CHAPTER 33

2697 Words
NAGLAKAD ako palapit sa sala namin habang hindi ko pa rin inaalis ang seryosong tingin ko sa mama ni Rufo. Yeah, it’s Rufo’s mother. Bakit ito nagpunta rito sa bahay namin? Paano nito nalaman ang address namin? Ano ang ginagawa nito rito? Iyon ang mga katanungan sa utak ko habang hindi ko manlang magawang kumurap. Ang pagkabog ng dibdib ko ay naroon pa rin. Oh, Diyos ko! Huwag lang talaga gumawa ng gulo ang mommy ni Rufo dito sa loob ng bahay namin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at patulan ko ito! She quickly raised an eyebrow and looked at me from head to toe, and from my toe to my head again. A little later, she let out a deep breath. “Ano po ba ang ginagawa ninyo rito?” tanong ko ulit. “Well...” anito at muling iginila ang paningin sa buong paligid ng sala namin. Sina Gabby at Cat naman ay nasa may pintuan nakatayo at seryoso ring nakatingin sa mommy ni Rufo. “Gusto ko lang makita kung ano’ng klaseng buhay mayroon ang babaeng tinatawag ng anak ko na girlfriend niya.” Anito. “Ngayon ay hindi na ako magtataka kung bakit pinatulan mo ang anak ko kahit pa ilang taon naman ang tanda niya sa ’yo.” Biglang nagpantig ang mga tainga ko dahil sa sinabi nito! Hindi man diretsahan ang pagbitaw nito ng mga salita, pero alam ko kung ano ang nais ipahiwatig nito sa akin ngayon. “Mawalang galang na po, Mrs. Montague,” sabi ko at inilapag sa gilid ng hagdan ang bag na bitbit ko kanina. “Kung narito po kayo sa pamamahay ko para po gumawa ng gulo o... magbitaw ng hindi magandang salita sa akin, pakiusap po, umalis na lang kayo. Ayoko po na magkagulo pa tayo rito.” Magalang na saad ko rito kahit ramdam kong unti-unti nang nabubuhay ang inis sa dibdib ko. Ngumisi naman ito sa akin at ipinagkrus sa tapat ng dibdib nito ang mga braso at mas lalo akong pinakatitigan. “I didn’t come here to cause any problem, hija.” Anito. “I only came here to talk to you about my son,” sabi pa nito. “I know you know about Rhea, right?” tanong pa nito. “She’s Rufo’s girlfriend. So if I were you... layuan mo ang anak ko dahil ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa ’yo... hindi kita gusto para sa kaniya.” Dagdag pang saad nito sa akin. Nasaktan na ako no’ng gabi pa lamang na isinama ako ni Rufo sa birthday party nito, pero mas masakit pa rin pala kapag harap-harapang sinabi sa ’yo ng nanay ng lalaking mahal mo na hindi ka gusto nito para sa anak nito. Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, pinipilit ko ring huwag lumabas ang mga luha ko. God, I don’t want to cry in front of her. “Hindi mo pa ako kilala, hija. Kaya hindi mo alam kung ano ang mga kaya kong gawin sa mga babaeng kagaya mo.” Anito. “Kaya kung magpupumilit kang isiksik ang sarili mo sa kaniya... don’t even think about doing that. Kasi hindi ako magdadalawang-isip na gumawa ng hindi maganda sa ’yo... at pati na rin sa mga kapatid mo.” Anito at binalingan pa ng tingin sina Gabby at Cat na napamaang pa dahil sa mga sinabi nito. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. Imbes na pinipilit ko ang sarili ko na pakalmahin... pero mas lalo akong nakadama ng galit dahil sa mga sinabi nito. “Huwag n’yo pong idadamay rito ang mga kapatid ko, Mrs. Montague.” Mariing saad ko. “Alam ko po ang tungkol kay Rhea at Rufo. Kaya nga po nakipaghiwalay na ako sa anak ninyo dahil alam ko rin pong ayaw ninyo sa akin.” “Mas mabuti na ’yong ngayon pa lamang ay nagkakalinawan na tayo, hija.” Anito at saglit na yumuko upang kunin ang mamahalin nitong bag na nakapatong sa center table namin. May kung ano itong kinuha roon... Nangunot muli ang noo ko nang makita kong cheque pala ang kinuha nito at ballpen. Saglit itong nagsulat doon. “How much is your price, hija?” tanong nito nang sumulyap sa akin. Wala sa sariling naikuyom ko ang aking mga palad at muling nagpantig ang mga tainga ko dahil sa sinabi nito. Walang-hiya! “Five million? Ten million? Name your price. Babayaran kita, layuan mo lang ang anak ko. Because I know... hindi ka basta-bastang lalayuan ni Rufo.” “Aba’t... ano’ng akala mo sa ate ko? Mukhang pera?” galit na tanong ni Gabby na kaagad din namang lumapit sa tabi ko. “Sa tingin n’yo po... pera lang ni Kuya Rufo ang habol ni Ate Solana kaya pinatulan niya ang anak ninyo?” tanong pa ng kapatid ko. “Gabby!” pinigilan ko ito sa kamay. Tumaas ulit sa ere ang isang kilay ng mommy ni Rufo. “Bakit, hindi ba?” “Aba’t matapobre pala ang matandang ito!” “Gabby!” “Hoy po, matandang matapobre... oo hindi po kami mayaman na kagaya ninyo. Pero hindi po kami mukhang pera.” “Do not call me matandang matapobre. Aba at bastos kang bata, a! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na gumalang sa mga matatanda?” galit na tanong nito kay Gabby. “Tinuruan po kami ng nanay namin na gumalang. Pero hindi po kami tinuruan ng nanay namin na gumalang sa mga matatandang kagaya ninyo na matapobre!” anito. “Lumayas na nga ho kayo rito, baka po hindi ko mapigilan ang sarili ko at kaladkarin ko po kayo palabas ng bahay namin!” “Gabby, tama na ’yan!” muli kong awat kay Gabby at hinila pa ang kamay nito. “Hindi po ako titigil ate hanggat hindi lumalabas sa pamamahay natin ang matapobreng ito.” “Napakawala mong mudo—” “Wala po talaga! Kaya lumayas na kayo rito. Dalhin mo po ’yang milyones ninyo at hindi po namin kailangan ’yan!” bulyaw pa ni Gabby. “I-donate n’yo na lang po ’yan sa simbahan at baka payagan ka po ni San Pedro na papasukin sa gate ng langit kapag nategi na po kayo! Labas!” Nakita ko naman ang pagkislot ng nanay ni Rufo dahil sa pagtataas ng boses ni Gabby. At mayamaya nga ay matalim ang titig na ipinukol nito sa akin saka muling dinampot ang bag at naglakad na palabas ng bahay namin. “Walang-hiyang matandang ’yon... magpupunta lang dito para laitin ka ate?” nagpupuyos sa galit na saad ni Gabby nang maglakad ito palapit sa pinto upang silipin kung umalis ba agad ang sasakyan ng mommy ni Rufo. “Ate, tubig po!” anang Cathy at ibinigay sa akin ang isang baso, habang kay Gabby naman ang isa. “Kumalma ka na, Ate Gabby!” “Nakakapanggigil ng laman ang mga kagaya nilang matapobre.” Saad pa nito. “Hindi mo na sana sinabi ’yon, Gabby—” “At bakit naman hindi, ate?” tanong nito dahilan upang maputol ang pagsasalita ko. “E, nagsalita na nga siya sa ’yo ng hindi maganda... tapos idinadamay pa kami ni Cat. Malamang na hindi na po ako nakapagpigil, ate!” anito. “Mahirap tayo Ate Solana, pero hindi po tayo mukhang pera. At mas lalong hindi po pera ni Kuya Rufo ang habol mo sa kaniya.” Dagdag pa nito. “Kaya nga po, ate.” Pagsang-ayon naman ni Cathy at umupo sa tabi ko. “Dapat lang po ’yon sa matandang ’yon! E, siya naman po itong sumugod dito sa bahay natin para pagsalitaan ka ng hindi maganda. Malamang po na hindi tayo papaapak lang nang basta-basta sa mga kagaya nila. Kung may ginawa nga po siyang hindi maganda sa ’yo kanina... I’m sure na hindi ko rin po mapipigilan ang sarili ko.” Napangiti naman ako dahil sa mga sinabi nito. Oh, kahit papaano ay natutuwa rin ako na may mga kapatid akong handa akong ipagtanggol mula sa ibang tao na gustong manakit sa akin. “Totoo po bang nakipaghiwalay ka na kay Kuya Rufo, ate?” mayamaya ay tanong ni Gabby nang lumapit na rin ito sa puwesto namin ni Cat. Humugot ako nang malalim na paghinga at pagkuwa’y marahang tumango. “Oo,” sabi ko. “Mabuti na ’yon, ate,” sabi ni Gabby. “Kaysa namang lumalalim pa ang relasyon ninyo ni Kuya Rufo tapos ayaw naman sa ’yo ng nanay niya. Mabuti na ’yong ngayon pa lamang ay makakapag-move on ka na. Ayoko naman na magkakaroon ka ng byenan na matapobreng bruha!” Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangiti ulit dahil sa huling mga sinabi nito. “Pero nakakahinayang po, Ate Solana.” Saad naman ni Cat at malungkot na tumitig sa akin. “Bagay pa naman po kayo ni Kuya Rufo. Ang akala ko po ay siya na talaga ang magiging brother-in-law namin ni Ate Gab.” Mapait naman akong napangiti. Gusto ko sanang aminin sa dalawang ito ang totoong relasyon namin ni Rufo, pero hindi ko na lamang ginawa. Tutal naman at hiwalay na kami. Okay na ’yon! Sasarilinin ko na lang ang tungkol doon. Makakalimutan ko rin ’yon sa paglipas ng mga araw. “HOW ARE YOU, BRO?” Rufo raised his face when he heard Ricos voice. It was already late, but he was still outside his pad. He was sitting on a folding chair habang nakatungo siya at may hawak-hawak na namang bote ng alak. Kanina pa siya roon at tahimik na pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan habang laman pa rin ng kaniyang isipan si Solana. He was still thinking about what he should do to get Solana to talk to him. Pero nang makadama ng antok ay saglit siyang tumungo at pumikit. Narinig niya ang pagdating ng sasakyan ni Ricos pero hindi siya nag-abalang tingnan iyon at sa halip ay hinintay na lamang ang paglapit nito sa kaniya. Ang seryosong mukha ni Ricos ang nabungaran niya nang mag-angat siya ng kaniyang mukha. Kaagad itong kumuha ng isang beer sa cooler na nasa harapan niya. Binitbit niya iyon kanina sa labas para hindi na siya panay balik sa loob upang kumuha ng panibagong beer kapag nauubos na ang iniinom niya. Damn. He couldn’t count how many bottles of beer he had drunk since last week. He doesn’t like alcoholic drinks, but look at him now... kapag nasa pad niya lang siya, walang segundo, minuto at oras na wala siyang hawak na bote ng beer. Siguro siyang luto na ngayon ang atay niya sa dami ng alcohol na nainom niya. Umupo ito sa ibabaw ng cooler nang maisarado nito ang takip niyon. “Grabe... ikaw lang ata itong kilala ko na hindi mahilig mag-inom pero... nakailang bote ka na sa isang upuan lang.” Natatawang saad nito sa kaniya at binuksan na rin ang beer nito. Bumuntong-hininga siyang muli at binalingan niya ito ng tingin pagkuwa’y kusa niyang iniumpog sa bote nito ang boteng hawak niya at tinungga na iyon. “How can I talk to Solana?” tanong niya rito. “Hindi ka pa rin pala niya kinakausap?” Malungkot na umiling siya. “Mukhang tinamaan ka na yata kay Soli, a!” anito. He smiled bitterly. “I couldn’t stop my heart, Ricos.” “Sinasabi ko na nga ba, e!” “Can you help me?” tanong niya rito. Saglit naman nitong tinungga ang alak bago sumagot sa kaniya. “I’ll try to talk to her.” “Thanks, bro.” “I like her for you, unlike Rhea.” “Oh, please. Do not mention her name in front of me.” Aniya at mabilis na hinilot ang kaniyang sentido. He has been avoiding her again for a week. Since his mom’s birthday, mas naging makulit pa ito sa kaniya. Mabuti na nga lamang at hindi alam ng mommy niya ang address ng pad niya kaya hindi siya nito natutunton, lalo na ni Rhea. Only Ricos, Ciri and Solana know about his pad. Tumawa naman ito ng pagak. “By the way... aalis din pala ako next week.” Bahagyang nangunot ang kaniyang noo nang balingan niya ito ng tingin ulit. “And where are you going?” Tumikhim naman ito at pagkuwa’y bumuntong-hininga rin. “May importante lang na aasikasuhin.” “Is it about your mom?” Marahan naman itong tumango. “I know everything will be okay, Ricos.” “Yeah, I know. And I know you too, bro.” Anito. Mabuti na lamang at dumating si Ricos. Kahit papaano ay gumaan-gaan ang pakiramdam niya habang kausap ito. Naubos na nga rin nilang dalawa ang beer na nasa cooler niya. He didn’t even realize how he got into his pad and slept in his bed. He just woke up the next day because of the loud sound of his alarm clock. Nang kunin niya iyon sa ibabaw ng kaniyang bedside table, halos mag-isang linya na ang kaniyang mga kilay nang makita niyang mag-a-alas otso na pala ng umaga. “Oh, f**k!” napamura siya at dali-daling bumangon at diretsong pumasok sa banyo upang maligo. Damn. May pasok pa siya sa eskuwela. Dahil sa paglalasing niya na naman kagabi kaya hayan at late na siyang nagising. After taking a shower, he hurriedly got dressed. He didn’t even eat breakfast because he didn’t have time to cook. He immediately came out of his pad. Carrying his bag and car keys, he was also adjusting the button of his white long sleeve polo shirt. “f**k. I’m already late.” When he got into his car and immediately started the engine. Habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada ay patuloy niya pa ring inaayos ang kaniyang sarili. He briefly looked at his hair and face in the rare-view mirror. Using his fingers, he combed his messy hair. Then he let go of the steering wheel and placed his left elbow on top of it while he folded the sleeve of his button-down long sleeve. Dahil abala sa ginagawang pagtupi ng kaniyang manggas... nang tumingin siya sa unahan ng kaniyang kotse, nakita naman niya ang isang kotse na mabilis na paparating. Mukhang nawalan ata ito nang preno. Huli na rin para makabig niya ang manibela upang iwasan ang sasakyan kaya malakas na nagsalpukan ang kanilang mga kotse. MALALIM NA PAGHINGA ang pinakawalan ko sa ere. Ewan ko ba, pero kanina pa ako nakakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Parang hindi ako mapakali at biglang bumigat ang pakiramdam ng puso ko. Halos magkakalahating oras na kami rito sa classroom namin pero hindi pa rin dumadating si Rufo. Wala namang sinabi ang dean sa amin na wala kaming pasok sa kaniya ngayon. Mayamaya, pumasok sa room namin ang Governor ng department namin. “Good morning guys!” nang makatayo na ito sa unahan. “I have an importante announcement.” Kaya kaagad na nanahimik ang mga kaklase ko. “Wala raw kayong klase ngayon kay Mr. Montague dahil... nasa ospital siya ngayon.” Biglang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ng babae. Ang kaba sa dibdib ko ay mas lalong lumakas. Napatuwid din ako sa puwesto ko. “While he was on his way raw kanina papunta rito sa school. Nagkaroon ng aksidente. Nabangga raw kasi ang kotse ni Sir Rufo kaya nasa ospital siya ngayon.” Pakiramdam ko... biglang tinakasan ng dugo ang buong mukha ko at nanghina ang buong katawan ko dahil sa nalaman ko. Mabuti na lamang at nakaupo lang ako, dahil kung hindi... malamang na bigla akong bumagsak sa sahig pagkarinig ko sa masamang balita na iyon. “What happened ba?” tanong ni Arisa. “Iyon lang ang alam ko, Arisa. Sinabihan lang din kasi ako ni dean na mag-announce rito sa inyo. Pero, wala siyang nabanggit sa akin about sa kondisyon ni Sir Rufo ngayon.” “Bes, okay ka lang?” Narinig ko ang mahinang tanong ni Millie sa akin mula sa likuran ko. Pero hindi ko naman nagawang sumagot. Sa halip ay biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Naaksidente si Rufo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD