Prologue
It’s 2:05 in the morning, pauwi na at tinatahak ang kahabaan ng EDSA. Kakatapos lang mula sa shoot sa isang teleserye na kanyang project. Umaga siyang umalis at umaga rin siyang u-uwi. Pero sanay naman na siya. Na sa nakalipas na mga taon sinubsob niya ang sarili sa pagtatrabaho, at ang hirap niya naman na iyon ay agad na nagbunga.
Now indeed she's one of the biggest actresses in the Philippines. Kapita-pitagan at tinitingalaan ng lahat sa loob at labas ng bansa. Marami na siyang pinagdaanan, maraming humubog sa katauhan niya, sumubok sa kinatatayuan niya sa showbiz pero ni minsan hindi siya natibag.
Patuloy siyang lumalaban, Hanggang ngayon.
Umaga na pero halos hindi umuusad ang traffic sa EDSA. Siguro, dahil long weekend at abala ang lahat papunta sa kanilang pag bakasyunan. Samantalang noon kapag gan’to ay may sarili rin siyang lakad kasama ang mga mahal sa buhay. Pero ito siya abala pa rin sa trabaho dahil mamaya may mga shoot na naman siya na pina-schedule sa araw na ito. Kailangan niya lang umuwi at magpahinga kahit sandali lang. Magpalipas lang ang pagod sa katawan.
Wala siyang makita kundi ang pulang ilaw mula sa mga likod ng sasakyan na nasa kanyang harapan, natutukso siyang buksan ang radio pero ayaw niya. May ayaw siyang mapakingan,
may ayaw na siyang alalahanin pa pero mukhang mahihirapan siya, lalo na sa mga susunod na mga araw. Sa kahabaan ng edsa nakita niya ang magkakasunod na sariling billboard na ang kanyang nadaanan, isang patunay sa layo na ng kanyang narating. Pero isang billboard ang tila pumukaw sa kanyang pansin. It's her billboard celebrating her 21st year in showbizness from her IBS family. Pero bukod pa roon, ang picture na nakalagay ay ang picture niya noong araw na nakatangap siya ng award from Star Awards in Hollywood. She won best actress from her solo movie titled "Maria Soledad" . It's a historical movie portraying the life of comfort women during World War 2 where Maria Soledad is one of the captives of Japanese inside bahay na pula. Ang movie na iyon ang kauna-unahang proyekto ni Erin na medyo sensitibo, dahil sa mga scenes na s****l at karahasan. Marami ang tumutuligsa sa project na iyon ni Erin dahil marami ang nagsasabi na hindi niya pa kaya ang ganong klase proyekto, pero pinatunayan niya ang kanyang abilidad at talento na makakaya niya ang ganoong klase ng proyekto. At hindi niya binigo lahat ng naniniwala sa kanya dahil ang movie na iyon ay nanalo na best film, at siya bilang best actress na nag-dala ng matinding karangalan sa buong Pilipinas, lalo na at inangat nito ang kalidad ng Pelikulang Pilipino.
"You can't please everyone, hindi purkit may mga taong umaayaw sa’yo ay ayaw na sa’yo ng lahat. Maraming naniniwala at nagmamahal sa’yo, isa na ako doon, dadating yung panahon na makikita ng lahat ang talento mo. Na magbubunga lahat ng ‘to, nandito lang ako sasamahan kita, hindi kita iiwan hanggang sa sabay nating marating ang pangarap nating dalawa,"
Pinahid niya ang luha ni Erin pagkatapos ay hinalikan ang noo nito "Huwag ka nang umiyak, mahal na mahal kita."
Pinahid ni Erin ang kanyang luha at sarkastikong napatawa sa bagay na naalala. Pero ang kinaiinisan niyang lubos ay ang kanyang mga luha.
Hindi na kita dapat iniiyakan. Matagal na panahon ng hindi kita iniyakan. Wika ni Erin sa kanyang isipan.
"Tangina!" kinuha niya ang bag at kumuha ng sigarilyo roon bago sinindihan.
Napabuga siya ng usok, bago muling napahawak sa manibela. Pilit niyang inaalis ang bagay na kanyang naalala sa isipan niya, pero parang bangungot iyon na paulit-ulit kahit pa na gising siya.
"Hindi kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo hanggang sa marating natin yung mga pangarap natin, Erin."
"Sinungaling! ang gago mong sinungaling!" Iba ang pinlano niya na magiging buhay niya ngayon, pero hindi ‘yon nagkatotoo. After everything he has put her through, most people expect her to hate him. And she will admit there are days where the sound of his name can ignite a fire in her that can only be put out by gobs and gobs of tears. Sobrang galit ang nararamdaman niya. Walang paglagyan, hanggang ngayon.
Muli siyang napatingin sa mga billboard niya na nadaanan, parang kailan lang hindi naman siya nag-iisa lang sa mga iyon. Anim na taon na ang nakaraan, may isang pangalan na nakadikit sa kanya, yung tao na lagi niyang kasama sa lahat ng proyekto niya. Isang tao na naging parte ng pangalan, at pagkatao niya. Binago nila ang buhay ng isa't isa,
ang buhay ng mga tao na humanga at naging parte na rin ng buhay ay sila. Isang lalaki na nangako ng panghabambuhay. Ang lalaking hindi lang isang ka-loveteam para sa kanya. Kundi ang lalaking kung saan nakita niya na ang buong kinabukasan niya. Ang lalaking inisip niya na magiging asawa niya, ama ng magiging anak niya. Wala siyang ibang minahal kundi si Hunter lang. Pero nagkamali siya, maling-mali siya. Nakakahiya at naniwala siya.
Napailing at mapait na ngumiti pagkatapos ay muling hinithit ang sigarilyo na kanyang hawak.
"Katangahan na ‘yan, Erin. Tama na.” Nakangiti pa siya naiisip na siguro ay dulot lang iyon ng alak na-inom niya kanina. Naalala na naman niya yung napanood kanina habang nasa set siya.
It's a news flash on IBS News about Hunter. Akala niya namamalikmata lang siya, akala niya panaginip lang, pero totoo. Dahil kitang-kita ng dalawang mata niya ang video kung saan kakarating lang ni Hunter mula sa airport, may iilang lumapit sa binata, agad din itong pinag-kumpulan ng mga reporters. At sa kanyang kinakatakutan muling naungkat ang katanungan na matagal na rin palaisipan sa lahat, maski na sa kanya. At iyon ay kung ano ba talaga ang nangyari? Bakit na lang siya nawala?.
Kitang-kita niya ang mga tingin sa kanya ng mga tao sa paligid, may iilan na gusto siyang tanungin kung maayos lang ba siya. May ilan na nagtanong kung alam niya ba, pero tanging pilit na ngiti lamang ang kaya niyang itugon sa kanila. Paano niya sasagutin ang bagay na hindi niya alam ang kasagutan? paano niya sasagutin ang katanungan, samantalang anim na taon na walang paramdam ang dating kasintahan. Dahil sa nangyari halos hindi na tumigil ang cellphone niya sa pag-ring. Mula iyon sa mga tao na muling nagtatanong sa kanya.
Umalis siya sa set, at muli nakahanap ng kalinga sa alak, na kahit sa panandalian lang ay makalimutan niya ang sakit na muling nagbabalik sa kanyang nararamdaman. Pero tila nagpalala lang ang dinulot ‘non sa kanya. Dahil imbis na makalimot ay muling naramdaman niya kung gaano kapait ang pinagdaanan niya, kung paano nadurog ang puso niya noong iniwan siya ni Hunter.
There were days when she would have given anything to see his name pop up on her phone. Pero nang lumipas ang ilang buwan na wala pa rin siyang paramdam, kahit isang text, kahit isang tawag, para siyang mas lalong nabaliw. Thousands of pictures of smiles and kisses and adventures, memories of them being together, left a hole inside her. At alam niyang walang makaka-puno at makaka-hilom ng sugat na iyon kundi si Hunter lamang.
"Siya lang ang kailangan ko, si Hunter lang ang kailangan ko, Ma. Please.. gusto kong makita si Hunter,” hiling niya sa kaniyang ina na nasa kaniyang tabi.
She cried, tears rolled down her cheeks as she packed his things. Lahat ng gamit niya sa bahay after 2 years of sleeping in his t-shirts, and the way his cologne smelled sa mismong katawan niya na kahit sa paraan lamang ‘non ay maramdaman muli niya ang mga yakap nito. She choked back tears when someone asked her kung ano yung nangyari, kung ano ang rason, and her only acceptable response was, "I'm not sure."
It cut her open, day after day, that he had walked away with nothing more than anything, and he turned his back to her and walked away, walang dahilan, hindi niya alam kung ano ang naging problema nilang dalawa para gawin sa kaniya iyon ni Hunter. After he left, she was in a hole so deep that no amount of helping hands could not have pulled her out. Kahit ang sariling ina o mga kaibigan nila. Laying in bed day after day, she tried to think of ways to reach out to him and she cursed his name over and over like the profanities she accompanied with his name would hurt him the same way that he had hurt her but it didn't. Halos madurog sya. She did things that she regretted, and became things she was not before. She went to parties and kissed boys that she had no feelings for, listened to their song over and over, torturing herself everytime.
She learned to believe that she was unlovable and let herself become unhealthy only to realize that none of these things would hurt him the way he hurt her. Indeed the heartbreak he caused her was enough to nearly kill her.
Napasapo siya sa kanyang mukha at muling hinayaan ang mga luha na tumulo. Inilabas ang mga hikbi sa muling pagka-durog ng kanyang puso.
"6 years, 6 f*****g years, Hunter! bakit ngayon pa? bakit bumalik ka pa?" sigaw niya bago hindi napigilan ang patuloy na pag-buhos ng kaniyang mga luha.