Chapter 52

1736 Words

Kung kanina ay nauunawaan ko pa ang aking nararamdamang emosyon, ngayong tapos na ang aking check up ay naghalo-halo na iyon. Tila nakalutang pa rin ako sa alapaap at hindi pa rin mapaniwalaan ang resulta ng check up. Para akong nasa malalim na panaginip ng mga sandaling iyon. Naghuhumiyaw na ang resulta pero heto pa rin ako at hindi naniniwala doon. Inaasahan ko na itong mangyayari dahil sa mga resulta ng pregnancy test na ilang beses kong ginawa. At ngayong sinasampal na ako ng katotohanan, tila naging manhid ako doon. “Alam ko naman na ang magiging result, pero bakit ganito pa rin ang naging reaction ko?” mahinang tanong ko habang lumalabas sa pintuan ng clinic ng doctor, maingat na inilagay sa loob ng aking bag ang result ng ultrasound. “Parang bago sa akin lahat. Hindi ito maganda.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD