"I need to go may training kame ngayon, please Erin wag mo na uulitin na ipahamak ang sarili mo ah?" bilin ni Trina sa kaniya.
Napatango si Erin pagkatapos ay ininom ang kanyang kape "Aalis din naman ako mamaya, may shoot ako ng 10 tapos meeting with the big boss this afternoon"
Napakunot ang noo ni trina sa sinabi ng kaniyang kaibigan. "New project?"
Nagkibit-balikat si Erin. "I don't know ka-katext lang sakin ngayon, but alam mo na expect the unexpected."
Napatango ito bago kinuha ang bag niya bago dinampot ang susi sa lamesa, "I need to go, I'll call you later to check on you, also tumawag sakin si Jenny hindi ka raw sumasagot sa tawag niya,"
"Nakita ko nga kanina mamaya ko na lang siya tatawagan," sambit pa ni Erin.
Napangiti si Trina bago makahulugang tinitigan ang kaibigan "okay, okay, wala akong gagawing kung ano."
"Good." akmang lalabas na si Trina ng hawakan ni Erin ang kamay niya "Careful baka makita ka niya," paalala niya na ikinakunot ng noo nito ngunit agad din na mapagtanto.
"What?" ngumuso siya sa tapat ng unit kaya nanlaki ang mata ni Trina
"Seryoso?"
Tumango si Erin at muling uminom ng kape. Muli siyang nilapitan ni Trina at nag-aalala na pinakatitigan.
"Teka naman Erin, pano kung makita ka niya? siguro bumalik ka na lang sa unit mo? huwag na rito."
Napailing si Erin at tipid na ngumiti. "I'll be fine here, mas gusto ko rito."
Mukhang wala na rin naman siyang magagawa, tumango si Trina bago niyakap si Erin. "Sige na tatawagan na lang kita mamaya, okay?"
Nang makaalis si Trina ay nag-ayos na rin siya para sa shoot niya ngayong araw na ito, inayos niya ang mga damit, make-up na gagamitin niya mamaya bago lumabas na ng unit. Medyo kinakabahan pa siya nung una dahil baka sakto na pagkabukas ng pintuan niya ay lumabas din si Hunter, mabuti na lang at hindi. Hindi pa ito ang panahon para magkita sila uli, gayon pa man alam niya rin na hindi magtatagal ay malalaman din nito na nasa i-isang building lang sila lalo pa na magkaharap lang ang unit nilang dalawa.
Nang matapos ang shoot niya para sa isang endorsement ay nakipagkita siya sa kanyang ina bago sila dumeretso sa network para sa meeting nila kasama ang mga big boss ng network. May idea na siya sa maaring pag-usapan nila at hindi malabo iyon lalo na sa mga nangyayari ngayon kaya naman alam niya iyon din ang dahilan kung bakit din sumama ang kanyang ina.
"Ma," tawag niya ng pansin sa kaniyang Mama.
Ngumiti ito at niyakap siya, "Anak, pinuntahan kita sa condo mo kahapon 'yon pala sa unit na naman ni Trina ikaw natulog,"
Napangiti siya pabalik, "Medyo nawili lang kami manuod ni Trina ng movie, tapos medyo nakainom kaya 'di na ko umuwi."
Napabuntong hininga ang kanyang ina, "Naiintindihan ko, basta next time sana sagutin mo ang mga tawag ko ha? nag-aalala kami ng papa mo."
"Alam ko 'yon ma, hindi ko lang napansin, ayoko muna kasi sana humawak ng cellphone, alam mo naman." Simula ng bumalik si Hunter ay malimit na niyang tignan ang kanyang cellphone, dahil ayaw niya munang makakita ng kahit ano na maguugnay sa kanila, dahil simula ng araw na malaman ng lahat ang pagbabalik nito ay hindi na halos tumigil ang cellphone niya ka-ri-ring. mula sa mga tawag ng mga kilala niyang reporters na nais sana makakuha ng scoop, mga tawag mula sa mga kaibigan na tinatanong kung maayos lang ang kalagayan niya, at mula sa mga tags at mention, dm sa kanya sa bawat social media accounts.
Hanggang ngayon nasa trend list pa rin sila. Mga throwback pictures nila on cam at off cam, mga pelikula at endorsement nila noon ay tila ibinabalik ang lahat. Lalo na ng kanilang mga fans.
Lahat ay sabik sa kung ano talaga ang nangyari, kung ano ang dahilan, lahat ay nais malaman ang kasagutan na naging palaisipan sa loob ng anim na taon. Maraming tao ang gusto ulit na makita silang magkasama muli matapos ang nakaraan. Tila lahat ay gagawin ang lahat maipaglapit lang sila.
"Anak may idea na ako sa kung anong binabalak nila," sambit ng kaniyang ina at napatango rin siya.
"Alam ko 'yon, Ma. Hindi naman malabo na mangyari iyon. Alam kong hindi imposible kung bibigyan ako ng project kasama siya." sagot ni Erin habang naglalakad sila sa hallway ng network TV. Napabuntong hininga ang kanyang ina bago sumunod sa kanya kung saan idadaos ang meeting nila kasama ang big bosses ng network.
Pag-pasok nila sa office ay nandoon na ang mga makakaharap nila,
"Are we late?" tanong agad ni Erin bilang paghingi ng paumanhin sa mga naroroon.
"No iha, you're just in time, have a seat." nakipag beso sila ng ina sa mga naroon.
Si Ma'am Lucille, si Inang Olga, at ilang producers na kilala na niya, pero laking gulat niya din ng makita ang isang tao na matagal na rin niyang hindi nakikita.
"Direk! oh my god direct Ray!" masayang sabi naman ni Erin nang makita ang madalas na maging direktor ng mga project niya noon.
Lumapit ito sa kan'ya bago niyakap siya ng mahigpit. "Hi, Erin! kamusta ka na anak?"
"I'm good direct, oh god! Why are you here?"
Napangiti ito bago tumingin kala Ma'am Lucille "They offered something to me, a new project na idi-direct ko." Sambit pa ng direktor.
"Project?"
Tumango si Direct Ray, "A project that will depends on your decision."
Napabuntong hininga si Erin, inaasahan na niya ito, napatingin siya kala Inang Olga, "A project?--- kaya ba nagpatawag ng meeting ngayon? am I part of this project?" patay malisya niyang sabi dahil nais niyang mangaling iyon sa kanila.
Inilapag ni Inang Olga ang folder sa harap niya may nakalagay na pangalan sa labas.
-Juliet Espiritu-
(Erin Vera)
"Ikaw lang ang gusto namin na gumanap bilang Juliet, that's why i want you to take this project , a remake of one of the classic movies back in the 80's and now will be directing by our very own direct Ray."
Pinakatitigan ni Ray ang isang pangalan na nakalagay pa sa cover page ng script na hawak niya. Sa sandaling ito ay nakumpirma na nga niya. "So Erin? Tatangapin mo ba?"
----
"Hindi ka naka-block bro," Napalingon siya kay Aljon na nasa likod niya pala, muli siyang binisita ng dalawa dahil wala naman daw gagawin ang mga ito ngayong maghapon.
"Bro, hindi ka nga naka-block!" dagdag din ni Frank sa kaniya.
"Alam ko," muli siyang napatingin sa social media account ni Erin, nakita niyang naka online ito kanina pa at kanina pa rin siya halos kinakati na i-message ito pero hindi niya alam kung papaano sisimulan.
"Sabi nila pag binlock ka daw ng ex mo ibig sabihin sobra ka nong minahal"
Napakunot ang noo niya kay Aljon, "So ibig sabiin ba n'on mahal niya pa rin ako?"
"No, ibig sabihin n'on hindi ka niya sobrang minahal kasi hindi ka niya na-block."
Kinuha niya ang unan bago ibinato iyon sa kaibigan na agad naman umiwas
"Gago mo! hindi ka nakakatulong kamo."
"Eh bakit mo ba kasi ini-stalk ang account ni Erin? miss mo na 'no? gusto mong i-message 'no?" asar naman ni Frank bago minasahe ang balikat niya. "Mag-message ka na kasi."
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan bago inilayo ang cellphone niya, mahirap na at baka mamaya may gawin pa 'tong dalawa na makasira ng plano niya.
"Magsilayas nga kayo rito! nakakasira kayo ng concentration!" inis niya pang bulyaw sa mga kaibigan niya na nami-meste lang.
"Concentration saan? sa pag s-stalk?"
Natawa ang dalawa kaya umamba siya na ibabato naman niya ang remote na nasa gilid lang ng sofa.
"Ito naman mainit masyado ulo! sige na nga a-alis na kami may dadaanan pa kami ni Aljon tutal nagyayaya sila June roon sa billiard hall," sabi ni Frank
"Sama ako!" sambit ni Hunter at tatayo na sana para mapalit ng damit pero umiling ang dalawa.
"Wag na bawal single roon, kung gusto mo sumunod ayusin mo na yang gusot mo," sabi naman ni Frank at pinasahe kunyari ang balikat niya at pinaupo ulit sa sofa bago ibinigay ang cellphone niya pabalik sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya bago napatingin sa cellphone niya. Lakas ng loob, yon lang ang kailangan niya. Pero ang hirap talaga eh, lalo na si Erin iyon.
"Pag miss mo na message mo na," ani ni Frank
"Pag miss mo na wag ng pataasin ang ihi. Pre, 6 years ng mataas ang ihi mo baka mag-kasakit ka sa bato," asar naman ni Aljon
Nagtawanan ang dalawa, "Hindi lang 'yon Aljon. Kailangan niya na rin mag-punla. Naku 6 years a nang nakaimbak baka mabaog ka na niyan,"
Kinuha niya ang isang unan bago ibinato iyon sa pintuan hindi naman natamaan ang dalawa dahil agad na isinara iyon. Nang maiwan na lang siya mag-isa sa loob ng unit niya ay muli siyang napaupo sa sofa, pinakatitigan uli ang account ni Erin.
"I have to do this, kailangan kong makipagkita uli sa kanya. Kailangan naming mag-usap ng maayos."
Pinindot niya ang message button at napapikit. Ano ba ang sasabihin ko? paano ba?, iyan ang mga katanungan ni Hunter, hindi alam kung paano niya sisimulan.
--Hi Erin, good afternoon are you free tonight?
Pero napangiwi siya at binura ang message
--Hi Erin, how are you?
Gago anong how are you? matapos ng ginawa mo malamang hindi maayos 'yon
--Hi Erin, pwede ba tayo magkita?
Shit! hindi ko alam na ganito kahirap!
Napasabunot siya sa sarili niya at muling ibinalik ang tingin sa cellphone
--"Erin, hi! p'wede ba tayong magkita ulit? are you free tonight?"
"Siguro pwede na 'to," kmang i sesend na niya ang message ng bigla nalang tumunog ang doorbell. Napakunot ang noo niya naisip na baka ang mga kaibigan iyon at may nakalimutan kaya binuksan niya ang pinto pero hindi sila pat ang nandoon si Inang Olga niya
"Tita Olga?' aniya pa habang nagtataka.
"Hi anak, kamusta?" ngumiti ito at nakipag beso sa kanya agad naman niya itong pinapasok sa unit.
"Okay naman po ako Tita? kayo po? napabisita kayo? tara po pasok po kayo sa loob. Pasensya na po at makalat, galing kasi rito sila Frank, hindi pa po ako nakakapagligpit."
"May ibibigay sana ako sa'yo." wika nito ng maupo sila sa sala, agad naman na napakunot ang noo ni Hunter dahil wala talaga siyang idea sa ipinunta dito ng manager na kaibigan din ng kanyang ina.
Pero bago pa man iyon ay may inilabas itong envelope at ibinigay sa kanya "I would like to give this to you,"
Nagtataka niyang kinuha ang envelope at binuksan iyon, may laman iyong folder at agad na nakita ang nakasulat doon.
"Manuel Domingo"
(Hunter Alarcon)
"Alam ko na hindi ako ang manager mo, pero may i-oofer ako sa'yo."
Napailing siya at binuklat uli ang folder, alam niya na isang script ng isang character sa isang proyekto ang ibinigay nito, malinaw na gusto nitong i-offer sa kanya ang isang role sa isang movie, pamilyar sa kanya ang title at alam niyang hindi magiging biro ang proyekto na 'to
"Sorry Tita, pero nagkakamali kayo, wala pa akong balak na bumalik sa pag-aartista," pagtanggi niya.
Bumalik siya para ayusin at linawin ang sa pagitan nila ni Erin. ang humingi ng tawad dito, pero wala sa isipan niya na bumalk uli sa pag a-artista.
"Sorry po, pero sa iba niyo na lang ibigay siguro ang role, alam ko na mas maraming magagaling na artista ngayon sa network ang deserve na--"
"Alam ko Hunter na wala kang balak na pumasok uli sa showbiz," putol ni Olga sa kaniya. Pero sana ikonsidera mo ang project na 'to, kinausap ako ng Management at ng mga bosses sa network at tanging ikaw lang ang gumanap sa character na 'yan."
"Pero, Tita Olga.."
"It will be produced by Lucille and by Vilma, dahil sya ang orig cast sa dating movie na 'to, siya rin ang nag-request na ikaw ang gumanap sa character na 'yan at hindi lang yon it will be directed by direct Ray"
Nanlaki ang mata, "Pero 'diba retired na si direct Ray?"
"Yes pero, para sa project na 'to ay mag-di-direct uli siya. This is a big project Hunter."
"Alam ko kaya nga hindi ko p'wedeng tangapin," napanood na niya ito noon dahil ito ang isa sa mga paboritong pelikula ng kanyang ina maganda ang storya, at napakabigat ng mga linyahan. at sigurado siya doon dahil ngayon habang binubuklat ang mga pahina ng script niya ay nakikita niya na ang story line
At hindi niya alam kung magiging magandang move ito ngayon matapos ang anim na taon na nawala siya sa mundo ng pagaartista.
"Hindi ako p'wedeng bumalik sa pag-aartista ng ganon-ganon lang, hindi magandang idea to Tita Olga, alam niyo naman ang nangyari kaya pasens'ya na." pagtanggi niya ulit at ibinabalik ang script na ibinigay nito.
"Si Erin ang magiging leading lady mo," wika nito kaya napahinto siya saglit niyang pinakatitigan ang manager bago pilit na napangiti .
"Kung sinasabi mo lang 'yan Tita, para pumayag ako p'wes pasens'ya na pero hindi ako--"
"Hindi ako nagbibiro Hunter, siya ang magiging leading lady mo." paninigurado pa nito.
Imposible alam niya na hindi papayag si Erin na makatrabaho siya ulit.
"Hindi, hindi 'yan tatangapin ni Erin, hindi 'yon papayag na makatrabaho ako uli matapos ang nangyari samin. Kaya sana Tita intindihin mo na."
"She accepted the role, una naming inalok sa kanya. Siya muna ang tinanong ng mga bosses lalo na nila direct and she accepted the role." saad pa ni Olga.
Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kaharap dahil alam niyang napakaimposible n'on. Baka naman wala itong kaalam-alam na siya ang makakapareha.
"alam niya na ako ang makakapareha niya?"
"Yes she knows, kailangan niya munang malaman iyon at pumayag siya, nung makasiguro na kami na buo na ang desisyon niya saka ako pinapunta rito."
Muli niyang tinignan ang folder na kanyang hawak, "This is a big project for you and Erin, and this might change your life, you with Erin, accept it at alam ko na hindi mo pagsisisihan 'to."