Chapter 25

2599 Words

“Totoo naman po iyon, Dad. Isang text lang ang ginawa ko kay Kuya kanina bago tayo magsimulang kumain na narito si Ate Sanna, tingnan niyo at bigla na lang siyang dumating na parang mabilis na ihip na hangin.” sulsol ni Vz na bahagyang natatawa sa kabilang gilid. Panay ang sulyap sa banda ng kapatid na iritable na. Hindi ko alam kung mattaawa ba ako sa kalokohan niya o gaya ni Nicko na irita. “Oo nga ano? Mukhang dinaig pa ang ipo-ipo. Akala ko ba nasa town ka Kuya at may mahalagang aasikasuhin? Narinig kita kanina, iyon ang paalam mo kay Mommy kaya huwag kang magkakamaling magsinungaling sa amin ngayon.” si Zyvan na pinipigilan ang matawa na nang malakas doon, ipit na naman si Nicko. “Kakaiba ka talaga, Kuya Nicko.” iling pa ni Vz habang nakatingin dito nang mataman. Bagama’t nang-aasar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD