“WALANG-HIYA kang babae ka!” galit na saad ko at malalaki ang mga hakbang ko palapit sa kanila ni Rufo. Kaagad kong hinila ang nakalugay nitong buhok kaya nabitawan nito ang batok ni Rufo. “Walang-hiya ka! Hanggang dito ba naman ay sinundan mo pa kami?”
“Aray! Ouch! Rufo, help me!” daing ni Rhea habang nakahawak ito sa kamay ko na nakasabunot sa buhok nito. “Let me go! Aray ko!”
“Ang landi mo talaga!” nanggagalaiting saad ko at sa halip na bitawan ang buhok nito, mas lalo pa akong nanggigil na sabunutan ito. Ah, wala akong pakialam kung matanggal man ang buhok at anit nito. Bagay lamang iyon sa babaeng kagaya nito na malandi. Alam na nga nitong may girlfriend si Rufo, tapos hahalikan pa nito ang boyfriend ko?
“Solana! That’s enough.”
I felt Rufo grab my waist to stop me.
“Huwag mo akong pigilan, Rufo!” galit na saad ko sa kaniya at hinila pa lalo ang buhok ni Rhea hanggang sa mapaluhod ito sa buhangin.
“Ouch! Rufo, please!” anito na umiiyak na habang nakahawak na ang dalawang kamay nito sa kamay ko na mahigpit pa ring nakahawak sa buhok nito.
“Baby, please! That’s enough.”
“Malandi kang babae ka! Bagay lamang sa ’yo ito!” nagpupuyos na singhal ko at malakas na bitawan ko ang buhok nito kaya napasubsob ito sa buhangin.
“Enough, baby!” kinabig pa ako ni Rufo sa baywang ko upang ilayo kay Rhea.
“Bitawan mo ako!” piniksi ko ang mga kamay niyang nakahawak sa akin at inayos ko ang buhok ko pati ang damit ko. I gave him a sharp look when I looked back at him.
“Please. Don’t get mad at me, Solana. I... I didn’t—”
“Hinalikan ka na nga ng babaeng ito, tapos hindi mo pa itinulak! Ano, Rufo, masarap ba?” naiinis na tanong ko sa kaniya.
Oh, God! I saw Rhea was the one who kissed him first, so it’s not his fault. But I just can’t stop myself from getting angry. Naninibugho ako sa nakita ko kanina. Damn. Rufo is only mine. At walang karapatan ang Rhea na ito na halikan ang boyfriend ko! Or kahit sino’ng babae! He’s only mine.
“My God, Rufo! Ganiyan pala ang ugali ng babaeng ’yan? Iyan ba ang sinasabi mong girlfriend mo? Eskandalusa?”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang balingan ko ng tingin si Rhea. Nakatayo na ito mula sa pagkakatumba sa buhangin. Pinunasan din nito ang luha at inayos ang buhok nitong nagulo dala sa pagkakasabunot ko kanina.
“Hindi ako mag-i-eskandalo rito kung walang babaeng kasing landi at kati mo ang bigla na lang manghahalik ng boyfriend ng iba.” Mariing saad ko. “Aba, mahiya ka naman sa sarili mo, Rhea! Alam kong sinabi na sa ’yo ni Rufo na hindi ka niya gusto, pero napakadesperada mo naman para hanggang dito ay sundan mo pa kami para lang guluhin ang bakasyon namin. Para lang ipilit lalo ang sarili mo sa boyfriend ko. Wala ka bang delekadesa?”
“Baby, that’s enough,” sabi ni Rufo at kinuha niya ang kamay ko. “Come on, let’s go back to the restaurant.”
Pero sa halip na sagutin at sundin ang mga sinabi niya. Mas matalim na titig ang ipinukol ko kay Rhea. “Sa susunod na halikan mo pa ang boyfriend ko, hindi lang ’yan ang gagawin ko sa ’yo Rhea.” Nagbabantang saad ko rito at hindi na hinintay pa na magsalita ito. Kaagad kong binawi kay Rufo ang kamay ko at nagmamaktol na naglakad palayo.
“Solana! Baby!”
But I didn’t listen to him. I just keep walking. And instead of going back to the restaurant, hindi ko ginawa iyon. Nagdiretso ako sa cottage namin.
“Baby, please! Talk to me.” Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa kaniya.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Sunod-sunod iyong pumatak. “She kissed you, Rufo.” Umiiyak na saad ko sa kaniya. “At kung hindi ko pa kayo nakita roon, siguro hahayaan mo lang na—”
“Of course not,” sabi niya kaya naputol ang pagsasalita ko. Malungkot siyang tumitig sa akin. Mayamaya ay nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga at lumapit pa siya sa akin. Binitawan niya ang kamay ko at ikinulong niya agad sa kaniyang mga palad ang mukha ko. Masuyo niyang pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga hinlalaki niya. “I’m sorry,” aniya. “Nagulat din ako sa ginawa ni Rhea. I’m sorry. Please enough crying, baby. I can’t bear to see you crying.”
Sunod-sunod akong suminghot at itinuon ko sa dibdib niya ang paningin ko. Humugot din ako nang malalim na paghinga saka iyon pinakawalan sa ere. Pinakalma ko ang sarili ko.
“Please, stop!”
Naiinis na tinitigan ko siya. “Bakit mo kasi kinausap ang babaeng ’yon? Ang akala ko ba hihintayin mo lang ako sa restaurant?” tanong ko sa kaniya.
“It’s my fault. I’m sorry, okay?” aniya. “I was surprised when I saw her at the restaurant earlier. But I promise I have no intention of talking to her because I don’t want you to get angry or jealous if you find out that I talked to her. But I knew she wouldn’t stop, so I talked to her. I told her to stop chasing me because I already have a girlfriend. But I didn’t expect her to kiss me. I was surprised by what she did.” Pagpapaliwanag niya.
“Nagulat? Kaya hindi mo siya agad pinigilan?” naiinis pa ring tanong ko sa kaniya. “Kung hindi pa ako dumating doon at hindi ko siya sinugod, hindi ka pa niya bibitawan.”
“I’m sorry.”
“Naiinis ako sa ’yo,” nakangusong saad ko sa kaniya.
“Please don’t, baby! Don’t let this night be ruined.”
“That Rhea has already ruined our night, Rufo.”
Bumuntong-hininga naman siya habang mataman pa ring nakatitig sa akin. Mayamaya, akma na sana siyang dudukwang sa akin para halikan ako, kaagad kong ibinaling sa ibang direksyon ang mukha ko.
“Huwag na huwag mo akong hahalikan ngayon. Ayokong malasahan ang lipstick ng bruhang ’yon.” Inis na saad ko saka ko tinanggal ang mga kamay niya sa mukha ko. Tinalikuran siya at naglakad ulit papunta sa cottage namin.
“Solana, baby!”
“Mag-toothbrush ka muna Rufo. Magmumog ka nang alcohol. Baka may bacteria na ’yang bibig mo.” Nang mabuksan ko ang cottage namin, nagmamaktol pa rin akong pumasok doon. Papasok na rin sana siya, pero pinigilan ko siya. “Saan ka pupunta?” tanong ko sa kaniya.
“Sa loob.”
“Sa cottage ka ni Ciri matulog. Naiinis pa rin ako sa ’yo.”
“Baby—”
Pero hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya at kaagad kong isinarado ang pinto.
“Baby, please! Open the door. Don’t get mad at me. I’m sorry.”
Pero hindi ko siya pinakinggan. Ah, bahala siya sa buhay niya!
PAGKALABAS ko sa banyo, sakto namang nakarinig ako nang mahihinang katok mula sa labas ng pinto.
“Baby, please! I’m sorry. And... nag-toothbrush na ako at nagmumog na rin so please let me in.” Dinig ko ang malungkot na boses ni Rufo.
Bumuntong-hininga ako saka naglakad palapit sa pinto. Binuksan ko iyon. Ang malungkot na mukha nga niya ang bumungad sa akin. Oh, nagpapa-cute ba siya sa akin?
“Please forgive me, baby!” aniya at kaagad na kinuha ang kamay isang kamay ko. “Huwag ka ng magalit o... mainis sa akin. I’m na nga, e!”
Gusto ko sanang ngumiti ngayon dahil sa nakakatawa niyang hitsura, pero pinigilan ko ang sarili ko. Oo na! Hindi na ako naiinis sa kaniya. Wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari kanina, e! Nadala lang talaga ako sa galit ko kanina dahil kay Rhea.
“What do you want me to do so you can forgive me?” tanong niya.
Hindi ko agad siya sinagot. At mayamaya, bigla naman siyang lumuhod sa harapan ko habang hawak-hawak niya pa rin ang isang kamay ko.
“I’ll kneel here as long as you want just—”
“Okay na. Tinatanggap ko na ang sorry mo kaya tumayo ka na riyan,” sabi ko sa kaniya para putulin ang pagsasalita niya.
“Are you sure, baby?”
“Ayaw mo ba?”
“Of course not,” wika niya at kaagad na ngumiti at tumayo. “Bati na tayo?”
“Pumasok ka na,” sabi ko at hinila ko siya papasok sa pinto.
Kaagad naman niyang isinarado ang pinto at nagulat ako nang bigla niya akong pangkuhin.
“Nanggugulat ka naman!” inismiran ko siya.
Ngumiti siya at naglakad papunta sa kama. Masuyo niya akong inihiga roon at tumabi siya sa akin. “I’m really sorry for what happened earlier, Solana.” Mayamaya ay seryosong saad niya sa akin habang matamang nakatitig sa mga mata ko. Umangat din ang isang kamay niya at masuyong hinaplos ang pisngi ko. “I swear I have no intention of hurting your feelings. And I didn’t like the kiss—”
“Aba dapat lang ’no!” sabi ko kahit ayoko sanang magsalita para putulin ang pagsasalita niya.
Tipid siyang ngumiti sa akin at ipinagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga mata at mga labi ko. Napalunok pa siya. “I promise... hindi na mauulit ’yon.”
Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti sa kaniya. Umangat ang mga kamay ko ay pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya. “I’m sorry din kung nainis ako sa ’yo kanina. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Masiyado lang ako nadala sa galit ko kanina dahil sa ginawa ng Rhea na ’yon sa ’yo. Hindi mo naman ako masisisi, hindi ba?”
Umiling siya. “I understand you, baby. I really do.”
“Salamat, Rufo.” Saad ko.
Oh, napakaswerte ko talaga sa lalaking ito. Napakaswerte ko at siya ang naging boyfriend ko. Mabait, maunawain, mapagmahal sa nanay niya kahit pa minamanipula na siya nito, mapagmahal na tatay rin kay Ciri. Dagdag puntos na lang sa kaniya na gwapo siya at may magandang katawan. Kapag naging asawa ko na si Rufo, I’m sure na isa ako sa mga babae sa mundo ang maswerte na magkakaroon ng mabait at mapagmahal na asawa.
“I love you, Rufo!”
“And I love you too, baby.” Aniya. “So, can I kiss you now?” tanong niya.
Bigla akong natawa ng pagak dahil sa naging tanong niya. Then I nodded, and I was the one who voluntarily kissed his lips, which he immediately responded firmly. Naghinang ang mga labi namin ng halos minuto bago niya ako pinakawalan.
“Damn. I’ve been wanting to kiss you for a while, my love.”
“Amoy menthol nga ang hininga mo, so nagmumog ka nga,” sa halip ay sabi ko sa kaniya.
“Because that’s what you told me earlier. I don’t want to go to sleep tonight without even being able to kiss you.”
“E ’di good job ka, mahal ko.” Ani ko.
Muli niyang inangkin ang mga labi ko. At pagkatapos ng ilang segundo ulit, marahan ko siyang itinulak sa dibdib niya.
“I’m hungry,” sabi ko sa kaniya.
“Do you want to eat?”
Tumango ako. “Alright. What do you want baby? My lips, my hot body or my... special and huge eggplant?” nagtaas-baba pa ang kaniyang mga kilay habang nakangiti siya sa akin ng nakaloloko.
Napasimangot ako at bahagyang pinalo ang dibdib niya. “Ang pilyo mo,” sabi ko. “Gusto ko ng totoong pagkain, mahal ko. ’Yong nakakabusog.”
“Why, hindi ba ako nakakabusog?” tanong niya. “You told me before, you like my eggplant juice and—”
“Bakit, may juice ba ang talong?” tanong ko na hindi na rin napigilan ang mapangiti nang malapad dahil sa kapilyuhan nitong irog ko.
“I guess. Kapag piniga?” nagkibit pa siya ng kaniyang mga balikat at ngumuso.
Natawa na ako nang malakas. “Oo na, masarap ka na, mahal ko. Pero gusto ko talaga ng totoong pagkain. Nagugutom na kasi ako.”
Tumawa na rin siya at kaagad na kumilos. Umalis siya sa tabi ko. “Alright. Magpapa-room service ako. I still haven’t eaten.”
“Hindi ka pa rin kumakain?” tanong ko at kumilos na rin sa puwesto ko. Sumandal ako sa headboard ng kama.
Nilingon niya ako. “Baby, hindi ako makakakain kung ganitong galit ka sa akin.”
I smiled widely because of what he said. Oh, I was suddenly very thrilled by what he said. Hindi na muna ako nagsalita nang tumawag na siya para magpa-room service. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang likod niya.
“In five minutes? Alright. Thank you!” dinig kong saad niya saka ibinaba ang teleponong hawak niya at muli siyang lumingon sa akin at bumalik sa kama. “Why are you smiling, baby?” nagtatakang tanong niya nang umupo siya ulit sa kama. Kaagad naman akong umunan sa kaniyang mga hita. Masuyo niyang hinaplos-haplos ang buhok ko habang ipinagsalikop naman niya ang mga kamay namin.
“I’m just happy,” sabi ko.
Ngumiti siya. “I’m happy too, Solana. I’m always happy every time I’m with you.”
“Talaga?”
Hindi naman agad siya sumagot, sa halip ay yumuko siya at hinalikan ang noo ko pagkatapos ay ang mga labi ko rin. Napapikit ako at buong puso na tinugon ang halik niya.
“No words can describe the love I feel for you, Solana. I can’t think of words to tell you how much I love you.”
Mataman at nakangiti lang akong nakatitig sa kaniya habang ang puso ko ay labis na kinikilig dahil sa mga salitang binibitawan niya sa mga sandaling ito.
“I love you, Solana.”
“At mahal na mahal din kita, Mr. Rufo Montague.”
Ngumiti siyang muli at dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang kamay naming magkasalikop. Hinagkan niya ang likod ng palad ko pagkatapos ay idinikit iyon sa tapat ng dibdib niya.
“HI, CIRI!”
Nangunot ang noo ng dalaga nang makasalubong nito sa beach si Rhea. Malapad ang pagkakangiti nito habang nakasuot lamang ng black two piece bikini.
Bumuntong-hininga si Ciri at lalagpasan lamang sana si Rhea dahil wala itong balak na kausapin ang babae, pero napahinto naman ito nang hawakan ni Rhea ang braso nito.
“Wait, Ciri.”
“What do you want, Rhea?” halata sa mukha nito ang pagkainis sa babae.
Pero mas lalong ngumiti lamang si Rhea sa kabila ng pagkadisgutong ipinapakita ni Ciri dito. “Can I join you? Mag-si-swimming ka ba?” tanong nito.
“What are you doing here ba?” sa halip ay balik na tanong nito sa babae. “Paano mo nalaman na nandito kami?”
Nagkibit ito ng mga balikat. “Well, I have my ways para malaman na dito kayo nagpunta para magbakasyon,” sagot nito. Pero mayamaya, naging seryoso ang mukha nito. “Ciri, seryoso ka ba talagang tanggap mo na si Solana para maging stepmom mo? I mean, hindi mo pa kilala ang babaeng ’yon! Masama ang ugali niya. Look, kagabi nga... sinaktan niya ako kahit magkausap lang kami ng daddy mo, kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Until now masakit pa rin ang ulo ko dahil sa pananabunot niya sa akin. Pasalamat nga siya at hindi ako nag-reklamo sa owner ng isla na ito para paalisin siya or hindi ako nagsumbong sa mga pulis dahil sa pananakit niya sa akin. Dahil hindi naman ako katulad niya na masama ang ugali.”
Bahagyang nangunot ang noo ni Ciri dahil sa mga sinabi ni Rhea. Ano raw? Sinaktan ito ni Solana kagabi?
“For sure, nagbabait-baitan lang ngayon sa ’yo ang Solana na ’yon. Pero once na maging asawa na siya ng dad mo... lalabas din ang totoong ugali niya. Bakit hindi na lang ako ang piliin mo? I mean, simula pa man... I’m always here for you. Ako lagi ang handang dumamay sa ’yo kapag may problema ka and—”
“You know I don’t like you, Rhea.” Pinutol ni Ciri ang pagsasalita ni Rhea.
Seryosong napatitig naman ito kay Ciri. Mayamaya ay bumuntong-hininga ito. “Your lola likes me, Ciri so—”
“Si lola lang ang may gusto sa ’yo para kay dad, Rhea. Pero kahit kailanman ay hindi kita magugustohan para kay dad. Kaya puwede ba... please lang tigilan mo na siya! Maawa ka naman sa sarili mo. Matagal ka ng panay ang habol kay dad kahit hindi ka naman niya pinapansin. Ako na lang ang naaawa para sa sarili mo. And daddy is in love with Solana. He’s happy being with her. At kahit pa ano ang sabihin mo tungkol kay Solana, hindi na magbabago ang isip ko. I like her for my dad. So please stop, okay?” anito. Saglit pa nitong tinitigan si Rhea bago ito humakbang upang lagpasan na ang babae at ipagpatuloy na ang paglalakad palayo.
Tiim-bagang na napabuntong-hininga si Rhea at matalim na titig ang ipinukol kay Ciri habang sinusundan ito ng tingin. “Nasasagad na ang pasensya ko sa ’yong bata ka! I did every thing para lang makuha ang loob mo. Tapos ngayon, mas gusto mo pa si Solana kaysa sa akin? Ugh!” galit na saad nito at mariing ikinuyom ang mga kamao.