Chapter 4

2143 Words
Hindi na ako sumama kay Mama sa loob upang kausapin ang kanyang Doctor. Hinintay ko na lang siya sa labas na matapos. Kung sakali man na mayroong mali sa kanyang health ay paniguradong kakausapin ako nito at papapasukin sa loob. Tahimik lang akong nakaupo doon na panay ang scroll sa social media account ni Nicko, wala siyang recent post at upload ng kanyang litrato. Lately madalas ang upload niya, ngunit ngayong week ay mukhang kakaunti lang ang mga oras niya. Patunay noon ang hindi siya active, Saturday pa ang huling post niya last week. Tandang-tanda ko pa iyon na halatang lahat ay nakikita ko ang post niya maliban na lang kung naka-hide iyon sa akin. “I am proud of you, Nicko...” mahina kong bulong habang tinititigan ang huling post na larawan niya doon, malawak siyang nakangiti at mukhang company dinner nila ang background noon. Base sa caption ay na-promote yata siya, panay kasi ang congratulations ng mga nasa friendlist niya sa comment section na kasamahan niya sa trabaho. Nais ko sanang magtipa rin ng congratulatory message, iyon nga lang ay ayoko namang pagmulan iyon ng kung anong usok na may namamagitan na naman sa amin. At saka baka mamaya ay masamain iyon ni Nicko, at ma-block pa ako. Alam kong mababaw na dahilan, pero kasi nagkasundo kami nitong mananatili sa friendlist ng bawat isa sa social media para updated pa rin ngunit sa isang kondisyon. Hindi kami magre-react sa post ng bawat isa, no chats din na kahit na masakit ay sinang-ayunan ko na. Para sa akin ay okay na iyon keysa naman sa tuluyang burahin namin ang traces ng aming kahapon kahit sa social media. “Saan ka man makarating at dalhin ng iyong mga pangarap, kasama mo ako at susuportahan kita. Hinding-hindi ako magsasawang tanawin ka at i-cheer kahit na nasa malayo ako na kagaya ng pangako ko sa’yo noon.” Oo, hindi namin ini-unfriend ang bawat isa pero para sa aming dalawa ay hindi na rin kami nag-e-exist sa buhay ng bawat isa. Hindi na kami nagbibigay ng reactions na madalas naming gawin noon kada post ko o niya. Nakaka-miss sa totoo lang, minsan nga nakakalimutan ko na wala na kami nito at lihim pa akong napapangiti sa kanyang mga post. Kamuntik-muntikan ko na ‘ring mag-react sa doon, mabuti na lang at natatauhan akong bigla. Bagay na normal lang naman siguro lalo na kapag nami-miss mo na iyong tao. Iyong tipong kulang na lang din ay maging chatbox na ang comment section dahil doon kami madalas na mag-usap, walang pakialam sa sasabihin ng iba. Matatag ang relasyon namin noon, kaya lang hindi na talaga namin kinaya ang lahat ng pressure na dulot. Hindi ko alam kung paano kami humantong sa ang tanging choice na lang na mayroon kaming dalawa ay ang maghiwalay at pansamantalang bumitaw sa hawak ng bawat isa. “Nicko, kailangan ba talaga nating maghiwalay? Ito na lang ba talaga ang paraan at wala ng iba pa?” Nasa labas kami noon at nagkasundong magkita sa kabila ng hectic naming schedule na dalawa. Pangatlong taon na namin iyon sa kolehiyo at aaminin ko na minsan na lang kami nito kung magkaroon ng oras na magkita. Isa rin yon sa aming ikinokonsidera sa break up. Busy ako sa daang tinatahak ko, busy rin naman siya sa pangarap na pinili niya. Walang third party, walang hadlang na mga magulang, sadyang sa aming dalawa lang talaga ang mayroong problema. Hindi naman siya problema kung pakaiisipin eh, kaming dalawa lang talaga ang pumili nito. No, siya pala ang nag-suggest na sa bandang huli ay sinang-ayunan ko labag man iyon sa aking kagustuhan ay wala akong magawa dito. “Wala na rin namang silbi ang relasyon nating ito kung itutuloy pa dahil wala na tayong panahon sa bawat isa. At alam nating pareho na ang isang relasyon ay patuloy na yumayabong kung ang dalawang taong involved dito ay responsableng patuloy na nagkikita, nag-uusap at fond pa rin sa bawat isa, Sanna.” Hindi ko mapigilan ang masaktan doon. Tama nga naman siya, pero kasi sayang naman kung susukuan namin ito ngayon na ang haba na ng nilakbay at tinakbo. “Okay lang naman sa akin iyong ganito, hindi naman ako nagde-demand ng oras mo, Nicko.” subok kong isalba pa ang relasyong iyon, hindi ko na mapigilan ang sarili na makaramdam ng lungkot ng dahil dito. Para akong itinataboy, ganun pala kasakit iyong binibitawan ka na niya, pinapalaya na sa minsang matamis na pag-ibig niya. Kumurap-kurap na ako doon, pinipigilan na gumaralgal ang aking tinig. Hindi ako iiyak sa kanyang harapan. Hinding-hindi. “At saka dalawang taon na lang din naman at makakatapos na tayo ng pag-aaral eh, tiyak na magkakaroon na tayo ng oras at panahon sa bawat isa na kagaya ng dati kaya huwag na lang natin itong ituloy.” Kung ako ang papapiliin at tatanungin, ayokong tapusin iyon. Hindi dahil sa nanghihinayang ako sa mga taong aming pinagsamahan, bagkus ang dahilan ko doon ay simpleng mahal ko siya at mahalaga siya sa aking buhay. Wala ng iba. Para sa akin ay sapat na iyon upang hindi putulin ang aming relasyong dalawa. Sa akin, at sa kanya ay hindi. “Sanna, space lang naman ang hinihingi ko para makapag-focus sa mga pangarap ko hindi tuluyang break up. Cool off lang muna tayo, pansamantala.” Gusto ko noong umiyak, sabihin sa kanya na mayroon din naman akong pangarap at kasama siya doon pero ni minsan ay hindi sumagi sa aking isipan na hiwalayan siya. Kaya lang, ayoko namang maging masama ang ugali sa harapan niya. At saka cool off? Hindi ba at doon din ang punta ng mga magkarelasyon na dito nag-uumpisa? Ibang word lang ang ginamit doon para magpanggap na hindi iyon masakit. Ganunpaman ay hindi ako umangal, hinayaan kong sabihin niya iyon na sinang-ayunan ko pa sa bandang huli. “Sige, kung iyon ang gusto mo. Pagbibigyan kita. Siguro naman hindi iyon magtatagal.” Naburo ng ilang minuto sa aking mukha ang kanyang mga mata. Tila inaarok ang laman ng aking puso ng mga sandaling iyon. Alam kong ayaw din naman niyang tapusin at putulin ang ugnayan namin, at nababasa ko iyon sa mga galaw niya. “Salamat, Sanna.” Sa paghihiwalay namin ng araw na iyon ay ibayong sakit ang naging hatid sa akin. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na hindi ko siya nakakausap sa loob ng isang araw kahit na sandali lang. Ngunit anong magagawa ko? Dito kami nagtapos. Pinilit kong maging okay, lalo na kapag nasa school. At ang mas nakakainis pa sa Tadhana, kung kailan kami naghiwalay ay saka nito madalas na pagtagpuin ang landas naming dalawa sa loob ng campus na noon ay parang ang imposibleng mangyari. Hanggang tinginan na lang kami. Masakit, pero pilit naming kinaya sa pamamagitan ng simpleng palitan namin ng ngiting dalawa. Huling taon sa kolehiyo nang muli kaming magkabalikang dalawa, siya ang unang lumapit sa akin at sinabing na siya dahil iyong inaasahan naming malayong distansiya ay hindi nangyari nang dahil sa hindi namin malamang dahilan. “Nagkabalikan kayo?” si Alma nang magkwento ako sa kanya tungkol sa hiwalayan naming dalawa, isa siya sa naging saksi sa pagmamahalan namin ni Nicko. Marahan akong tumango, may naglalaro nang mga ngiti sa kanyang mga mata. “Teka nga! Naghiwalay kayo? Eh, mukha naman kayong hindi naghihiwalay? Sweet ma sweet pa rin kayo.” ang tinutukoy nito ay ang usapan namin sa social media account, palitan ng sweet messages sa comment section. “Huwag niyo nga akong pinaglolokong dalawa, Sanna.” Hindi ako sa kanya nagpaliwanag. Wala rin naman iyong silbi at magsasayang lang ako doon ng laway at lakas. Naputol ang aking pagbabalik-tanaw sa nakaraan nang makita ko ng lumabas si Mama ng silid. Dere-deretso siyang humakbang papalapit sa aking banda. Umayos na ako doon ng tayo. “Tapos na Mama?” “Oo, pero babalik ako dito bukas para kunin ang result ng ibang laboratory ko.” Umangkla na ang isang kamay ko sa kanyang isang braso at marahan na siyang hinila at iginiya papalabas ng hospital. “Kailangan mo pa ng kasama?” “Hindi na, kukuha lang naman ako ng result at ipapabasa sa kanya. Anong mahirap doon?” “If you need assistant alalay bukas, sabihan mo ako kung anong oras. Gagawan ko ng paraan—” “Hindi na, tumigil ka diyan sa plano mo, Sanna. At saka available naman ang Kuya mo ah.” “Siya na ang isasama mo?” “Hindi. Kaya ko na ngang mag-isa, huwag kang makulit at paulit-ulit diyan.” Mahina na akong tumawa. Minsan, nakakatuwang asarin siya kaya lang kapag nasobrahan ay masama rin naman. Marami ng puti ang kanyang buhok. Habang pinagmamasdan ko siya ay doon ko napagtanto ang salitang, tumatanda na nga si Mama. Iyon ang madalas niyang dahilan sa akin kapag ipinagtatabuyan niya akong mag-asawa na. Ngunit, hindi ko naman mapilit ang aking sarili. Binigyan ko naman ng chance ang ibang suitors ko, kaso wala talaga akong matipuhan sa kanilang lahat. Si Nicko pa rin talaga ang aking inaasam hanggang sa mga sandaling iyon. Siya pa rin ang aking nais na makasamang tumanda at wala ng iba pa. Hindi ko alam kung bakit ang hirap sa kanyang magmove-on, iyong iba naming kaibigan sa college na may mga karelasyon na kagaya namin may mga asawa na ngayon at hindi ang mga nobya o nobyo nila noon. “Iwasan mo na siyang isipin, baka iyon ang pumipigil sa iyong magmahal ng ibang lalake.” suhestiyon ng hipag ko na asawa ng kapatid ko, siya iyong teacher ko noon sa ballet na hindi ko alam na kaklase pala ng aking kapatid at the same time ay dati niyang kasintahan noong nag-aaral pa lang sila, “Alam mo na iyon, ikino-kumpara mo sila sa ex mo.” Marahil nga ay ganun ang nangyayari hanggang ngayon. Hindi mabaling ang atensyon ko sa kanila dahil sa comparison na nangyayari. Ang gusto ko naman kasi ay kung muli akong magmamahal ng ibang lalake, gusto kong mas higit iyon sa mga katangian ni Nicko na madalas na walang sinuman ang nakakalampas kahit na mas gwapo pa sila dito. “Baka nga iyon ang dahilan, Ate.” “Mismo. Kaya naman kailangan mo siyang makalimutan muna bago ka magmahal ng iba. Kapag nagawa mo iyon, magtatagumpay kang palitan siya sa iyong buhay.” Ginawa ko iyon, ngunit alam ko sa aking sarili na kahit na anong gawin ko. Hinding-hindi ko pa rin maalis si Nicko, sa buong sistema ko. Naroon pa rin siya, nananatiling nakadikit at kahit na saan ako magpunta. Ang mga alaala niya ay aking nararamdaman at nakikita. Bagay na napaka-imposibleng kalimutan at tuluyang bitawan ko na lang. “Sanna, saan mo gustong kumain? Sa labas o magpapaluto na lang tayo sa bahay?” untag ni Mama nang makarating na kami ng parking lot ng hospital. “Kahit saan po, okay lang naman sa akin. Sina Kuya po ang tnungin mo, Mama.” “Sige.” Bumalik kami ng bahay. Naabutan ko si Pochi na masarap ang tulog sa dog house niya na nasa labas pa rin ng bahay. Si Nicko ang gumawa noon na hanggang ngayon ay nananatili pa ‘ring buhay sa likod ng aming bahay at paminsan-minsang ginagamit ni Pochi tuwing nagtutungo sa lugar na ito. Ginawa niya ang dog house na iyon, isang Linggo matapos na ibigay niya sa akin si Pochi bilang kanya kunong regalo. Bagay na maliit ko na naman doong ikinangiti, napalitan na iyon ng itinatago kong malalim na kalungkutan. “Ako mismo ang nag-assemble niyan, kaya sana ma-appreciate niya.” nanlilimahid sa pawis ang leeg niya habang pasan ang dog house na yari sa matigas na kahoy. “Akala ko binili mo lang?” “Hindi ah, iyong kahoy lang ang mga binili ko at ibang materyales niya.” “Talaga? Ang swerte naman ni Pochi ha!” Mahina kaming nagkatawanan nang dahil doon. Nang araw na mapunta siya sa bahay ay nalaman kong lumayas pala siya noon. Umalis sila ng kasama niyang tuta matapos na tumila ang ulan. At dahil sa hindi ako kampante ay sinundan ko siya. Bumalik siya sa ilalim ng slide at muling doon nagkubli. Gulat na gulat ako noon to the point na hindi ko magawang tumalikod at maihakbang ang aking mga paa pabalik ng aming bahay. Ngunit nang tumawag sa cellphone ko si Mama at pagalitan ako dahil gabi na ay lumabas pa ako, mabilis na akong kumaripas ng takbo pabalik ng aming bahay. Ipinalagay ko na lang na baka ilang minuto lang silang magpapalipas sa ilalim ng slide nang dahil umaambon na naman noon. Pilit kong kinumbinsi ang aking sarili na ganun ang nangyari, hanggang sa aking paghiga ng kama sa gabing iyon ay dala-dala ko pa rin ang isiping iyon. “Sanna, hindi ka pa ba papasok?” “Papasok na, Mama.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD