BAGO ako bumaba sa front seat ng kaniyang sasakyan ay saglit kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid ng parking lot. Siniguro ko munang walang tao sa paligid na makakakita sa akin. Kinakabahan kasi talaga ako.
“Go on, there’s no one here but us.”
Napalingon naman ako sa kaniya nang marinig ko ang sinabi niya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. “Paano ka nakakasiguro?” tanong ko.
“Because I know there is no one here. But us.”
Bahagya akong napaismid sa kaniya saka muling inilibot ang aking paningin sa labas. Mukhang wala nga namang tao. Napakatahimik at lahat ng sasakyang narito ay nakapatay naman ang head lights, so that means wala ngang tao.
“Next time, huwag mo na akong sunduin sa bahay. Kaya ko namang mag-commute papunta rito, e!” Saad ko pa sa kaniya bago ko binuksan ang pinto sa tabi ko at nagmamadali na akong bumaba. Walang lingon-lingon na naglakad ako hanggang sa makalabas ako sa parking lot. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang pagkalingon ko sa likod ko mayamaya ay nakasunod din pala siya sa akin kaya muntikan na akong bumunggo sa dibdib niya. “Jesus!” mahinang sambit ko.
“Good morning by the way.” Bulong niya sa akin saka siya humakbang na palayo sa akin.
I just let out a deep and long breath in the air, and I closed my eyes tightly. I really don’t understand that man! At first he will be mad and serious, and the next second, he will kiss and talk to me properly. Hindi ko maintindihan kung ano ang trip niya sa buhay!
“Bes!”
Napalingon naman ako sa may dulo ng hallway nang marinig ko ang boses ni Millie. Nagmamadali itong lumapit sa akin.
“Good morning, bes!” bati pa nito sa akin.
I smiled at her. “Morning bes.”
“Nagkausap kayo ni Mr. Montague?”
Biglang nangunot ang noo ko. “Huh?”
“I saw you na nilapitan ka niya. Bakit daw?”
“Ah, um, w-wala.” Nauutal na saad ko at kaagad na tumalikod at nagsimulang maglakad. “May itinanong lang siya sa akin.”
“About saan?”
“Um, s-sa topics na idiniscus na sa atin ni Mr. Santos no’ng nakaraan.” Pagdadahilan ko na lang.
“Ah, kaya pala.” Anito. “Akala ko kung ano na ang pinag-usapan ninyo. You know... masiyado kayong close sa isa’t isa kanina.”
Kunot ang noo na napalingon ako ulit dito. At nakita ko naman ang nakakalolokong ngiti nito sa mga labi. Tila nanunudyo sa akin.
Napairap na lang ako. “Ano ang ibig mong sabihin?” kunwari ay hindi ko get’s ang pinupunto nito sa akin.
Yumakap naman ito sa braso ko at bumulong, “ang gwapo at hot talaga ni Mr. Montague ano, bes?” anito. “May asawa na kaya siya, I mean I hope single pa rin siya para puwede ko pa rin siyang pagpantasiyahan.” Dagdag pa nito.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “Hoy Millie Andres, maghunos dili ka nga! Kababae mong tao at magpapantasya ka sa... sa kagaya ni Mr. Montague,” sabi ko.
“E, ano naman ang problema roon, amiga? I mean, babae ako na maganda at sexy. Lalaki siya na guwapo, maganda ang katawan, malakas ang s*x appeal. So sino ang hindi magkakagusto o magkakandarapa o magpapantasiya kay Mr. Montague?” tanong nito.
Pinandilatan ko naman ito ng mga mata. “Hinaan mo nga ang boses mo. Mayamaya ay may makadinig sa ’yo sa mga pinagsasasabi mo,” wika ko.
Umismid lang ito sa akin, pero ngumiti rin naman pagkuwa’y. “I like him kaya. How about you? Don’t tell me hindi mo siya bet? Hindi ka nagka-crush at first sight sa kaniya no’ng pumasok siya kahapon sa room natin!”
Well, unang kita ko pa lamang sa kaniya noong gabi sa club, I know nagka-crush agad ako sa kaniya. Pero...
“What if siya na pala ang The One ko, bes?”
Muli akong napalingon kay Millie. Sobrang lapad ng pagkakangiti nito habang nasa tapat ng dibdib nito ang isang palad.
“Oh, I guess hindi lang ako basta nagka-crush sa kaniya, bes. Kasi kagabi, hindi na siya nawala sa isipan ko.”
Bumuntong-hininga na lamang ako nang malalim.
“I was thinking last night kung ano ang ginagawa niya!”
Oh, he was with me last night. But of course I can’t tell that to Millie.
“Tama na nga ’yang daydreaming mo. Halika na at male-late na tayo.” Saad ko na lamang at hinila na ito hanggang sa makarating na kami sa classroom namin.
Pagkapasok pa lamang namin ni Millie ay nakita ko agad na nakatingin siya sa akin. I just glanced away from him and quietly sat in my seat.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sa araw-araw na pumasok ako sa subject na ito, kahit kailan talaga ay hindi ako nagkaroon ng gana sa pakikinig sa discussion ni Mr. Santos. Lalo pa at lagi naman akong puyat. But now, bukod sa hindi ako napuyat kagabi dahil hindi naman ako pumasok sa trabaho ko, nakatuon lamang ang atensyon ko sa unahan at nakikinig ako sa discussion ni Mr. Montague. I mean, I’m not sure kung nasa topic ng discussion niya ang atensyon ng pakikinig ko o pinapakinggan ko lang talaga ang magandang boses niya. Napaka-manly kasi talaga. Parang feeling ko idinuduyan ako sa alapaap kapag naririnig ko ang kalmado niyang boses.
“Ms. Marinduque.”
I blinked when I heard him call my last name. I stared at him.
“Y-yes, Mr. Montague?”
“Are you listening?” tanong niya.
Tumango naman ako. “Yes... sir.” Sagot ko.
“Good,” aniya. “Now, could you come up front and explain again what I said earlier?”
Lintik! Gusto niya ba akong mapahiya? E, wala naman talaga akong naintindihan sa mga sinabi niya kanina. I was just looking at him and pretended to be listening, but I didn’t really understand what he said earlier. Damn.
Lihim akong napalunok at bahagyang inilibot ang aking paningin sa mga classmate ko na nasa akin na naman ang mga paningin.
Walang-hiya naman kasi ang lalaking ito! Bakit kailangang ipa-explain pa niya sa akin ang mga sinabi niya kanina? E, malamang at sigurado naman ako na naintindihan naman nila iyon.
“Stand up, Ms. Marinduque, please.”
Napalunok ako ulit at banayad na nagpakawala nang malalim na paghinga. Handa na sana akong tumayo sa puwesto ko nang bigla namang tumunog ang bell.
“Alright. Let’s continue our discussion tomorrow.”
Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang sinabi niya. Oh, thank God!
Kaagad na tumayo ang mga classmate ko at lumabas agad sa room namin. Ako naman, patayo pa lamang sana sa puwesto ko pero tinawag ako ni Rufo.
“Ms. Marinduque!”
“Bes, tawag ka.” Saad sa akin ni Millie na malapad na naman ang pagkakangiti habang nakatingin kay Rufo.
“Come here, please.” Aniya.
Wala sa sariling napatayo naman ako sa puwesto ko at dahan-dahang naglakad palapit sa mesa niya.
“What are you doing?” seryosong tanong niya.
“Huh?” Saad ko sa kaniya. “W-what do you mean?” balik na tanong ko sa kaniya.
“Are you listening while I’m discussing here in front?”
Napalunok naman ako ng aking laway at bahagyang nag-iwas sa kaniya ng tingin. “Y-yeah.” Sagot ko.
“Really?”
Nagkibit ako nang mga balikat ko at muling tumingin sa kaniya. “I was. You saw me looking at you, didn’t you?” mahina at naiinis na saad ko sa kaniya.
He let out a deep sigh. “Yeah, you’re looking at me, but you’re not listening to what I’m saying. Your attention is not focused on our discussion. You’re just looking at me, Ms. Marinduque.” Mahina ring saad niya.
Napapahiyang nagbaba ako uli ng aking mukha. “I’m sorry, Mr. Montague.”
“Are you really this kind of student, Ms. Marinduque?”
“Of course not.” Nang muli kong salubungin ang mga mata niya.
“Then why are you not listening to me?”
“I just... I just don’t like this subject.”
“That’s your reason? Because you don’t like this subject so you won’t listen to our discussion?”
Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga habang seryoso pa ring nakatitig sa akin.
“So what do you want me to do? I’ll just drop you out of this subject and come back to it when you are ready to listen?”
“No.” Mariing saad ko.
“Then I don’t want this to happen again, Ms. Marinduque,” pagalit ngunit mahina pa ring sabi niya sa akin. “It’s rude to me that I have a student who won’t listen while I’m talking up front. And when I ask them, they can’t answer right away and they don’t know what to say.”
Muli akong napalunok ng aking laway. “I’m sorry,” wika ko na lamang sa kaniya.
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan namin. At mayamaya ay nag-angat ako ng mukha upang tingnan siya muli. Seryoso pa rin ang hitsura niya habang nakatitig sa akin.
Oh, God! Mabuti na lamang at kami na lang dalawa ang naiwan dito sa room. Dahil kung nagkataong may classmate pa akong narito, nakakahiya.
“You may go.”
Pagkasabi niya niyon ay kaagad akong tumalikod at naglakad palabas.
“Bes, bakit daw?” usisang tanong sa akin ni Millie na naroon na pala sa labas at hinihintay ako.
Timikhim ako. “Wala.” Saad ko. “Tara na sa next subject natin.” Kaagad akong naglakad palayo.
“MAMA LU, sorry kung hindi ako nakapasok kagabi.” Paghingi ko ng pasensya sa manager ko nang makausap ko ito sa dressing room. “Hindi rin po ako nakatawag sa ’yo kagabi kasi... kasi nakatulog po ako. Ano’ng oras na ako nagising.” Pagdadahilan ko na lamang.
Ngumiti naman ito sa akin. “There’s no problem about it, hija.” Anito.
Nagtaka naman ako. Pero sa kabilang banda ay natuwa rin naman ako dahil hindi ito nagalit sa akin or even si Madam Deb din siguro.
Alam ko ang ugali nilang pareho kapag may empleyado rito sa DC na uma-absent tapos hindi naman nakakapag-paalam. Lalo na kapag dancer na kagaya ko.
“Hindi po nagalit sa akin si Madam Deb?” tanong ko pa.
“Hindi na ’yon magagalit sa ’yo. Lalo pa at si Papa Rufo ang nagpunta rito kagabi at kinausap siya.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. “What? Si Rufo? Si Mr. Montague?” tanong ko pa.
“Uh huh!” sagot nito.
“A-ano po ang ginawa niya rito kagabi?”
Umalis pala siya kagabi sa pad niya? Iniwanan niya ako habang natutulog ako sa kama niya kagabi?
“Well, ito lang naman ang ginawa niya kagabi. Dumating siya rito at hinanap si Madam Deb. At dahil isa akong marites kaya nalaman ko agad ang pinag-usapan nila. Ayon sa source ko rito, nagbayad si Papa Rufo ng malaking halaga ng pera kay Madam Deb para hindi ka na magtrabaho rito sa DC.”
Nanlaki lalo ang mga mata ko at halos malaglag ang panga ko dahil sa mga nalaman ko.
“Ang taray mo, Soli. May bumili na sa ’yo.”
What? Totoo ba ang mga sinabi ni Mama Lu? Nagbayad si Rufo kay Madam Deb para hindi na ako magtrabaho rito sa DC? But why? I mean, nagbayad na siya sa akin ng isang milyon para sa gusto niyang mangyari sa amin, tapos... tapos magbabayad pa siya kay Madam Deb para sa trabaho ko? Oh, I can’t believe it.
“But of course hindi naman pumayag si Madam Deborah sa una. Pero nagkaroon sila ng deal.” Saad pa uli ni Mama Lu.
Muling nangunot ang noo ko at napatitig lalo kay Mama Lu. “D-deal po?” tanong ko. “What kind of deal?”
“You can continue your work here, pero hindi ka na puwedeng tumable sa mga customer natin. Magsasayaw ka na lang sa stage. At wala na rin ang Show Room mo. Ibinigay na iyon ni Madam Deb kagabi kay Lacy.” Anito na ang tinutukoy ay ang katrabaho ko na kilala rin dito sa DC.
Hindi ko napigilan ang mapahugot nang napakalalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Napahawak pa ako sa sentido ko.
Oh, I need to talk to him.
“Um, Mama Lu, puwede bang mag-absent ulit ako ngayong gabi?”
“Oh, sure. No problem darling,” nakangiti pang wika nito.
Kaagad naman akong tumalikod at nagmamadaling lumabas sa club na iyon. Nang nasa gilid na ako ng kalsada ay nagmamadali akong pumara ng taxi at nagpahatid ako sa pad ni Rufo.
“Bayad po!” saad ko sa taxi driver.
Malalaki pa ang hakbang ko nang maglakad na ako papunta sa pinto ng kaniyang pad. Sunod-sunod na katok ang kaagad na ginawa ko. Oh, sana lang ay nandito siya ngayon.
“Rufo, are you inside?” patuloy pa rin ang pagkatok ko.
Mayamaya lang ay bumukas naman ang pinto at bumungad siya sa akin. He’s shirtless. Tanging itim na pajama lamang ang suot niya.
Kunot ang aking noo na tinitigan siya nang umangat ang paningin ko mula sa katawan niya.
“I didn’t expect you to come here.” Aniya.
Hindi naman agad ako nagsalita. Sa halip ay pumasok ako sa loob.
“Please, come in.” Saad pa niya saka isinarado ang pinto.
Nakapamaywang na hinarap ko siya. “We need to talk.” Seryosong saad ko sa kaniya.
Nagkibit naman siya ng kaniyang mga balikat at naglakad palapit sa akin. “Okay,” wika niya at biglang kinabig ang batok ko at mariing siniil ng halik ang aking mga labi.