Chapter 24

2599 Words

Hustong dating ko sa bahay ay kakatapos lang din maligo ni Zyvan. Kakalabas niya pa lang ng banyo at may tuwalya pa sa kanyang ulo. At dahil sa madalas siya ditong tumambay noong kami pa ni Nicko ay may iilan pa siyang mga damit sa aking cabinet. Iniiwan niya iyon dito tuwing nakikipag-sleep over ito. Hindi niya iyon iniuuwi sa kanila kahit pa wala na kami ng Kuya niya. Mabilis niyang kinarga si Pochi na nag-sprint patungo sa kanya pagkalapag ko sa sahig habang ikinakawag ang buntot niya dito. “Sabi ko na Ate Sanna eh, isinama mo pa rin si Pochi. Wala kasi siya sa tabi ko paggising ko!” bulalas ni Zyvan na agad kinarga na ito at ilang sandali pa ay pinupog na rin niya ito ng halik. “Baka kasi late ka na magising Zyvan, kawawa naman kung hindi makakain ng lunch si Pochi at masasabi kong t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD