CHAPTER 13

1713 Words
MABILIS na umangat ang aking mga kamay papunta sa kaniyang dibdib at malakas siyang itinulak palayo sa akin. Hindi naman ako nabigo na gawin iyon dahil bigla niyang nabitawan ang mga labi ko. Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. “Ano ba, Mr. Montague!” galit na wika ko sa kaniya. “Puwede ba, huwag mo akong idaan sa pahalik-halik mo sa akin!” “Why? Don’t you like it?” sa halip ay tanong niya sa akin. Halos mag-isang linya na ang mga kilay ko dahil sa inis na nararamdaman ko sa kaniya ngayon. Grabe talaga ang lalaking ito! Napakaadik sa halik. “Please, I want to talk to you... seriously. That’s why I came here.” Mariing saad ko sa kaniya. Bumuntong-hininga naman siya habang nakatitig din sa akin ng seryoso. At pagkuwa’y tumalikod siya at naglakad palapit sa lababo at kinuha niya roon ang isang bowl. He’s eating? “Alright. Let’s talk then.” Aniya at hinila niya ang upuan sa kabisera at umupo siya roon habang nakatuon ang kaniyang paningin sa bowl. Mayamaya ay nag-angat siya ng mukha at muli akong tinapunan ng tingin. “Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?” tanong niya. Saglit akong huminga nang malalim at sinupil ang aking sarili saka ako humakbang palapit sa mesa niya at umupo rin ako sa isang silyang naroon. Dalawang silya ang layo mula sa puwesto niya. Hindi pa rin nagbabago ang seryosong tingin ko sa kaniya. “Nagpunta ka ba sa DC kagabi?” tanong ko sa kaniya. Gusto ko lang malaman kung magde-deny ba siya o aamin siya sa akin na nagtungo nga siya roon kagabi at tama ang mga sinabi sa akin ni Mama Lu. Saglit siyang sumubo sa pagkain niya. At nang malunok niya iyon ay nagsalita siya, “yeah.” Tipid na sagot niya sa akin. So, totoo nga ang mga sinabi ni Mama Lu! “At ano ang ginawa mo roon?” tanong ko ulit. “Do you really want to know why I went there last night?” sa halip ay balik na tanong niya sa akin. “I wouldn’t be coming here at this hour to talk to you if I wasn’t interested in knowing what you did in DC last night while I was here on your pad, sleeping soundly, Rufo.” Seryosong saad ko sa kaniya. I stopped myself from raising my voice to him. Because he is still my professor, and he is older than me. May respeto naman ako sa kaniya. “Alright,” aniya at binitawan ang kutsarang hawak niya saka dinampot ang baso ng tubig niya at saglit siyang uminom doon. Pagkatapos ay tumayo siya at inilagay sa lababo ang bowl na ginamit niya. Hinugasan niya iyon. “I went to Diamond Club last night because I talked to Deborah about your work there,” he began. I didn’t speak. I just waited for him to continue what he had to say. “I offered her money to finish your contract with her. But she refused my offer. She said she doesn’t want to let you go dahil hihina ang customer ng club niya kung mawawala ka.” “And why did you do that?” tanong ko. Bahagya naman siyang lumingon sa akin at pagkuwa’y muling ipinagpatuloy ang paghuhugas sa bowl at baso. “Because I want you to stop that job of yours and—” “Why did you do that?” ulit na tanong ko sa kaniya. Pakiramdam ko kasi may iba siyang dahilan na kailangan kong marinig kung bakit niya ginawa iyon. I mean, we’re not related to each other and we’re not lovers as well, so bakit niya iyon ginawa? Bakit siya nagsayang ng pera para lang tapusin na ni Madam Deborah ang kontrata ko na sa pagkakaalam ko ay isa’t kalahating taon pa bago matapos. Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa at mailagay na niya sa lalagyan ang bowl, baso at kutsara, humarap siya uli sa akin. Isinandig niya ang kaniyang likod sa gilid ng lababo habang nakatukod naman sa magkabilang gilid niya ang kaniyang mga kamay. Ilang segundong tumitig siya sa akin ng seryoso. “Like I told you, the night we met at the club, I like you, Solana.” Sagot niya. Bigla kong nahigit ang aking paghinga dahil sa sinabi niya. Yeah this is not the first time he said to me that he likes me, pero feeling ko ganoon pa rin ang naramdaman ng puso at kaibuturan ko. Parang may mga paru-parong biglang nagliparan doon nang marinig ko ang sinabi niya. He really likes me? “You’re still a virgin, so lalo akong nagka-interest sa ’yo.” Oh, yeah! That’s why. Pero kung hindi pa niya nalamang virgin pa rin ako, hindi siya magtutungo sa DC para kausapin ang boss ko at bayaran niya ito para lang matapos na ang kontrata ko. Na baka mas may mauna pang ibang lalaki na makakuha sa akin instead na siya. I was a little disappointed kasi iba ang iniisip kong dahilan na sasabihin niya sa akin ngayon. “I gave Deborah five million to end your contract, but she refused. So we made a deal. You will continue your work at Diamond Club, but you can no longer entertain customers,” wika pa niya sa akin. Nakipagtitigan ulit siya sa akin ng ilang segundo. “I paid for you to be mine, Solana.” Muli kong nahigit ang aking paghinga. So he owns me now! My professor paid me to be his. Yeah. Dahil hindi ko naman na ibinalik sa kaniya ang isang milyon na ibinigay niya sa akin. “So, either you like it or not, you’re mine now, Solana.” Ngumiti ako sa kaniya ng mapakla. I wanted to tell him that no one can own me, but damn, no words came out of my mouth. Parang ayaw makisama sa akin ng dila ko. Tila ba natutuwa pa ang sarili ko sa mga sinabi ng lalaking ito. Mayamaya ay naglakad siya palapit sa akin. Namaywang pa siyang tumayo sa harapan ko habang nakatingala naman ako sa kaniya. At ewan ko ba sa sarili ko, may sariling isip ata ang mga mata ko at dahan-dahang bumaba ang paningin ko sa dibdib niya, hanggang sa bumaba pa iyon papunta sa abs niya at hanggang sa matuon ang mga mata ko sa v-shape sa ibaba ng puson niya. Damn. Nananadya ba siya at talagang lumapit pa siya sa akin para lang tuksuhin ako ng katawan niya? Hindi ko napigilan ang mapalunok ng aking laway pagkuwa’y dahan-dahan na muli akong nag-angat ng mukha hanggang sa magkasalubong na ang mga paningin namin. Ngumiti naman siya sa akin. Damn. Huwag kang ngumiti sa akin at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, Rufo! Ipinatong niya sa gilid ng mesa ang isang kamay niya habang ang isa naman ay sa ibabaw ng sandalan ng upuan, sa likod ng ulo ko at pagkuwa’y yumuko siya upang pantayan ang mukha ko. Muli akong napalunok ng aking laway habang hindi ko mapigilan ang paglipat-lipat ng aking paningin sa mga mata at mga labi niya. Oh, holy lordy! Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Diyos na mahabagin! Biglang kumabog nang mabilis ang aking dibdib. Parang pakiramdam ko ay bigla iyong nakipagkarera sa milyong kabayo. “So, are you still mad at me because of what I did, Ms. Marinduque?” tanong niya. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapapikit nang mariin nang tumama sa ilong ko ang mabango at mainit niyang paghinga. “I really like you, Solana.” Naikuyom ko ang aking mga palad na nasa kandungan ko nang mayamaya ay narinig ko ang mahinang boses niya sa tapat ng aking tainga. At nang magmulat ako, ang balikat at dibdib niya ang kaagad kong nakita. Nakadukwang siya sa akin. Narinig ko rin ang pagsamyo niya sa buhok ko maging sa itaas ng leeg ko. “I really like your smell.” Bulong pa niya sa akin saka siya dahan-dahang kumilos upang muli akong tingnan. He gave me a serious look. And when he stared at my lips, he swallowed. I saw his Adam’s apple move. “You are still pure, Solana. And because of that, I felt even a more strange warmth in my body. Because you’re still a virgin.” I really wanted to talk. Pero hindi talaga nakikisama itong dila ko. “So, take care and don’t give yourself to another man because I’ve already paid you. Your body is mine now, Solana.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang tumuwid sa kaniyang pagkakatayo at tumalikod sa akin. Naglakad siya palapit sa kaniyang closet at kumuha roon ng kaniyang damit. Tahimik at hindi pa rin ako makagalaw sa puwesto ko habang nakatitig lamang ako sa likuran niya. “Ihahatid ba kita ngayon pauwi sa inyo o gusto mong dito ka na matulog ngayong gabi?” tanong niya. “I... I wanna go home.” Mahinang sagot ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin. Saglit niya akong tinitigan. “Alright. I’ll take you home.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad niyang hinubad ang suot niyang pajama. Nagulat pa ako dahil sa ginawa niyang iyon kaya bigla akong napapikit. Walang-hiya talaga ang lalaking ito! Ilang segundo pa ang lumipas ay nagmulat na rin ako. “Let’s go.” Aniya at kinuha niya ang susi ng kaniyang kotse na nasa ibabaw ng bedside table at naglakad siya palapit sa akin at inilahad niya sa akin ang kamay niya. “Come on bago pa magbago ang isip ko at dito na kita patulugin ngayong gabi.” Wala sa sariling napa-angat tuloy ang kamay ko at napahawak sa palad niya pagkuwa’y tumayo ako sa puwesto ko kahit ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Nang maglakad na siya upang lumabas sa kaniyang pad, napasunod na ako sa kaniya nang hilahin niya ang kamay ko. Pagkalabas namin at makalapit na kami sa kotse niya, binitawan niya ang kamay ko saka siya umikot papunta sa driver’s seat. Ugh. Hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto? Oh, and you really expecting na gagawin niya iyon sa ’yo? E, hindi ka naman niya girlfriend. Napabuntong-hininga na lamang ako saka napipilitang humakbang na palapit sa gilid ng front seat at binuksan iyon at lumulan na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD