Chapter 47

1799 Words

Natitigilang napanganga na ako doon. Ilang minuto pa akong napatitig sa kanyang mukha nang dahil sa kanyang tinuran. Hindi ko malaman kung gino-goodtime niya lang ba ako o pinaglalaruan dahil sa tabas ng kanyang dila. Pilit kong inapuhap sa kanyang mga mata kung nagbibiro lang ba siya o tunay ang mga sinasabi niya. Ipinilig ko na ang aking ulo. Hindi pa rin makapaniwala sa kanya. Kailan ba naging seryoso ang batang ito? Parang lagi na lang niya akong pinaglalaruan. Mahina na akong natawa doon. Ilang beses na nagtaas at baba pa ang kanyang mga kilay habang mas tumitingkad ang mga ngiting nakapagkit sa kanyang maamong mukha na may kahulugan. Pakiramdam ko ay inaalaska ako ng mapagkunwari niyang mga mata. I knew it! Alam kong pinaglalaruan niya lang ngayon ang damdamin ko! Inaasar na naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD