Chapter 48

1781 Words

Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang pang-limang pregnancy test na aking kinuha. Kagaya ng apat na nauna ay positive na naman iyon. Ramdam ko ang panghihina at pangangatog ng aking mga tuhod nang dahil doon. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap at hindi totoo o bahagi lang ng aking ilusyon ang nararanasan. No, hindi ko buntis! Nagkakamali lang ito! Paulit-ulit kong tanggi sa isipan kahit na ang resulta ay naghuhumiyaw na sa aking harapan. Sa hindi ko maintindihang pakiramdam ay bigla na lang akong pumalahaw ng iyak. Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa isip ko habang tuluyang nabitawan na ang hawak na pregnancy test. Walang pasubali kong isinubsob ang aking mukha sa dalawang palad kung saan ay itinuloy ko ang aking pag-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD