Chapter 9

1185 Words
"Nababaliw ka na ba?!" malakas na sigaw ni Trina sa kanya ng hilain siya nito palayo sa kinatatayuan niya, dahilan para parehas silang bumagsak sa cemento ng balkonahe. Pakiramdam ni Trina ay umakyat lahat ng dugo niya sa katawan papunta sa kanyang ulo, halos mamutla rin ito at manghina ang katawan, kung hindi ito dumating malamang natuloy ni Erin ang kanyang binabalak "Ano Erin?! nababaliw ka na ba?! ano 'yon magpapakamatay ka na naman ulit?! ha!" Pero imbis na sumagot si Erin ay napatawa lang ito, napatawa ng napaka lakas na tila hindi rin inaasahan ang nangyari ngayon lang. Ilang beses ko ng inulit, ilang beses ko ng sinubukan pero wala, maski ata ang kamatayan ay gusto akong layuan, lagi na lang may humahadlang at ngayon si Trina naman. Muli siyang napatawa. akala niya talaga katapusan niya na, inaasahan niya na ngayon sana sa mga oras na 'to ay malamang pinagkakaguluhan na ang lasog-lasog niyang katawan sa ibaba, kakalat ang balita, lahat magtataka sa dahilan kung bakit niya iyon ginawa, maraming masasaktan, maraming magagalit pero alam niya rin maraming matutuwa sa pagkawala niya. Pero wala na siyang pakialam dahil tapos na siyang lumaban, inaasahan niya na sa mga oras na 'to wala na siyang mararamdaman at matatapos na lahat ng paghihirap niya pero hindi gan'on ang nangyari. hindi siya namatay at hindi pa rin nawala ang sakit na nararamdaman niya. Lumakas ang tawa niya na parang nahihibang na, napapailing siya at napatingin sa kaibigan na namumutla pa rin hanggang ngayon. "Erin, ano ba?" Inis na sabi ni Trina. "Nagpapahangin lang ako, Trina," sagot niya. Hinampas siya nito pagkatapos ay hindi na napigilan ang kanyang mga luha. Ngayon niya lang uli nakita na umiyak ang kaibigan kaya napahinto siya, umayos siya ng upo habang hindi pa rin maalis ang titig kay Trina l "Trina, nagpapahangin lang ako. Pangako iyan." Pagsisinungaling niya upang hindi na ito mag-alala. "Ako pa ang niloko mo? Papaano kung hindi ako dumating ha? papano kung nahuli ako? edi patay ka na ngayon? ano ba ang iniisip mo? ano bang pumasok uli sa isip mo bakit mo tinangka iyon, Erin?!" Hinawakan niya ang kamay ni Trina pero binawi iyon ng kaibigan "Tinakot mo ako! alam mo ba 'yon! alam ko ang pinagdadaaanan mo! alam ko yung totoo, alam ko hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin dahil sa ginawa ni Hunter. Pero sana, intindihin mo naman kami. Kami ng mga kaibigan mo, nang pamilya mo na nagmamahal at nag-aalala sa'yo! alam mo ba ang mararamdaman namin kapag nawala ka ha?! masakit, mas masakit kasi nandito kami simula ng araw na magkagan'yan ka, hanggang ngayon pero binabalewala mo kami. Paulit-ulit kaming nagpaalala sa'yo, at pag nawala ka iisipin namin kung s'an kami nagkulang, Erin. Para gawin mo 'yon! sana isipin mo rin sila tita, yung mga kapatid mo, kaming mga kaibigan mo. Dahil hindi lang si Hunter ang tao rito sa mundo." "Hindi naman gan'on 'yon, Trina," dahilan niya. "Sinabi mo na hindi mo na hahayaan na masira uli ang buhay mo ng dahil sa kan'ya, na hindi mo hahayaan na huminto uli ang mundo mo ng dahil sa kan'ya, tapos ngayon magpapakamatay ka?" Dahil sa sinabi nito ay natauhan siya. Niyakap niya si Trina at humingi ng tawad. "Sorry, Trina." Napahikbi ang kaibigan ramdam niya pa rin ang tindi ng takot na naramdaman nito kanina. "Sorry--" Humiwalay sa yakap si Trina bago pinakatitigan siya. "Alam mong puwede kang magsabi sa'kin? bakit may nangyari ba? Bakit pumasok sa isip mo na gawin 'yon?" Umiling siya bago muling napaangat ng tingin sa kalangitan, muli hindi na naman napigilan ang pagngingilid ng kan'yang mga luha. "Wala, nadala lang ako," bumalik ang tingin niya kay Trina bago pinahid ang kanyang luha at mapait na nginitian ito. "Naalala ko lang-- naalala ko lang yung baby ko." Hinapit siya ni Trina ng mahigpit kaya muli siyang napahagulgol "Nung nakita ko siya naalala ko ang baby ko- yung baby namin." Tila bumalik ang nakaraan, noong nalaman at ipagtapat niya kay Trina ang tungkol sa pagbubuntis niya. "Erin, magpahinga ka na muna-- sige na wala ka pang tulog eh" Umiling si Erin at sinuot ang jacket niya "Hindi, tatawagan ko uli si Tita baka sumagot siya, baka sabihin niya na sakin kung nasan si Hunter." "Erin, alam mo namang--" umiling siya bago matamis na nginitian ang kaibiganm "Sasabihin 'yon ni Tita, hindi puwedeng hindi, o kaya naman maghihintay na lang ako sa labas ng unit niya, baka bigla siyang dumating, gusto ko ako agad ang makita niya roon." "Erin, tama na-- umalis ng bansa si Hunter at hindi natin alam kung saan siya pumunta, kaya hangga't wala pa tayong balita magpahinga ka na muna dito. Matulog ka, kasi sila Mama mo nag-aalala na sa'yo" "Hindi Trina, babalik 'yon, alam kong babalik 'yon, hindi ako kayang tiisin n'on eh, hindi niya ako kayang iwan ng ganito, na walang paalam kaya alam ko babalik siya, alam kong hindi magtatagal ay babalik din siya." "Erin-" Sunod-sunod na bumuhos ang kan'yang mga luha "Hindi mo kasi ako naiintindihan Trina! kailangan niyang bumalik-- kailangan ko siyang makita at makausap may kailangan akong sabihin sa kanya," Pagmamaakaawa niya sa kaibigan habang hindi na rin alam kung ano ang gagawin niya. Kung papaano niya mahahanap si Hunter Ang tagal-tagal na niyang naghihintay, nangungulila, hindi niya kaya na lumipas na naman ang isang araw na wala siyang nababalitaan kung nasaan si Hunter. "Hindi naman niya ako iniwan basta 'diba?" muli siyang napahikbi "Hindi naman niya gagawin yon sa'kin?" Tanong niya sa kaibigan. "Nangako siya na magpapaksal kami kaya imposible na iiwan niya ko. Magpapakasal na kami. Malapit na t, Trina kaya kailangan ko siyang makausap." "Erin, bukas susubukan natin uli--" "Hindi!" Putol niya. "Kailangan ngayon na, kailangan hanapin ko na siya ngayon din. Kailangan ko siyang makausap Trina please.." "Erin.. please bukas na, magpahinga ka na muna ngayon." Napailing siya at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Trina sa kanya pero imbis na umalis ito sa harap niya ay hindi pumayag ang kaibigan, "Trina umalis ka d'yan kailangan ko siyang hanapin." "Hindi Erin." "Trina, please... kailangan ko siyang kausapin, kailangan niyang bumalik" "Sorry Erin, pero hindi ako makakapayag na umalis ka na lang uli ng basta-basta, ginawa na namin ang magagawa namin para makausap si Hunter at malaman kung asaan siya" "Hindi, Trina ako na lang. Baka sakali na pag nalaman niya na ako ang naghahanap sa kanya ay makipagusap siya." Umiling si Trina "Ilang araw ka ng hindi kumakain, ilang araw ka ng walang tulog kaya magpahinga ka na," Pero naging matigas si Erin. Desidido talaga siyang makita si Hunter. "Hindi ko na kayang ipag pabukas uli, ayoko na umabot na naman sa isang buwan tapos wala pa rin tayong nalalaman" paliwanag pa niya. "Naiintindihan kita--" "Hindi mo ako naiintindihan Trina, hindi!" Pagpupimiglas niya upang hayaan siya nito. "Erin.. please.." "Buntis ako--" napasapo si Erin sa kanyang mukha, napabitaw naman si Trina sa kanya at napapikit ng dahil sa sinabi niya. "Buntis ako Trina, kailangan kong sabihin sa kan'ya na buntis ako. Kailangan niyang bumalik para samin ng anak ko, kailangan ko siya, kailangan namin siya ng baby ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD