Chapter 3

2232 Words
One shot, then three more to go, hindi na niya alam kung gaano na karami ang na-inom niya ng sunod-sunod. Halos halo-halo na rin ang alak sa kanyang sikmura dahil kung ano na lang ang i-abot sa kanya ay agad niyang iniinom. Ang gusto niya lang ay ang mag-saya, ang makalimot, ang mawala ang sakit na nararamdaman niya. Napailing siya, "Hindi, hindi ako nasasaktan, hindi na... matagal na," muli niyang sabi sa sarili kahit alam niyang hindi iyon totoo dahil iba ang nararamdaman niya. Ayaw niya lang aminin dahil pilit na niyang inalis si Hunter sa buhay niya, sa isipan niya lalong lalo na sa puso niya. Nakaya niya iyon ng matagal na panahon, natanggap na niya iyon pero bakit bumabaliktad ngayon?. Kaya hindi.. hindi na siya masasaktan pa. Pinipilit niya na hindi na masaktan pa, pero sa isang iglap ang paligid ay tila naging pamilyar. Tila bumalik ang nakaraan sa kanyang isipan dulot ng mga ilaw na tumatama sa kapaligiran. Maingay, matao, lahat nagkaka-siyahan. Kaiba ngayon sa kanyang nararamdaman. noon ay tunay ang ngiti sa kanyang mga labi, noong araw na surpresahin niya si Hunter sa mismong kaarawan nito anim na taon na ang nakakalipas. May shoot siya sa Hongkong noong para sa movie niya, at kasalukuyan na ang panahon na 'yon ay nalalapit na ang birthday ni Hunter, kahit na binisita na siya nito ay iba pa rin kung makakasama siya nito sa mismong kaarawan niya. Kaya kahit hindi siya sigurado, kahit na alam niyang alanganin ay sinubukan niya. Bumawi siya ng shoot buong araw para lang payagan siya ng direktor na makauwi sa Pilipinas sa mismong araw na iyon. Para lang makahabol siya sa birthday ni Hunter at hindi naman siya na-bigo. Dahil sa pagkakataon na yakapin niya ito at lingunin siya ng binata ay kitang-kita niya ang matinding kasiyahan sa mukha nito. Alam niyang nagulat si Hunter dahil hindi niya sinabi na u-uwi siya. Na kahit na sinabihan na siya nito na wag na lang siyang mag-abala dahil alam nito na naghahabol sila sa scenes. At naiintindihan siya, dahil may trabaho siya ay gumawa pa rin siya ng paraan. Pero puwede ba 'yon? puwede ba na matiis niya ang lalaking pinakamamahal niya lalo na sa araw ng kaarawan nito?. Siyempre hindi. Dahil kahit kailan, hinding-hindi niya ipagpapalit si Hunter kahit sa kung ano pa man. Si Hunter ang hiniling niya, at ibinigay sa kanya, kaya gagawin niya ang lahat para rin kay Hunter. Gagawin niya ang lahat para lang sa relasyon na meron sila. Bumalik ang imahe sa kanya ng isipan ng mga gabing iyon. Hindi niya maiwasan na maluha. Ang ekspresyon sa mukha ni Hunter, ang mga ngiti nito, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, at lalong lalo na ng oras na halikan siya nito sa harap ng maraming tao. Na parang walang ibang naroroon kundi sila lamang dalawa. Ang mga yakap, ang mga hapit, ang kanilang pag-sayaw habang nakadikit ang katawan nila sa isa't isa na tila hindi siya nito kayang bitawan pa. Na kahit kailan hindi siya kaya nitong iwanan. Napailing siya, naipikit ang mga mata para maalis ang mga imahe na nakikita niya sa kapaligiran. Para maalis ang ala-ala na pilit niyang kinakalimutan. At bumalik sa dati, bumalik ang paligid kung nasaan siya ngayon, makalipas ng anim na taon matapos ang gabi na 'yon. Natawa siya sa kahibangan, bago kinuha ang isang shot glass na naman na nasa tray ng waiter na dumaan. Pagkatapos, muling iginiling ang katawan sa gitna ng entablo kung saan marami rin ang nagkakasiyahan. Naglaro ang mga ilaw na tumatama sa kanyang balat, wala na siyang pakialam sa mga tao na halos lumalapit sa kanya at idinidikit ang katawan sa kanya para makipag sayaw. Lahat 'yon, tinangap niya. Na sa sobrang kalasingan hindi na niya alam ang ginagawa niya. Hangang sa makita ng mga mata niya ang mga pamilyar na mukha, sila June, si Aljon, pati si Frank na tila may hinahanap. Madalas niyang makita si June o si Aljon, dito pero ngayon niya lang nakita na nakasama nito si Frank, at dahil doon may namumuong idea sa kanyang isipan. Isang posibilidad, hindi kaya kasama nila siya?. Napailing siya, hindi.... eh ano naman kung kasama nila si Hunter? wala na akong pakialam sa lalaking iyon. Ngunit ilang saglit ay tila nanigas siya sa kanyang kinatatayuan lalo pa nang makita ang mukha ng lalaki na nasa isipan niya. Hindi pa rin nagbago ang itsura nito sa nakalipas na anim na taon, lumaki lang ng kaunti ang katawan nito at tila mas naging matipuno, pero ang tindig at tayo nito ay hindi nagbago. Kung titignan, ay tila hindi lumipas ang anim na taon. Habang tinitignan niya ito mula sa kalayuan ay parang nakatitig pa rin siya kay Hunter, noong mismong gabi na iyon, anim na taon na ang nakakaraan. Napapikit siya at tila may imahe na naman ng nakaraan ang lumitaw sa kanyang isipan. Ang bagay na naganap matapos ang celebrasyon nung gabing iyon. Nahuli nito ang mga titig niya, pagkatapos ay ngumiti at nilapitan siya. "Hi, love. loving the view?" tanong ni Hunter pagkatapos ay ipinalibot ang braso sa kaniyang baywang. "Kinda. But I love you most," nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi pagkatapos ay tinitigan ito mula sa mga mata. Dahan-dahan na idinampi ang palad nito sa dibdib ni Hunter kaya mas lalo nitong inilapit ang sarili sa kasintahan. "Let's go somewhere else," aya ni Hunter sa kaniya. "s**t!" napailing siya para makalimutan ang ala-ala sa kanyang isipan pagkatapos ay agad na tumalikod at kumuha ulit ng alak bago tinungga iyon. Ramdam niya ang mainit na alcohol na gumuhit sa kanyang lalamunan papunta sa kanyang tiyan. Tila may bituin na sumabog sa kanyang isipan na nagpapalimot sa pait at sakit na pilit niyang iniinda. At sa sandaling iyon ay tila naging matapang na naman siya para harapin ang isang kasinungalingan. Pinagmukha niya akong hibang sa loob ng anim na taon. Hindi ko hahayaan na pumasok siya muli sa buhay ko ng ganon-ganon na lang. Wala akong pakialam kung makita niya ako, wala akong pakialam kung ano ang isipin niya. Kung bakit ako narito dahil gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya kawalan sa buhay ko. May sumilay na ngiti sa mga labi niya nang makita ang lalaki sa kanyang harapan. Iniabot nito ang isa pang shot ng alak na kanya at lugod na tinanggap niya iyon. Pero hindi lang iyon, dahil ng maubos niya ang inumin ay hinapit niya ito at hinalikan sa labi ang lalaki. Lasang-lasa niya ang pait ng alak na ngayon ay pinagsasaluhan ng kanilang mga bibig. Pero hindi doon nagtatapos, dahil sa kanyang ginagawa ay tila mas lalo siyang nahuhulog sa patibong na kanya mismong ginawa. Nang ilapat niya ang kanyang labi, ay wala siyang ibang makita kundi ang mukha ng iisang lalaki na minahal niya sa kanyang talambuhay. Ang lalaki kung saan naramdaman niyang mabuhay. Na siya rin lalaki na naramdaman niya kung pano mabuhay ng patay at walang maramdaman. Na para lang namamanhid ang katawan sa tindi ng sakit at walang katapusan. Sa kasalukuyan, iba ang lalaki na kapalitan niya ng mga halik. Ngunit sa kanyang isipan ay si Hunter iyon. Si Hunter kung saan pinagsasaluhan ang matamis na halik na nanatili na lamang sa kanyang mga ala-ala. Lumalim pa ang halik nila sa isa't isa hanggang sa maramdaman niya rin ang mga haplos ng lalaki sa kanyang katawan. Na kung kanina lang ay nasa baywang niya, ngayon ay bumaba na iyon papunta sa pang-upo niya. Bumaba ang halik ni Hunter sa kanyang leeg hanggang sa mapasinghap siya ng maramdaman ang mumunting kagat nito sa kanyang balat. Napangiti siya at hinapit pa ang ulo nito na humahalik sa leeg niya hanggang sa marinig niya ang bulong nito sa kanya sa may tainga. "Let's go somewhere else." "let's go somewhere else, ayoko na dito, Mahal. Mas gugustuhin kitang masolo." sambit ni Hunter. Parang may sariling pag-iisip ang kanyang katawan at hinayaan na hapitin siya ng lalaki paalis ng dancefloor. Nangingiti pa siya na kumapit sa lalaki dahil halos matapilok na siya sa kalasingan. Hinawakan lang din siya nito ng maigi, bumubulong sa kanya habang saglit pa na hinalik-halikan ang leegan niya na kanyang hinayaan lang. Masaya at pilyo silang napatingin sa isa't-isa habang papaalis sa venue, tumakas lamang sila at pinasabi na lang na ihahatid siya nito pa-uwi. Pero hindi iyon ang totoong binabalak nilang dalawa. Nakaguhit sa kanilang mga tingin ang labis na pagmamahal na mayroon sila para sa isa't-isa,"Love" natatawa si Erin ng halik-halikan ni Hunter ang palad niya na may kasamang gigil "Na-miss kita, alam mo ba 'yon?" "And I miss you more my birthday boy." ngisi nito kaya mas hinapit pa siya nito at habang magkahawak ang kamay ng isa't-isa hanggang sa matagpuan ang sasakyan sa madilim na parking lot. Pinagbuksan siya ni Hunter ng pintuan. Narinig niya ang pag-bukas ng pintuan ng isang sasakyan hanggang sa maramdaman niya ang paglapag ng katawan niya sa upuan. Nakita niya si Hunter na dali-daling sumakay sa drivers seat ng isara nito ang pintuan ay agad siyang napakagat sa kanyang labi ng tila sa bagay na binabalak nilang gawin ngayong gabi. "Sit here, babe." wika ng lalaki pagkatapos ay hinawakan ang kanyang pulsuhan. Nakangiti si Erin na umupo sa kandungan ni Hunter bago tinitigan ito sa mga mata, at ng muli siyang mapakagat sa kanyang ibabang labi ay hindi na nakapagpigil si Hunter at hinapit ang batok niya para siilin muli ng mainit na halik ang mga labi niya. Napaawang ang labi ni Erin nang maramdaman niya ang unti-unting pag-baba ng mga halik nito sa kanyang leeg. Habang ang mga kamay nito at humahaplos sa kanyang dibdib. "Oohh" hindi niya mapigilan na mapa-ungol. "Oh yes, baby. Mabilis lang 'to. Tiyak mag-i-enjoy ka." Napatikop ang kaniyang bibig. Hilong-hilo na siya dahil nagsisimula nang umepekto ang alak sa sistema niya , hindi na siya halos makapagisip ng maayos, nanlalambot ang katawan niya na tila sumusunod na lang sa bawat utos ng lalaki sa kanya. "I love you, Love. I love you so much." rinig niyang wika ni Hunter sa kanya habang hinahalik-halikan ang balikat niya pababa sa kanyang dibdib. Ramdam na niya ang pangangailangan nito sa kanya dahil ramdam na rin niya ang bukol sa pagitan ng mga hita nito. Tila gusto nang makawala at maangkin siya rito mismo sa sasakyan na ito. She grind herself into him, teasing him. Itinaas-baba niya ang kanyang sarili habang nakakandong paharap sa binata. She want him big and hard hanggang sa hindi na makatiis ito at sirain na ang mga tela na humaharang sa mga kaselanan nila. Naramdaman niya ang pagkibot ng kanyang kasarian, mas lalong nag-init ang kanyang katawan. "I want you Love, please... I want you now." at pagkasabi niya non ay iginilid ni Hunter ang kanyang suot na pang-ibaba, sunod na naramdaman ang kahabaan nito na dahang-dahang bumabaon at pumuno sa p********e niya. "Ooh.. God Hunter. Oh, Love!" taas-baba siyang gumalaw habang patuloy nilang binibigkas ang salita para iparamdam ang pagmamahalan sa isa't-isa. Napaungol si Erin nang maramdaman ang kamay ng lalaki na ngayon ay humahaplos sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Pero wala na siya sa tamang huwisto, hindi na niya alam ang ginagawa niya, tanging ang mga ala-ala lang sa kanyang isipan ang malinaw. Ganoon pa man may bahagi ng isipan niya na nagtataka kung nasaan siya ngayon, kung bakit iba ang paligid, iba ang taong humahalik sa kanya. "Come on, moan baby, ang tagal kong hinintay 'to. Ang tagal kong nagtiis na magawa 'to sa'yo." bulong pa ng lalaki habang humahaplos sa kanya. Ramdam niya ang kamay nito na itinataas na ang laylayan ng suot niya. Hinihimod ang ang kaselanan niya. No, he is not my Hunter.... Napahawak siya sa lalaki at sinubukan na i-angat ang sarili para umalis sa kandungan nito, umalis sa lugar na to pero masyadong lulong na siya sa epekto ng alak. Pakiramdam niya ay lumulutang na siya sa sobrang pagkahilo. Hanggang sa mas hapitin muli siya nito at maramdaman ang daliri nito na ngayon ay nasa loob na ng underwear niya. Sinubukan niyang i-angat uli ang sarili pero iba ang kinalabasan non sa lalaki, akala nito ay nasasabik sa kanya si Erin dahil imbis na makalis sa ibabaw ng lalaki ay mas natumba ang katawan nito pahiga sa dibidib nito. Gayon pa man ay hindi ito inalis ang daliri na nagmamasahe sa bungad ng kaselanan niya. Pumasok sa isipan niya si Hunter, si Hunter habang nasa pagitan ng mga hita niya at pinapaligaya siya. Naramdaman niya ang biglang pagkabasa ng kanyang p********e "Love.." But not he's your Hunter, Erin. He is not your Love, kundi isang lalaki na nais makuha ka at pagsamantalahan. "Tangina! libog na libog ka na rin puta! ilang beses kang nagpakipot noo, bubukaka ka rin naman pala ngayon?" Napailing siya, he is not Hunter. Hindi.... kailangan niyang itaboy ito. Umiling siya at pilit inutusan ang sarili na humiwalay sa lalaki pero hindi niya talaga kaya. Gusto niyang umiyak pero kasalanan niya naman ang lahat. Wala na siyang magagawa kundi ang umiyak at pagsisihan ang lahat bukas pagkagising niya ng umaga. Susuko na siya, na mandidiri na lang sa sarili niya dahil hinayaan niya ang sarili na pumasok sa ganitong sitwasyon. Ngunit, hindi niya inaasahan na bigla na lang siyang nakarinig ng malakas na kalabog mula sa likod ng sasakyan, dahilan para mapapaling niya ang kanyang katawan dulot ng pag-urong ng kanilang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD