Naalimpungatan si Erin nang maramdaman ang pagyugyog sa kanyang balikat, pilit niyang idinilat ang mga mata ngunit gumuhit ang matinding sakit na kaniyang naramdaman mula sa kanyang ulo.
"Oh, my God! Erin, amoy alak ka!" rinig niyang boses ng taong gumigising sa kaniya.
Alam niya boses pa lang ng kaibigan, alam na niya na kung sino iyon, "Trina," sambit niya sa pangalan nito. Sino pa ba? Siya lang naman nakakaalam ng lugar na ‘to, wala ng iba. Ito lang ang tanging pinagkakatiwalaan niya, lalo pa na makita siya na nagkakaganito.
"Hi, Trina babes.." ngiti niya pagkatapos ay itinalukbong muli ang kumot sa kanyang mukha, pero hinila iyon ng kaibigan.
"Lasing ka na naman kagabi, hinahanap ka ni Tita, hindi ka umuwi sa condo mo. Pinasundo ka niya sa set kagabi pero umalis ka na daw! Haay.. Erin, hindi ko na alam gagawin sa’yo."
Sumenyas na lang siya pero hindi pa rin siya nito tinantanan. Well that's Trina, pinaghahampas nito ang pang-upo niya pagkatapos ay nakipag agawan na kunin ang kumot na nakabalot sa katawan niya.
"Haay naku, babae ka! ‘di ka pa pala nakapag-bihis! Kahapon pa ‘to ng umaga ah? Ito yung suot mo ng interview. Gosh! ang baho mo! Take a cold shower amoy na amoy ko ang alak na ininom mo sa katawan mo, nakakasuka!" sermon ni Trina sa kaniya habang pilit siyang pinapatayo.
Hinawi niya ito at umiling. "Trina naman, kailangan ko lang nang pampatulog, ilang shots lang naman. At alam mo na hindi ako pwede magpakita kay Mama ng ganto." katwiran niya.
Napailing muli si Trina, napaisip kung paano ba ang gagawin niya para mapakilos si Erin na walang balak na tumayo. Napakatigas ng ulo nito. "Haaay Erin, talaga! Susuntukin na kita eh,” pagbabanta niya pa ngunit wala rin silbi dahil nanatili na nakahiga si Erin sa kaniyang higaan.
"Kaya ko ‘to i-idlip lang ako saglit, then aalis din ako for shoot."
Napailing si Trina, kilala na niya ang kaibigan at alam niyang hindi lang ilang shots ang nainom nito. Sa tapang ng amoy ng alcohol na sumisingaw sa katawan nito, malamang ilang bote ng alak na naman ang naubos ni Erin kagabi.
"Malaman ko lang na nag-drive ka ng sobrang lasing kagabi, matatamaan ka talaga sa akin," aniya pa at nakita niya nga ang pag-ngiti ni Erin, hudyat na ginawa nga ito ang kanyang sinabi.
"Don't worry buo pa naman ako oh," biro ni Erin sa kanya na hindi ikinatuwa ni Trina. Noong huli kasi na nag-drive ito at nakainom ay nasangkot sa isang aksidente si Erin dahilan para masira ang sasakyan nito. Mabuti na lang at hindi siya nasaktan at galos lang ang natamo.
"Erin! hindi nakakatawa ‘yon! The last time na nag-drunk drive ka halos makaladkad na yung sasakyan mo, paano kung sa susunod maaksidente ka na ng tuluyan ha?" nag-aalala sabi ni Trina sa kaniya.
"Edi maganda, Wala ng Vera Erin," naantok pa na wika nito, at hindi na naman naiwasan ni Trina na mainis dahil sa sinabi nito. Lagi na lang iyon sinasbi ng kaibigan. At kaonti na lang talaga masusuntok na niya ito sa labis na inis dahil sa mga lumalabas sa bibig nito.
"Shut up! you! Agghh! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa’yo," hindi na sumagot si Erin, napapa-iling na lang sa pagkadismaya si Trina dahil sa katigasan ng ulo nito.
"Haay naku, talaga!. Pero sige na wala naman ako magagawa mas mabuti pa na nakausap ko na ang Mama mo, na-cancel na siya yung shoot mo today. Okay na ba?"
Napaangat ito ng tingin sa kanya at umupo na sa kama. "No, tell her pupunta ako."
Umiling si Trina. "No, you can't go na ganyan ka, so magpahinga ka na lang ngayon, sinabi ko na lang na sa akin ka tumuloy para hindi na mag-alala si Tita."
Ngunit dahil matigas talaga ang ulo ni Erin ay hindi siya sang-ayon sa nais ng kanyang kaibigan. "Pupunta ako sa shoot mamaya, Trina. And that's final, maayos lang ako, iinuman ko lang ng ibuprofen 'to, then wala na, promise!"
"Pero–"
"Why? Bakit kayo biglang naging ganyan?” putol ni Erin kay Trina. Before sabi niyo magpaka-busy ako sa work, tapos ngayon gusto niyo wag akong pumasok? Are you guys afraid na baka makita ko ang lalaking ‘yon sa IBS, ganon ba?"
"Alam mo na?" tanong ni Trina kaya napairap siya.
"Tingin mo sa bahay ko walang TV? walang cellphone?, and besides he's all over the news, my phone won't stop beeping with all the tags and mentions. Mas viral pa nga yung pagbabalik niya kesa sa elections eh," katwiran ni Erin. Ang totoo niyan, kaya rin siya nag-inom ay para mawala ang pansin niya sa mga article na naka-tag sa kaniya. Na mas ituon niya ang pansin sa pag-ubos ng alak, kaysa sa makita ang mga article tungkol sa kanila ni Hunter. Mga article na tila bumubuhay sa nakaraan nilang dalawa, at dahilan kung bakit ito biglang nawala.
Napailing si Trina, naawa rin siya sa kaibigan lalo pa at alam niyang nasasaktan pa rin ito sa kabila ng mga panahon na lumipas. "Hindi ko na itatanong sa’yo kung ano nararamdaman mo, kasi alam ko na sagot diyan. But please don't be hard on yourself, magpahinga ka muna sa ngayon. Dahil bukod sa matindi hangover mo niyan mamaya, alam kong hindi ka tatantanan ng mga reporters, magtatanong at magtatanong ang mga ‘yan."
"Edi sasagutin ko uli sila ng hindi ko alam,” putol niya kay Trina bago tuluyan ng tumayo sa higaan. “Isa pa kung iiwasan ko sila sasabihin na naman nilang bitter at affected ako?"
Sa isipan niya, bakit hindi ba? Alam niya ang totoo. At totoong affected pa talaga siya.
Nilapitan siya ni Trina at mas pinakatitigan. "Erin naman,"
"Minsan nang tumigil ang mundo ko nung umalis siya, kaya hindi ko hahayaan na muling tumigil iyon dahil lang sa bumalik siya. Pupunta ako sa shoot ko mamaya dahil kailangan kong magtrabaho. So kung makita ko man siya o hindi, wala na akong pakialam pa."
Diin niyang sabi na tila desidido talaga sa kaniyang desisyon. Alam niya rin na hindi niya matatakasan ang mga mangyayari lalo pa at hihilain ulit siya sa papunta kay Hunter lalo pa at napaka-laki na kontrobersyal ang nangyari sa kanila noon. Mas mabuti na harapin niya ito ng maaga, kaysa na patagalin niya at kung ano na namang mga balita ang lumabas tungkol sa kanila.
Pinakatitigan siya ni Trina kaya napataas ang kaliwang kilay niya. "What?" tanong niya ngunit bigla siyang niyakap nito ng mahigpit.
"You are so hard headed, Erin." Samnit ni Trina kaya napatawa si Erin at niyakap pabalik ang kaniyang kaibigan. Sa lahat ng naging kaibigan niya ito lang ang hindi nang-iwan sa kanya. S'yempre aside rin kay Arianne na isa niya pang kaibigan. Hindi niya nga lang ito madalas na makasama pero lagi pa rin itong nangangamusta sa kaniya. Naiintindihan niya naman si Arianne dahil abala ito sa sariling buhay, at mas mabuti na rin ito na si Trina ang nakakasama niya, nasasabihan niya, kasi pag nag-breakdown siya sa harap ni Arianne iiyakan siya nito pero pag si Trina ang kaharap niya, babatukan lang siya nito at pagagalitan.
Hindi niya daw dapat iyakan ang lalaki, dapat siya ang nagpapa-iyak sa lalaki. At kahit sino ang mag-tanong kay Trina tungkol sa kanya o kinaroroonan niya ay hindi nito sinasagot.
Ngayon umuwi si Hunter, malamang maaaring hanapin siya nito at least kung mag-tanong sila kay Trina, kampante siya na hindi ito magsasalita.
Hahanapin niya ako, ‘yon ay kung may pakialam siya sa’kin, kasi kilala ko si Hunter. Kung may balak siya na makipag ayos edi sana kagabi pa lang pinuntahan na niya ako?. Pero hindi.
O kaya naman ngayon kumakatok na siya d’yan sa may pintuan ko, baka kaya wala na nga. Pero bakit pa ako umaasa? Imposible na ‘yon at hindi naman na dapat pa.
"Pero hindi purkit niyakap kita nakalimutan ko ng ang baho mo. Maligo ka na Erin, and I'll make you breakfast."
Napalabi si Erin sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Aww Trina, you're the best."
Muling sabi ni Erin bago niyakap muli ang kaibigan na parang inaasar pa ito lalo.
"God! Vera Erin! I can't believe you smell like s**t! Maligo ka na!" sigaw ni Trina sa kaniya kaya kapwa sila natawa.
—
"Erin, sinasabi ko na na wag ka na munang umalis, pina-cancel ko na nga ang shoot mo pero sinabi mo pa rin na pupunta ka." rinig niyang sermon ng kanyang Mama. Umuwi kasi siya sa kanila upang kunin ang ilang gamit at damit na gagamitin niya mamaya sa shoot. At simula nang makabalik siya ay katakot-takot na sermon ang kaniyang natanggap mula sa kanyang ina.
"I need to work, Ma. Marami akong hinahabol na matapos, pagkatapos ng long weekend paspas na naman ako sa trabaho. Gusto ko lang bawasan, bukas ang rest ko, at bukas susulitin ko ang pahinga, promise ‘yan." aniya bago isinilid ang ilang gamit sa kaniyang bag.
Biglang na-lungkot ang mukha ng kanyang ina. "Anak.."
"Ma, alam ko kung ano ang pinag-aalala niyo. Na baka makita ko siya, pero don't worry kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako papa-apekto. Pupunta lang ako ng ABS para sa shoot, then I'll go home afterwards."
Hindi na nagsalita ang kaniyang Mama at agad na lang siyang niyakap. Tipid niya itong nginitian bago niya dinampot ang mga bag niya, pagkatapos ay lumabas na ng bahay nila. Wala na rin nagawa ang kanyang Mama, kundi ang hayaan na lang si Erin.
Pero sa isipan ng kanyang ina, pinapanalangin nito na sana nga ay hindi na ito talaga naapektuhan. Sana nga ay talagang naka move-on na ang anak sa nakaraan.
—
Sunod-sunod na kislap ng camera ang bumungad sa kanya paglabas ng building. Naging madali lang ang photoshoot nila ngayon at siguro ay sapat na ang mga nakuhang litrato na gagamitin para sa susunod na awarding, kung saan na nominee pa siya bilang best actress sa mga nakaraang proyekto. Pero kung gaano kabilis natapos ang trabaho niya ngayon ay mukhang mas mahihirapan pa siya na lusutan ang mga reporters at press na halos kanina pa humaharang pagdating niya mula kanina pa. May ilang naghintay sa labas ng studio at halos lahat isa ang naging sagot niya.
"Erin, alam mo ba na bumalik na si Hunter?" tanong ng isang reporter.
Isang tipid at pekeng ngiti ang ipinakita niya. "O talaga? Good for him."
"Hindi mo ba alam na pupunta siya? Hindi ba kayo nag-kausap?" tanong ulit ng isa pa.
Umiling si Erin, "No walang ganon.'
Sa isipan niya, paano mag-sasabi ito na babalik siya, eh hindi nga ito nag-sabi noon na aalis siya.
Bawat tanong ng mga reporter ay simpleng sagot lang ang iginanti niya, Isang tanong, isang sagot. Dahil ayaw niyang pahabain pa.
"Erin, eh kung they will offer you a project project with him? tatanggapin mo ba? Ready ka na ba na makatrabaho uli si Hunter?" Tanong pa uli ng isa kaya napatingin siya roon. "Balita kasi namin ay may inalok kay Hunter na bagong serye. Willing ka ba na makatrabaho siya kung sakali na ikaw ang mapili niya na kapareha?"
Muli ay isang tipid na ngiti ang kanyang iginanti. "Kung trabaho rin naman wala naman problema.”
"Pero kung sakaling kausapin ka niya papayag ka ba na kausapin siya ng personal? Na may chance pa ba na magkaayos kayo?" tanong pa ng isang reporter kaya napahinto siya.
"Pero ano ba kasi talaga ang reason kung bakit siya umalis? ngayon ba na bumalik na siya masasabi mo na ang rason kung bakit nangyari ‘yon 6 years ago?
Hindi siya nakapag-salita, dahil hindi niya rin alam ang kaniyang isasagot rito.
"Pero hindi ba wala naman kayong closure kahit 6 years na ang lumipas? Ibig sabihin non kayo pa?"
Kung kanina ay kaya niya pa ang mga katanungan, ngayon ay parang nalulunod na siya, Hindi niya pa pala kaya na sagutin ang mga ganitong klaseng tanong sa kanya, kahit pa na natanong naman na ito sa kaniya noon. Apektado pa rin siya, at baka hindi niya kayanin kapag nagpatuloy ito.
"Sorry, I need to go." aniya bago humakbang papalayo, may ilan na humabol sa kanya pero mabuti na lang ay may humarang na rin na mga guard mula sa IBS ang nag-assist sa kanya papunta sa kanyang sasakyan. Na kahit na nakapasok na siya sa loob ay may ilan pa rin na kumakatok at nais na makakuha ng sagot mula sa kaniya. Nagbabakasakali na sagutin niya ng mas malinaw ang mga katanungan nila.
Napabuntong-hininga siya na napahawak sa manibela ng sasakyan. Ramdam pa rin niya ang panghihina ng kanyang mga binti, ang panlalambot ng kanyang kalamnan kanina habang pilit niyang pinapamukhang malakas ang sarili sa harapan ng lahat. Habang pinipilit niya na magmukhang hindi naapektuhan. It hurts to let go, but sometimes it hurts more to hold on ika nga. Hindi ganon kadaling bumitaw at sa nakalipas na mga taon, pilit niyang pinaniniwala ang sarili na maayos na siya. Na hindi na masakit na wala na siyang pakialam. Na hindi na siya nasasaktan. Nagawa niya iyon, pero siguro dahil sa wala siyang nakitang bakas ni Hunter kaya madali niyang napaniwala ang sarili na okay na siya, na naka move-on na siya.
Pero iba na ngayon, tila tumindi ang sakit. ibang lebel ng emosyon ang kanyang nararamdaman, naging ibang lebel ang sakit. Inisip niya sana sinunod na lang n’ya yung payo nila na wag na sana tumuloy ngayon pero hindi eh, may parte sa loob niya na gusto niyang ipa-mukha sa lahat na kaya niya. Na kung kinaya ni Hunter na alisin siya sa buhay nito ng ganon lang kadali, ay kaya niya rin iyong gawin sa binata.
When we're deep into something it's hard to see clearly and to hear advice from others. It's hard to focus on a solution when we are consumed with the problem. Nilamon na siya ng sakit na nararamdaman, ng puot at galit dulot ng ginawa ni Hunter sa kanya.
Ngayon hindi na niya alam kung paano paglalaruan ang tadhanang mukhang nagsisimula ng paglaruan siya. It’s like playing and watching a game of chess, there’s a difference between playing and watching the game. It's so much easier to see checkmate when you're not the one playing the game.
"s**t! I need a drink." bulalas niya, not just a drink but a real drink. Yung klase ng inumin na makapag-patuwid sa pag-iisip niya, at sa kabilang banda ay makakapag-palimot sa panlalambot ng katawan niya.