“BES, wala ka bang napapansin kina Gabby at Ciri?”
Napalingon kay Millie nang marinig ko ang tanong nito sa akin. Nasa beach na kami ngayon at nagpapahinga muna saglit. Katatapos lamang namin mag-lunch at mayamaya lang ay maliligo na kami ng dagat. Kanina pa kasi nangungulit sa akin si Millie at hindi na raw ito makapaghintay na maglunoy kami sa tubig. Well, kung sabagay... maging ako man ay kanina pa rin naaakit sa kulay green na dagat. Ang ganda sa paningin at fresh na fresh pa ang hangin.
Si Rufo naman ay saglit na nagpaalam sa akin at pupuntahan niya raw muna ang mga kaibigan niyang kararating lang din kaninang umaga.
“Bakit? Ano’ng napapansin mo?” balik na tanong ko kay Millie.
Bumuntong-hininga naman ito nang malalim at tinanaw sina Cathy, Gabby at Ciri na nasa dagat. Si Ciri at Cathy lang ang nag-i-enjoy habang si Gabby naman ay dumidistansya sa dalawa.
“Napapansin ko lang kasi bes simula kagabi nang dumating sina Sir Rufo at Ciri sa bahay ninyo, parang ang tahimik bigla ni Gabby tapos cold pa.”
Kumunot ang noo ko at napasulyap na rin ako sa dagat. Ilang segundo kong tiningnan si Gabby na unti-unti nang lumalayo sa dalawa.
“Hindi niya pa rin siguro matanggap na may anak na si Rufo pero nakipagrelasyon pa rin ako sa kaniya,” sabi ko.
“Hindi, bes. Bukod doon,” sabi nito. “Kasi... parang iba ang pakiramdam ko. Parang may something sa dalawa, e!” dagdag pa nito.
Muling nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa mga sinabi ulit ni Millie. Nilingon ko ulit ito. “Ano ang ibig mong sabihin, Millie?”
Bumuntong-hininga ulit ito. “Kutob ko lang naman ito, bes,” sabi nito. “Pakiramdam ko kasi... tomboy si Gabby.”
Biglang naging seryoso ang mukha ko at napatitig ako kay Millie dahil sa sinabi nito. “H-huh?”
“I mean... I’m not really sure, bes. Kutob ko lang naman. Feeling ko lang. Kasi ’di ba... may pinsan akong tibo na sa bahay nakatira. Kaya kahit papaano ay alam ko na kung paano tumingin sa mga kilos ng isang totoong babae o tomboy.”
“Millie, hindi tomboy si Gabby,” sabi ko.
“Feeling ko nga lang, bes.”
Muli akong napatingin kay Gabby na medyo nasa malayo na sa puwesto nina Ciri at Cathy.
Simula maliliit pa kami, hindi pa nagkaroon ng pagkakataon na nagkahiwalay kaming magkakapatid kaya kilalang-kilala ko silang dalawa. At kahit minsan naman ay wala akong nakitang kakaiba sa kilos ni Gabby. She’s a normal girl, I mean, normal woman. Hindi ko nakitang nagsuot ng panlalaking damit o pumurmang parang lalaki si Gabby. Lahat ng gamit nito pambabae. Mas tudo pa nga kung maglagay ng make-up si Gabby kaysa sa akin, e! So, hindi ko masabing tomboy nga ang kapatid ko kagaya sa iniisip ni Millie ngayon.
“Sorry, bes! Hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko na sabihin sa ’yo ang napapansin ko simula pa kagabi at kanina.” Anang Millie sa akin. “Pero... kung hindi mo naman mamasamain, puwede mo namang kausapin si Gabby kung ano ang problema niya at bakit ayaw niya kay Ciri. Baka mali lang ako ng kutob at sadya ngang hindi niya lang matanggap na nakipagrelasyon ka sa lalaking may anak na. At worse, kasing edad pa niya ang magiging step-daughter mo.”
Tumango na lamang ako dahil sa mga sinabi ni Millie. Well, iyon nga ang magandang gawin. Ang kausapin si Gabby. Kasi hindi rin naman ako matatahimik kung ganitong parang biglang naglagay ng pader si Gabby sa pagitan nila ni Rufo. Samantalang no’ng mga nakaraang linggo, okay naman sila. Masaya siya kapag nagpupunta sa bahay si Rufo.
“Tara na nga, bes... maligo na tayo ng dagat.” Mayamaya ay aya sa akin ni Millie.
Wala na akong nagawa kun’di ang sumunod dito nang maglakad na ito papunta sa dagat.
Iwinaglit ko na muna sa isipan ko ang mga napag-usapan namin ni Millie. Nag-enjoy na muna kami sa dagat para masulit namin ang bakasyon na ito.
Mayamaya ay nakita ko na rin si Rufo na dumating sa beach. Nakasuot lamang siya ng blue trunks kaya kitang-kita ko na naman ang magandang katawan niya. I mean, not only me. Kasi napansin ko agad ang isang grupo ng kababaehan na nagsa-sunbathing. Mga nakangiti nang malapad at tila nagpapapansin kay Rufo.
