CHAPTER 40

3303 Words
“WHAT?” Sabay at hindi makapaniwalang tanong sa akin nina Gabby at Cathy. Just like what I'm expecting their reaction to be when I tell them that Rufo has a daughter. Seryosong nakatingin sa akin ang dalawa habang nasa sala kami. Inihatid ako ni Rufo sa bahay pagkatapos naming mag-usap kanina. Hindi na siya pumasok dahil kailangan niya ring bumalik agad siya sa pad niya dahil papunta na rin doon si Ciri. Mamayang gabi kami aalis para sa short vacation namin. Excited na ako! “May... may anak na pala si Kuya Rufo, ate?” ulit na tanong sa akin ni Gabby. I sighed lightly and nodded. “Ang akala ko po Ate Solana, binata pa si Kuya Rufo,” sabi rin ni Cathy. “Sorry kung hindi ko agad sinabi sa inyo,” sabi ko. “Nagkaroon na siya ng asawa dati. Pero, namatay lang dahil sa aksidenteng nangyari noon sa kanila.” Pagpapaliwanag ko. I told them everything Rufo and I talked about about his family. Hindi na ako naglihim sa mga kapatid ko para maintindihan din nila ang kwento nina Rufo at Ciri. “So... halos kasing edad na rin pala namin ang Ciri na ’yon!” anang Gabby. Tumango akong muli. “Pero don’t worry mga kapatid ko. Mabait naman si Ciri, e! Kaya isasama siya ni Rufo sa bakasyon natin, para magkakilala rin kayong tatlo. I’m sure na magkakasundo rin kayo. Kagaya sa aming dalawa.” Saad ko pa. Bumuntong-hininga naman si Gabby at pabagsak na sumandal ito sa sofa. “Ayos lang ba talaga sa ’yo ate na ganito ang sitwasyon ninyo ni Kuya Rufo?” tanong nitong muli. Ngumiti ako, “oo naman, Gabby!” sagot ko. “Mahal ko si Rufo kaya tanggap ko ang lahat sa kaniya. Mahal niya rin ako kaya walang problema sa akin kung nagkaroon na siya ng asawa noon. At kung may anak na siya. Tanggap na rin naman ako ng anak niya kaya walang problema, Gabby. Wala kang dapat na ipag-alala.” “Hindi ko lang maiwasan, ate!” “Basta ako po Ate Solana, kung saan ka po masaya... masaya rin po ako para sa ’yo.” Nakangiting saad ni Cat sa akin. Ngumiti akong muli. “Salamat kapatid ko.” “I love you, ate!” pagkasabi niyon ni Cathy ay tumayo ito sa puwesto nito at lumapit sa akin. Niyakap ako nito at hinalikan sa pisngi ko. “I love you too, Cat.” “Hay! Mas masaya po sana tayo ngayon kung nandito lang sina mama at papa.” Bigla namang naglaho ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi nito. I also heard Gabby let out a deep sigh. “Catherine, huwag mo ng hanapin ang mga taong matagal ng nawala.” Seryosong saad nito. “Nami-miss ko lang po sila, Ate Gab,” malungkot na wika nito. “Napag-usapan na natin ang tungkol dito, Cathy.” “Hayaan mo na, Gabby.” Singit ko sa dalawa. Even I still feel sad every time I think of our parents. Although, parang malabo ng mangyari... pero ipinapanalangin ko pa rin lagi na sana ay bumalik sina mama at papa para mabuo ulit ang pamilya namin. Simula nang umalis sila at pinabayaan nila kami, lalo na ako na inako ko na ang lahat, ni isang beses ay hindi manlang nila nagawang bumisita o kumustahin manlang kami. Hindi ko nga alam kung nasaan na sila ngayon. Kung may sarisarili na rin ba silang pamilya o ano! I’m just hoping... dumating ang araw na muli ko silang makita. Lalo na si mama. Magsasalita na sana ako nang makarinig naman kami ng katok mula sa labas ng gate. Sumilip ako saglit sa bintana bago tumayo sa puwesto ko. “Sige na, umakyat na kayo sa kwarto ninyo at mag-impake na kayo ng dadalhin ninyo. Mamaya lang ay babalik na rin si Rufo para sunduin tayo,” sabi ko bago ako naglakad palabas at nagtungo sa gate. “Bes!” Si Millie ang napagbuksan ko ng gate. I called her earlier habang pauwi na kami ni Rufo sa bahay. Sinabi ko rito kung gusto nitong sumama sa bakasyon. Ready naman ang bruha kaya heto at nagpunta nga rito sa bahay. “Pasok ka, bes!” “Nasaan si Sir Rufo?” tanong nito. “Bumalik muna sa pad niya kasi roon sila magkikita ni Ciri,” sagot ko. “Tara muna sa loob.” “Nasaan sina Gabby at Cathy?” “Nasa itaas na rin at nag-iimpake na.” “Oh, excited na rin ako bes,” sabi nito na may malapad na ngiti habang papasok na kami sa bahay. “Mabuti na lang tinawagan mo ako. Actually, nag-iisip din ako kanina kung ano ang gagawin ko sa apat na araw na walang klase.” “Mabuti nga at naisipan ito ni Rufo. At least, makakapag-relax tayo.” “Kaya nga, bes.” “Halika sa kwarto ko. Magliligpit din ako ng gamit ko.” Nang makapanhik kami ni Millie sa kwarto ko ay tinulungan na rin ako nitong mag-impake ng mga gamit ko. “Ito bes, bagay sa ’yo.” Nangunot ang noo ko nang makita ko ang two piece orange string bikini na hawak ni Millie. “Susuotin ko ’yan sa pagpaligo ng dagat?” tanong ko. “Hindi bes. Susuotin mo ’to kapag matutulog na kayo ni labidabs mo. Para maakit siya sa ’yo at mag-lovemaking kayo,” sabi nito. Napairap naman ako na ikinahagikhik nito. “Of course, susuotin mo ito sa pagpaligo natin ng dagat. Iyon naman ang purpose ng bikini, e!” anito. “Eyy! Ayoko niyan!” saad ko at napailing pa. “Ang ganda nga, e!” “Itong short at t-shirt lang ang gagamitin ko. Nakakahiya at maraming tao sa beach.” Oh, ngayon ka pa talaga mahihiya, Solana! E, sa DC nga nagsasayaw ka sa harap ng maraming kalalakihan na nakasuot lang ng panty, pero hindi ka nahihiya! Huramentado ng isipan ko. “Ang kj naman, bes! Malamang maraming tao kasi beach ’yon.” Anito. “Sige na. Ito na ang dalhin mo. Sigurado akong mas lalo pang mahuhumaling at mai-in love sa ’yo si Sir Rufo.” Ngumiti pa ito ng matamis at nanunudyo. “Millie, kahit pa hindi ako magsuot ng ganiyan... mahuhumaling at mai-in love pa rin sa akin nang husto ang boyfriend ko.” “Ay, wow naman! Confident masiyado ang amiga ko.” “Oo naman!” “Sabagay! Kailangan confident ka talaga. Lalo na at may Rhea pang nag-aaligid sa labidabs mo.” Anito. “Pero... mas maganda pa rin talaga kung ito ang gagamitin mo, bes!” saad pa nito at pilit na isinilid sa maleta ko ang bikini na hawak-hawak nito. Wala na nga akong nagawa kun’di hayaan na lamang ito at ipinagpatuloy na ang pag-iimpake ko. Saktong kakababa lamang namin sa sala nang makarinig na naman ako ng katok mula sa labas ng gate. Nagmamadali pa akong lumabas ng bahay upang buksan iyon. “Babe, pasok ka.” Nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Rufo. “Hi, Solana!” nakangiting bati sa akin ni Ciri. “Hi, Ciri.” Lumapit naman ito sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko. Kumpara sa nauna naming pagkikita, at pagkatapos ng pag-uusap namin dati sa pad ni Rufo, wala na akong nararamdaman na pagkailang kay Ciri. Hindi na ako nahihiya rito. Magaan na ang loob ko rito. And I’m sure na ganoon din naman ang nararamdaman nito para sa akin. “Pasok muna tayo,” sabi ko. Hinawakan naman ni Rufo ang baywang ko at iginiya na ako papasok sa bahay habang nakasunod sa amin si Ciri. Nasa sala na rin sina Gabby at Cathy. Napatingin pa sa amin ang tatlo, lalo na kay Ciri na papasok na rin sa pinto. Titig na titig sina Gabby, Cathy at Millie kay Ciri. “Um, guys... this is my daughter, Cirilla.” Pagpapakilala ni Rufo sa anak niya. “And sweetheart, she is Cathy.” Ngumiti at kumaway naman agad si Cathy kay Ciri. “Hi.” “And she’s Millie.” “Hello!” anito. “And she’s—” “Gabby,” sabi ni Ciri na inunahan na ang ama nito. “Hi, guys! I’m happy to meet you all.” Nakangiting saad nito at lumapit sa tatlo. Una itong nakipag-beso at yumakap kay Cathy, sumunod kay Millie at pagkatapos ay kay Gabby na halatang napilitan lamang ngumiti. Napalingon ako kay Rufo nang maramdaman ko ang masuyo niyang paghaplos sa likod ko. Tumingin din siya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “I’m sorry, babe. Mukhang... may problema ata kay Gabby.” “It’s okay. They just met, darling. Maybe... Gabby is still adjusting. I know just like you... Gabby and Ciri will get along too. Soon.” I smiled widely and leaned my head on his chest as I wrapped my arms around his waist. I felt him kiss my forehead. Pinagmasdan ko ang apat. Si Cathy at Millie ang nakikipag-usap kay Ciri, habang si Gabby naman ay tahimik lamang na nakaupo sa may dulo ng sofa at nakititig kay Ciri. Hindi nagtagal ay umalis na rin kami sa bahay. I don’t know and I have no idea where Rufo will take us now. Basta ang alam ko lang, excited ako sa bakasyon na ito! Hindi ko alam kung gaano na kahaba at katagal ang naging biyahe namin. Hindi ko na rin namalayan na nakaidlip na pala ako. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong may humahaplos na kamay sa pisngi ko. At nang magmulat ako ng mga mata ko, nakita ko ang nakangiting mukha ni Rufo. “Hey, baby!” Bumuntong-hininga ako at umayos sa pagkakaupo ko. Inayos ko ang buhok ko. “Nasaan na tayo, babe?” tanong ko at kaagad na inilibot ang tingin ko sa labas ng kotse niya. Madilim na. “Nasa pantalan na tayo, babe.” “Mmm?” nang muli akong tumingin sa kaniya. At nang magbaling ako ng tingin sa backseat, wala na roon ang apat. “Nasaan sila?” “Nasa labas na. Tayo na lang ang hinihintay nila para sumakay na tayo ng yate na maghahatid sa atin sa isla.” “Isla?” takang tanong ko. Tumango naman siya at tinanggal ang seatbelt ko. “Yep, baby.” “Saang isla?” “Isla Ildefonso.” “Ildefonso?” ulit na tanong ko. Nagulat lang ako. Kilala kasi ang isla na ’yon. Matagal ko na ring nakikita ang website niyon at magagandang picture sa magazine. Matagal ko na ring gustong magpunta roon. Ang problema lang, wala naman akong pera para magpunta sa isla na ’yon at magbakasyon. “Yeah, darling,” sagot niya. “I asked Millie earlier if you have a favorite beach or island to go to. And she told me you wanted to go to Isla Ildefonso. And I know the owner of that Island and I have been there many times.” Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya. Oh, si Millie pala ang dahilan. “So, let’s go, baby. Baka naiinip na ang apat na ’yon.” “Bakit kasi hindi mo ako ginising agad para nakaalis na tayo kanina pa!” Hindi naman agad siya sumagot at lumabas siya sa driver’s seat at umikot sa may puwesto ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan na makababa sa frontseat. “I don’t have a heart to wake you up, darling. Masarap ang tulog mo kanina,” nakangiting sabi niya. Ah, kinilig naman ako nang husto! Lalo na sa pagtawag niya sa akin ng darling. New endearment niya ba ’yon sa akin? Just like me, excited din sina Millie at Cathy na sumakay sa yate. Habang si Gabby naman ay tahimik pa rin, hindi umiimik. Si Ciri naman ay nakangiti pa ring nakikipag-usap sa dalawa. Halos kalahating oras pa ata ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa Isla Ildefonso. At dahil gabi na nga kaming nagpunta roon, kitang-kita namin ang magaganda at iba-ibang kulay ng ilaw sa beach at sa mga cottages. At totoo nga ang sabi sa website na outdoor bar ang mayroon sila. Hindi pa man nakakadaong sa pantalan ang yate na sinasakyan namin ay naririnig at nakikita na namin ang mga taong nagpa-party sa beach. “Ang ganda, babe.” I said as Rufo stood behind me and wrapped his arms around my waist. Nakatayo kami sa gilid ng yate. “Do you like it?” “I love it,” nakangiting sagot ko at bahagya siyang nilingon. His lips met mine and he hold my cheek. He kissed my lips firmly. After a few seconds, he let go of me. Oh, ngayon pa lamang ay nag-uumpisa nang magsaya ang puso ko. Mas lalo akong nakadama ng excitement. This is the first time na magbabakasyon kami sa ganitong isla at kasama ko pa ang mga kapatid ko. Magkahawak kamay kami ni Rufo na bumaba sa yate habang nasa unahan naman namin ang apat. Hanggang sa makarating kami sa nag-iisang hotel ng isla. “Good evening, sir, ma’am!” bati sa amin ng babaeng nasa front desk. “Do you have cottage reservation, sir?” tanong nito. “Yeah. Rufo Montague.” “Wait for awhile, sir.” Anang babae at kaagad na tumalima. Tiningnan nito ang laptop na nasa harapan nito. “You have three cottages reservation, sir.” “That’s correct.” “Ito po ang card sa cottage ninyo, sir.” Anang babae at inilapag sa may counter ang tatlong green card. “Enjoy your staycation, ma’am, sir!” nakangiti pang saad ng babae. “Thank you!” anang Rufo. “Sweetheart, is it okay if you have someone to share your cottage with?” mayamaya ay tanong niya kay Ciri. “No problem, dad.” “Kami na po ni Cathy ang magkasama sa isang cottage, Sir Rufo!” mabilis na saad ni Millie at inakbayan pa si Cathy. Seryosong tumingin naman kay Millie si Gabby. “Paano naman ako, Ate Millie?” tanong nito. “Um, kayo na ni Ciri ang mag-share ng cottage, Gabby,” sabi ko. Napatingin naman sa akin ang apat. Lalo na si Gabby at Ciri. “It’s fine with me, Solana. But... I don’t think if Gabby will agree.” Anito at sinulyapan din si Gabby. Tumingin din sa akin ang kapatid ko. Nginitian ko naman ito. Bumuntong-hininga ito. “Fine,” tipid na sabi nito. “Let’s go then. Para makapagpahinga muna tayo then let’s have dinner.” Anang Rufo at muli niya akong iginiya palabas ng hotel. Tinungo na namin ang mga cottages namin. Magkatabi ang dalawang cottage na gagamitin ng apat, habang ang cottage namin ni Rufo ay tatlong cottage ang layo mula sa kanila. “Okay lang kaya ang dalawa na magsama sa iisang cottage, babe?” nag-aalalang tanong ko kay Rufo nang makapasok na kami sa cottage namin. Umupo ako sa gilid ng kama at inilibot ang paningin ko sa paligid. Maganda nga ang lugar at space. Good for two person lang. Tapos may sariling banyo at shower room din. “Don’t worry. They’ll be fine, darling.” Aniya nang mailapag niya sa gilid ng kama ang mga maleta namin. Umupo rin siya sa tabi ko at kaagad na ipinulupot sa baywang ko ang braso niya. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at walang sabi-sabi na inangkin ang mga labi ko. I did nothing but to respond to him and my arms spontaneously went up and wrapped around his neck. Later, he pulled me even closer to him, so I moved to my place and sat on his lap. Mahigpit na ikinadena niya sa baywang ko ang mga braso niya at mas lalo pang diniinan ang pag-angkin sa mga labi ko. Ilang segundong nasa ganoong tagpo kami bago niya ako pinakawalan. Kapwa pa kami kapos sa hangin at hinihingal. Nakangiting tinitigan niya ako at nag-umpisang humaplos ang mga palad niya sa likod at baywang ko na siyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ko. “Marunong makisama si Ciri sa kapwa niya. So I’m sure there will be no problem with her and Gabby. Let’s give them a time. Alam kong mabait din si Gabby so I know they will both get along.” Banayad na bumuntong-hininga ako. “Sana nga, babe.” Ngumiti siyang muli at hinalik-halikan ang pisngi ko, pababa sa leeg ko hanggang sa bumaba sa may dibdib ko ang mga labi niya. Nakasuot ako ng t-shirt, pero hindi iyon naging hadlang upang hindi ko maramdaman ang mainit niyang mga labi na nagbigay pa lalo sa akin ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ko. “Babe!” tawag ko sa kaniya. “Yes, darling?” “Akala ko ba magpapahinga muna tayo para mag-dinner tayo after?” Hindi siya huminto sa paghalik-halik sa akin. “Oo nga. Nagpapahinga na tayo,” sabi niya. Napangiti ako. “Ganito pala ang pahinga mo?” Sa puntong iyon at huminto siya at muli akong tinitigan nang mataman sa mga mata ko. “You are my rest, Solana. No matter how tired I am from a long day’s work... just seeing you, just holding your hands, just looking into your beautiful eyes, just hearing your calm voice, all my tiredness and problems disappear. You are my rest, darling.” Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa mga sinabi niya. Oh, ang puso ko! Biglang nagregodon. Ano ba naman ang lalaking ito! Mas lalo pang pinapa-in love ang puso ko sa kaniya. Samantalang nag-uumapaw na nga ang pagmamahal ko para sa kaniya. Hinaplos ko ang buhok niya at sinuklay-suklay ko ang likod niyon gamit ang mga daliri ko. “I love you so much, Rufo.” “And I want to love you for the rest of my life. Is that alright, darling?” Hindi ko naiwasang pamulahan ng mukha ko dahil sa labis na kilig na aking nararamdaman ko. Mabilis akong dumukwang sa kaniya at sinunggaban ko nang mabilis na halik ang mga labi niya. Tumango ako. “Forever?” “Wala raw forever, sabi nila.” “Tss!” bumuntong-hininga siya at mas lalong ipinulupot sa baywang ko ang mga braso niya. Muli niya ring sinilyuhan ang mga labi ko. “If for them there is no forever... then for me there is. The moment I admitted to myself that I’m in love with you. I know you’re my forever, Solana. It may sound corny, but I don’t care. I’m just telling you what my heart feels.” Lumapad lalo ang ngiti sa mga labi ko. “Hindi naman corny, babe. Kinikilig nga ako, e!” “I can see it in your eyes, darling.” Aniya. “So...” aniya at kumilos siya sa kaniyang puwesto. Tumayo siya kaya naiangkla ko sa baywang niya ang mga hita ko. Pagkuwa’y inihiga niya ako sa kama at inibabawan niya ako. “Baka puwedeng magpa-room service na lang tayo mamaya?” aniya at nagsimula ulit na hagkan ang pisngi ko pababa ulit sa leeg ko. “At ano naman ang gagawin natin ngayon, darling?” ginaya ko na ang pagtawag niya sa akin. Napahagikhik pa ako nang makiliti ako sa ginagawa niya. “Let’s make love. You’re not hungry yet, are you?” tanong niya. “Hindi pa naman, babe.” “Good to hear that. So, let’s make love.” “Alright,” sabi ko. “But before that... can you please lock the door first, babe? Baka mamaya ay may dumating na namang isturbo.” Saad ko. Kaagad naman siyang huminto sa ginagawa niya at tiningnan ako. At pagkatapos ay ngumiti siya at umalis sa ibabaw ko. “Yeah right. Ayokong mabitin na naman ako.” Saad niya. Natawa na lamang ako at inihanda na ang sarili para sa lovemaking namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD