Sumasakit na ang ulo niya sa mga tanong ni Frank na halos hindi siya tantanan sa kakatanong kung ano ang nangyari matapos niyang dalhin si Erin sa condo unit niya.
"Ano may nangyari ba?"
"Ano naka three points ka ba?
"Mag-ri-ready na ba ako ng tuxe ko, bro, para sa kasal?"
"Ano? magkakaroon na ba kamI ng inaanak sa inyong dalawa?"
"Ano may come back party na ba? Tawagan ko na lahat ng fans niyo para sa pa-party niyo? s**t! parang gusto ko na magtayo ng bagong fans club tol."
Halos sunod-sunod na tanong sa kanya ni Frank nang dumating ito sa unit niya kina-hapunan, nahihiya pa nga daw ito na mag door bell dahil baka may ma-istorbo siya pero nang makita na wala na si Erin at mag-isa lang si Hunter sa unit nito ay daig pa nito ang imbestigador sa pagtatanong.
"Ano na, bro? na-e-excite na ‘ko, simula nang dumating ka, ikaw at si Erin ang laman ng trend list dahil nabuhay din ang mga fans niyo! dali na mag-kwento ka na ng makapag-update na ‘ko." natatawa pa na sabi nito kaya napa-iling si Hunter.
"Manahimik ka nga d’yan, nakakairita ka." inabot niya ang isang bote ng beer sa kaibigan bago ininom ang sa kanya at umupo sa sofa.
Kumunot naman ang noo ni Frank at napa-iling. "Tanghaling tapat, dude. Seryoso, ano ‘to juice?" aniya bago binawi ang bote ng alak kay Hunter.
"1 bottle lang," katwiran naman ni Hunter bago kinuha ulit ang alak pabalik.
"Okay.. okay.." wala na nagawa si Frank, tumabi ito sa kanya sa mahabang sofa bago pinakatitigan siya "Care to tell? what happened? ano? nakapag-usap ba kayo?"
"Oo" blanko niyang sabi kaya napa-kunot ang noo ni Frank, napapatanong sa kaniyang sarili kung ano kaya ang dahilan ng ganitong kilos ngayon ni Hunter. "O tapos?" tanong niya pa.
"Tapos wala n,” mabilis na sagot ni Hunter kay Frank.
"Anong wala? nakausap mo siya, as is kausap ganon? anong klase ba? heart to heart? sumbatan? talk and make out? yung habang nag-u-usap kayo naaalala niyo ang malusog at masaya niyong nakaraan hanggang sa hindi mo napigilan ang sarili mo at hinapit mo siya, ipinaramdam kung gaano niyo kamahal ang isa't isa? tapos hanggang sa hindi niyo na tuluyang napigilan ang mga sarili niyo ay–"
"Pwede mo ng palitan mga writers ng network, Pare. Dapat naging writer ka na lang kaysa naging artista," basag niya kay Frank kaya napatawa ito.
"Sabihin mo kasi kung anong nangyari, not everything pero at least may clue naman para alam ko kung saan ako lulugar. Hahahaha! so ano? kamusta ang first night niyo after 6 years?"
Napahinto siya saglit bago seryosong tinignan ang kaibigan, "Wala. Pinunasan ko lang siya kagabi at pinatulog ko. Malakas ang pakiramdam ko hindi lang siya lasing mukhang may nilagay yung lalaking iyon sa inumin niya kasi wala siyang maalala." sigurado siya sa bagay na iyon lalo pa at mukhang walang maalala si Erin sa nangyari sa kanila ng lalaki.
"What?!" napasigaw na sabi ni Frank
"Tangina, ‘di ba? Tol, paano na lang kung wala tayo roon? paano kung hindi natin siya sinundan? Tangina? ano ng ginawa sa kanya ng lalaking ‘yon at wala siyang ka malay-malay?" sambit pa ni Hunter at tama ito. Mabuti na lang talaga at naroon sila.
"Kaya nga buti na lang naroon tayo, at buti na lang kahit pinigilan kita sumugod ka pa rin, nag-padala ka pa rin sa nararamdaman mo sa kanya. Ayiee kilig na ako."
Napailing siya, wala siya sa mood makipag-usap sa kaibigan dahil may isang bagay na gumugulo sa isip niya at iyon ang dahilan kung bakit maski sa sarili niya ay nagagalit siya. "Hindi ‘yon bro eh, paano kung hindi lang kagabi nangyari ‘yon?" tanong niya pa.
"Anong ibig mong sabihin? May balak ka ba sa mga susunod na araw?"
"Hindi, paano kung nangyari na ‘yon noon pa? na sa nakalipas na anim na taon ilang beses na ‘yong nangyari sa kanya?" napasapo siya sa mukha niya. "Na sa tagal ng panahon na wala ako ganon na rin katagal na ganun siya? paano kung nangyari na sa kanya yung nangyari kagabi? pero ang pinagkaiba dati, wala ako para pigilan siya, para iligtas sa ganong klaseng lalake? paano kung noon pa man, nangyari na sa kanya ‘yon?" napailing siya, ayaw niyang isipin iyon pero gulong-gulo ang isip niya. "Paano kung dati nagising na siya sa kama ng iba? at hindi man lang niya maalala na may nangyari sa kanya? then she pretend nothing happened na parang wala lang sa kanya?" aniya at may kirot iyon para kay Hunter.
Napatahimik si Frank bago ibinaba ang inumin nito. "Hindi naman siguro bro, hindi naman siguro magagawa ni Erin, ‘yon."
"Nagbago na siya, Frank. Nakita ko, naramdaman ko, nagbago na siya. Kilala ko si Erin, at ang Erin na kasama ko kanina, nakausap ko kanina, ibang-iba na." sambit ni Hunter bago napa-inom ng alak.
"Anong ibig mong sabihin?"
Muli siyang napa-inom ng alak, muling bumalik sa isipan niya ang mga nangyari kanina, ang mga napag-usapan nila ni Erin.
"Kaya ayoko na i-uwi siya rito kagabi dahil ayoko na magising siya kinabukasan at magtaka kung bakit kami magkasama. Na ganun pa ang sitwasyon, inaasahan ko na magagalit siya, na susumbatan niya ako pero kabaliktaran Frank eh."
"Ayaw mo n’on? ibig-sabihin may chance pa kayong dalawa, hindi ba?"
Muli siyang napailing bago napatingin sa kaibigan, "She changed a lot, pag gising ko nakangiti siya pero habang tinititigan ko siya nararamdadaman kong hindi totoo ‘yon. At nasasaktan ako dahil doon."
"Nagtaka ka pa? magaling na artista ‘yan si Erin, bro." sambit pa ni Frank.
"Alam ko, pero iba eh. Kahit na magpanggap siya sa pamamagitan ng mga ngiti niya, malalaman ko kung anong nararamdaman niya kapag tinignan ko ang mata niya. Na kahit nakangiti siya makikita ko kung malungkot siya, kung masaya siya o galit siya pero kanina wala akong makita. Nakangiti siya pero blanco." aniya, at hindi maalis sa kanyang isipan ang itsura ni Erin kanina. Kung paano ito magbitiw ng salita. Alam niya na siya ang may kasalanan kung bakit ito nagkakaganon.
"Sabi niya, hinintay niya lang ako magising kasi gusto niya na magpaalam sa akin bago siya umalis, at alam kong ako ang pinapatamaan niya, pero habang tinititigan ko siya wala akong nakikitang emosyon sa mga mata niya. Blanko ang lahat, at an hirap n’on, Bro. Okay sana kung nakita ko na galit siya, na nalulungkot siya kasi at least alam ko na parte pa ako ng emosyon niya, alam ko na may nararamdaman pa siya sa’kin at hindi pa huli ang lahat. Pero, blanko eh," napakagat si Hunter sa kanyang mga labi upang pigilan ang kanyang emosyon pero hindi iyon umepekto, dahil bumabalik sa isip niya ang paraan kung paano siya tingnan ni Erin. "At ako ang may gawa non sa kanya, ako ang dahilan kung bakit nagkaka-ganon siya. Tangina! sinira ko lang siya, winasak ko kung sino siya kasi hindi si Erin ‘yon eh, hindi ‘yon yung Erin na minahal ko."
Tinapik ni Frank ang balikat niya bago sabay silang napa-inom ng alak
"Tangina, Pare. Hindi lang tayo mag 2 bottles." sambit pa ni Frank.
"Hindi ko na alam," malungkot na tugon ni Hunter bago napahaplos sa kaniyang mukha.
"Desisyon niya ang magbago Hunter, hindi ko siya masisisi dahil nakita ko kung gaano siya naghirap noong umalis ka, maski ako nagalit sa’yo, kasi maski kami nasaktan noong umalis ka ng hindi man lang nagsasabi samin. Kung kami nagalit, ano pa kaya si Erin? na halos araw araw hinahanap ka pero maski kami walang maibigay na impormasyon tungkol sa’yo. Tangina ka rin kasi. Hindi lang naman basta girlfriend mo yung tao, pinangakuan mo na ng kasal eh, ang lalim na ng pinagsamahan niyo tapos sinukuan mo lang."
Hindi napigilan ni Hunter ang kanyang luha "Alam ko naman ‘yon at mali ang desisyon ko. Pero alam mo na kailangan ko iyon gawin."
"At anim na taon ang lumipas para ma-realised mo ‘yon, sana naisip mo din na hindi magiging madali ang lahat ng ito, lalo ng hindi magiging madali ang lahat na ibalik ang dating nararamdaman niyo. Pero sana nga nakapag-usap naman kayo ng maayos, na sana kahit lame yung dahilan mo sana sinabi mo pa rin sa kanya kasi kailangan ng closure nung tao." sambit ni Frank sa kanya.
"Alam ko ‘yon. Kaya nga sinusubukan ko ‘di ba?" Dahilan ni Hunter, iyon ang ginagawa niya ngayon kaya siya bumalik.
"Kulang pa bro, kanina na sana yung chance mo kaso ginto na naging bato pa." na-iling na sambit ni Frank bago binuksan ang isa pang bote ng alak at iniabot iyon kay Hunter.