“Nako, bes... kalmahan mo lang ’yang sarili mo. Normal lang naman talaga sa mga babaeng mapatingin sa mga kagaya ng jowa mo na guwapo na macho pa. Nasa beach kasi tayo.”
Dinig kong saad sa akin ni Millie na hindi ko namalayan nakalapit na pala sa puwesto ko.
Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. “Tingnan mo naman kasi ang mga titig nila sa boyfriend ko... parang pinagnanasaan na sa isipan nila.”
Humagikhik naman si Millie na naging dahilan ng pagtingin ko rito. Magkasalubong ang mga kilay ko.
“Ano ang nakakatawa sa sinabi ko, Millie?” iritadong tanong ko.
“Natatawa lang ako, kasi ganiyan ka pala magselos, bes!” anito.
Napaismid ako. “Ano’ng ganito ako magselos?”
“Ganiyan... umuusok ang ilong mo Ms. Solana Marinduque. Parang kulang na lang ay umahon ka rito sa tubig at lapitan mo ang mga bruhang ’yon para sawayin na huwag titigan ang jowa mo,” wika nito. “Bes, that’s normal nga kasi. Ako nga...” anito at tinapunan ng tingin si Rufo na pasulong na sana sa tubig, pero may babaeng lumapit sa kaniya at kinausap siya. “Kahit ako nagagandahan din sa katawan ng jowa mo. s**t huh! Hot na ngang tingnan si Sir Rufo kahit nakasuot pa siya ng damit, what more ngayon? He’s half naked, bes! Tumutulo na ang laway sa isipan ko.”
“Millie!” pinanlakihan ko ito ng mga mata na ikinahagalpak naman nito ng tawa. “Bruha ka talaga!”
“Joke lang, ito naman!” anito. “Hindi ko na puwedeng pagpantasyahan si Sir Rufo kasi best friend kita. Ayokong magkaroon ng digmaan sa pagitan natin kapag nagkataon.”
Yeah, sinabi na ’yon sa akin ni Millie no’ng magkausap kami tungkol sa relasyon namin ni Rufo. At nagpapasalamat naman ako na ganoon ang mindset ng kaibigan ko. Ang akala ko kasi talaga no’ng una... magagalit ito sa akin at tatapusin na ang pagkakaibigan namin dahil nga may pagtingin din ito kay Rufo. But I’m thankful na pinili ni Millie na manatiling maayos ang relasyon namin biglang mag-best friend.
“Heto na ang jowa mo kaya lalayo na ako sa ’yo.” Anito nang papalapit na sa puwesto namin si Rufo.
“Hey, baby!” nakangiting bati niya sa akin at kaagad na ipinulupot sa baywang ko ang isang braso niya.
Seryosong tingin naman ang ibinigay ko sa kaniya.
Nangunot ang kaniyang noo. “Why? Is there a problem, baby?” tanong niya.
“Bakit nakipag-usap ka roon sa babae?” nakasimangot na tanong ko sa kaniya.
“Oh?” aniya at saglit na lumingon sa dalampasigan. Pagkuwa’y ipinulupot niya rin sa baywang ko ang isa pa niyang braso at hinapit ako nang husto papunta sa kaniya. Wala na akong nagawa kun’di ang ipulupot na rin sa leeg niya ang mga braso ko. “That woman just asked me something.”
“Ano ang itinanong sa ’yo?” tanong ko pa.
Bigla naman siyang ngumiti sa akin at walang sabi-sabi na dumukwang sa akin upang silyuhan ng mariing halik ang mga labi ko. Napapikit ako nang mariin at tumugon sa halik niya. At nang kakapusin na ako ng paghinga ko, bahagya na akong lumayo sa kaniya.
“So ano nga?” tanong ko ulit sa kaniya.
“The woman asked me earlier if she could get my name and number. But I told her I was no longer available. I’m in a relationship right now and I’ll ask my girlfriend first if she’ll allow me to tell my name to the other women.”
Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. “Talaga?” kunwari ay ayaw kong maniwala. Pero sa loob-loob ko, labis akong kinilig bigla.
Naramdaman ko ang isang palad niya na humaplos sa likod ko. Kahit hanggang dibdib ko ang tubig dagat at nasa ilalim ng tubig ang palad niyang humahaplos sa likod ko, ramdam ko pa rin ang init niyon.
“Ayaw mong maniwala sa boyfriend mo?”
Mas lalong lumapad ang ngiti ko. “Hindi naman sa ganoon, babe. I trusted you. Pero sa mga babaeng katulad nila,” sabi ko at sinulyapan ang mga babaeng nakahiga pa rin sa buhangin. “Wala akong tiwala. Kanina pa sila nakatingin sa ’yo. At parang... pinagpi-pyestahan ka na nila sa mga utak nila. Iyon ang ikinaiinis ko.”
Tumawa naman siya ng pagak at muli akong hinapit kaya ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang katigasan niya sa may tiyan ko.
“Baby, pagpyestahan man nila ako sa utak nila... hanggang doon lang ’yon. I’m all yours. My body is all yours. So, don’t get mad or... don’t get jealous, okay?” aniya at hinalikan niya ang pisngi at noo ko.
“I love you.”
“I love you.” At muli niyang inangkin ang mga labi ko.
Buong pagmamahal na tinugon ko naman iyon. Hindi ko na pinansin ang mga taong nasa paligid namin na naliligo rin ng dagat. Hindi naman siguro sila manunuod sa paghahalikan namin ni Rufo ngayon?!
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbaba ng mga palad niya sa pang-upo ko at iniangat niya ako. Kaagad ko namang ipinulupot sa baywang niya ang mga binti ko at naglakad siya papunta pa sa malalim na parte ng dagat. Hindi pa rin napuputol ang halik na pinagsasaluhan namin kahit halos mapugto na ang hininga naming dalawa.
Mayamaya, nang maramdam kong bumitaw ang isang kamay niya sa ilalim ng mga hita ko at umangat iyon papunta sa kanang dibdib ko, masuyo akong napaungol at napahiwalay na sa mga labi niya.
“Babe, enough!” nakangiting saway ko sa kaniya. “Nasa dagat tayo.”
“So what?”
“So what?” natawa ako at bahagyang pinalo ang dibdib niya. “Nakakahiya, babe.”
Tumawa lamang siya at muling hinagkan ang mga labi ko. Pero ilang segundo lamang iyon at bumitaw ako ulit. My God! I can feel his solid-member getting harder. Hindi naman puwedeng gawin ito rito sa dagat! Maraming tao sa paligid!
“Let’s go farther.” Aniya at nagsimula siyang lumangoy habang nakaangkla pa rin sa baywang niya ang mga hita ko.
“Rufo, I don’t know how to swim.”
“Don’t worry, baby. I’m here.”
“But—”
“Trust me.”
Wala na nga akong nagawa kun’di ang kumapit na lamang nang mahigpit sa leeg niya habang papalayo pa kami nang papalayo. Ang akala ko pa nga, kaya niya ako dinala sa malayo ay dahil may gagawin kami dito sa dagat, pero mabuti na lamang at hindi siya nagpumilit nang sabihin kong ayoko! My God! Iyon marahil ang isa sa mga hindi ko gagawin. I can make love with him kahit pa gaano katagal at ilang rounds, basta huwag lang dito sa dagat.
“SOLANA!”
Napahinto ako sa paglalakad ko sa ibaba ng cottage namin ni Rufo nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ciri. Kakalabas lang din nito sa cottage nila ni Gabby. Papunta na sana ako sa restaurant kasi roon kami mag-d-dinner. Magkasama kami ni Rufo kanina na nagpunta roon, pero bumalik lang ako sa cottage namin dahil naiihi na ako. Hindi na ako nagpasama sa kaniya.
“Where is dad?” tanong nito nang makalapit ito sa akin.
“Um, nasa resto na. Halika, sabay na tayong pumunta roon para mag-dinner.”
Ngumiti naman ito sa akin at yumakap sa braso ko na hindi ko inaasahan na gagawin nito.
“Let’s go.”
Napangiti na rin ako nang malapad. Palagay na talaga ang loob ko kay Ciri. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubos makapaniwalang magiging okay nga kaming dalawa. Na tatanggpin ako nito bilang bagong girlfriend ng daddy nito.
Hanggang sa makarating kami sa restaurant. Pagkarating namin sa lamesa namin ay kaagad ko ring hinanap si Rufo nang hindi ko siya nakita roon.
“Nasaan si Rufo?”
“Lumabas po saglit, Ate Solana,” sagot ni Cathy.
“Oo bes. May babae kasing lumapit dito sa amin kanina. Gusto raw makausap si Sir Rufo.” Saad din ni Millie.
Nangunot naman ang noo ko. Babae? Sino’ng babae? Ewan ko, pero bigla akong nakadama ng kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Millie.
“Come, Solana. Let’s have a sit. Hintayin na lang natin si dad.” Anang Ciri nang makaupo na rin ito sa isang bakanteng silya na nasa tabi ni Millie.
“Um, saglit lang... hanapin ko lang si Rufo,” sabi ko at kaagad na naglakad palayo. Muli akong lumabas ng restaurant. Kaliwa’t kanan pa ang tingin ko sa medyo madilim na dalampasigan upang hanapin kung nasaan si Rufo. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko malapit sa may pantalan. Doon ko nakita si Rufo na may kausap nga. And it was Rhea.
What is she doing here?
Kunot ang noo na naglakad ako palapit pa sa kanilang puwesto. Nakatalikod sa direksyon ko si Rufo kaya hindi niya agad ako nakita. Pero si Rhea, nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanila ay nakita ako nito. Lumapad bigla ang pagkakangiti nito sa akin at walang anu-ano’y biglang kinabig sa batok si Rufo at hinalika.
Damn.
Napahinto ako sa paghakbang ko at biglang sinalakay ng galit ang puso ko dahil sa ginawang iyon ni Rhea sa boyfriend ko.