Chapter 11

1187 Words
"Pahiram Ng Isang Umaga is one of the best and award winning movie back in the 80's, Ma, and it's a pleasure for me to get the role of Juliet. Ngayong iri-remake yon, I love the plot I love the lines I love the movie itself so bakit hindi? kung hindi ako nagkakamali isa 'yon sa mga favorite mo. At pinapanood mo pa nga 'yon dati 'di ba?" Napailing si Mama pagkatapos ay binagsak ang bag nito sa upuan, "Alam ko 'yon pero sana humindi ka na lang" alam ko na na magiging ganito ang reaksyon niya pero hindi ko hihindian ang project na iyon. "Bakit naman ako hi-hindi, Ma? gusto ko yung project." giit ko sa kanya at sana maintindihan niya na matagal ko na rin talaga gusto makagawa ng proyekto na dating ginampanan ng batikang artista. I know matagal na itong pinplano ng management pero hindi nila ma-tuloy-tuloy noon dahil sunod-sunod ang mga projects ko, they tried to offer it to other artist pero ayaw ng producer. Isang malaking karangalan na they wanted to give me the project instead. Napailing si Mama. "Pag-isipan mong mabuti, Anak." "Ma, na delay na ang project na to dahil hinihintay talaga nila ako, kaya sino ako para hindian 'di ba?" "Pero si Hunter ang leading man mo anak!" That's it, alam ko na 'yan ang iniisip niya, alam ko ito ang iniintindi ni Mama kaya ayaw niyang pumayag, aaminin ko nagdalawa akong isip pero hindi na rin ako nagulat, ini-expect ko na rin na maaring mangyari 'to. Hindi ko lang inaasahan na ganito kabilis. Pero dahilan ba 'to para tangihan ko? I'm waiting for this kind of project. To once again prove my capabilities as an actress to everyone, na magiging propesyonal ako sa pagtatrabaho kahit na makasama ko siya ulit. Aaminin ko mali at katangahan na naman yung pumasok sa isipan ko kagabi. Kamuntikan na akong mawala sa tamang huwisto, kamuntikan ko ng makalimutan ang pinaglalaban ko, ang pagbangon ko para sa sarili ko. Dahil tama, Hindi ko dapat kalimutan na hindi titigil ang mundo ko dahil lang sa bumalik siya. Kaya ngayon hindi ko tatangihan ito ng dahil lang siya ang makakasama ko. "Hindi mo ba naiintindihan na makakasama na naman 'to sa'yo ha? siya ang makakasama mo anak kaya habang maaga pa bitawan mo na agad ang project na 'yan," "No, Ma." Mabilis kong sagot. "Ano?" Nakikita ko ang pagka dismaya sa mukha niya, "Erin.. anak naman.. bakit? mahal mo pa rin siya? na umaasa ka pa rin na maaayos pa itong tambalan niyo? iyang dati niyong relasyon? Erin, minsan ko ng binigay ng buo ang tiwala ko kay Hunter. Minahal ko siya na parang tunay kong anak at sinira niya lahat ng iyon. Hindi ako makakapayag na magkakaroon ulit kayo ng koneksyon, hindi na ako papayag na masira ka na naman na masaktan ka na naman na dumating uli ang araw na tuluyan ka nang mawala sa amin kaya hindi ako papayag." Napapikit si Erin. "I know your sacrifices, Ma. Kung 'di dahil sa'yo wala rin ako sa kinakatayuan ko ngayon but tinuro mo din sa'kin kung papaano maging professional sa trabaho at 'yon ang gagawin ko, I will not drop this project because I really wanted this." "Erin, anak.." Napailing ako, "Pumayag ka man o hindi I will take this project. This is nothing to do with Hunter, dahil wala na rin akong pakialam sa taong iyon." Pinakatitigan ko si Mama bago napabuntong-hininga, "And please stop dragging his name to this conversation and into my life kasi kahit kailan hindi manyayari yang kinakatakutan mo, Ma. Kasi kahit anong mangyari, kahit ano pang maging scene namin doon hangang doon lang 'yon, dahil hindi ko na siya papapasukin sa buhay ko. Can't you see? I moved on at sana kayo rin." Niyakap ako ni Mama, niyakap niya ako ng mahigpit, sinapo niya ang mukha ko bago tinitigan ako sa mga mata. Alam ko ang expression niya na 'yan, alam kong alam niya at nag-aalala s'ya. Iyan din ang dahilan kung bakit ako umalis sa puder niya, anim na taon na din ang nakakalipas dahil ayoko na makita niya akong miserable at ayoko a makita ang pag aalalang iyan sa mga mukha niya "Just trust me, Ma." "Okay then, kung 'yan ang gusto mo, su-suportahan kita." "Thank you, Ma." niyakap ko si Mama bago nginitian siya. "Alam kong kaya mo na ang sarili mo, kaya mo ng magdesisyon at alam mo na susuportahan kita lagi mo pa rin tatandaan na nandito ako para sa'yo." "I know that, Ma. And thank you." Hinaplos ni Mama ang pisngi ko, "Look at you, ang laki-laki mo na talaga parang kailan lang binibitbit lang kita sa set and now ito." naluluha pang sabi nito. "Ang layo na nang narating mo." "But I'm still your Erin." "Yeah I know, so please pag-isipan mo ng mabuti ang bawat desisyon mo." Tumango ako bilang sagot. "Yes, Ma." "Pero magkakain ka ha? ang payat mo na," natawa ako kaya napakunot ang noo niya. "I'm serious, so please eat healthy. Bakit kasi hindi ka na lang dito ulit tumira sa bahay tutal kame na lang naman ni Papa ang narito. Dito maalagan pa kita ng maayos, malulutuan kita ng masustansyang pagkain, ano ba ang kinakain mo sa condo mo? cup noodles?" Here she goes again, alam kong ipipilit niya na naman na bumalik ako, kahit gustuhin ko naman hindi ko pa rin hahayaan na makita ako ni Mama kapag hindi ko na kinakaya ang sarili ko, at least doon sa condo I can do whatever I want. "Mama--" "Okay, hindi kita pipilitin. Basta lagi mong tatandaan na bukas itong bahay para sayo. And besides, we miss you na." "I miss you too, Ma." Muli akong yumakap kay Mama bago ngumiti "Ma, I need to go na, kailangan ko pang ayusin ang condo ko. May schedule ako ng cleaning ngayong araw na 'to." Pagkatapos kong magpaalam kay Mama ay agad akong umalis . And speaking of condo napagisipan ko na wag na munang umalis dito. I like this place, matagal na rin naman akong narito kaya kung magkikita kami ni Hunter balang araw, diyan sa may hallway sa labas wala na akong paki alam sa kanya. Kaya bahala na. Napatingin ako sa folder na nakapatong sa mesa, iyon ang folder na ibinigay sakin para sa Pahiram ng isang umaga, I still can't believe na sa'kin talaga nila inilaan ang project na ito. Magiging malaking pagsubok ito para sakin at sa aking career. Napatayo ako sa upuan at muli ko iyon kinuha at binuklat ang pahina napatingin ako sa pangalan na nakalagay sa ibaba ng aking pangalan. Akalain mo 'yon mapatapos ang anim na taon ngayon ko na lang uli makikita ang pangalan niya na nakakabit sa akin para sa isang proyekto. "I wonder kung ano ang naging reaction niya?" "Will he accept it?" napangiti ako pero agad na napalingon ng marinig na tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko iyon at binasa ang mensahe na mula sa direktor. At nang mabasa ko iyon ay agad na napakunot ang noo ko dahil hindi ako makapaniwala sa aking nababasa. "What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD