CHAPTER 11

2274 Words
“ARE YOU... are you still a virgin?” tila hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Hindi naman agad ako nakasagot. “f**k!” ang tanging narinig ko na sinabi niya saka siya umalis sa harapan ko. I still can’t look at him dahil nahihiya ako at ramdam na ramdamn ko pa rin sa buong katawan ko ang init na binuhay niya sa kaibuturan ko kanina. “I...” maging ang katagang nasa dulo ng aking dila na gusto kong sambitin ay hindi ko rin magawa. Ewan ko ba, hiyang-hiya ako ngayon sa kaniya. Oh, God! Labis naman kasi talagang nakakahiya ang pinaggagagawa namin ngayon. Lihim nga akong nagdadasal na sana ay lumubog na lang ako ngayon sa kinauupuan ko para maglaho ako sa paningin niya. “Damn it.” Aniya at yumuko siya upang damputin ang damit niya at ibinigay niya iyon sa akin. “Get dress.” Pagkasabi niya niyon ay mabilis siyang tumalikod at lumabas sa pad niya. Naiwan akong mag-isa rito. I let out a deep sigh and then slowly got down from my seat. Inayos ko rin ang aking palda at bra at pagkatapos ay isinuot ko ang kaniyang t-shirt. Damn, napakabango talaga ng lalaking iyon. Amoy na amoy ko ang perfume niya sa damit niya. After I got dressed, I also picked up my panties that he had destroyed earlier and I stepped closer to his bed. Umupo ako sa gilid niyon at binuksan ko ang aking bag at isinilid ko roon ang aking panty. Saan na naman kaya siya pumunta? Don’t tell me, iiwanan na naman niya ako rito ng isang oras? Pero mayamaya lang ay muling bumukas ang pinto. Napatingin ako roon. Pumasok siya at tuloy-tuloy na naglakad palapit sa lababo. Walang imik na inayos niya ang mga pinamili niya at pagkatapos ay nagsimula siyang magluto. Oh, ganoon na lang ’yon? Pagkatapos ng mga ginawa niya kanina, ngayon ay hindi niya ako kikibuin na para bang ako ang may kasalanan kung bakit virgin pa ako at hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol doon? Aba, dapat nga matuwa siya dahil siya ang makakauna sa akin kung sakali mang matuloy ang gusto niyang mangyari sa amin. I took another deep breath and released it into the air. Even though I didn’t want to approach him because what happened to us earlier might happen again, but I dared to walk closer to him. Bahagya akong tumikhim nang nasa gilid na ako ng kaniyang dining table. “Um, h-hindi mo ba ako ihahatid pauwi?” tanong ko sa kaniya. Hindi naman agad siya nagsalita. Busy siya sa paghihiwa nang mga gulay. Ano kaya ang lulutuin niya? “Rufo, I said I wanna go home. May trabaho pa ako mamaya kaya—” “I’ll take you home later after I cook and after we eat.” Mahina ngunit seryosong saad niya kaya naputol ang pagsasalita ko. “I’m not hungry. I just want to go home.” Huminto naman siya sa kaniyang ginagawa at binalingan niya ako ng tingin. “I said I’ll take you home later after I cook and after we eat,” ulit na sabi niya. Nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya. Oh, bakit feeling ko mag-jowa kaming dalawa na nagkatampohan ngayon? Damn it. Are you being serious right now, Solana? Gusto ko pa sanang magreklamo sa kaniya, pero sa huli ay pinili ko na lamang ang manahimik at muling humakbang pabalik sa kama niya. I sat there quietly and took my cell phone from my bag. I sent a text message to my sister Gabby to say that I will be home late tonight. Sigurado kasi akong kanina pa naghihintay sa akin ang dalawang ’yon. Humiga na lamang din ako sa kama niya at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip. Basta nagising lamang ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata. At ang una ko ngang nakita ay ang seryosong mukha ni Rufo habang nakatitig sa akin. Nangunot ang noo ko. “Hey, come on let’s eat.” Aniya at hinawakan ang kamay ko upang alalayan akong makaupo. Kumilos naman ako sa puwesto ko hanggang sa makaupo na ako sa gilid ng kama niya. “What time is it?” tanong ko sa kaniya at inayos ang buhok kong bahagyang nagulo. “It’s already ten in the evening.” Muli akong napatitig sa kaniyang mukha. “What?” gulat na tanong ko at wala sa sariling kinuha ko ang braso niya upang tingnan ang oras sa suot niyang wristwatch. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang makita kong alas dyes na nga ng gabi. “Oh, shit.” Napamura ako at biglang napatayo sa puwesto ko. Ang akala ko ay nakaidlip lang ako. Nakatulog na pala ako ng apat oras! “Bakit hindi mo ako ginising?” naiinis na tanong ko sa kaniya. “Rufo, may trabaho pa ako ngayon. Ihatid mo na ako sa bahay at—” “Hey, calm down.” “I can’t calm down.” Pagalit na saad ko sa kaniya. “Ihatid mo na ako sa bahay. Pupunta pa ako sa DC.” Bumuntong-hininga naman siya saka tumayo mula sa pagkakaluhod niya sa sahig at naglakad palapit sa dining table. Umupo siya sa kabisera. “Come on and let’s eat. Ihahatid kita sa inyo mayamaya.” “Rufo—” “I don’t like stubborn women, Solana.” He cut me off again. “Come here and let’s eat. Don’t make me stand up in my place again to approach you and force you to sit here next to me.” Bahagya akong nakadama ng takot dahil sa napakaseryosong boses niya. Natigagal ako sa aking kinatatayuan. Pero sa huli, kahit ayoko mang sundin ang gusto niya, wala na rin akong nagawa kun’di ang maglakad palapit sa mesa at umupo na nga sa silyang nasa kanang bahagi niyon. Nang makita ko ang ulam na niluto niya kanina at naamoy ko ang masarap na anoy niyon, saka naman ako nakaramdam ng labis na gutom. Oh, well, alas dyes na ng gabi, sino ba naman ang hindi gugutomin sa lagay na ito? I slowly put food on my plate and ate quietly. We said nothing and only the sound of our cutlery could be heard in the four corners of his pad. Pagkatapos naming kumain, wala pa rin kaming imikan nang lumabas sa bahay niya at sumakay sa kaniyang kotse. I was still quiet while looking out the window. Iniisip ko kung ano ang sasabihin sa akin ni Mama Lu bukas kapag nagtungo ako sa DC! Malamang na magalit ’yon sa akin dahil ni hindi manlang ako nagpaalam o nag-text dito na hindi ako makakapasok sa trabaho ko ngayong gabi. Muli akong bumuntong-hininga. At nang mag-vibrate ang cell phone ko na nasa loob ng aking bag ay kinuha ko iyon upang tingnan kung sino ang nagpadala ng message sa akin. And I saw Gabby’s name on the screen. Binuksan ko iyon. Sinabi lang ng kapatid ko na mauuna na itong matulog at hindi na hihintayin ang pagdating ko. Hindi na ako nag-abalang mag-reply. Ibinalik ko ang cell phone ko sa bag ko at muling itinuon ang aking paningin sa labas ng bintana. A few minutes later, he parked his car outside our house. I frowned when I give him a look. “How did you know my address?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. “It’s not important, Solana,” aniya habang seryoso pa ring nakatuon ang paningin sa unahan ng sasakyan niya. Hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Malalim na buntong-hininga uli ang pinakawalan ko saka tinanggal ko na rin ang seatbelt ko at walang salitang binuksan ang pinto sa tabi ko at bumaba na ako. Ang akala ko ay aalis agad siya, pero naglakad na ako palapit sa gate namin ay naroon pa rin siya. Muli akong lumingon kahit hindi ko naman siya makikita sa loob ng kotse niya. Pero mayamaya lang ay nakita kong bumukas ang pinto sa driver’s seat at bumaba siya roon. Kunot ang noo na napaharap tuloy ako sa kaniya. “W-why—” I could not finish what I was going to say to him when he quickly grabbed my waist and nape and grabbed my lips with a kiss. Wala akong nagawa kun’di ang mapapikit nang mariin at masuyong napaungol dahil sa ginawa niya. Talaga ba, Rufo? Pagkatapos mo akong hindi kibuin kanina, ngayon naman ay hahalik ka pa sa akin? Ilang segundong magkahinang ang mga labi namin bago niya ako dahan-dahang pinakawalan, pero ang mga kamay niya ay nakahawak pa rin sa baywang at batok ko. “Good night.” Mahinang bulong niya sa tapat ng bibig ko. Mahinang napalunok ako ng aking laway at napatitig sa mga mata niya. “G-good night, Mr. Montague.” I uttered. Naramdaman ko namang bumitaw na ang mga kamay niya sa baywang at batok ko pagkuwa’y tumalikod na siya at nagmamadaling lumulan sa driver’s seat at pinaandar na ang kaniyang sasakyan. Sinundan ko pa ng tingin ang kotse niya. Nang makalayo na siya ay saka naman ako tumalikod at binuksan na ang gate at nagtuloy ako sa paglalakad ko hanggang sa makapasok ako sa bahay namin. Nang maisarado ko ang pinto ay napasandal pa ako roon at napatulala sa kawalan. Mayamaya ay umangat ang kanang kamay ko papunta sa aking mga labi at napangiti ako. Oh, God! Baliw na ba ako? Dahil lang sa halik niyang iyon ay napapangiti na ako ngayon ng mag-isa! “Ugh, Solana! Nahihibang ka na.” Panenermun ko sa aking sarili saka ako pumanhik na sa itaas upang tunguhin ang aking silid. KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Nagtataka pa nga ang tingin sa akin ng dalawa kong kapatid nang bumaba ako sa kusina. Kasi naman, hindi talaga ito ang oras ng gising ko, kaya mga nagtataka ang dalawa. It’s six thirty in the morning. Masiyado pang maaga. “Cat, may himala bang nangyari ngayong umaga?” kunot ang noo na tanong ni Gabby, habang nakaupo ito sa tapat ng hapag at kumakain na ng almusal kasama si Cat. “I guess hindi ’yan si Ate Solana, Ate Gabby! Baka ’yong kaluluwa niya ’yan naunang bumangon.” Ismid na napangiti ako. “Mmm, kayo talagang dalawa,” wika ko habang naglalakad naman ako palapit sa refrigerator. Kumuha ako roon ng malamig na tubig saka dumulog na rin sa hapag. Umupo ako sa kabisera. “Ate, may lagnat ka ba ngayon?” tanong ulit ni Gabby at inabot pa ang noo at leeg ko upang kapain. “Hindi ka naman mainit, a!” “Tigilan mo nga ako, Gabby.” Natatawang saad ko. “Bakit po ang aga mong nagising ngayon, ate?” tanong naman ni Cat at kaagad ding tumayo sa puwesto nito upang ikuha ako ng plato, kutsara at tenidor. “Maaga kasi akong umuwi kagabi kaya maaga akong nakatulog at maaga rin akong nagising.” Pagpapaliwanag ko. “Thank you, kapatid.” Nang ilapag ni Cat sa tapat ko ang plato ko. “Kaya naman pala,” wika ni Gabby. “Siya nga pala ate, hihingi ako ng pera sa ’yo kung may extra ka ngayon.” “Why?” “E, may field trip kasi kami sa Baguio next week. Kailangan daw po kasing um-attend para na rin sa seminar namin.” “Magkano ba?” “5K.” Anito. “Pero kung wala, okay lang. Kakausapin—” “Um-attend ka na kung kailangan talaga. Mamaya ay ibibigay ko sa ’yo bago ka pumasok.” “Talaga ate?” nakangiting tanong pa nito. “Don’t worry about the money, kapatid. Kaya nga ako nagtatrabaho ’di ba? Para kumita ako at may panggastos tayo sa mga kailangan natin. Lalo na sa pag-aaral natin.” Saad ko. “Basta, mag-aral lang kayo nang mabuti. Iyon lang naman ang parati kong hiling sa inyong dalawa.” “Don’t worry, ate. Nag-aaral naman po ako nang mabuti.” “Ako rin po, Ate Solana.” “Mabuti kung ganoon.” Saad ko na lamang at nagsimula na ring kumain. Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin ang dalawa dahil maaga ang kanilang klase. Ako naman ay pumanhik na rin sa silid ko at naligo. Eight-thirty pa naman ang pasok ko at mayroon pa akong mahigit kalahating oras bago umalis ng bahay kaya tinawagan ko muna si Mama Lu para mag-sorry kung bakit hindi ako nakapasok kagabi, pero nakailang tawag na ako ay hindi naman nito sinasagot ang tawag ko kaya hinayaan ko na lang din. Nagbihis na lamang ako at nag-ayos, pagkatapos ay bumaba na rin. Pagkalabas ko pa lang din ng gate ay kaagad na nangunot ang noo ko nang makita ko ang kotse ni Rufo na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Bumaba ang salamin ng bintana niyon at sumilip siya. “Hope in.” Napalingon muna ako sa paligid namin bago nagmamadali akong lumapit sa kotse niya at sumakay sa front seat. “What—” Hindi agad ako nagkaroon ng pagkakataon na matapos ang sasabihin ko sa kaniya nang bigla siyang dumukwang palapit sa akin at kinabig ang batok ko at inangkin ang mga labi ko. “Mmm.” Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaungol. “I’ve been waiting for you for ten minutes.” Nang pakawalan niya ang mga labi ko. Tumitig ako sa kaniya nang seryoso. “Hindi ko alam na pupunta ka para sunduin ako.” Saad ko. “Fasten your seatbelt, please.” Sa halip ay saad niya. Wala na akong nagawa kun’di isuot nga ang seatbelt ko saka niya pinaandar ang kaniyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD