Walang patumpik-tumpik na tinanggap ko na si Pochi mula sa kanya nang iabot niya ito sa akin. Pilit kong iningatan na huwag magtama ang mga mata naming dalawa ngunit hindi ko naiwasang saglit na magdikit ang aming balat kung saan pamilyar ang kuryenteng dumaloy. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango na kahit taon na ang lumipas ay hindi nagbago. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang oras dahil sa ganun na lang ang kalabog ng aking pusong hindi ko malaman kung galak na ang nararamdaman o pangungulila sa kanya. Umayos ka nga Sanna, huwag na huwag mong ipakita sa kanya kung gaano mo siya namiss! “T-Thanks...” may nginig sa aking tinig nang banggitin ko iyon, hindi pa rin magawang tumingin sa kanyang mukha nang deretso. Damang-dama ko ang paninitig ng kanyang mga mata sa aking mukha. Ala