CHAPTER 32

3379 Words
“ATE!” Nang marinig ko ang boses ni Cathy sa may pinto ay mabilis akong tumalikod at pinunasan ang mga luha ko. I also let out a deep sigh in the air to control myself. Sunod-sunod pa akong suminghot at inayos ang buhok ko saka ako tumingin sa direksyon ni Cat. Naglakad naman ito palapit sa akin. “Ayos ka lang po ba, ate?” kunot ang noo at nag-aalalang tanong nito sa akin. I nodded and smiled lightly. “O-oo. Ayos lang ako, Cat,” sagot ko. Kahit ang totoo’y alam kong namamaga ngayon ang mga mata ko kakaiyak simula pa kagabi at kanikanina lang. Umupo ang kapatid ko sa tabi ko at malungkot na tumitig sa akin. “Alam ko pong hindi ka okay, Ate Solana,” sabi nito at hinawakan ang likod ko at masuyong humaplos ang palad nito roon. “Nag-away po ba kayo ni Kuya Rufo?” tanong pa nito. Muli akong bumuntong-hininga upang tanggalin ang paninikip ng aking dibdib. Pero hindi ko naman magawang sagutin ang tanong sa akin ni Cat. “Nanggaling po siya rito kagabi. Hinahanap ka po. Tapos... nasa labas pa rin po ang kotse niya ngayon.” Anito. Nangunot ang noo ko. “Pumunta siya rito kagabi?” tanong ko. Tumango naman ito. “Opo, ate. Hinahanap ka po ni Kuya Rufo. Dalawang beses po siyang bumalik dito tapos... hindi na po siya umalis diyan sa labas. Buong magdamag po ay naghintay siya sa ’yo.” Banayad akong napabuntong-hininga at napatitig sa kapatid ko. What? Hinintay niya ako buong magdamag sa labas ng bahay namin? But... I thought hindi niya ako sinundan kagabi? Oh, Solana! Ano naman ngayon kung sinundan ka nga niya at naghintay siya sa ’yo buong magdamag sa labas ng bahay mo? Ibig sabihin ay tatanggapin mo na naman ang sorry niya? Tandaan mo, hindi mo na puwedeng bawiin ang pakikipaghiwalay mo sa kaniya kanina. Tama lamang ang ginawa mo. Tama lamang ang naging desisyon mo. Ikaw lang ang masasaktan nang husto kung ipagpapatuloy mo pa rin ang pakikipaglapit sa kaniya... kung ipagpapatuloy mo pa rin itong relasyon ninyo. Kung relasyon man itong matatawag para sa kaniya. Huramentado ng aking isipan. “Pati nga rin po kami ni Ate Gab ay sobrang nag-alala para sa ’yo, ate. Kasi hindi ka po sumasagot sa mga tawag at messages namin kagabi.” “Sorry, Cat.” Saad ko na lang. “Kung anuman po ang problema ninyo ni Kuya Rufo, Ate Solana... sana ay maging okay po agad kayo. Ayoko po na makitang malungkot ka at lalo na umiiyak.” Mapait naman akong ngumiti dahil sa sinabi ni Cat. Tinapik ko ang hita nito. “Thank you, kapatid.” “Huwag ka na pong umiyak, huh!” I nodded, even though I know I will cry again later. I’m sure. Nararamdaman kong marami pang luha ang gustong pumatak sa mga mata ko. “Bakit pala ang aga mong umuwi?” tanong ko. “Wala na po kasi kaming klase, ate.” “Ganoon ba?” tanong ko. “Sige at aakyat muna ako sa kwarto ko. Magpapahinga lang ako.” “Sige po, ate.” Bumuntong-hininga akong muli saka tumayo sa puwesto ko at pumanhik na sa silid ko. Ramdam ko pa rin ang kirot sa ulo ko kaya natulog na lang ako buong maghapon. Kinagabahan ay nakatanggap din ako ng tawag mula kay Millie. “Bakit hindi ka pumasok kanina, bes?” tanong nito. “Ayos ka lang ba? May sakit ka ba?” dagdag pang tanong nito na mahahalata ang pag-aalala sa boses nito. Tumihaya ako sa pagkakahiga ko at tumitig sa kisame kasabay niyon ang pagbuntong-hininga ko nang malalim. “Sorry, bes. E, late na kasi ako nagising kanina. Almost twelve na kaya hindi na ako pumasok.” “Bakit naman?” “E... overtime ako sa trabaho ko.” Pagdadahilan ko na lang. “Sa DC?” “Oo,” sagot ko. “Ang dami kasing customer kagabi kaya late na akong nakauwi sa bahay.” “’Yong labidabs mo hindi rin pumasok kanina. Akala ko ay magkasama kayo!” “Hindi kami magkasama. Ano kasi... birthday ng mommy niya kahapon. Siguro late na rin ata siya nakauwi sa bahay niya kaya hindi na siya pumasok kanina.” Pagpapaliwanag ko. “Baka nga.” Anito. “Siya sige na. Kita na lang tayo bukas, bes. Tinawagan lang kita ngayon kasi nagtataka ako kung bakit hindi ka pumasok kanina.” Anito. “Pumasok ka, huh!” Tumango naman ako kahit hindi naman iyon makikita ni Millie. “Bye na.” At kaagad kong pinatay ang tawag nito. NANG NASA MAY pintuan na ako ng room namin, kaagad kong nakita si Rufo na nakaupo na sa tapat ng lamesa niya. He was holding his cellphone and seemed to stare at something there. But later, he turned his gaze in my direction. I was still standing in the middle of the door. I stared at him for a moment before I looked away and walked closer to my seat. Nakita ko naman si Arisa at si Lindsy na kunot ang noo habang nakatitig din sa akin. Pareho nagtataka ang hitsura ng dalawa. Hindi ko naman pinansin ang mga ito. Isang linggo na ang nakararaan simula nang makipaghiwalay ako kay Rufo. Isang linggo na rin niya akong kinukulit sa text at tawag, pero ni isa ay wala akong sinagot doon. He called me to his office several times but I never showed up. The last time na pumunta ako sa office niya, kahapon lang. Hindi naman talaga ako pupunta roon kung hindi lang sinabi sa akin ni Arisa na ipinapatawag daw ako ng Dean... but when I went to his office, siya lang pala ang nandoon kaya kaagad din akong umalis at bumalik sa classroom namin. Ilang gabi na rin siyang nagpapabalik-balik sa bahay, pero hindi ko siya kinakausap. Pati sina Cat at Gabby ay sinabihan kong huwag siyang papasukin. It’s been a week. Aminado akong nami-miss ko na rin siya dahil nasanay na rin ako na araw-araw ay sinusundo niya ako sa bahay at sabay rin kaming umuuwi. Nasanay na akong araw-araw ay magkasama kami. Masakit pa rin sa puso ko dahil may kirot pa rin doon, pero okay na rin ’yong ganito. Kahit pa sabihing araw-araw kaming nagkikita sa klase namin, pero at least nagagawa ko namang iwasan siya. Iyon nga lang... mahirap talagang makalimot. Well, how can I forget him and how can I move on in this situation if every day I see his face, every day I hear his voice? Kung puwede nga lamang hindi ako pumasok sa subject niya ay ginawa ko na. Kaso, ayoko namang bumagsak at balikan na naman ang subject na ito. Last year ko na ngayon sa college kaya titiisin ko na lang. Matatapos din itong sakit na nararamdaman ko. “Bes!” Napapitlag ako at napalingon kay Millie nang kalabitin nito ang balikat ko. “H-huh?” tanong ko. “Kanina ka pa tinatawag ni Sir Rufo.” Bigla naman akong napatingin sa unahan, kay Rufo. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. “Ms. Marinduque... you’re not listening again.” Tiim-bagang na saad niya. Oh, here we go again! Araw-araw na lang ay ako lagi ang pinapansin ng lalaking ito. Ako lagi ang tinatawag niya para tanungin o pasagutin sa discussion niya. E, alam ko naman na sinasadya niyang gawin iyon para magkausap kami. Ang dami-daming estudyante pero ako lang ang nakikita niya. Bumuntong-hininga ako at umayos sa kinauupuan ko. “Si Solana, kung dati laging antukin, ngayon naman laging tulala. Ano Solana, may milagro ka na naman bang ginagawa sa gabi?” Kunot ang noo na napalingon ako kay Mark. Nagtawanan naman ang ibang classmate ko. “Pagod siguro si Solana sa trabaho niya sa gabi kaya ayan... napapatulala na lang.” Anang Arisa. Muling nagtawanan ang mga classmate ko. “Quite!” mariing saway ni Rufo. Bigla namang nanahimik ang mga classmate ko. Pero mayamaya, nagsalita si Lindsy... “Sir Rufo... I think totoo ang sinasabi ni Mark na sa club nga nagtatrabaho si Solana kaya lagi siyang antukin sa klase. Even before nang si Mr. Santos pa ang nag-h-handle sa amin.” Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi ni Lindsy. What? Paano naman nito nasabi na tama nga ang sinasabi ni Mark? Ibig sabihin... nakita na ako ni Lindsy na nagsasayaw sa DC? Oh, no! “What do you mean?” tanong ni Rufo kay Lindsy saka niya inalis sa akin ang paningin niya. “Well, I just thought, sir.” Anito. “Lagi po kasi siyang antukin.” “Ms. Natividad, I disagree to your thought,” sabi ni Rufo. “It does not mean na ang taong antukin ay sa club na nagtatrabaho. How about the call center agents? The employees at another company doing graveyard shift?” Bahagya naman akong nakahinga dahil sa sinabi ni Rufo. But that’s not mean na natutuwa na ako sa kaniya dahil ipinagtatanggol niya ako ngayon mula kay Lindsy at kay Mark... sa kanilang lahat. Nang ituloy na ulit ni Rufo ang discussions niya, pinilit ko ng makinig sa kaniya para hindi niya na ulit ako tawagin. Natapos ang buong maghapon na klase ko na matamlay pa rin ako, just like the past few days. “Ayos ka lang ba, bes?” tanong sa akin ni Millie habang nasa banyo kami. I sighed deeply and shook my head. I stared sadly at our reflection in the mirror. “Hindi mo pa rin ba siya kinakausap?” tanong nito ulit. Nang gabing tumawag sa akin si Millie, kinabukasan pagkapasok ko sa school ay ikinuwento ko rin dito ang nangyari sa amin ni Rufo. Even her ay nalulungkot din daw dahil sa paghihiwalay namin. Pero sang-ayon naman daw ito sa naging desisyon ko. Kasi hindi naman talaga maganda pakinggan o tingnan na nakikipagrelasyon ako kay Rufo habang may girlfriend din siyang iba. “Millie, kapag kinausap ko na naman si Rufo about sa amin... sigurado akong mahihirapan na naman akong mag-umpisa na iwasan siya,” sabi ko. “Mas mabuti na ’yong ganito. At least... kahit papaano ay nagmo-moved forward ako.” Tumango naman ito. “Kung sabagay.” Anito. “Pero nanghihinayang pa rin talaga ako. I mean... you know, bagay na bagay kayong dalawa.” Malungkot na lamang akong ngumiti at muling bumuntong-hininga. “Bakit naman kasi may mga nanay pang tutol sa relasyon ng mga anak nila? I mean... kung ’yong Rhea lang ang kontrabida sa inyong dalawa, hindi naman ’yon malaking problema. Kasi girlfriend pa lang naman siya. And per your word... sinabi sa ’yo ni Sir Rufo na hindi niya jowa ang bruhang ’yon so, malaki ang chance na maging kayo pa rin ni Sir Rufo. Pero kung ganito ngang pati ang mommy niya ay kontrabida, pati pa ang anak niyang kasing edad mo lang... haynako bes! Maloloka ako.” Buntong-hiningang umiling pa ito. “Huwag na lang natin pag-usapan ang tungkol diyan, Millie.” Ani ko. “Sorry, bes. Promise... last na.” Anito at ngumiti sa akin. Mayamaya ay nakarinig kami ng ingay sa labas ng pinto. Parang may tao ata kasi gumalaw rin ang pinto. Nagkatinginan kami ni Millie bago kami sabay na napahakbang palapit doon at lumabas. Kaliwa’t kanan ang tingin namin sa hallway, pero wala namang tao. Hindi ko napigilang makadama ng kaba. Oh, God! Paano kung may nakarinig sa pinag-uusapan namin? “Baka hangin lang, bes.” Anang Millie at muli itong nagpatiunang bumalik sa loob ng banyo. Bumuntong-hininga akong muli. “DAD!” Rufo frowned when the door to his pad opened and he saw Ciri walk in. Magkasalubong din ang mga kilay nito habang nakatingin sa mga kalat na nasa sahig. “What are you doing here, Ciri?” namamaos at matamlay ang boses na tanong niya sa kaniyang anak. Dahan-dahan naman itong humakbang papasok at bahagyang sinipa ang bote ng alak na nasa dadaanan nito. “No’ng isang araw ka pa raw tinatawagan ni lola pero hindi ka sumasagot.” Anito. “What are you doing, dad? Are you drinking alcohol?” nagtataka pang tanong nito. Bumuntong-hininga naman siya at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig. Nakasandal siya sa may paanan ng kaniyang kama. Dinampot niya ang marurumi niyang mga damit na nakakalat lang sa sahig maging ang mga bote ng beer. Hindi siya ang tipo ng lalaki na makalat sa mga gamit. Ang sabi pa nga ni Solana sa kaniya dati... dinaig pa niya ito sa sobrang linis sa bahay niya. But now... hindi lamang ang sarili niya ang napabayaan niya sa loob ng mahigit isang linggo, pati na rin ang pad niya. Kung dati ay isang kalat lamang ang makikita niya sa paligid ay naiinis na siya, pero ngayon... nagmukha ng basurahan ang pad niya. Pati ang mesa at lababo niya ay puro kalat. “I’m sorry... hindi pa ako nakakapaglinis.” Aniya sa anak. “What happened to you, dad? At kailan ka pa natutong uminom?” kunot ang noo na tanong ulit sa kaniya ni Ciri. Hindi naman agad siya sumagot. Sa halip ay tinapos niya munang damputin ang mga kalat niya. Nang matapos ay muli niyang kinuha ang bote ng beer na hawak niya kanina. Nangangalahati pa ang laman niyon. Muli niyang dinala iyon sa kaniyang bibig at tinungga at naglakad palapit sa dining table. Umupo siya sa silyang nasa kabisera. Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at tumitig sa kawalan habang seryoso pa ring nakatitig sa kaniya ang kaniyang anak. “She broke up with me.” Aniya. Muling nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. “What?” Nilingon niya ang anak. “You don’t like her. Your lola doesn’t like her either, so Solana broke up with me.” Saad niya at mapait na ngumiti. “Do you like the good news?” tanong niya pa. Hindi naman nakasagot si Ciri. Sa halip ay nagbaba ito ng tingin at banayad na bumuntong-hininga. “I just want to be happy again, Ciri. Ever since your mommy died... I haven’t been happy. Not until I met Solana.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita at muling tinungga ang boteng hawak niya. “Your lola doesn’t like your mommy. But she did nothing when I got Friya pregnant and she gave birth to you. When Friya died, I thought I would never like another woman again. Because... I really love your mom, Ciri. But when I met Solana... the moment I saw her, I knew I liked her. And as the days pass, while we are together... she always makes me happy. I really like her, Ciri. No. I already love her.” Sa loob ng mga araw na hindi na niya nakakausap at nakakasama si Solana... there, he admitted to himself that what he feels for Solana was more than just liking. He loves her. So he is very sad and hurt that she has ended their relationship. He also lost counts of how many times he tried to talk to her to explain and tell her he loves her... pero hindi naman siya binibigyan ng chance ni Solana. Naka-blocked na rin ang number niya rito. Kapag pinupuntahan niya ito sa bahay nito ay hindi naman siya hinaharap. Even if he stays outside her house for a few more nights, nothing will happen. Kapag naman nasa school sila, kahit gaano niya kagustong makausap ito, pero hindi naman puwede dahil kasama lagi ni Solana si Millie at ibang mga kaibigan nito. He couldn’t even count how many times he called her to go to his office, but she never showed up. He even used the dean, who was his friend, but still nothing. “Ten years... I was all alone for ten years, Ciri.” He couldn’t hold back his tears. Sunod-sunod iyong pumatak. He no longer cares if his daughter sees his grief. He just wants to release the pain that his heart feels now, because if not... malamang na sasabog na siya. “I still have my mother... but she doesn’t care about my feelings. Whichever woman she wants for me... I have to date them. I love her so much that I can’t refuse her. And I have you... but you were mad at me. For ten years... you were blaming me for the death of your mom, which I didn’t want to happen. And now, I fell in love again... but she left me. Because you and your lola don’t like her. Ano pa ba ang silbi ko sa mundong ito, Ciri, kung hindi ako puwedeng maging masaya?” malungkot na tanong niya sa kaniyang anak. Mayamaya ay mapait siyang ngumiti. “How I wish... when the accident happened then... I wish I was the one who died so that my life doesn’t become miserable.” He took another deep breath and wiped away his tears. Kung nitong mga nakaraang araw ay mabigat na ang pakiramdam niya dahil sa paghihiwalay nila ni Solana, mas lalong tumindi ang nararamdaman niya ngayong naglabas na siya ng sama ng kaniyang loob sa anak niya. Damn. He kept it in his heart for ten years because he had no one to talk to release the pain he was feeling. Mabilis na kinagat ni Ciri ang pang-ilalim na labi nito nang sunod-sunod ding pumatak ang mga luha nito habang nakatitig nang mataman sa lumuluhang ama. Hindi na nito napigilan ang mapaiyak dahil sa masakit na kwento ng kaniyang daddy. “I’m sorry if your mommy’s death hurt you so much.” “I’m sorry dad.” Pumiyok pa ang boses nito. Napalingon siya ulit sa kaniyang anak nang marinig niya ang basag nitong boses. Nakita niya ang mukha nitong hilam na ng mga luha. Mayamaya ay dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. “I’m sorry, I-I don’t know... that you were hurt too because of mommy’s death. I... I was young before, so I didn’t see the pain you feel. And you never tell me even once before that you are sad because mommy is gone so... so I thought it was okay with you na wala na siya. Until I grew up, iyon po ang pinaniwalaan ko. I... I’m sorry, dad.” Mas lalo siyang napaluha at ibinaba sa mesa ang boteng hawak niya pagkuwa’y tumayo siya sa kaniyang puwesto. Ngumiti siya sa kaniyang anak at kaagad itong niyakap nang mahigpit. “I’m really sorry, daddy!” “It’s okay, sweetheart. I understand.” Pareho na silang mag-ama na nag-iyakan. Oh, finally. Ang buong akala niya ay hindi na talaga siya mapapatawad ng kaniyang anak. Pero hindi niya inaasahan na sa araw na iyon din ay magkakaayos silang mag-ama. Nang pareho na silang kumalma ay nag-usap silang muli. Pinag-usapan nila ang mga hinanakit na pareho nilang dinala sa mga puso nila ng mahabang panahon. Nagkapatawaran naman silang mag-ama na siyang labis niyang ikinatuwa nang husto. “I love you, sweetheart.” “And I love you too, dad. I’m sorry again.” Hinagkan niya ang noo nito at muli itong niyakap nang mahigpit. HABANG NAGLALAKAD kami ni Cathy pauwi, biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko ang isang kotse na nakaparada sa labas ng bahay namin. Napahinto ako sa paglalakad. “Ate, kanino kayang sasakyan ’yan?” nagtataka ring tanong sa akin ni Cat. Wala akon ideya kung kaninong kotse iyon. Kilala ko ang sasakyan ni Rufo, kaya alam kong hindi sa kaniya iyon. Muli akong naglakad, hanggang sa makapasok kami ni Cat sa gate. Sakto namang lumabas sa pinto si Gabby. “Ate, nariyan na pala kayo! May naghahanap po sa ’yong bisita.” Anito. Kasabay ng pangungunot ng noo ko ay ang pagkabog ng dibdib ko. “Bisita?” mahinang tanong ko. “Opo, ate. Babae po.” Sino kaya ang naghahanap sa akin? Hindi kaya... ang mommy ni Rufo? O, ang girlfriend niyang si Rhea? Mas lalo akong kinabahan. Pero hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na humakbang hanggang sa makapasok ako sa bahay namin. At doon ko nga nakita ang isang babae na nakatayo sa gilid ng may TV namin habang pinagmamasdan ang family picture namin na nakasabit sa may pader. “A-ano... ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko. Nagbaling naman ito ng tingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD