Chapter 8

2555 Words
8:00pm "Tara na love? sleep na tayo?" Nakangiting tanong ni Erin kay Hunter na nakatayo sa gilid ng kama nila. Saglit niya pang tinapik ang unan sa tabi niya bago pinakatitigan uli ang kasintahan na kanina pa parang hindi mapakali. "Love.." tawag niya pa sa pangalan nito. "Hunter, may problema ba?" nag-aalala na niyang tanong dahil imbis na sagutin siya nito ay titig lamang ang iginanti sa kanya ng binata. "Mahal? May problema ba?" Ngumiti ito habang nanatili lang na nakatayo sa harap niya. "Come here," sabi ni Hunter sa kaniya. "Hunter? Ano ba may problema ba? Wag mo naman akong tingnan ng ganyan?." Napangisi si Hunter bago nilapitan pa siya, hinawakan nito ang kamay ni Erin at pinatayo siya "Bakit? Akala ko ba matutulog na tayo?" "May papakita lang ako sayo saglit." "Ha? Teka saan?" Napakunot ang noo niya nagtataka sa kung anong pinaplano ni Hunter, basta hinapit lang sya nito. "Hunter? Ano ba kasi ‘yon?" "Basta.." saglit na dinampian nito ng halik ang labi niya bago ipinalibot ang mga braso sa bewang ni Erin. "Teka, teka? Lalabas tayo eh naka pang tulog na ko." reklamo pa ni Erin nang dalhin siya ni Hunter sa labas. "Dito lang tayo, ‘wag kang mag alala." Wika pa nito kaya tila mas lalo siyang nagtaka. Hanggang sa dalhin siya nito sa balkonahe ng hotel room nila, kitang-kita ang napakagandang dagat sa gabi, at ramdam nila ang lamig ng simoy ng hangin na humahaplos sa mga balat nila, "Akala ko kung saan tayo pupunta." Humarap sila sa balkonahe habang si Hunter ay nakayakap lang sa likuran niya parehas nilang dinama ang simoy ng hangin "look love." Itinuro ni Hunter ang kalangitan kaya napatingala si Erin at nakita ang langit na punong-puno ng bituin. "Wow love! Ang daming stars." Nakita niya na sumabay ang kislap ng mga mata nito sa kislap ng mga tala sa langit. "Ang ganda hindi ba?!" tumango si Erin bago naramdaman ang higpit ng yakap ni Hunter sa kanya. "Kaya mo bang bilangin?" tanong ni Hunter. Banayad siyang nahampas ni Erin, may malikot na ngiti sa mga labi nito, "Bilangin ka d’yan, andami-dami, tignan mo! Parang wala nga na hangganan oh, tapos papabilang mo sakin?" Pilyong ngumiti si Hunter. "Parang yung pagmamahal ko sa’yo," napangiti siya. "Walang hangganan, hindi ko na rin mabilang kung ano ang mga dahilan kung bakit minahal kita." Napalabi si Erin bago pinakatitigan si Hunter. Hindi mawari kung ano ba ang dahilan at bigla na lang ito naging ganito, pero hindi siya magrereklamo. “Sus! naglalambing ang Hunter ko." Agad naman na sumeryoso si Hunter at pina-harap sa kanya ang kasintahan. "Love, alam ko na gabi na, na nakapajama lang tayong dalawa at nasa simple lang tayong lugar pero hindi ko na kasi kaya.." Gumuhit ang pagtataka sa kanya, "Ano ang ibig mong sabihin, Hunter?' "Dapat bukas pa ‘to pero hindi ako mapakali, parang hindi ako makakatulog kung ipagpapabukas ko pa ‘to, kaya sana kahit na ganito lang tanggapin mo pa rin ako." Napakunot uli ang nuo ni Erin, bago napailing. "Ano ba sinasabi mo d’yan? Pinagtitripan mo ba ako?" Pero hindi siya sinagot ni Hunter, bagkus ay lumuhod ito sa harap niya habang hindi binitawan ang kamay niya. "Love.." Nan-laki ang mata ni Erin dahil sa ginawa nito. "Huy! Hunter! tumayo ka nga d’yan" naluluha na niyang sabi habang nakatingin kay Hunter na matiim pa rin na nakatitig sa kanya, "Hindi magandang joke ‘to." Lumapad ang mga ngiti ni Hunter habang hindi pa rin inaalis ang tingin na puno ng pagmamahal kay Erin. "Hindi ako nag jo-joke, at seryoso ako Erin, seryoso na seryoso ako sa’yo." "Hunter, naman.. Ano ba kasi ‘to, ha?" Humigpit ang hawak ni Hunter sa kamay niya. "Alam kong di romantic ‘tong lugar, walang setup walang candle light dinner at walang tumutugtog ng violin sa paligid natin habang may mga tao na nakatingin at nakatutok ang phone satin. Alam kong hindi ganito ang ineexpect mo, hindi ganito yung napapanood mo, pero I want to do it my way, to ask you this question in my own way." Tuluyan na pumatak ang mga luha ni Erin. “Mahal, ano ba? This is not even funny." "Love, it's just you and me, at tanging mga bituin lang ang nakaka-saksi satin ngayong gabi, gusto ko na malaman mo kung gaano kita kamahal." Napangiti si Hunter habang hindi na rin napigilan ang sariling mga luha habang pinagmamasdan ang babaeng nagpabago sa buhay niya. "The moment I saw you, alam ko na ikaw na, alam kong marami akong karibal, mas mayaman sa ’kin, mas gwapo, hindi patpatin pero ako pa rin ang pinili mo, wala akong kahit na anong maibigay sa’yo noon pero tinanggap mo ko, tinanggap mo ako ng ako at buong-buo, mula noon hanggang ngayon, wala kang ginawa kundi intindihin, tanggapin at mahalin ako ng buong-buo." Napa-hikbi si Erin at nginitian siya. "Love you are there during my worst and the best days in my life. You are the best of best in my life Erin, and I want to be with you until the rest of my life." buong puso na sambit ni Hunter. Hindi naman makapaniwala si Erin. Parang isang panaginip lang ang nangyayari sa mga sandaling ito. "Hunter, isa! hindi nakakatawa ‘to." pilit niyang itinatanggi, na isang panaginip lang ito, na maaaring hindi seryoso si Hunter, ngunit kabaliktaran naman. "I know pero hindi ako nagpapatawa, hindi kita niloloko, seryoso ako sa bagay na to Erin at alam kong nararamdaman mo rin kung gaano kita kamahal. Kaya sana mahal ko tanggapin mo ‘to ako na pang-habang buhay mo." Naramdaman niya ang panginginig ng kamay ni Erin, "Love" "Erin, mahal ko.. Will you marry me?" Tanong ni Hunter bago inilabas niya ang singsing na matagal na niyang pinaka tago-tago, kaya hindi na napigilan ni Erin ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Oh my god! Love. Is this a prank?" "Of course not, bakit mo ‘yan naisip?" "So this is real?" napapaypay siya sa sarili habang tinitignan si Hunter tila hindi pa rin makapaniwala sa sinabi nito. "Of course this is real, Erin. Hindi ako nagbibiro, I want to marry you! Ikaw lang, wala ng iba pa." Napatingin ito sa paligid "Baka may camera? Baka pinagtitripan niyo lang ako nila Mama. this is not funny, this is too much.." "I want you to be my wife" "I'm gonna kill you if this is just a prank." "I'm dead serious, my Love. I want to marry you, gusto kitang maging misis ko, maging ina sa mga magiging anak natin at hindi ako nagbibiro." Muling bumuhos ang luha nito at muling napapaypay sa sarili "Love are you serious?!" "Yes I am" "Oh god!" napahinto siya at pinisil ang kamay ni Hunter. "Oh God! I don't know what to say," "You just have to answer me yes or no. Love, will you marry me?" Sa wakas, sapu-sapo ang kanyang bibig napa-tango siya kay Hunter. "Yes.” "Yes?" nanlaki ang mga mata niya at tumayo "It's a yes?" "Yes, bali!" "Oh god!" para siyang nakahinga ng maluwag sa sagot nito, inaamin niya na kinabahan siya sa reaksyon ni Erin. Akala niya ay tatangihan siya nito "Oh god!" isinuot niya ang singsing kay Erin bago hinapit si Erin para halikan ang labi nito. "It's a yes!" isang halik hanggang sa yakapin siya ng mahigpit nito at halos buhatin na Naguumapaw ang saya sa kanilang dalawa, hindi siya makapaniwala sa sinagot ng kanyang kasintanan. Na ngayon ay kanyang mapapangasawa. "Yes ! It's a yes!! Oh my god Love!" "I love you so much, Erin." "I love you too, Hunter." Pero bigla na lang parang naglalaho ang kapaligiran, parang bumaba ang kalangitan at napapalibutan sila ng mga bituin, napatingin siya sa kanyang kinatatayuan at naging madilim iyon para siyang malalaglag, wala siyang makita sa paligid kundi ang madilim na kalangitan na para silang naiwan sa ere at wala silang makitang hanganan. "Hunter.." Napaangat siya ng tingin at nakita na palayo si Erin, pilit niyang iginalaw ang mga paa pero patuloy ang paglayo ng pagitan nilang dalawa, umiiyak ito at inaabot siya. "Hunter, tulungan mo ako!" "Erin!" sigaw ni Hunter, pero palayo lang ito nang palayo. Bawat pilit niya abutin ang kamay nito ay tuluyan itong kinakain ng dilim. "Erin! wag mo akong iwan please! tulungan mo ako!" "Erin!" "Hunter!" "Erin" Napabalikwas siya ng bangon sa higaan at habol-habol ang hininga. Nanaginip siya, napanaginipan na naman niya ang gabing iyon kung saan nag-propose siya kay Erin. Pero kagaya rin ng mga nakaraang panaginip niya ay ganoon ang naging katapusan. Siguro gawa iyon ng konsensya niya sa ginawang pag-iwan sa kasintahan. Napatayo siya sa higaan at napahawak siya kanyang ulo, naparami ang inom nila ni Frank at hindi napansin na nakatulog siya. Napatingin siya sa orasan at mag-a-alas otso na ng gabi. Kumuha muna siya ng tubig para maibsan ang pagkauhaw bago naisipan na lumabas sa balkonahe ng kanyang condo, hindi niya naiwasan na napatingin sa kalangitan. Punong-puno iyon ng bituin kagaya na lang noong gabing iyon na hindi niya makakalimutan. Napabuntong hininga siya at pinagmasdan ang kalangitan, pinagmasdan ang ganda non na tila nakakapag-paalala sa kanya sa babaeng pinakamamahal niya. Totoo iyon dahil simula ng mangyari ang gabing iyon ay napaka-importante na ng mga bituin sa kalangitan para sa kanya, dahil sa tuwing titingin siya sa madilim na langit na puno ng mga bituin ay ang mukha ni Erin ang nakikita niya. Naalala niya ang mga ala-ala nilang dalawa habang magkayakap at pinagmamasdan ang maliwanag na kalangitan. Kaya sa mga nakaraang taon ang kalangitan ang naging dahilan kung bakit nandito pa rin siya hanggang ngayon, sa tuwing titignan niya ang mga bituin sa langit ay naiibsan niya ang pangungulila kay Erin. Ganoon pa man ay hindi niya mapigilan ang takot na kanyang nararamdaman katulad na lang ang nasa panaginip niya. Siya ang may gawa non, siya ang dahilan kung bakit may takot sa puso niya. Dahil katulad ng nasa panaginip niya ay tila sumasalamin sa nangyayari ngayon. Si Erin, nawala sa kanya si Erin. Nagbago ito ng dahil sa kanya unti-unting naglalaho ang dating Erin na minahal niya. Akala niya ay para sa ikabubuti nito ang naging desisyon niya pero hindi pala dahil kabaliktaran pala non ang nangyari at kasalanan niya iyon. At kapag hindi siya gumawa ng paraan para maitama ang lahat, hindi magtatagal ay maglalaho sa buhay niya ng tuluyan si Erin. At ngayon niya lang napagtanto na hindi niya kayang mangyari ‘yon. Napatingin siya sa picture nila ni Erin na nasa kanyang cellphone, bago muling napatingin sa kalangitan "Nakatingin ka rin ba sa mga bituin ngayon, Erin? kung oo sana maalala mo yung sinabi ko sa’yo noon, kasi totoo ‘yon." Napabuntong hininga siya, humiling na sana sa mga sandaling ito ay maayos lang si Erin. "Mahal kita, Erin. Mahal na mahal walang hangganan at hindi nagbago ‘yon. " --- "Gago!" napangiti si Erin bago napailing at humithit sa sigarilyo at saka ibinuga ang usok non. Nasa labas siya ng terrace ng condo unit niya at tinatanaw ang mabituing langit sa gabi, pero imbis na ma-mangha sa kislap non ay natatawa na lang siya. Natatawa na lang siya sa mga ala-ala ng nakaraan na gumago sa kanya. Mga ala-ala na naalala niya sa tuwing pagmamasdan niya ang mga tala sa gabi. Naalala niya ang mga kahibangan niya, naalala niya lahat ng mga pangako na inakala niyang totoo yon pala ay hindi naman. Muli siyang humithit sa sigarilyo pagkatapos ay dinama ang usok na pumasok sa sistema niya at sa tuwing ibubuga niya iyon ay pakiramdam niya nawawala ang tensyon sa katawan niya. Nawawala ang sakit na nararamdaman niya at nakapag-isip siya ng maayos. At nang maubos iyon ay nagsindi uli siya bago nilagok ang natitirang alak sa bote ng wine na nasa gilid niya. Hindi siya makatulog, matapos ang mga nangyari hindi niya alam kung magiging maayos pa ang tulog niya o may pagbabago nga ba?. Anim na taon na, anim na taon na rin simula ng nakahanap siya ng kalinga sa alak para lang makatulog siya ng maayos, makatulog siya ng wala ang mga panaginip o mga ala-ala na gumugulo sa kanya. Anim na taon na, anim na taon na rin simula ng nakahanap siya ng kalinga sa alak para lang makatulog siya ng maayos, makatulog siya ng wala ang mga panaginip o mga ala-ala na gumugulo sa kanya. Pero ngayon parang hindi na tumatalab, dahil ngayon simula ng muling magtuos ang landas nila ni Hunter ay tila isang multo ang mga ala-ala nila at ayaw syang lubayan, nakakabit na ito ng tuluyan na tila anino at nakabuntot sa kanya. "I don't want him to be part of my life again, ayoko na, tama na!" Ilang taon na simula ng pinili na kinalimutan niya ang pinaka-masaklap na parte ng buhay niya, at walang sino man ang nanaisin na maulit lahat ng sakit at hapdi na dulot ng nakaraan. Bumabalik lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ngumiti siya, tila may pait na gumuhit sa mga labi niya. Nanginginig na pinakawalan niya ang tensyon na kanyang nararamdaman, muli siyang humithit sa sigarilyo at napatingin sa kalangitan. Talagang maningning ang mga bituin sa kalangitan. Napakaganda, napaka payapa na nagbigay ilaw sa madilim na kapaligiran. Ngunit may isang bituin na pumukaw sa pansin niya, kumislap iyon na tila kinukuha talaga ang atensyon niya. Nakagat niya ang ibabang labi at hindi napigilan ang pag-iinit ng kanyang mga mata dulot ng mga luha na nais kumawala, may kung anong namuo sa kaniyang dibdib. Hindi siya makahinga, hindi na niya kayang pigilan ang kanyang mga hikbi at mas pinagmasdan pa ang makislap na bituin. Tila ang bituing iyon ang nagpapaalala sa kanya sa isang munting mahal na maagang kinuha sa kanya. Gumapang ang sakit sa kanyang dibdib, parang pinipiga non ang puso niya sa sakit, sariwa pa din ang lahat ng sugat ng nakaraan at patuloy na sumusugat sa kasalukuyan. Parang pumipintig iyon sa sakit. Napasigaw siya, naibato niya ang baso ng wine kaya nabasag iton sa sahig. Napahampas siya sa kanyang dibdib habang patuloy ang kanyang hikbi, dahil sa paraan na iyon naiibsan ang sakit na namumuo sa kanyang dibdib. "Ayoko na!” napasapo siya sa kanyang mukha napapailing hanggang sa huminto siya at tinignan ang kalangitan, hindi niya napigilan ang tumuntong sa bakal na harang sa sa terrace. Hanggang sa itapak niya ang mga paa sa pangalawang hakbang sa nakaharang na bakal pinakatitigan niya muli ang bituin, muli iyong kumislap kaya napangiti siya. "Napakaganda," aniya, may mga kung anong ingay na pumukaw sa baba. Mga busina iyon pero nagmistulang musika sa kanya. Napatingin siya sa ibaba na bahagi, kita niya din ang maliliit na ilaw, kasing kislap non ang mga bituin sa langit para siyang tinatawag ng mga iyon. Hindi naman nagagaling iyon sa mga sasakyan dahil napakaganda non masyado. Tama, katulad lang iyan ng sa kalangitan. "Gusto ko ‘yon puntahan," napatingin siya sa bituin. "Gusto kitang puntahan." Hindi pa rin naalis ang pait sa kanyang pag-ngiti ay napapikit siya, dinama ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa kanyang mga balat. Muling pumasok sa isipan niya ang kislap ng bituin at ang mga ilaw sa ibaba. Inihakbang niya ang paa, handa na siyang tapusin ang lahat. Napangiti siya. Hanggang sa tuluyan niyang maramdaman ang pagbagsak ng kanyang katawan sa malamig at solidong cemento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD