Chapter 22

1629 Words

Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko. Panay ang galaw ko doon at pagbabago ng pwesto. Hindi ko maitatanggi ang init ng paninitig ni Nicko sa aming table na bagama't hindi ko naman siya nakikita ay nararamdaman ko ang ginagawang pamumukol ng mga mata niya sa aming banda. Alam kong pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko sa aming table, at naiilang na ako sa isiping iyon at kinakabahan na rin ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko nakita kung may kasama ba siya sa table. Ayokong muli pang magawi ang mga mata sa may kanyang banda, dahil sa dumadagundong kong kaba. Idagdag pa na nasa apartment ko ang kapatid niyang si Zyvan. Paniguradong magagalit ito oras na malaman niyang halos magpakalunod sa alak ang kanyang kapatid sa harapan ko. Hindi ko na mapigilang mariing kagatin ang labi ko. Su

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD