Parang nawala ang kalasingan niya, para siyang biglang bumalik sa huwisto. Hindi niya alam kung isa na naman ba ito sa mga panaginip niya o isa na naman ito sa mga ala-ala niya.
Na sa ilang taon na lumipas ay nabuhay siya sa mga panaginip niya na silang dalawa.
Panaginip ng dating mga ala-ala, kagaya na lamang nang napaginipan niya kanina.
Kaya sana nga panaginip lang ito. pero hindi, dahil nararamdaman niya ang malalim na paghinga nito lalo na at ilang pulgada lamang ang layo ng mga mukha nila. Ramdam niya rin ang init ng katawan nito lalo pa at naka-unan siya sa braso nito at halos magdikit na ang katawan nila. Paano? paano nangyari ‘to?
Biglang bumalik sa isipan niya ang kaganapan kagabi, simula ng pagpunta niya sa bar at makita ito kasama ang mga kaibigan niya. Hangang sa may nakilala siyang lalaki na naka-halikan niya, pero bukod sa pag-alis nila sa bar ay wala na siyang maalala pa.
Kaya papaano? papaano siya napunta sa sitwasyon na ‘to?. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya, halos hindi na siya makahinga sa mga bagay na pumapasok sa isipan niya
sa mga katanungan na naglalaro sa mga isip niya. Pinakiramdaman niya ang sarili, alam niyang hindi sa kanya ang suot na damit ngayon dahil naka malaking t-shirt siya, at tanging ang pag-ibaba na lang ang naiwan na pangilalim niya. Napatingin siya sa matipunong dibdib nito dahil walang pang-itaas si Hunter, ganoon pa man ay natatakpan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan nito.
Is he naked underneath? may nangyari ba samin?
Napapikit siya, gusto niyang sumigaw at pakagalitan ang sarili. Ganoon pa man ay gusto rin niyang maiyak dahil kaharap niya ito ngayon. Gusto niyang saktan ito, itulak palayo sa kanya, gusto niyang sumbatan na sa tagal ng panahon na hinintay nito ay may gana pa itong magpakita sa kanya. Tapos ganito pa ang sitwasyon? Anong karapatan niya?!
Anim na taon na naging palaisipan sa kanya kung paano ang gagawin niya kapag dumating ang araw na magkaharap muli sila. Bumuo siya ng mga sitwasyon sa utak niya para maiparamdam sa binata ang galit niya sa ginawa nito, gusto niyang isumbat lahat ng sakit, lahat ng galit na maski siya hindi niya maipaliwanag kung saan galing at bigla na lang lumabas, dahil sa tindi ng pinagdaanan niya sa anim na taon na ang nakalipas.
Pero lahat ng sitwasyon na kanyang binuo sa isipan ay tila naglaho sa sandaling ito dahil hindi man lang siya makagalaw, hindi niya man lang maibuka ang bibig niya para sigawan ito, hindi niya siya makatayo para sana umalis na at takasan na lang ito. Dahil ang galit na nararamdaman niya ay napalitan ng awa para sa sarili niya. Tilla naalala niya lahat ng pinagdaanan niya sa anim na taon na wala si Hunter sa buhay niya.
At ngayon dahil hindi niya inaasahan na ganito pa ang mangyayari, nagmukha lang siyang katawa-tawa, nagmukha lang siyang kawawa. Gusto na niyang umalis sa lugar nito, siguro nga maganda iyon para maramdaman niya naman kung anong pakiramdam nang iwan ka ng wala man lang paalam. Ngunit bago pa man niya nagawa ang binabalak ay dumilat si Hunter at nagtama ang mga tingin nila. Parang napatid ang kanyang hininga, bumilis pa lalo ang kabog ng dibdib niya, parang gustong mag-unahan ng mga luha niya pero pinilit niyang magpakatatag, pinilit niyang iwaksi ang sakit na nararamdaman niya.
kailangan kong ipamukha sa kanya kung sino ang iniwan niya.
"Erin." napabangon ito at napaupo sa kama habang si Erin naman ay nanatili na nakahiga lang at nakatitig sa kanya.
Mabuti pa at alam niya pa ang pangalan ko? Iyan ang nasa isip ni Erin ngayon.
"Erin, ano.. Umm.." bakas sa mukha ni Hunter ang pagkalito sa kanyang gagawin, tila hindi nito alam ang kanyang sasabihin kaya siya na ang nagsalita.
"Good Morning" bati niya na kung kanina ay blanko lang ang tingin niya sa dating kasintahan ay mabilis na napalitan iyon ng mga ngiti
Mistulang umunat pa at inayos ang unan niya. Pero kagaya lang sa nakalipas na taon ay nagpapanggap siya na parang hindi naapektuhan. Na parang wala lang epekto sa kanya na magising isang umaga sa silid ng dating lalaki na minahal at ngayon ay kinamumuhian na niya.
"U-m Erin.." utal pa na sabi nito na parang hindi ito ang inaasahan niya na maging reaksyon niya ngayon.
Bakit ano ba ang inaakala niya? naglulupasay ako? magsisisigaw dahil lang sa nakita ko siya? puwes hindi! Kung nakaya niya na paglaruan ang nararamdaman ko noon, pwes gagawin ko sa kanya ‘yon ngayon. Ipaparamdam ko sa kanya kung ano ang naramdaman ko noong parang itinapon na niya lahat-lahat ng namagitan saming dalawa.
Ipaparamdam ko kung paano ang pakiramdam ng makalimutan, ang pakiramdam na parang isang basura at wala ng halaga.
"Erin.."
"Hunter" napangiti siya, tila inasar si Hunter na hindi mapakali habang kaharap siya. Ganoon pa man ay halata ang pag-aalala sa mukha nito.
"Erin, maayos na ba ang pakiramdam mo? nahihilo ka ba? masakit ba ulo mo?" sunod-sunod pa na tanong nito.
"Are you asking me if may hangover ako?" tanong ni Erin. Hindi sumagot ito kaya muli siyang napangiti at bumangon sa kama, "Sus wala na ‘yon sanay na’ko."
nagpanggap siya na maayos kahit pa parang sasabog na ang ulo niya sa sobrang sakit.
"Akala ko umalis ka na," mahinang sabi nito sa kaniya.
"Ako aalis? nakakahiya naman, mukhang you just saved my ass from last night? Tama ba?" aniya kay Hunter at napabuntong hininga ito.
"Naisip ko lang kasi na baka--"
"Umalis ako ng walang pasabi? don't worry hindi ako ganon klaseng tao Hunter, hindi ako katulad ng iba na bigla na lang nawawala."
"Erin.." napayuko si Hunter na binanggit ang pangalan niya, tila napagtanto ang sarkastikong pagkakasabi ni Erin sa kaniya. "Everytime na magigising ako sa kama ng iba, hinihintay ko na magising sila para makapagpaalam ako ng maayos bago man lang umalis, ‘di ba hindi naman mahirap gawin ‘yon?"
Tila napipi si Hunter parang hindi makapaniwala ito sa mga binibitawan niyang salita dahil alam niyang tagos na tagos ito sa binata, napangisi siya dahil alam niyang gumagana ang plano niya.
Sunod niyang tiningnan ang katawan ni Hunter bago ang sarili niya dahil napagtanto niya na halos kita na ang pangibaba niya.
Kumunot ang noo niya, "Um wait, did we had s*x last night? wala kasi akong maalala"
Agad na umiling si Hunter. "No, um, binihisan lang kita kasi sobrang init ng katawan mo. Saka nadumihan ka rin kasi eh." dahilan ni Hunter sa kaniya.
"Ahhh ganun ba? I thought we had s*x," natawa siya "Pag napapadami talaga ang inom ko ganon nangyayari sakin. Nakakalimot, pero mabuti na lang din talaga na walang nangyari satin, i forgot to take my pill, you might got me pregnant. Haayy… how stupid of me."
Napanganga si Hunter sa sinabi niya. Biglang lumungkot ang mukha ni Hunter bago nagsalita.
“Erin.”
"Yung damit ko? magbibihis na sana ako--" putol niya sa sinabi nito na tila hindi narinig ang huling salita na binanggit ni Hunter.
Bago pa man sumagot si Hunter ay nakita na niya ang kanyang damit na nakatupi sa gilid lang ng sofa malapit lang sa kama nito, kinuha niya iyon at walang sabi-sabi na nagbihis sa harapan nito. Halos makita ang hubo’t hubad niyang katawan. Hindi ito umiwas bagkus ay napatitig sa kanyang dibdib. Muli siyang napangisi. Ibinaba niya ang laylayan ng damit pagkatapos ay kinuha ang pony tail niya na nasa ibabaw ng mesa at itinali ang kanyang buhok ilang saglit lang ay narinig niya uli na magsalita ito.
"Aalis ka na?' rinig niyang tanong nito.
Lumingon si Erin bago tumango. "Bakit?"
Anong bakit? bakit mag-iba ka pa bang balak gawin? may iba ka bang pinalano kaya dito mo ako dinala? Iyan ang tanong niya sa kanyang isipan.
"Hinintay lang kitang magising kasi nga nakakabastos kung aalis ako agad. Bakit? may iba ka pa bang gustong gawin sa’kin?" mapang-akit niyang ngitian si Hunter at alam niyang naapektuhan ito dahil kitang-kita niya ang pamumula ng tainga nito.
"I mean, hindi ka ba nagugutom? mag-breakfast ka muna ipaghahanda kita." Alok ni Hunter pero agad na umiling si Erin.
"Sorry, I'm not into breakfast." pagkasabi niya non ay muli siyang ngumiti pagkatapos ay dali-dali ng lumabas sa unit nito. Hindi na siya lumingon. Bahala na. "s**t, s**t!" mura niya pa habang nagmamadali na naglakad.
Halos matapilok siya na na tinungo ang elevator at pinindot iyon, pero hindi siya pumasok sa loob, bagkus ay tinungo niya ang isang maliit na espasyo malapit doon pagkatapos ay nag-tago sa likod ng trolley. Hindi siya nagkamali dahil ilang saglit lang ay lumabas si Hunter ng unit nito at sinubukang habulin siya, ang akala nito ay pumasok siya sa loob ng elevator kaya kita niya kung gaano halos pagpipindutin ng dating nobyo ang ang button ng elevator, at ng muling bumukas ito ay agad pumasok doon si Hunter.
Nang tuluyan ng magsara ang pinto ay dali-dali siyang umalis sa kanyang pinagtataguan bago tinungo ang pinto na katapat lamang ng unit nito. Mabilis niyang pinindot ang code sa pinto sa taranta na baka bumalik si Hunter at makita siya nito. At ng tuluyan na siyang makapasok sa unit niya ay doon lamang siya nakahinga ng maluwag.
Yes, nasa tapat lamang ng unit ni Hunter ang unit na lagi niyang inuuwian, at walang nakakaalam ng lugar na yon kundi siya lang at si Trina.
"Oh my, god!" napailing siya bago napasapo sa kanyang mukha, halos manginig pa rin siya dahil sa nangyari. Hindi niya inaasahan na mangyari to, after 6 years, muli niyang nakita ng malapitan si Hunter. After six years ngayon lang niya nakausap ito. Kung hindi pa siya nalasing kagabi at nawala sa sarili niya ay hindi magkakaroon ng lakas ng loob ito na harapin siya
"Six f*****g years siyang hayop siya! ang kapal ng mukha niya, ang kapal kapal ng mukha niya gago siya!" hanggang ngayon hindi pa rin kumupas ang galit niya sa dating kasintahan.
Napatingin siya sa unit niya "I shouldn't be here, dapat matagal na akong umalis dito"
Pero diba ang purpose ng unit nito ay para sa kanya? kasi gusto mo siyang makita?
Napailing siya, "Matagal na ‘yon." Bakit hindi ko naisip ‘to? bakit nawala sa isip ko ang posibilidad na nasa kabila lang pala siya?
She bought this unit 1 month simula ng nawala si Hunter, ayaw niyang maniwala na wala ito doon, na ayaw niyang maniwala sa sinasabi nila na umalis ito ng bansa at hindi sinabi kung nasaan. Hindi niya matanggap kaya ayaw niyang maniwala, iniisip niya na nasa unit lamang ito at nandoon lang , kaya binili niya ang katapat na unit ni Hunter, nagbabakasakali na isang araw ito ang bumungad sa kanya pag-bukas niya ng pinto.
Hindi alam ng pamilya niya na binili niya ito at hindi siya sa unit niya nag s-stay, dahil ayaw niya na malaman nila na umaasa pa rin siya na maibalik ang relasyon nila, na mahanap niya ang mga kasagutan kung bakit umalis ito ng hindi man lang sinabi sa kanya.
Hanggang sa ilang buwan ang lumipas, ilang taon ay lagi niyang binabalikan ang unit na ‘to, nagbabakasakali na makita hinihintay ang pagdating ni Hunter. Pero nanatiling bakante ang unit nito, walang Hunter, wala ang dating minahal na tanging hiniling niya ay makita ito at makuha ang kasagutan sa mga tanong niya.
Pero ito na nga oh? nandito na si Hunter? nandito na yung matagal mo ng hinihintay
Umiling siya, "6 years too late."
Before she only wants closure. Kung ano ang rason? ano ang dahilan? bakit? may kulang? pero ang tagal na niyang hinangad ‘yan. Ang tagal-tagal na niyang naghintay ngayon hindi na iyon ang kailangan niya, dahil sa matinding galit na umaalipin sa emosyon niya tanging isang bagay lang ang gusto niyang mangyari.
Ipaparamdam ko sa kanya na kahit kailan hindi na ako mahuhulog sa mga salita niya. Na kaya kong mabuhay na wala siya, na hindi ako maapektuhan kahit nakikita ko siya at lalong-lalo na kahit magmakaawa siya sa harap ko at sabihin na mahal niya ako ay hinding-hindi na ako babalik sa kanya dahil kahit kailan, kahit ano pang dahilan niya hindi na niya maibabalik ang buhay na nawala sakin.