Chapter 53

1768 Words

Nasa loob na ako ng hindi pamilyar na silid nang idilat ko ang aking mga mata. At base na rin sa kulay ng buong paligid ay nahuhulaan ko ng nasa loob ako ng isa sa kwarto ng naturang hospital. Hindi na rin naman ako doon magtataka pa. Sa harapan mismo ako nito nawalan ng malay kaya paniguradong sa loob nito ako magigising at dadalhin. Inaasahan ko nang dito ako hahantong nang makaramdam ng agarang pagkahilo kanina. Malamang ay mag-aalala ang sinumang makakakita sa akin kanina kung kaya naman ay sa loob nito ako dadalhin at hindi sa kung saan pa. Ang tanging katanungan ko na lang ay kung sino ang nagdala sa akin sa loob nito. Agad kong binalikan sa aking isipan ang huling pangyayaring natatandaan bago pa man ako tuluyang panawan ng ulirat at ilipad na patungo pa sa kawalan. Si Preston!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD