Bago pa ako muling makapagsalita doon bilang pagtutola ay hinawakan niya na ako sa magkabilang balikat matapos na bitawan ang hawak niyang tong. Walang kahirap-hirap na pinaikot niya ang aking katawan upang mapaharap sa mga iniihaw niyang bangus at kung anu pa man doon. Naging sanhi iyon upang mapaubo na ako nang malakas, paulit-ulit at naghabol na ako ng hininga nang malanghap ang makapal na usok. Masama ko siyang tiningnan kahit na alam ko sa aking sarili na hindi niya naman iyon makikita. Marahas na pinalo ko ang kanyang tagiliran upang lumayo siya sa akin. Ito ang naging dahilan upang pakawalan niya ako at magbigay sa akin ng kaunting distansya. Muntik na rin ako doong matumba kung hindi niya lang mabilis na nahawakan sa aking isang braso ay sigurado akong pasalampak na akong napaupo s