PALABAS na sana ako sa cubicle pero bigla naman akong napahinto nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo at may pumasok. Narinig ko ang boses ni Lindsy.
“Trust me, Arisa! I’m telling you the truth.” Anito. “This is the second time na nakita ko si Solana na kasama niya si Sir Rufo. Magkasama silang dumating dito sa school kanina. Sakay si Solana sa kotse ni Sir Rufo.”
Kasabay nang panlalaki ng mga mata ko’y napasinghap ako dahil sa narinig kong sinabi ni Lindsy. What? Nakita kami ni Lindsy sa parking lot? Biglang binayo nang kaba ang dibdib ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob.
“Do you have evidence, Lindsy?” tanong ni Arisa.
“Well... hindi ko sila nakunan ng picture kanina dahil sa pagmamadali kong umalis doon at baka makita nila ako. But Arisa... I’m telling you the truth, I swear. Simula no’ng marinig ko sila ni Millie na magkausap dito sa banyo no’ng nakaraang araw... lagi ko ng binabantayan ang mga kilos ni Solana. And the other day, nakita ko rin si Sir Rufo na may kasamang babae habang naglalakad papunta sa parking lot. I mean I’m really sure kung si Solana ba talaga ang kasama niya that day dahil late na nang makasilip ako sa likod ng isang kotse. Nakasakay na ang babae sa kotse ni Sir Rufo. Pero kanina... I swear to you, Arisa. Kitang-kita ng mga mata ko na si Solana ang babaeng bumaba sa kotse ni Sir Rufo. Inalalayan pa siyang bumaba at magkahawak sila ng kamay. He even kissed her forehead. I’m telling you, Arisa... may lihim na relasyon talaga sina Sir Rufo at Solana. And I promise to you... mamaya ay susundan ko ulit sila at kukunan ko na ng picture para may ebidensya na tayo na may relasyon talaga silang dalawa. And in that way... maisusumbong na natin si Solana sa faculty. Kay dean.”
Mas lalo akong nakadama ng kaba dahil sa mga sinabi ni Lindsy. Oh, God! Kailangan na naming mag-ingat ni Rufo. Hindi na puwedeng magkasama kaming dadating dito at uuwi dahil sigurado akong hindi ako tatantatan ng dalawang ito hanggat hindi sila nakakakuha nga ng picture namin ni Rufo.
“Alright. Just make sure lang na makakakuha ka ng picture nila, Lindsy. And give it to me right away. Ako na ang bahalang kumausap kay Dean.”
“Okay. I promise, Arisa.”
I took a deep breath and let it out as I leaned against the side of the cubicle. Ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko dahil sa kaba ko.
Holy!
Ilang sandali lang ay narinig kong lumabas na rin sina Arisa at Lindsy. I slowly opened the cubicle door and peeked outside. When I was sure that there was no one out there, I slowly went out and sighed again. Dali-dali na rin akong lumabas ng banyo at bumalik sa classroom namin. Pagkapasok ko pa lamang ay kaagad kong nakita sina Arisa at Lindsy na iba ang tingin at ngiti sa akin. I just ignored them and walked to my seat.
“Bes, saan ka galing?” tanong sa akin ni Millie.
“Um, nag... nag-cr lang,” sagot ko.
Mayamaya ay dumating na rin ang professor namin kaya naging tahimik na rin kami at nagsimula na sa klase namin.
Buong maghapon ay tahimik lamang ako at kabado at iniisip pa rin ang mga narinig kong pag-uusap nina Arisa at Lindsy kanina. Pero kahit papaano ay nagpapasalamat din naman ako na narinig ko ang usapang iyon nila. At least, maihahanda ko ang sarili ko at si Rufo na iwasang mangyari ang pinaplano ni Lindsy na mahuli kaming dalawa ni Rufo.
Pagkatapos ng klase namin ay kaagad kong hinila si Millie papunta sa dulo ng pasilyo kung saan ay kami lamang ang tao.
“May problema ka ba, bes?” tanong sa akin ni Millie.
“Naaalala mo ba ’yong nag-uusap tayo sa banyo no’ng nakaraan?” sa halip ay balik na tanong ko.
“’Yong huli?”
Tumango ako.
“Bakit?”
“Bes, tama nga ang kutob ko na may nakarinig sa pag-uusap natin that time.”
Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ni Millie. “Ano ang ibig mong sabihin? Sino ang nakarinig sa pag-uusap natin?”
“Si Lindsy,” sabi ko. “Kagaya no’ng unang beses na nakita natin siyang nasa labas ng banyo at parang nakikinig sa usapan natin, siya ang nakarinig sa usapan natin no’ng huli. At sinabi niya kay Arisa ang tungkol sa amin ni Rufo. Narinig ko ang pag-uusap nila kanina sa banyo. At ang sabi pa ni Lindsy kay Arisa, nakita na raw niya si Rufo na may kasamang babae habang naglalakad sa parking lot. Hindi man nakita ni Lindsy na ako ang kasama ni Rufo that day, pero kaninang umaga nang dumating kami sa parking, nakita na ako ni Lindsy. Mabuti na lang at hindi niya kami nakunan ng picture.” Pagpapaliwanag ko.
“My God!” nanlalaki ang mga matang napatutop ito sa bibig. “Bes, kung ganoon ay dapat na kayong mag-ingat ni Sir Rufo.”
Bumuntong-hininga ako at napahawak pa sa sling ng shoulder bag ko. “Kailangan na nga naming mag-ingat, bes. Lalo pa at may binabalak silang hindi maganda. Kapag nakakuha sila ng ebidensya na may relasyon nga kami ni Rufo, isusumbong nila kami sa faculty. At hindi naman ako papayag na mahinto ako sa pag-aaral ko o matanggal sa trabaho niya si Rufo.”
“Kausapin mo na lang si Sir Rufo na huwag ka na niyang susunduin sa bahay ninyo at huwag ka ng isasabay sa pag-uwi. Puwede naman kayong magkita sa tagpuan ninyo after, e!”
“Iyon nga ang gagawin ko, bes.”
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Millie, kaagad kong tinawagan si Rufo.
“Yes, baby? Where are you? I’m waiting for you in my office!”
“Um, hindi na ako sasabay sa ’yo sa pag-uwi, babe,” sabi ko at napatingin ako kay Millie nang marinig ko ang hagikhik nito.
“Sana all talaga may babe.” Mahinang saad nito.
Sinimangutan ko nga ito.
“Why not?”
“E... basta. Didiretso na lang ako sa pad mo ngayon. Doon na tayo magkita.”
“Baby, you can go with me—”
“Hindi na nga! Sa pad mo na tayo magkita.”
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito. “Alright.”
“Mag-iingat ka, babe. Bye!” kaagad kong pinatay ang tawag ko sa kaniya.
“So, tara na?”
Tumango naman ako kay Millie at sabay na nga kaming naglakad upang umalis sa school.
NAGPAPABALIK-BALIK ako nang lakad ko nang bumukas ang pinto ng pad ni Rufo at pumasok siya.
“Hey, baby!” biglang sumilay ang malapad niyang ngiti.
I sighed, then walked closer to the sofa and sat down. When he hung his leather bag on the bag rack stand, he walked towards me. He sat next to me and pulled my neck and kissed me on my lips. Bahagya ko siyang itinulak sa dibdib niya nang wala pa rin siyang balak na pakawalan ako.
“Mmm babe, enough.” Awat ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya at hinalikan din ang noo ko. “What’s the problem, baby? Bakit hindi ka na sumabay sa akin kanina?” tanong niya.
Huminga akong muli nang malalim habang nakatitig pa rin ako sa mga mata niya. “Rufo, kailangan na nating mag-ingat.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa sinabi ko. “Mag-ingat?” tanong niya.
Tumango naman ako. “Simula bukas, hindi mo na ako kailangan sunduin sa bahay at hindi na natin kailangang sabay na umalis sa school.”
“And why not, baby?”
“Si Lindsy, nakita niya tayong magkasama kanina sa parking.”
“What?”
“Mabuti na lang at narinig ko ang pag-uusap nila ni Arisa kanina sa banyo. Kasi kung hindi... I’m sure kanina ay makikita tayong muli ni Lindsy at sigurado din akong kukunan niya tayo ng picture para sa evidence na ibibigay raw nila sa faculty. Rufo... I’m worried that they might actually find out that we’re in a relationship. Nag-aalala ako dahil pareho tayong magkakaroon ng problema.”
Bumuntong-hininga rin siya at inakbayan ako. Kinabig niya ako palapit sa kaniya. Ipinilig ko naman sa balikat niya ang ulo ko at tumingala ako sa kaniya. Mataman ko siyang tinitigan.
“Don’t worry, baby. Let’s be careful next time. Hindi ko maaaring ilagay sa alanganin ang pag-aaral mo. It’s okay with me if I’m the only one who gets in trouble when the faculty finds out that we’re in a relationship. I can resign from my job. But you... you can’t be expelled from your studies because it’s your last year now and you’re about to graduate.” Aniya at masuyong hinaplos ang pisngi ko pagkuwa’y kinintalan niya ng halik ang nakaawang kong mga labi.
Oh, this is the first time he kissed me like that. Paborito niya akong halikan nang mariin. Pero ngayon... smack lang ’yon pero damang-dama ko pa rin ang pagmamahal niya para sa akin.
Ngumiti ako sa ’yo. “I love you.”
Ngumiti rin siya sa akin. “I love you too, baby.” At muli niya akong hinagkan. Sa pagkakataong ito, mariing halik na ang iginawad niya sa akin at hinawakan na niya ang leeg ko.
Buong puso ko namang tinugon ang halik niyang iyon. Ilang segundong magkahinang ang mga labi namin bago niya ako pinakawalan.
“Do you want to come with me?”
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. “Huh? Saan?”
“Tomorrow is Saturday. And Monday and Tuesday, we don’t have class because it’s a holiday. So, I thought we should go on vacation.”
Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. “Short vacation?”
“Mmm.” Aniya at inipit niya sa likod ng tainga ko ang hibla ng aking buhok. Hinalikan niya rin ang pisngi at leeg ko.
“Tayo lang dalawa?”
“If you want, baby.”
“Mmm, puwede ba nating isama sina Gabby at Cathy?”
Huminto naman siya sa paghalik-halik sa leeg ko at tumitig siya sa akin. “Better idea. Isasama ko na rin si Ciri para magka-bonding kayo and so Gabby and Cathy get to know her.”
Mas lalong sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. “Better idea nga, babe,” sabi ko. “Puwede bang isama ko na rin si Millie.”
“Sure you can, baby.”
“Thank you, babe. I’m excited.” Ipinulupot ko sa leeg niya ang mga braso ko at ako na mismo ang kusang humalik sa mga labi niya na kaagad niya rin naman tinugon.
“MADAM, IPINAPATAWAG n’yo raw po ako!” anang lalaki na kapapasok lamang sa main door ng mansion ni Elena.
Nakaupo ang ginang sa mahabang sofa habang may hawak-hawak itong magazine. Pero nang makita nito ang lalaki ay kaagad nitong itiniklop ang magazine at inilapag iyon sa glass center table.
“Have a sit!”
Umupo naman ang lalaki. “May trabaho po ba kayong ipapagawa sa akin?”
“Mayroon.” Anito at lumipad pa sa ere ang isang kilay nito.“Kaya ipinatawag kita rito para makausap kita at may ipapagawa ako sa ’yong trabaho.”
Ngumiti naman ang lalaki. “Matagal na po akong naghihintay na ipatawag ninyo ako, madam.”
Kumilos sa puwesto nito si Elena at dinampot ang brown envelope na nasa center table at iniabot iyon sa lalaki. Kaagad naman iyong binuksan ng lalaki at tiningnan ang laman niyon.
“She’s Solana Marinduque. Girlfriend ni Rufo. Gusto kong imbistigahan mo ang babaeng ’yan. At lahat ng mahalagang impormasyon ay ibigay mo sa akin.”
“Iyong lang po ba, madam?”
“I need the result as soon as posible. Babayaran kita ng malaki basta gawin mo nang mabilis ang trabaho mo.”
“Don’t worry po, madam. Ibibigay ko po agad sa inyo ang resultang kailangan ninyo.”
Bumuntong-hininga si Elena saka dinampot naman nito ang wine glass at dinala sa bibig nito.
“Mauuna na po ako, madam.”
“Sure.”
Kaagad na tumayo sa puwesto nito ang lalaki at muling lumabas ng mansion.
“Lola!”
Napalingon naman si Elena sa apo nito nang magsalita si Ciri sa itaas ng hagdan. “Yes, sweetheart?”
“What are you doing, lola?” tanong pa ni Ciri nang tuluyan na itong makababa sa hagdan at makalapit sa abuela.
Ngumiti naman si Elena. “Nothing. I’m just... celebrating.”
Nangunot ang noo ni Ciri. “Celebrating for what?”
Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Elena. “Nothing, hija.” Anito. “Where are you going by the way?” nang mapansin nito ang hitsura ng apo.
“Um, dad called me. Magkikita po kami ngayon. So, hindi po ako mag-d-dinner dito, lola.”
“Alright, hija. Take care.”
Lumapit muna si Ciri sa abuela at humalik sa pisngi nito. “Bye, lola!”
“Bye, sweetheart.”