CHAPTER 1
“Ms. Marinduque! You are sleeping in my class again!”
Bigla akong naalimpungatan nang marinig ko ang galit na boses ni Mr. Santos, ang matandang professor namin.
I suddenly straightened up in my seat and looked in front. Kaagad ko namang nakita ang galit na hitsura ni Mr. Santos habang nakatitig ito sa akin. Magkasalubong ang mga kilay nito saka naglakad palapit sa puwesto ko.
My God! Biglang tinambol ng malakas na kaba ang dibdib ko. Napaka-strict pa namang professor itong si Mr. Santos, patay talaga ako nito ngayon. Oh, kung bakit kasi ngayon pa ako nakaidlip sa klase nito?
Sa sobrang antok at pagod ko, hindi ko na nakayanan ang sarili ko at napaidlip na nga ako habang nagdi-discus ang professor namin.
“Ms. Marinduque!”
Mas lalo kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko nang tawagin ulit ng professor ko ang apelyedo ko. Lihim akong napalunok.
“Ilang beses mo ng ginagawang tulugan ang oras ng subject ko.” Galit na saad nito nang tumayo ito sa harapan ko.
Hindi ko naman magawang mag-angat ng mukha upang salubungin ang nakakatakot na mga mata nito.
“Um, s-sorry po, sir.” Tanging nasambit ko na lamang.
“Lagi na lang tulog ’yang si Solana sa subject mo, sir! Siguro may ginawa na namang milagro ’yan kagabi.” Saad ni Mark, isang kaklase ko na matagal na akong binubwesit lagi. Parang hindi ito lalaki at ako lang ang kaya nitong patulan.
Because of what he said, our other classmates suddenly started laughing. Especially the men.
“Siguro, nagbebenta ng aliw sa gabi si Solana kaya laging puyat kapag oras ng klase mo, sir!” Saad pa ng isang kabarkada ni Mark.
“My God! Why, is your job a prostitute, Solana?”
Nangunot ang aking noo nang balingan ko ng tingin si Arisa, ang class president namin na mataray at nagfe-feeling maganda e, hindi naman talaga maganda. Balat at kutis lang nito ang maganda. Pero ang mukha at ugali... nevermind na lang.
“Watch your words, Ms. Kim.” Saway ni Mr. Santos kay Arisa.
Ngunit tinaasan lamang ako nito ng kilay at ngumisi sa akin nang magtama ang mga paningin namin.
“I think that’s Solana’s job.” Segunda pa ng isang kaibigan ni Arisa.
“Enough, guys.” Muling saway ni Mr. Santos.
My God! Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi ng mga ito. Paano kung nakita na pala ako ng isa sa mga classmate ko na nagtatrabaho sa Diamond Club? Isang sikat na club iyon sa Mandaluyong, pero hindi lang basta-basta club na kahit sino lang ang puwedeng pumasok. That club is exclusive only for rich and wealthy people. If you do not have a black card issued by the Diamond Club itself, you will not be able to enter.
I have been working at Diamond Club for over a year.
God, if I only had a choice to choose, I would never take that job, but for the sake of my two siblings and for me to finish my education, pikit mata kong tinanggap ang offer sa akin ni Mama Lucy, ang bading na naging manager at kaibigan ko na rin sa club na iyon.
In my one year of working at the Diamond Club, I never expected that my nickname would be recognized so quickly, that I would become the Star of the club so quickly and have my own show for men willing to pay a lot of money just to see me performing exclusive. Aside from dancing on stage with other club dancers, Diamond Club also has a Show Room, which is only for me. I perform there when DC has a big client who wants to pay for my time.
I was eighteen when our parents separated. Papa was the first to leave. He went with another woman rather than choosing his own family. After a year, mama also left. I don’t know where she went. Kaya simula noon, ako na ang umako sa lahat ng responsibilidad para lang mabuhay ko ang dalawa kong kapatid. It’s hard, but I’m trying to cope just to give them at least a comfortable life.
“Ms. Marinduque—”
“I’m really sorry, sir.” I said when I raised my face to look at Mr. Santos. “Hindi na po mauulit.”
Narinig ko naman itong nagpakawala nang malalim na paghinga. “I don’t want this to happen again, Ms. Marinduque. Of all my students in this class, you have the lowest grade, but you still have the urge to sleep in my subject.”
Napapahiyang nagbaba ulit ako ng mukha ko. “Hindi na po mauulit, sir.”
Pagkatapos ay umalis sa harapan ko si Mr. Santos at muling ipinagpatuloy ang discussion nito. Ako naman ay umayos ulit sa puwesto ko at pinilit na i-focus ang attention ko sa unahan at makinig dito. Kahit mabigat ang mga talukap ng mata ko at gustong-gusto ko na talagang matulog, pero nilabanan ko iyon. And thank God, kasi after ng halos kalahating oras ay natapos na rin ang subject namin kay Mr. Santos.
I quickly slung my bag over my shoulder and got up from my seat and walked out of the classroom.
Pababa na ako sa hagdan nang makita ko namang nakatambay roon ang mga kaklase kong lalaki na tinawanan ako kanina. Hindi ko na lamang sana papansinin ang mga ito at lalagpasan ko na lang, but suddenly my ears perked up nang marinig ko ang sinabi ng isang lalaki.
“Masarap kayang ikama ’yang si Marinduque?”
“Mukhang masarap, ’tol! Tingnan mo naman ang magandang kurba ng katawan, ang pakwan, umaalog kapag naglalakad.”
My jaw clenched as I stopped walking down the stairs. Ang librong yakap-yakap ko ay kaagad kong inilapag sa baitang kasama ng shoulder bag ko saka ako pumanhik ulit upang balikan ang mga ito.
“Oy, pare, bumalik si Marinduque. Baka pagbibigyan ka sa gusto mo.”
Tumayo naman si Mark at sinalubong ako. Akma na sana itong magsasalita, pero mabilis na umangat ang isang kamay ko at malakas na sampal ang ibinigay ko rito.
Hindi lamang ang mga kaibigan nito ang nagulat dahil sa ginawa ko, maging ang ibang estudyante na naroon at nakakita sa ginawa ko.
Sunod-sunod na bulungan ang kaagad kong narinig.
“Why did you slap me, b***h?” galit na tanong sa akin ni Mark.
Seryosong titig ang ibinigay ko rito. “Because you deserve it.” Mariing saad ko.
“Aba! Pare—”
Binigyan ko rin ng malakas na sampal ang isa pang kaibigan nito na nagbitaw rin ng salita sa akin kanina.
“Kung wala kayong magawa sa mga buhay ninyo, huwag ako ang pagdiskitahan ninyo. Para kayong mga bakla at isang katulad ko lang ang kaya ninyong patulan.”
Kitang-kita ko kung paano umigting ang panga ni Mark dahil sa sinabi ko. Magsasalita na sana ito, pero bigla namang may nagsalita mula sa likuran nito.
“Mr. Azon!”
Napatingin ako sa profressor na ngayon ay naglalakad na palapit sa amin. It was Mr. Santos again.
“Ano’ng kaguluhan ito?” pagalit na tanong nito.
I didn’t bother to speak para sumagot kay Mr. Santos, sa halip ay isang seryosong tingin lamang ang ibinigay ko kay Mark.
“Nothing, sir.” Mayamaya ay sagot nito.
“Go to your next subject. Huwag na kayong tumambay rito.”
I immediately turned around and went down the stairs again. Dinampot ko ang aking bag at libro bago muling bumaba.
Halos lahat ng mga nakakasalubong ko sa hagdan at sa pasilyo ay sa akin nakatingin, pero hindi ko na lamang iyon pinansin at tuloy-tuloy lamang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa library.