"Tangina, pare! 'di mo naman sinabi na ibabanga mo yung sasakyan ko, hayop ka!" galit na wika ni Aljon kay Hunter na nasa likod ng sasakyan. Pero kahit na kanina pa nag-iingay at nagrereklamo ang kaibigan ay hindi niya ito pinapansin dahil nakatuon ang pansin niya kay Erin na natutulog sa tabi niya. She passed out when he took her sa lalaking kasama nito sa sasakyan. Ngayon, nakahiga ito sa kandungan niya at inaalalayan na wag itong malaglag mula sa upuan.
Si Frank at Aljon ang kasama na lang niya ngayon sa sasakyan dahil naiwan si June dahil wala na rin ito mauupuan sa loob.
"Pwede naman na buksan mo na lang yung pito tapos hilain mo si Erin mula doon sa mokong na 'yon, bago mo sinuntok. Hindi 'yong ibabangga mo pa yung sasakyan ko sa latang sasakyan 'non." pagrereklamo pa ni Aljon sa kaniya.
"Bibilhan na lang kita ng bago," aniya para huminto na lang ito sa pagrereklamo. Nanlaki naman ang mata ni Aljon bago napa-preno dahilan para halos malaglag si Erin sa upuan, mabuti na lang ay nahawakan agad ito ni Hunter. "Ayusin mo pag-da-drive mo!"
"Pare totoo ba ang narinig ko? bibilhan mo ko ng bago?"
"Oo kahit dalawa pa tumigil lang yang bunganga mo, saka ayusin mo yang pag da-drive mo"
"Ay syet! galante. Iba na talaga nawawala ng 6 years, yumayaman." sinamaan niya ng tingin si Aljon, kaya bumalik na lang ang pansin nito sa daanan at muling pinaandar ang sasakyan.
Hindi niya alam ang pumasok sa isip niya, alam niyang wala na siya sa lugar na mangealam sa buhay ni Erin para pigilan ito. Pero hindi niya talaga kaya na tumayo na lang at pagmasdan si Erin kasama ang lalaking iyon. Hindi niya alam kung may relasyon si Erin at ang lalaking kahalikan nito kanina. Iniisip niya na dahil lang sa kalasingan kaya ito nakipag-halikan sa lalaki, pero hindi pa rin tama iyon. At isa pa, kung kasintahan niya nga iyon ay dapat hindi siya hinahayaan ng ganon, artista si Erin at matao ang lugar. Dapat ay pinoprotektahan niya ang image ni Erin. Naiinis din siya kay Erin, naisip niya na, i-inom-inom pero hindi kayang kontrolin ang sarili. Gusto niya itong pagalitan, kung nagiisip ba ito.
Kanina, inisip niya na mawawala rin, na titigil din ito pero nang makita niya na sumama ito sa lalaki palabas sa bar ay parang sasabog ang ulo niya kakaisip kung sino ba talaga ang lalaking iyon sa buhay ni Erin. O kung saan sila pupunta, o anong gagawin nila, kaya sinundan niya sila at nang makita na pumasok ito sa kotse kasama ang lalaking iyon ay tila ito na ang pinaka matagal na sandali ng buhay niya. Hindi tinted ang sasakyan kaya nakikita niya mula sa labas ang patuloy na paghahalikan ng dalawa. Lalong-lalo na ang pag upo ni Erin sa ibabaw ng lalaki habang hinayaan ito na halikan siya ng lalaki sa leegan niya. Hindi tinted ang bintana ng sasakyan at kitang-kita ang loob non. Para siyang nasikmuraan ng malakas ng mga sandaling iyon, halos balutin siya ng matinding galit at selos sa mga oras na iyon. Itinatanong niya ang kanyang sarili, nagagalit kay Erin kung bakit siya umabot sa ganito. Pero ano nga ba ang pakialam niya? may sarili itong buhay at ginusto pa nitong sumama sa lalaki. Sino ba s'ya para questionin ito sa mga bagay na gusto niyang gawin? Pero may bahagi ng isipan niya na nagsasabi na lasing lamang ito at hindi alam ang ginagawa, habang ang lalaking kasama nito ay pinagsasamantalahan din ang kalasingan niya.
"Tangina, bro!" rinig niyang wika ni Aljon, nang makita pa nila ang paganggat ni Erin, bago muling iginaya ang sarili sa lalaki.
Kitang-kita niya ang pag-awang ng labi ni Erin na mukhang dahilan ng pagunggol nito. At ng muli niyang makita na umangat ang katawan nito ay doon na niya hindi napigilan ang sarili. Inagaw niya ang manebela kay Aljon at binangga ang sasakyan ng lalaki. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at dali-daling binuksan ang pinto pagkatapos ay hinatak ito palabas doon. Agad naman inalalayan ng mga kaibigan niya si Erin dahil hindi siya talaga kombinsido na may relasyon si Erin at ang lalaking ito.
Kaya ng galit na hinarap siya nito ay isang malakas na suntok ang ginawad niya sa pagmumukha ng lalaking iyon. Alam niyang napuruhan ang lalaki dahil tumalsik pa ito sa batuhan pero wala doon ang pansin niya kundi na kay Erin. Tama siya, lasing na lasing na nga ito at halos wala na sa sariling huwisto. Malamang ay hindi niya alam ang kaniyang ginagawa. Binuhat niya ito at dinala sa likuran ng sasakyan at doon agad pinahiga.
"O ?ano ng balak mo ngayon diyan?" rinig niyang tanong ni Aljon sa kaniya.
Bumalik ang isip niya sa kasalukuyan lalong-lalo na ng iyon ang tanong sa kanya ni Aljon.
"Alam niyo ba kung saan siya nakatira?" tanong niya naman kay Aljon at ngumiti lang ito.
"Hahaha! 'yan ang hindi namin alam bro. Alam mong walang nakakalam niyan dahil hindi talaga 'yan pinagsasabi ni Erin. Ayan si Frank, tanungin mo tutal madalas niyang nakakasama si Erin sa mga projects."
Napatingin siya kay Frank na tila nagtatanong pero bago pa man lumabas ang katanungan sa kanyang bibig ay agad na umiling ito.
"No, ang alam ko ay lumipat siya after your breakup." sagot ni Frank sa kanila.
Napabuntong hininga siya bago muling napatingin kay Erin na natutulog at naka-unan sa kandungan niya.
"Ako pre, alam ko yung isang bahay niya, at alam kong alam mo rin yon, kaso malamang pag nag-doorbell ka sa mga Vera at makita din na ganyan ang lagay ng anak nila, malamang 'di ka na sisikatan ng araw." ngisig sabi ni Aljon. "So anong desisyon mo?"
Napaisip siya, pero hindi niya pwedeng i-uwi to sa condo niya dahil alam niyang mangyayari kinabukasan pag nagising na ito. Alam niyang ma ba-bad shot talaga siya kay Erin kapag nagkataon.
"So, ano na bro?' follow up question ni Aljon sa kaniya.
"Bag? wala ba siyang bag?"
"Wala bro eh, teka may sasakyan si Erin, baka doon niya iniwan." tama pwede nila tignan doon. Baka sakali na naroon ang bag nito at mga ID.
"Pwede bang bumalik?" aniya.
"Nope, ang layo-layo na Hunter, saka paano natin malalaman kung saan yung sasakyan niya roon?" pagrereklamo ni Aljon habang patuloy na nag-da-drive kahit wala pa silang sigurado na pupuntahan.
"Tawagan mo na lang si June, baka nandoon pa 'yon." utos niya.
Kinuha ni Frank ang kaniyang cellphone upang tawagan si June na naiwan sa The Palace. Pero hindi ito sinasagot ang tawag. "Wala, nag-ring lang. Mukhang nag-party na ulit si Gago."
"Bro, bakit hindi mo na lang dalhin si Erin sa condo mo? wag ka ng mahiya parang wala naman kayong pinagsamahan niyan." pang-aasar pa ni Aljon sa kaniya.
Agad naman na umiling si Hunter. "Gago ka ba? sa akin wala naman kung dalhin ko siya sa unit ko, pero tol, bad move 'yon. Hindi pa kami nagkakausap ng maayos simula nang bamalik ako. Ni hindi niya nga ako nakita doon sa The Palace, tapos gusto niyo pagising niya bukas ng umaga ako ang bubungad sa kanya?"
"Ayaw mo 'yon romantic?" natatawa na biro ni Aljon.
"Gago, ano yon? ganon-ganon lang matapos ang anim na taon? ang pinaplano ko bro is 'yung makausap siya ng maayos. 'Yung nasa maayos at akmang lugar naman ayoko naman na magmukhang gago nanaman---tapos gan'to? seryoso ka ba?"
Natawa si Aljon, "Di'ba nga kaya tayo pumunta doon sa The Palace kasi gusto mo siyang makita?saka bro, anong magagawa mo kung ganito yung pinplano ni Lord sa'yo?"
"Gago ka! dinamay mo pa si lord" sumbat ni Hunter at natawa na lang sa kanila si Frank.
Muling natawa si Aljon, "Hunter, iba mag-laro si tadhana at wala ka naman magagawa ngayon eh sa gan'to kayong sitwasyon pinagtagpo. Kung ganyan lang din pala, edi sana hinayaan mo na lang siga doon 'diba? para wala ka sanang kargo de konsensya ngayon."
Natahimik siya, tama naman ito. Desisyon niya rin ang ginawa niya kanina, dahil sa labis na galit at selos na nararamdaman niya. At hinding-hindi niya pinagsisisihan na hatakin si Erin, mula sa lalaking 'yon.
"Ayan na oh, bakit parang takot na takot kang dalhin yan sa unit mo ng kayo na lang dalawa lang?" biro ulit ni Aljon.
"Wag kang madumi mag isip."
"wala akong iniisip, ikaw yong may iniisip pero bakit ka naman natatakot? o natatakot ka ba dahil baka hindi mo mapigilan yang sarili mo at gawin yang iniisip mo? kung sabagay hindi na ako magtataka. Marami na kayong pinagsamahan ni Erin, 8 years din yon bro, 8 years at kamuntikan na nga kayong ikasal."
"Tol, tama na." muling wika ni Frank, kaya siniko na rin ito ni Frank.
"Sorry bro, ang akin lang naman kaysa na paikot-ikot tayo dito, at hinahanap kung saan siya nakatira ay dalhin mo na lang muna siya sa condo mo para naman makaayos na rin ng higa yan. Tignan mo nga, hindi ba nilalamig 'yan?" saad nito pagkatapos ay napatingin din siya kay Erin kung saan nakapandong na rin ang jacket niya sa katawan nito.
"Dalhin mo muna 'yan sa condo mo para makapagpahinga. Iyon na lang ang choice natin ngayon. Malay mo, kabaliktaran sa iniiisip mo yung maging reaction niya pagising niya at makita ka niya, Malay mo dahil sa nalaman niya na niligtas mo siya, doon sa manyak na 'yon mabigyan ka pa niya ng chance na makapag-explain, para maayos pa ang relasyon niyo." katwiran naman si Frank sa kaniya.
May punto ito, at isa pa malalim na rin ang gabi. Basta, bahala na. Baka ito nga ang itinadhana sa kanila. Siguro nga, mas okay kung sa unit niya muna mananatili ito ngayong gabi. "Okay, sige na sa unit ko na lang." aniya.
Napangiti si Frank at lumapad ang ngiti ni Aljon, "Oopss akalain mo iyon? nandito na pala tayo?" sambit pa ni Aljon na ikinagulat nila. Mukhang ito na ang nagdesisyon kanina pa. Sa kakaisip kung ano ang gagawin, hindi nila napansin na ang daan patungo sa condo unit niya ang tinatahak nila.
Napagisipan niya na dalhin na lang si Erin sa condo niya, hindi na siya sinamahan ni Frank at Aljon sa unit niya dahil kailangan na daw umalis ng dalawa. Pagkarating niya ay nihiga niya si Erin sa kama at napabuntong-hininga na lang nang makita ang itsura nito. Lasing na lasing at talagang hindi na makagalaw. Agad niyang inalis ang t-shirt niya dahil nasukahan iyon ni Erin.
Umalis siya saglit para kumuha ng maligamgam na tubig at alcohol, katamtaman na binuhusan niya ng alcohol ang tubig bago kinuha ang bimpo para pigaan iyon. Naisipan niyang punasan ito para naman mabawasan ang init ng katawan ni Erin, gayon na rin ang mga bakas ng suka nito sa katawan.
"Haay.. Erin, ano ba 'tong ginawa mo?" wika niya habang pinupunasan ang mga mukha nito, hinawi niya ang ilang hibla na nakatakip sa mukha ni Erin.
Ang dami nang nagbago kay Erin. Bukod sa mas lalong naging magaling na actress ito ay mas lalong gumanda, mas lalong humubog ang katawan nito. Hindi na ito yung dating teen star na nakilala niya, dahil malayong-malayo na roon si Erin. At alam niya, dahil din sa nasaksihan niya kanina sa bar ay alam niyang talagang ibang-iba na ito. Hinubad niya ang suot na damit ni Erin para mapunasan ito ng maayos, Pinigaan niya ang bimpo pagkatapos ay ipinunas uli sa mukha nito pababa sa leeg nito. Nang biglang maalala ang nakita niya kanina, kung paano nito hayaan na halikan ng lalaking iyon ang leeg niya. Napasimangot si Hunter at kinuha uli ang alcohol bago nilagyan pa uli ng tubig, halos maubos na iyon bago niya binanlawan uli ang bimpo at ipinahid sa leeg ni Erin.
Pinunasan niya ng maiigi ang bawat balat nito na nakita niyang hinalikan hinawakan ng lalaking 'yon. Mula sa leeg, pababa ng braso, sa mga kamay nito pati na rin sa baywang ni Erin at dumampi ang malamig na bimpo sa sa dibdib nito.
"Ohh.." napaungol si Erin kaya halos manigas siya ng biglang maramdaman rin na manigas ang bagay na nasa pagitan ng hita niya.
Malalim na ang relasyon nila ni Erin noon, nakita na niya ang kabuuan nito noon pa man, kaya hindi na rin siya nailang na alisan ito ng damit ng walang kasamang pag nanasa dahil noon pa man kapag nagkakasakit si Erin o kaya naman kapag nalasing din ng ganto ay ginagawa niya ito para mapreskuhan. At mas hindi na lumala pa ang nararamdaman. Pero ibang kaso na ngayon, hindi na sila, matagal ng walang sila, at matagal na rin niyang hindi ito nakikita ng malapitan, ng ganito kalapit at ganito ang sitwasyon. Kaya hindi niya mapigilan ang init na maramdaman dahil lang sa simpleng pag ungol nito dulot ng bimpo na ibdinampi niya sa balat nito.
Napapikit siya at inalis sa isipan ang init na naramdaman. Muli siyang napabuntong-hininga pagkatapos ay pinunasan na lang ulit ang mga braso nito habang muling pinagmamasdan ang mukha ng dating kasintahan. "Dapat hindi ka nagpapahahalik kong kani-kanino, sigurado ka bang nag-toothbrush 'yon? Pano kung bad breath 'yon? siguro hindi mo na naamoy kasi mas amoy alak ka,"
Pinunasan niya ang bandang collarbone nito pababa uli sa tiyan nito. "Papaano kung may TB yon? o hepa? edi nahawa ka?"
"Eh kung hindi ka umalis edi hindi siya nagka ganyan?" Parang piniga ang puso niya dahil sa kabilang banda alam niyang siya rin ang dahilan kung bakit nagkaganito si Erin.
Ngayon iniisip na lang niya ang mangyayari kinabukasan. Ang mangyayari sa buhay nila ni Erin. Bahala na.. bahala na kung ano ang maging reaction niya bukas kapag gising niya.