CHAPTER 31

3757 Words
“CIRI!” Tumigil naman sa paglalakad ang dalaga. At bago nito hinarap ang ama ay nagpakawala pa ito nang malalim na paghinga. Nasa parte sila ng garden kung saan walang tao at silang mag-ama lamang ang naroon. Mabuti iyon at nang makapag-usap silang dalawa. “What do you want, dad?” walang buhay na tanong nito sa kaniya. Saglit niyang tinitigan ang anak bago siya humakbang pa ng dalawang beses palapit dito. “About Solana—” “Your mistress,” sabi nito dahilan upang matigil siya sa kaniyang pagsasalita. “She’s not my mistress, Ciri.” “Oh, really, dad? But you are still married to my mother, even though she has been gone for a long time.” “For Christ’s sake, Ciri. Can’t I have a relationship with the woman I like?” tanong niya. “Matagal ng wala ang mommy mo, anak.” “Yeah, matagal ng patay si mommy. But if you really love her, kahit ano ang mangyari hinding-hindi mo siya ipagpapalit sa iba. Hindi ka maghahanap ng iba—” “Hindi ko ipinagpapalit ang mommy mo, Ciri!” mariing wika niya sa anak. “I still loved her even though she was long gone from me... from us. But I don’t have to stick to whatever my life was when I was still with her. Matagal ng wala ang mommy mo and she’s not coming back. I know... wherever your mommy is now, she also wants me to be happy. She wants us both to be happy. So please... stop arguing with me about this matter. And I hope you forgive me for what happened then. Hindi ko ginustong mawala sa atin ang mommy mo. And I know you are very hurt and you miss her so much... but Ciri; I feel the same way. No’ng mawala ang mommy mo, labis din akong nasaktan. Pinagsakloban ng langit at lupa ang buong pagkatao ko. So please... forgive me, sweetheart.” Malamlam ang mga matang nakatitig siya sa anak. Mabilis namang nag-iwas ng tingin sa kaniya si Ciri at pagkuwa’y kinagat ang pang-ibaba nitong labi. He took another step closer to her. When he tried to take her hand, he thought she would squirm again like she always did whenever he wanted to hold her. Pero mabuti na lamang at hinayaan lang siya nito. “Please, anak. Forgive me.” Aniya at marahan itong hinila palapit sa kaniya. Pinakikiramdam pa niya kung tututol ito sa kaniya. Narinig naman niya ang pagsinghot nito. Kinabig niya na ito palapit sa kaniya at mahigpit niya itong niyakap. Oh, he couldn’t remember when was the last time he hugged his daughter. He missed her so much. It’s been ten years. Simula nang mawala ang kaniyang asawa dahil sa aksidenteng nangyari, lumayo na rin sa kaniya ang loob ng kaniyang anak. Kung noon ay daddy’s girl ito, pero sa nakalipas na sampong taon, wala itong ibang naramdaman para sa kaniya kun’di labis na galit dahil sa pagkawala ng ina nito. Simula noon, ang kaniyang Mommy Elena na ang nag-alaga rito dahil ito lamang ang nakakalapit sa kaniyang anak. “I’m really sorry, sweetheart. I love your mom so much. And she will be forever in my heart. Even if I have a new girlfriend or a new woman in my life... that will not be a reason for my heart to completely forget your mommy.” Mayamaya ay marahan siya nitong itinulak at kumalas sa pagkakayakap niya. Pinunasan din nito ang butil ng mga luhang pumatak sa mga mata nito. Mataman niya itong pinakatitigan ulit. Magsasalita na sana siya ulit pero dumating naman ang kaniyang ina. “Rufo, anak.” Nilingon niya ito. “Yes, mom?” “Come here, hijo. Narito ang mga amiga ko at gusto kang makita.” Nakangiting saad ng ginang at lumapit sa kanilang mag-ama. “Excuse me lola. I need to use the comfort room.” Anang dalaga at hindi na hinintay na sumagot ang abuela at kaagad itong umalis. “Nagkausap kayo?” tanong pa nito. Marahan naman siyang bumuntong-hininga at tumango. “Mabuti naman,” wika nito. “So, come here... samahan mo akong i-intertain ang mga bisita ko.” Nang yumakap ito sa braso niya ay hindi na siya nakatanggi. Babalikan niya sana si Solana dahil alam niyang naghihintay ito sa kaniya sa loob ng bahay nila... pero sinamahan niya muna saglit ang kaniyang ina at mayamaya lang ay pupuntahan na rin niya ang dalaga. “Rhea, hija!” “Tita.” Malapad ang ngiti sa mga labing saad ng babae saka ito lumapit sa mag-ina. “Hi, babe!” bati rin nito kay Rufo. “Rhea.” Tipid na bati niya lamang sa babae. Lumapit ito sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi. “Wait, mag-usap muna kayo riyan at lalapitan ko lang ang mga amiga ko.” Anang Elena at kaagad na umalis. Saglit niyang sinundan ng tingin ang ina at sinilip ang oras sa suot niyang wristwatch. “How are you, babe? Parang pinagtataguan mo ata ako lately!” anang Rhea at walang anu-ano’y kaagad na ipinulupot ang mga kamay nito sa braso niya. “I’m not avoiding you, Rhea. I’m just busy with my work.” Dahilan niya. “Busy sa work or busy sa ibang babae?” tanong nito at bahagya pang umismid sa kaniya. “Nakakapagtampo ka naman, babe. Ako na nga itong humahabol sa ’yo... pero pinagtataguan mo naman ako. I mean, alam mo naman na gusto ako ni Tita Elena para sa ’yo, right? Why don’t we just—” “You know that I don’t like you, Rhea! Isn’t that reason enough for you to stop chasing me?” “Ouch!” anito at bahagyang tumawa. Kahit halata naman sa mukha nito na bahagya itong nasaktan dahil sa sinabi niya. Ilang buwan na simula nang makilala niya si Rhea. Ipinakilala ito sa kaniya ng mommy niya. At sinabi pa nito sa kaniya na si Rhea daw ang gusto nitong maging girlfriend niya dahil anak ito ng bagong amiga nito. Pero hindi niya gusto ang dalaga kaya umpisa pa lamang ay sinabi niya agad dito na wala itong aasahan sa kaniya. Pero sobrang kulit naman nito at panay ang habol at pangungulit sa kaniya kahit ilang beses na niya itong hindi sinisipot sa mga dates na sini-set up ng mommy niya para sa kanilang dalawa. “Grabe ka naman sa akin, babe! Hindi ba puwedeng bigyan mo muna ako ng chance? And I promise you that I will be a good partner to you. And I’m good in bed so...” anito at muling lumapad ang ngiti sa mga labi nito at hinaplos pa ang kaniyang dibdib. Mabilis naman niyang hinawakan ang kamay nitong nasa dibdib niya at tinanggal niya iyon, maging ang isang kamay nitong nakayakap sa braso niya ay inalis niya. “Don’t waste your time on me, Rhea. I’m not the one for you. Only mommy likes you for me... but I have no feelings for you.” Diretsahang saad niya rito. Akma na sana siyang tatalikod upang umalis doon at balikan si Solana, pero tinawag naman ni Rhea ang kaniyang ina. “Tita Elena. Rufo is leaving.” Anito. Napatiim-bagang naman siya at muling tinapunan ng tingin ang dalaga, maging ang kaniyang ina. Nagpaalam naman ito sa mga kausap at lumapit sa kaniya. “Where are you going, hijo?” tanong nito. “Babalikan ko lang si Solana sa loob, mom and—” “I don’t like her. So, huwag mo siyang dadalhin dito para makita at makilala ng mga bisita ko.” Seryosong saad nito at yumakap sa braso nito. “But mom—” “Come here at gusto kang makausap ng mga amiga ko.” Sa halip ay saad nito at kaagad siyang hinila palapit sa mga kausap nitong kaibigan kanina. Ayaw naman niyang maging rude sa mga bisita ng kaniyang ina kaya kinausap niya nang maayos ang mga ito. Later, when he turned his gaze to the main door... he saw Solana there. Malungkot itong nakatingin sa direksyon niya. Bigla naman siyang nakadama ng lungkot at guilt para dito. Oh, damn! Balikan mo na siya, Rufo. Isinama-sama mo siya rito tapos iniwanan mo lang siya ng mag-isa. Galit na saad ng kaniyang isipan. Kakausapin niya na sana ang kaniyang ina upang magpaalam dito, pero naunahan naman siya nitong magsalita. “Go on. Samahan mo si Rhea na umupo sa table natin. Susunod ako sa inyo.” Seryosong saad nito nang matapos itong mapatingin sa direksyon ni Solana. Alam niyang hindi gusto ng kaniyang ina si Solana. Taliwas iyon sa kaniyang inaasahan kanina. Well, kung sabagay... gusto nga nito si Rhea para sa kaniya. Ang akala niya kasi kapag ipinakilala niya si Solana sa kaniyang ina ay magbabago ang isip nito. Pero hindi iyon ang nangyari. “Mom, kailagan kong balikan ang girlfriend ko—” “Rufo, huwag mo akong bigyan ng dahilan ngayon para magalit sa ’yo. This is my big night. Kung lalapitan mo ang babaeng ’yon... ipapahiya ko siya sa mga bisita ko.” Napatiim-bagang naman siya. Damn. Kilala niya ang ugali ng kaniyang ina. Kung ano ang sinabi nito ay iyon ang ginagawa nito. He didn’t want to embarrass Solana in front of many people, so he could do nothing but follow his mom. “Go on, hija. Sumama ka na kay Rufo.” Nakangiting saad ng ginang sa dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Rhea at iginiya na ito papunta sa lamesa nila. Mayamaya ay muli siyang lumingon sa kinaroroonan ni Solana. Malayo man ito sa kaniya, pero kitang-kita niya sa mukha nito ang lungkot. Pagkuwa’y mabilis itong tumalikod. “Fuck.” Pagmumura niya. “Are you alright, babe?” tanong sa kaniya ni Rhea. Seryosong tingin naman ang ibinigay niya rito pagkatapos at tiim-bagang na bumuntong-hininga siya. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Sa halip ay mabilis siyang tumayo sa kaniyang puwesto. “Where are you going, babe?” tanong ulit sa kaniya ni Rhea. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya ito sinagot at mabilis siyang naglakad upang sundan si Solana. Nang makalabas siya ng gate, nagpalinga-linga siya upang hanapin kung saan nagpunta si Solana. Pero hindi niya makita ang dalaga. “Damn it.” Pagmumura niyang muli saka siya nagmamadaling sumakay sa kaniyang kotse upang hanapin ito. KALIWA-KANAN ang tingin ni Rufo sa kalsada habang nagmamaneho siya sa kaniyang kotse. Pero malayo-layo na ang narating niya mula sa bahay nila ngunit hindi niya nakita si Solana. Marahil ay nakasakay na ito ng taxi kaya kaagad na nakaalis. He sighed deeply again and took out his cellphone that was in his trouser pocket. Tinawagan niya ang number ni Solana, pero panay lang ang ring sa kabilang linya at hindi nito sinasagot ang kaniyang tawag. “f**k! Pick up your phone, baby.” Hanggang sa nakailang tawag na siya, pero panay pa rin ang ring. Alam niya at sigurado siyang nasaktan kanina si Solana. This is his fault. Kung sana ay hindi niya pinakinggan ang sinabi ng kaniyang ina... sana hindi aalis si Solana. Hanggang sa nakarating siya sa bahay ng dalaga. “Kuya Rufo!” kunot ang noo at nagtatakang tanong ni Cat na siyang nagbukas ng gate. “Good evening, Cat.” Bati niya rito. “Nariyan ba ang Ate Solana mo?” tanong niya. “Wala po, kuya,” sagot nito. “Hindi po ba’t magkasama kayong dalawa? Nag-text po kasi si ate kanina, ang sabi niya po ay magkasama kayo.” Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim at napatiim-bagang. “Thank you, Cat.” Saad na lamang niya saka tumalikod at bumalik sa kaniyang kotse. He tried to call her again, but just like earlier, the other line was still busy. He leaned his head on the headrest of the chair and closed his eyes tightly. He couldn’t count how many times he sighed. But his chest still felt heavy. Hindi agad siya umalis sa tapat ng bahay nina Solana. Naghintay siya roon sa pagbabakasakaling uuwi rin ang dalaga. Pero lumipas na lamang ang apat na oras, walang Solana ang umuwi sa bahay nito. Roon niya lang din naalala na baka nasa DC ito. Kaya kaagad niyang binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan at pinaandar iyon. Nang makarating naman siya sa Diamond Club, kaagad niyang hinanap si Lucy. “Where is Solana?” tanong niya. “Ay, Papa Rufo... ilang gabi ng hindi pumapasok dito si Soli. Hindi ko siya nakikita rito.” Tiim-bagang na bumuntong-hininga siyang muli. Pagkatapos ay kaagad din siyang umalis. Bumalik siyang muli sa bahay ni Solana. “Gabby, umuwi na ba ang ate mo?” tanong niya nang ito naman ang magbukas sa kaniya ng gate. “Hindi pa po, Kuya Rufo.” Anito. “Tinatawagan ko nga rin po kasi ang sabi ni Cat, nagpunta ka raw po rito kanina at hinahanap mo si Ate Solana.” Dagdag pa nito. “Pasok po muna kayo—” “No need, Gabby. I can wait here outside.” “Pero, ano’ng oras na po, Kuya Rufo. Mabuti pong sa loob na po kayo maghintay kay ate.” “I’m fine, Gabby. Thank you.” “Sige po.” Bumalik siya ulit sa kaniyang kotse. Kagaya kanina ay sinubukan na naman niyang tagawan si Solana. Pero puro ring pa rin ang naririnig niya mula sa kabilang linya. Nag-text na rin siya rito. Where are you? Please, pick up your phone. Solana, I’m sorry. Please. Where are you? Hindi na siya umuwi sa kaniyang pad. Sa labas ng bahay na ni Solana siya nagpalipas ng gabi sa paghihintay sa dalaga. Kung hindi pa siya nakarinig ng katok mula sa labas ng bintana ay hindi pa siya maaalimpungatan. Kakaidlip lamang niya at hindi siya nakatulog nang maayos sa buong magdamag. Nang makita niya si Gabby, kaagad niyang ibinaba ang salamin ng kaniyang kotse. “Morning, Gabby.” “Dito ka po natulog, kuya? Hindi ka po umuwi sa inyo?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya. Nakasuot na ito ng uniform at papasok na sa school. Marahan siyang bumuntong-hininga at hinilot ang gitna ng kaniyang ilong. “Umuwi na ba ang ate mo?” tanong niya ulit. “Hindi pa po kuya, e! Hindi rin po siya sumagot sa mga tawag ko kagabi.” Tumango na lamang siya. “Thank you, Gabby.” Malungkot na saad niya. “Gusto mo po bang magkape muna, kuya? Tara po sa loob.” “No need, Gabby. Baka ma-late ka pa sa klase mo.” Saglit siya nitong tinitigan. “Sige po. Aalis na po ako.” “Take care.” Muli niyang isinandal ang kaniyang ulo sa headrest ng upuan nang makalayo na si Gabby. He sighed again and checked the time on his wristwatch. It was seven in the morning. Where did you sleep, Solana? Tanong ng kaniyang isipan habang nakatulala siya sa unahan ng kaniyang sasakyan. Labis na ang pag-aalala niya para sa dalaga. Paano na lamang kung may masamang nangyari dito sa nagdaang gabi? Pinagtitinginan na ng mga kapit-bahay ni Solana ang kotse niya. Mabuti na lamang talaga at tented ang salamin niyon kaya hindi siya nakikita sa loob. Wala siyang balak na umuwi hanggat hindi niya nakikita at nakakausap si Solana. Kaya maghihintay siya roon hanggang sa dumating ito. Muling lumipas ang oras. Nakaidlip ulit siya dala sa labis na antok niya. Nagising lang siya ulit nang makaramdam na naman siya ng pagkulo ng kaniyang sikmura. Nagpasya na siyang bumaba at bumili ng tubig at pagkain sa tindahang nasa malapit lang. Nagtataka pang nakatingin sa kaniya ang mga taong naroon. “Umuwi na ba si Solana?” tanong niya sa ali. “Ah, ikaw pala ang boypren ni Solana,” sa halip ay sabi nito. “Hindi pa ata siya umuuwi. Mamayang gabi pa ata.” Anito. Tumango na lamang siya saka muling bumalik sa kaniyang kotse at doon na kinain ang biscuit na binili niya. Maibsan manlang ang gutom niya. Pagkalipas pa ng ilang minuto, bumaba siya ulit at kumatok sa gate ng bahay. Magbabakasakali siyang baka umuwi na pala ang dalaga at hindi lamang niya nakita kanina dahil nakaidlip siya. Magtatanghali na rin. “Solana, may bisita ka! Kanina pa si sir naghihintay sa ’yo.” Bigla siyang napalingon nang marinig niya ang boses ng isang ali. Sakto namang nakita niya si Solana na nakatayo sa gitna ng kalsada. She was looking at him. It was only there that he could breathe easily and his worry about her disappeared. Pero ang lungkot at guilt sa puso niya ay naroon pa rin. Kaagad siyang humakbang palapit dito. Halos takbuhin pa nga niya ang dalaga, pero pinigilan niya lang ang kaniyang sarili na gawin iyon. “Hey! Where have you been? I was worried about you last night,” malungkot na sabi niya nang makalapit na siya rito. “Ano ang ginagawa mo rito, Rufo?” sa halip ay walang buhay na tanong nito sa kaniya. Bumuntong-hininga siya at malungkot na tinitigan ito sa mga mata. “Solana...” aniya. Pero mabilis naman itong nag-iwas ng tingin sa kaniya at nilagpasan siya. Kaagad siyang sumunod dito. Bago pa man nito maisarado ang gate ay kaagad na siyang pumasok. He really needs to talk to her. Alam niyang galit ito sa kaniya dahil sa nangyari kagabi. Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay kaagad niya itong niyapos nang mahigpit na yakap mula sa likuran nito. “I’m sorry. I’m sorry. Please don’t get mad at me.” MARAHAN KONG tinanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa katawan ko. Hindi naman ako nahirapan na gawin iyon dahil kusa na rin niya akong pinakawalan. Pumihit ako paharap sa kaniya habang may mga luha pa ring pumapatak sa mga mata ko. “Umalis ka na, Rufo. Kailangan kong magpahinga.” “No. Please talk to me first.” Aniya. Akma na sana niyang kukunin ang kamay ko, pero mabilis akong pumiksi at umatras sa kaniya. Umiling ako pagkatapos ay nagpakawala ako ulit nang malalim na paghinga. “I know you’re mad at me because of what happened last night—” “Ayaw sa akin ng mama mo, Rufo.” Pinutol ko ang pagsasalita niya. “Solana—” “Nasaktan ako sa nangyari kagabi. Isinama mo ako roon, pero ano ang ginawa mo? Nagmukha akong tanga roon, Rufo. Sana... sana pala kasi hindi na ako sumama sa ’yo,” sabi ko at pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. “At isa pa... k-kasama mo naman ’yong Rhea ’di ba? Girlfriend mo naman siya ’di ba?” Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “What? Of course not. Where did you learn that Rhea is my girlfriend?” “Nakita ko dati na tumawag siya sa ’yo at nag-text siya sa ’yo. Babe ang tawag niya sa ’yo ’di ba?” tanong ko pa sa kaniya. My God! Hindi lamang ang ulo ko ang mas lalong kumikirot ngayon... pati ang puso ko ay mas lalong nasasaktan. “Solana—” “I think... we need to end this, Rufo.” Saad ko. “Ayokong dumating pa sa punto na awayin ako ng mama mo, ng anak mo, at lalo na ng girlfriend mo.” Dagdag ko pa at muling pumatak ang mga luha ko na ayaw ko na sanang ipakita sa kaniya dahil baka isipin pa niyang labis akong nasasaktan o hindi kaya ay isipin niyang higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kaniya... na siya namang totoo. “Your mom doesn’t like me. Your daughter. So... we should end this. Ibabalik ko na lang sa ’yo ang pera na ibinayad mo sa akin. I mean... hindi na buo ’yon pero, gagawan ko na lang ng paraan para maibalik sa ’yo ng buo at—” “I don’t need the money, Solana.” Kitang-kita ko ang labis na lungkot sa mga mata niya sa mga sandaling ito. But I’m not sure kung nalulungkot ba siya dahil gusto ko ng tapusin itong relasyon na mayroon kami ngayon... o baka, nalulungkot lang siya kasi wala na siyang maikakama na siya lang ang nakauna at nakakagamit. Damn. Ang sakit naman isipin na baka nga iyon lang talaga ang dahilan kung bakit niya sinabing gusto niya ako at special ako para sa kaniya. Kasi nga... nakuha niya akong malinis. So I’m special. “Rhea is not my girlfriend. And... I, I talked to Ciri last night. I think, just a little time and we will be okay again and I’m sure she will like you—” “Oh, Rufo!” bumuntong-hininga ako at tumalikod sa kaniya. “Ganiyan din ang sinabi mo sa akin nang una. Na magugustohan din ako ng mommy mo kasi mabait siya. But what happened? Hindi ba’t pagkadisgusto ang ipinakita niya agad sa akin kagabi?” Sumunod naman siya sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang malungkot niyang hitsura... pati ang mga mata niya. “I can talk to mom—” “Huwag na, Rufo,” umiiling na sabi ko. “Ang magandang paraan lang para hindi na tayo umabot sa magulo o kumplekadong sitwasyon... itigil na lang natin ’to.” That’s the best way... I guess. Kahit masakit para sa akin na itigil na lang itong relasyon na mayroon kami ngayon. Pero iyon lang ang magandang paraan. Habang maaga pa ay tatapusin ko na lang ito. Siguro naman ay madali lang akong makakapag-move on sa kaniya kasi hindi pa naman ganoon kalalim ang mga pinagsamahan namin nitong mga nakaraang linggo. “Solana—” “Please, Rufo! Leave. Bago pa ako tumawag ng barangay para palabasin ka rito sa pamamahay ko.” Mariing saad ko sa kaniya habang nag-uulap na naman ang mga mata ko dahil sa mga luha ko. Laglag ang mga balikat na muli siyang bumuntong-hininga nang malalim. Kitang-kita ko pa rin ang labis na lungkot sa mga mata niya. Pero mayamaya ay ibinaling ko sa ibang direksyo ang paningin ko. Ilang sandali lamang din ay tumalikod siya at mabibigat ang mga hakbang na lumabas ng bahay namin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na sundan siya ng tingin... at nang nasa labas na siya ng pinto, lumingon siya ulit sa akin. Mas lalong nag-init ang sulok ng mga mata ko. Mabuti na lamang, bago muling pumatak ang mga luha ko ay tuluyan na siyang umalis. Doon ko na pinakawalan ang hagulhol na kanina pa gustong lumabas sa lalamunan ko. Nanghihina ang mga tuhod ko na napaupo ako sa sofa. Napatutop pa ako sa bibig ko at patuloy na umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD