Chapter 13

2800 Words

Malalaki ang mga hakbang na tinakbo ko na ang papasok ng loob ng restaurant nang dahil sa biglaang ragasa ng buhos ng ulan na mistulang mayroong paparating na bagyo. Yakap si Pochi ng kaliwa kong kamay ay iginala ko ang aking mga mata sa loob noon upang hanapin ang lalakeng aking katagpo dito. Awtomatikong tumaas ang kanyang isang kamay nang mapasulyap siya sa may pintuan ng restaurant kung saan ako nakatayo. Malapad na akong ngumiti sa kanya na nagsimula ng humakbang palapit sa table niyang hindi rin naman kalayuan. Hindi alintana ang ilang patak ng ulan sa balikat at ang mukhang hinalikan din ng ilang butil. “Inabot ako ng malakas na buhos ng ulan, pasensiya na sa aking hitsura.” hingi ko agad ng paumanhin sa kanya nang makalapit ako, sa halip na tumugon ay hinila niya lang ang isang up

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD