang tinig na humalakhak ako kung ano ang ibig na ipahiwatig ni Ate Doly sa litanyang iyon. “Ah, hindi po tao ang kasama niya Ate Doly kung hindi tuta.” “Ah? Akala ko may nakikita na kayong hindi ko nakikita!” palakpak pa nito ng kamay na para bang natauhan sa kanyang mga iniisip, ngunit agad iyong napawi nang biglang lumabas ang ulo noon sa ilalim ng suot na jacket ng aking kasama. “Naku, Sanna, doon mo lang iyan sa labas! Alam mo namang ayaw ng Mama mo na mag-alaga ka ng hayop at dito sa loob. Baka kung saan iyan umihi at tumae.” Napaawang na ang aking bibig doon na biglang napahiya. “Wala naman ngayon si Mama, Ate Doly, at saka iiyak lang iyan sa labas lalong makakaistorbo ng mga kapitbahay. At maya-maya naman ay aalis rin sila.” Noong una ay nakikipagmatigasan pa sa akin si Ate Doly habang nararamdaman ko ang mainit na paninitig sa akin ng kaklase. Nagtatalo na kami doon, ginigiit ko na saglit lang naman. Ang knowing me na may katigasan ng ulo, nagwagi na ako. “Siguraduhin mong hindi mo iyan aampunin, Sanna, malalagot tayo sa iyong ina.” “Opo, Ate Doly, hinding-hindi po dahil siguradong may nagmamay-ari sa kanya.” Kasabay namin siyang kumain ng hapunan. Binigyan ko ng lumang damit ang tuta bilang kanyang pansamantalang higaan. Ikinatigil na iyon ng pag-iyak niya kanina. “Ano ang pangalan mo, hijo?” Nag-angat ako ng tingin sa kanila na matamang nakatuon sa tuta kanina pa. Ang cute niya, hindi ko mapigilan na isipin kung anong lahi ang mayroon siya. “Nickolai Tan Lim po, pwede niyo po akong tawaging Nicko.” “Ah, kaklase ka nitong si Sanna?” “Opo, since grade seven.” Napatigil na ako sa aking pagkain doon. Hindi ko inaasahan na matatandaan niya ako na kaklase niya mula noon. Feeling ko kasi hindi naman ako nag-e-exist ng mga panahong iyon. Distant din ako sa mga kaklase namin na kagaya niya ang estado sa buhay. Mukha silang mayaman. Although kakilala ko naman ang kapatid niyang babae na kasamahan kong mag-aral ng ballet sa iisang school. Madalas din na sa bahay nila kami gumagawa ng projects ngunit hanggang doon lang iyon. Ito yata ang pinakamatagal na naming pagsasama ng mataga na dalawa sa iisang space. Bagay na, ikinakakaba ng aking batang puso na lihim ditong humahanga. “Ah,” tango ni Ate Doly na bumaling sa akin. Alam kong nahuli niya akong nakatingin kay Nicko at base sa ngising nasa labi niya ngayon ay alam kong iba na ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi ko na lang iyon pinansin, minsan talaga iyong matatanda mahilig magbigay ng ibang kulay. “Class president namin siya, Ate Doly.” “At ikaw ano ka ng class niyo?” Nawala na ang aking mga ngiti doon. “Wala.” nilakipan ko pa iyon ng pilit na halakhak upang maging makatotohanan. “Muse siya ng aming class.” Mahigpit ko ng nahawakan ang tangkay ng aking hawak na tinidor. Hindi ko nga iyon sinasabi sa kanila dahil pakiramdam ko ay isa iyong kahihiyan, pero out of the blue ay bigla na lang nilang malalaman? Nakakainis! Hindi sa pagiging KJ ko, para sa akin kapag sinabing muse ka dapat ay maganda ka, at wala naman ako noon. “Wow! Muse ka pala Sanna, bakit hindi mo sa amin sinasabi?” Hindi ako sumagot. Nanatili lang ang mga mata sa aking pagkain. “Hindi naman iyon mahalaga, mas gugustuhin ko pang maging normal na kaklase nila keysa doon.” tugon kong hindi na makatingin nang deretso, noon pa man ay hindi ko maintindihan kung bakit palagi akong nanonominate maging muse. Wala naman akong quality bilang tao upang maging ganun, kinikimkim ko lang iyon. “Anong hindi mahalaga? Mahalaga iyan lalo na kapag instramurals niyo.” “Muse rin po siya ng aming batch, hindi lang sa aming klase.” Nanlalaki na ang aking mga mata na napabaling kay Nicko na mukhang feeling close na agad sa aming bahay. Hindi ko alam kung iniinsulto niya lang ba ako o proud siyang sabihin iyon. Ganunpaman, nahihiya pa rin ako sa bagay na iyon. “Nakakainis nga Ate Doly, feeling ko binu-bully nila ako. Ang daming maganda sa batch namin lalo na sa section 2, pero kinakaladkad pa rin nila ang pangalan ko.” sumbong ko na sa kanya, umaasang kakampihan niya ako doon. “Ang unfair nila!” “Hindi ka naman iboboto ng mga ka-batch natin kung wala kang quality.” Natameme ako doon at hindi na nagsalita. “Oo nga, be thankful na lang na may ganyan kang karanasan na babalikan kapag tumanda ka na. Treasure it, Sanna. Darating ang panahon na bibisitahin mo ang araw na iyan kapag nasa future ka na. At naniniwala ako doong mapapangiti ka.” Ate Doly’s statements lingers in my mind until today. Kagaya ng sabi niya noon. Binabalikan ko nga ito madalas sa aking isipan ngayon dahil para sa akin ay ang panahong iyon ang pinakamasaya sa aking buhay, ang bahagi ng aking nakaraan. “Ano Sanna, hindi pa ba tayo aalis?” Mabilis akong naplingon sa aking gilid at nakita si Mama na nakapameywang na nakatayo na sa aking gilid. Sinuklay ko na ang aking buhok gamit ang aking mga daliri sa kamay sabay tingin kay Pochi na pinaglalaruan na ang butong ibinigay ni Ate Doly sa kanya. It was a toy at hindi tunay na buto na matinding binabawal ko. “Sorry, Mama, akala ko matagal ka pa.” Tinitigan niya lang ako ng mapanuri lalo na nang tumalikod na ako at mauna ng humakbang patungo sa main gate ng aming bahay. Dama ko pa doon ang mga paninitig niya sa aking likod habang nakasunod na sa aking mga paghakbang. “Sabi ng Kuya mo mag-dinner daw tayo mamaya.” Tumango lang ako. Lulan na kami ng sasakyan at binabagtas na ang daan patungo sa hospital na aming pupuntahan. Tumango lang ako, at nanatiling tahimik pa rin. “How’s your work?” “Okay lang naman, Mama.” tugon kong hindi tumitingin sa kanya. “Pumayat ka. Medyo naging manipis ang iyong katawan.” “Pressure po. Ang daming students ang nag-enroll ngayon.” “Bakit ka pa tumatanggap sa iyong klase? Dapat may specific ka lang na bilang.” Hindi na ako umimik doon. Alam ko na kung saan na naman kami patungo nito. Iyon nga ang madalas na isipin ko, pero kapag nakikita ko na ang mga estudyante ay hindi ko mapigilang ilagay ang akings sarili sa kanilang pwesto. Ganung-ganun ako ng i-enroll noon ni Mama, walang potential pero look at me now, kinaya ko. “Hindi ka na pabata, kailangan mo rin na bumuo ng sarili mong pamilya.” Malapad na ako doong ngumiti. Saglit siyang nilingon sa front seat. Hindi ko pa nakakalimutan ang reaction niya noong ipakilala ko sa kanya ang unang boyfriend. “M-May relasyon kayong dalawa?” “Opo, Mama.” “Pero ang babata niyo pa, dapat pag-aaral muna ang inaatupag niyo.” “Mama, magkarelasyon pa lang po kami at hindi pa naman magpapakasal.” “Kahit na, dapat man lang ay nasa college na kayo at wala na sa senior high.” Hindi kami nagawang paghiwalayin ng aking boyfriend dahil lang sa ayaw ni Mama sa aming relasyon. Ipinaglaban namin iyon noon. Hindi rin pinansin ang mapanghusgang panahon. Ngunit sa bandang huli, naghiwalay pa rin kami at ang rason doon ay hindi ang aking magulang. Kung hindi ang kakulangan ng oras at panahon para sa bawat isa nang dahil sa nakaka-pressure na pangarap namin. “Mama, hindi ko nakakalimutan kung paano mo tutulan ang relasyon ng fisrt boyfriend ko noon,” paalala ko sa kanya hindi para sisihin siya kung hindi para sabihin ko dito na huwag niya akong madaliing magkapamilya ngayon. “At saka masyado pa akong bata, at saka ini-enjoy ko pa rin ang aking pagiging single.” Umubo-ubo siya doon na halata namang fake lang kung kaya hindi ko ikinabahala. “Bandang huli ay hinayaan ko naman na kayong dalawa ah?” katwiran niyang mahinang ikinatawa ko na habang inililiko na ang sasakyan patungo sa parking lot ng hospital, “Pero bakit kailangan niyo pang maghiwalay? Bagay naman kayo?” Hindi ako sumagot doon. Hanggang ngayon ay lihim pa rin sa kanya ang rason ng aming hiwalayan. We keep it private. At maging ang pamilya niya rin na tanggap ako ay hindi rin alam ang dahilan namin. Ayaw naming ipaalam iyon sa kanila dahil siguradong msasabon lang kami. Pero, kailangan talaga namin ng distansya at panahon para sa aming mga sarili. Naging masakit man iyon sa mga unang buwan, sa paglipas ng taon ay nagawa rin naming tanggapin. Hindi namin ini-unfriend ang bawat isa sa social media, nanatili kami sa friendlist ng bawat isa. Masasabi ko na ang healthy ng relasyon namin, ngunit umabot pa rin sa punto na need ng space. “Narito na po tayo Mama, baba na.” kalas ko na ng aking suot na seatbelt at malawak ang ngiting lumingon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD