Chapter 2

2290 Words
9:38pm, Oasis Aqua tower Poblacion Makati, yung simpleng sama-sama nauwi sa asaran. Nang malaman nila na nakabalik na si Hunter ay lahat ng kanyang mga kaibigan ay nagsi-suguran sa unit niya. Nagtatanong kung nakausap na ba niya ang dahilan ng kaniyang pagbalik. "Ano? napuntahan mo na ba?" "Nagkita na ba kayo? Ano?" "Nakapag explain ka na?" "Ano namura ka ba? Kasalanan mo ‘yan!" Sunod-sunod na tanong ng kanyang mga kaibigan sa kaniya. Na hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang bawat isa sa mga katanungan nila. Pero nagkita na nga ba sila? Hindi pa kasi na-bahag ang buntot niya lalo na nakita si Erin kanina sa IBS. Nais niya itong lapitan lalo pa at nakita n’ya kung paano ito dinumog ng mga reporters, at dahil ‘yon sa kaniya. Napailing si Hunter. "Wala, bro. Hindi pa." pagamin niya. "Ay tangina! ‘di ba nag-punta ka sa IBS kanina? Tangina, bro! hirap na hirap akong humagilap ng balita kay Erin lalo na sa schedule niya tapos sasayangin mo lang yung pagkakataon?" Nailing na tanong ni Frank sa kanya. Isa ito sa mga kaibigan niya na tumutulong sa kanya na makasagap ng balita kay Erin. Pero, sayang nga ang pagkakataon kanina. Kaso wala eh, na-duwag siya. Napaka-gago niya kasi talaga. Ang totoo alam niyang wala na siyang mukhang ihaharap kay Erin. "Hindi mo ba siya nakita doon?" tanong ni Aljon sa kaniya. Pinagkukumpulan siya ng mga kaibigan niya. Napabuntong hininga si Hunter bago sumagot. "Nakita, ko." aniya pa na tila nanghihinayang. "Ay, tangina! iyon naman pala eh?!" Napailing si Hunter at tinungga ang alak na nasa baso niya. "Wala eh naduwag. Hindi ko alam kung paano ko ba siya lalapitan." "Ay! ikaw ba ‘yan? Ang tapang mo nga nung iniwan mo tapos ngayon naduduwag ka?" tanong ni June, bago napailing din dahil sa panghihinayang. "Oo nga naman, Hunter. sayang naman ‘yon, akala ko ba gusto mo siyang kausapin? Na gusto mong makipag-ayos sa kanya? O anong nangyari? Tangina, bro! bumalik ka na lang kung saang lupalop ka nag-punta wala ka na pag-asa, mukhang malabo na talaga na makipagbalikan sa’yo si Erin." Sinamaan niya ng tingin ang mga ito, hinfi makapaniwala na lalabas iyon sa bibig ng kaniyang mga kaibigan. "Kaibigan ko ba kayo?" tanong niya uli at inisang lagok muli ang alak. "Salamat ha? Napakalaking tulong niyo sa akin." Mas lalo siyang pinag-kumpulan ng mga ito. "Siinasabi lang naman namin, Hunter. Kung gusto mo talaga na makipag-ayos at makipagbalikan d’yan kay Erin, gumawa ka na ng paraan. Kasi kung papalipasin mo pa ng ilang araw, maba-badshot ka lalo. Imposible na wala pang ideya ‘yon na nandito ka na, kaya habang maaga ayusin mo na ‘yan, siya naman ang dahilan kaya ka bumalik, hindi ba?" Napayuko siya, hindi niya kasi alam kung may pag-asa pa nga ba siya, alam niyang it’s too late. Malamang ay galit pa rin si Erin sa kaniya. "Tol, maaga pa ba ang anim na taon? Pasalamat nga ‘yan ‘di pa nagasawa si Erin. Kaya kahit papano may pagkakataon pa eh." sagot ni Aljon. "Eh papaanong mag-aasawa ‘yon si Erin, eh yung nangako na papakasalan siya, iniwan siya ng walang pasabi. Naglahong parang bula. Kaya ‘yang pagkakataon na ‘yan? ewan na lang, kasi ‘yon ang tanong ngayon eh, sa lahat ng nangyari may pagkakataon pa nga ba?" sarkastikong sabi ni June. Naiintindihan naman niya ang kaibigan, alam niyang galit pa rin ang mga ito sa kaniya ng dahil sa ginawa niya 6 years ago. Maski rin kasi ang mga ito ay hindi alam ang tunay na dahilan kung bakit siya umalis. Hindi siya nag-paliwanag kung bakit, at hanggang ngayon hindi niya pa rin nasasabi. Pero nagpapasalamat pa rin siya na kasama niya ito ngayon. Alam niyang dahil din iyon sa kagustuhan nilang malaman ang dahilan niya. Pero bago pa man din, halos maligo na siya sa mura mula sa mga kaibigan simula pa kagabi nang dumating siya. Hindi sya tinigilan ng mga ito at agad dumeretso sa condo niya at hanggang ngayon ay nandito pa rin ang mga ito dahil baka mawala na naman daw siya. Pero tama naman ang mga ito, bumalik siya at nagbabakasakali na magkakaroon pa siya ng pagkakataon kay Erin. Pero iyon nga rin ang problema. Mapagbibigyan ba siya ng panibagong pagkakataon matapos ang mga nangyari?. 6 years too late, pero kahit paano kailangan niya pa rin subukan. Kanina na sana ang pagkakataon niya pero nang nakita niya si Erin sa labas ng studio, para siyang napako sa kinatatayuan niya, biglang dinaga ang dibdib niya dahil sa takot at kaba. May idea na siya sa maaring sabihin nito na sumbatan siya nito, na handa naman niyang tanggapin. Ang hindi niya lang alam ay kung paano maipapaliwanag sa kanya ang dahilan niya. Ang dahilan kung bakit anim na taon siyang nawala. "So ano na, bro? anong balak mo?" Tanong ni Aljon pero si June muli ang sumagot. "Balak niya na mag tago uli mga sampung taon naman. Dito na lang s’ya hanggang maging mukhang ermitanyo siya. Tapos papanoorin na lang niya si Erin sa TV, hangang maagaw ng iba. Ikasal at magkaroon ng sariling pamilya. Tapos siya mamatay siya ng malungkot, ng mag-isa rito. Uuurin dahil walang bibisita ni isa sa atin sa kanya. Walang makakaalam ng pagkamatay niya, hanggang sa malusaw na lang ng kusa yang laman loob niya at dumikit na lang ‘yang balat nita sa sofa. Tapos matatagpuan siya after 100 years na, kasi may isang tao na naglakas ng loob na silipin ang mysterious files of missing stupid persons. Tapos ayon! lalabas sa tabloid the corps of the famous star Hunter Alarcon. Tapos makikita yung balat mo at buto mo na naka-dikit na sa sofa tapos dadalhin sa national museum ‘yon. Titignan ng mga tao tapos sasabihin nila ito ang katawan ng pinaka tangang lalaki sa mundo. Iyon! ganon ang balak niyang mangyari sa kanya kasi duwag siya." Natawa si Frank at Aljon sa sinabi ni June, pero si June nanatili pa rin na masama ang tingin sa kanya. Alam niya na sa mga kaibigan niya, si June ang pinaka-galit sa kanya lalo pa at malapit ito kay Erin "Grabe naman advance mag isip ‘yan June." Pero naisip niya ang sinabi ni June sa kaniya lalo pa ang tungkol sa maaaring pagiging masaya ni Erin sa iba. Kung may bagay siyang hindi kaya ay iyon ang makita si Erin na masaya na sa iba. Na kung sa bagay tama siya, kung magiging duwag siya dadating ang araw na makikita niya na lang sa telebisyon na ikasal at bumuo na ng pamilya si Erin pero hindi sa kanya, kundi sa iba. At malamang mamamatay siya ng mag-isa dahil habang buhay niyang pagsisisihan ang bagay na ginawa niya. Ang pagkakataon na pinalagpas niya. "Kung wala kang balak bro, ako meron." napalingon sila kay Aljon dahil sa sinabi nito. Hindi nila alam kung matutuwa ba sila sa plano nito. Kilala naman nila si Aljon sa pagiging pilyo nito. "At ano naman ‘yon?" hindi mapigilan na tanungin ni Hunter. Tumayo si Aljon at nginitian silang lahat. "Tara labas tayo, kung gusto mo talagang makapag-isip ng maayos para masolusyonan mo ‘yang problema mo, inom muna tayo. Kaya tama lang na mag The Palace tayo," pag-aaya pa nito sa kanila. Isa iyong exclusive bar sa Makati, tanging miyembro lang ang mga nakakapasok doon. At isang official member si Aljon kaya ito nag-aaya. "Umalis tayo dito sa maalikabok mong condo," Taas baba ang kilay pang wika ni Aljon sa kanila. "Gago! kagabi pa kayo rito, edi kung nadudumihan kayo mag-silayas na kayo," saad ni Hunter pero inakbayan siya ng dalawa na tila akala mo dinidemenyo siya. Noon pa man iniiwasan na niya ang lugar na ganun at ngayon na kakabalik niya lang pangit naman na makita siya agad sa lugar na ‘yon mamaya lumabas pa siya sa mga blind items. O kaya naman may kumuha ng picture niya makita pa ni Erin sabihin na mas inuuna niya ang pag pa-party kesa ang magpaliwanag dito. Isa pa, noon pa man, hindi siya yung tipo na nagpupunta sa lugar na ganoon lalo pa at iniingatan niya ang image niya bilang artista. "Sinasabi lang naman namin ang totoo," sabat uli ni Aljon, "Member ako roon pwede ko kayo ipasok, wala tayo magiging problema. Saka may mga private rooms naman, pwede tayo roon kung ayaw mo na may makakita sa iyo." Nagkatinginan sila ni Frank, umiling ito sa kaniya. “Mas okay siguro na huwag na, tama si Hunter. Pangit tingnan kung pupunta siya sa lugar na ganon, samantalang kakabalik niya lang.” Pinaka-titigan ni Hunter si Frank na tila nagpapasalamat at tinulungan siya ng kanyang kaibigan. "Wag na, dito na lang ako, mukhang ‘di naman ako makapag-isip ng maayos kapag pumunta ako sa lugar na ‘yon" "Makakapag-isip ka," ngisi pa ni Aljon bago tinapik-tapik ang balikat ni Hunter. Tila talagang kinukumbinsi nito na matuloy sila ngayong gabi sa The Palace. "Malay mo naroon ang sagot sa problema mo?" "Wala akong balak makipag ano sa mga babae doon, gago!" bulyaw ni Hunter sa kanila. Dahil alam niya na may balak pa ang kaibigan na ipakilala siya sa ibang babae. Natawa si Aljon at June at nagkatinginan kaya hindi niya napigilan na mapakunot ang kanyang noo. Parang may hindi sinasabi ang dalawa sa kaniya, lalo pa at nakakapagtaka ang paraan ng tinginan nila. "Bro, wala naman kami sinabi na makipag ano ka sa ibang babae, ang tinutukoy namin ay yung mismong babae na laman ng puso at isipan mo,” sambit pa ni Aljon kaya mas lalo siyang nagtaka. Babaeng laman ng puso at isipan niya? Si Erin lang naman yon. "Si Erin?" "Mismo!" nagtama ang kamay ng dalawa bago minasahe ang braso niya. Para siyang natuod sa sinabi ng dalawa. Paano naroon si Erin sa lugar na ‘yon?. "Imposible, hindi nagpupunta sa ganong bar si Erin." "Hmm.. baka nakakalimot ka?" putol ni June bago umiling. "Anim na taon dude. Maraming nangyari sa anim na taon at hindi mo alam ‘yon." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito. Impossible talaga na magpunta sa mga ganong lugar si Erin. Malayong malayong malayo iyon sa katauhan ni Erin. "Sa anim na taon walang imposible dude. Ikaw nga eh inisip namin na imposible na iwan mo si Erin, pero ginawa mo pa rin, not just days or months but for 6 f*****g years, kaya walang imposible." sumbat ni June kaya napatingin siya kay Frank. Ang ibig sabihin ba nito ay pumupunta sa ganong bar si Erin? Kailan pa? Walang bisyo ito, hindi nga nito nga hinahayaan na maamoy nito kahit usok ng vape niya tapos pupunta sa ganoong lugar si Erin, na parang pag labas mo may lung cancer ka na sa kaliwa’t kanan na nagsisigarilyo. "Hindi magagawa ni Erin--" "Bro VVIP lang naman yung membership ng ex girlfriend mo," putol ni Aljon sa kaniya. Malakas na boses nitong sinabi ang ex girlfriend na parang mas pinapamukha pa sa kanya ang kagaguhan niya. "Seryoso?" hindi niya makapaniwala na tanong, ngunit sabay na tumango ang dalawa bilang sagot sa kaniya. "At malamang naroon ‘yon" Saad pa Aljon. Napatingin siya kay Frank na nailing na lang. Mukhang totoo ang sinasabi ng dalawa tungkol kay Erin. — Alam niya na hindi dapat sa lugar na ito sila muling magkita pero sa hindi malaman na dahilan ay pumayag siya sa balak nila Aljon. At nandito na nga sila sa isang lugar na bungad pa lang ay narinig mo na ang malakas na tugtugin. Kaliwa’t kanan ang nagiinuman at nagsasaya. Mga kilala at mayayaman na miyembro ang nagkalat sa loob ng The Palace, lahat ay abala sa mga kanya-kanyang grupo. Nagtatawanan, nagsasayaw at nagsasaya lang. At sa isipan niya paulit-ulit niyang pinagdadalasal na sana mali nga sila Aljon sa mga sinabi nito. Sana hindi totoo ang sinasabi nito tungkol kay Erin. Kung sakali man ayaw niyang makita ngayon si Erin, lalo na sa lugar na ganito Pero nasa kalagitnaan pa lamang sila at ‘di pa nararating ang table na pinareserve nila ay siniko siya ni Aljon. "Wild." sambit nito habang nakatingin sa isang banda ng dance floor. At nang sundan niya ang tinuro nito ay, kitang-kita niya ang tanging babae na nasa isipan niya. Ang babae na hiniling niyang makita simula ng dumating siya sa Pilipinas. Nakaguhit ang saya sa mukha nito habang iniindayog ang katawan sa gitna ng dancefloor. Napapaligiran din ito ang mga tao na doon na nagsasaya, pero tila may sarili itong mundo habang sinasabayan ang malakas na tugtugin. "Naniniwala ka na?" tanong pa ni Aljon sa kaniya. Hindi na niya pansin ang ilang sinabi ng kaibigan dahil napako ang tingin niya kay Erin. Noon tanging sa production sa telebisyon niya lang nakikita na sumayaw ito. O kaya naman kapag may mga celebration sila at nakakasama ito. Pero siya ang kasayaw nito. Pero ngayon halos napakuyom ang kanyang kamao ng biglang may isang lalaki na lumapit kay Erin, inaasahan niya na itutulak ito ni kathryn lalo pa at idinikit nito ang katawan sa kanya at humawak sa bewang nito pero iyon nalang ang panlalaki ng mata ni Hunter ng imbis na itaboy ito ni Erin ay mas hinapit pa nito ang lalaki at pagkatapos ay siniil ng halik ang labi nito. "Putangina!" mahina niyang bulalas, halo-halo ang naramdaman niyang emosyon habang pinagmamasdan ito. Naihakbang niya ang kanyang mga paa, handa na tuntunin ang kinatatayuan ni Erin at ng kahalikan nito, para hilain at ilayo si Erin sa lugar na 'to, pero biglang hinawakan ni June ang braso niya at pinigilan siya. Masama niya itong tiningnan at umiling si June. "Tandaan mo, wala ka ng karapatan sa kanya Hunter, anim na taon na ang nakaraan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD