“SO, okay na po pala kayo ulit ni Kuya Rufo, ate?”
Napatingin ako kay Gabby nang magtanong ito sa akin. Nasa hapag na kami at kumakain ng lunch. It’s Sunday and we both have no school, so I decided to have a movie marathon later. Iyon ang bonding namin ngayong araw. Medyo naging busy kasi ako nitong mga nakaraang weekends kaya hindi na kami nakakapag-bonding ng mga kapatid ko.
Ngumiti ako kay Gabby at tumango. “Oo, Gab. Okay na ulit na kami.”
“E, paano po ’yong bruha niyang mommy, Ate Solana?” tanong din sa akin ni Cathy.
Binitawan ko naman ang kubyertos na hawak ko saka ko dinampot ang baso ng tubig ko para uminom saglit. Huminga ako nang banayad at saglit na tiningnan ang mga kapatid ko. “Mahal ko si Rufo mga kapatid ko,” sabi ko. “Ipinagtanggol na rin niya ako sa mommy niya nang puntahan ko siya sa ospital. So... tingin ko naman ay ipagtatanggol niya ulit ako sa susunod kung sakali.”
“Paano kung hindi, ate?”
Saglit akong natahimik at napaisip sa naging tanong ulit ni Gabby. Paano kung hindi? I doubt it. Simula nang mag-usap kaming dalawa tungkol sa nararamdaman ng mga puso namin para sa isa’t isa... I can feel in my heart how much Rufo loves me. And I doubt he will let his mommy hurt me or say bad things to me again. Hindi niya man diretsong sinabi sa akin na ipagtatanggol niya ulit ako sa mommy niya, but he gave me an assurance. At panghahawakan ko iyon.
“Ate Gab, hayaan na lang po natin si Ate Solana at Kuya Rufo. E, kung mahal naman po nila ang isa’t isa at masaya sila. Support na lang natin silang dalawa. Lalo na si Ate Solana. Simula nang makilala niya si Kuya Rufo, naging masaya na siya lagi. Hindi mo ba napansin ’yon ate?” tanong ni Cathy kay Gabby.
Bumuntong-hininga rin si Gab at binalingan ako ulit ng tingin. Mayamaya ay ngumiti ito sa akin. “Basta... kung magkaroon man po ng problema ate dahil sa nanay ni Kuya Rufo, sabihin mo po agad sa akin at ipagtatanggol kita sa matapobreng ’yon.”
Napangiti akong muli. “Salamat, Gabby.”
“I love you.”
“I love you rin po, Ate Solana.”
“Awww! Huwag n’yo naman akong paiyakin ngayon.” Bigla akong tumawa at sinupil ang sarili ko nang basta na lang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Haynako naman! Nasa hapag kami ngayon tapos iiyak pa ako.
“Iiyak na ’yan si ate!” panunudyo sa akin ni Cathy.
Nagkatawanan na lamang kaming tatlo.
Oh! Sa ilang taon na kami na lamang tatlo ang magkasama, I didn’t really think that I could do everything just to support my siblings, as well as myself. What I thought at first was that I could only do it at the beginning. But over the years, I became more persistent and strong for my siblings. Lalo na ngayong nariyan na rin si Rufo na nangako sa akin na nasa tabi ko lang siya lagi para damayan ako at i-cheer up sa lahat ng hamon at problemang dumating sa buhay ko.
Habang nasa gitna ng masayang kwentohan habang kumakain kami, nakarinig kami ng katok mula sa gate.
“Wait lang. Ako na ang lalabas,” sabi ko at kaagad na tumayo sa kabisera at lumabas sa kusina upang lumabas papunta sa gate. Kaagad ko naman iyong binuksan upang tingnan kung sino ang kumakatok sa labas. At ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ko nang bumungad sa akin ang isang lalaki na nakatayo sa labas ng gate.
“Russel?” sambit ko. I suddenly felt nervousness in my heart because of his serious face while staring at me. Hindi ko rin napigilan ang mapalunok.
“How are you, Solana?” pati ang boses nito ay seryoso rin. Pagkatapos ay humakbang ito papasok.
Kaagad naman akong napaatras. “A-ano... ano ang ginagawa mo rito, Russel?” tanong ko.
Tiim-bagang na bumuntong-hininga naman ito dahil sa naging tanong ko at pagkuwa’y hinimas nito ang baba. “Sa tuwing pupunta ako rito sa inyo, laging ’yan ang bungad na tanong mo sa akin, Solana.” Saad nito. “E alam mo naman kung ano ang dahilan ng pagpunta ko rito, hindi ba?” tanong nito at muling bumuga nang malalim na paghinga. “Because I want to see you, Solana.”
Muli akong napalunok at ang kaba sa dibdib ko ay mas lalo pang lumakas. Napaatras akong muli nang humakbang na naman ito palapit sa akin. “R-russel. S-sinabi ko na sa ’yo na—”
“And I already told you, Solana, I don’t take no for an answer,” wika nito dahilan upang maputol ang sasabihin ko. “Si General Acosta lang ang kaagaw ko sa ’yo dati. Pero ngayon... may Rufo pa. Tsk. Solana, I told you... no one can own you but me.” Pagkasabi niyon ay bigla nitong inisang hakbang ang natitirang espasyo sa pagitan namin at hinablot ang isang kamay ko kaya bigla akong napasigaw at natakot.
“R-russel, please!” nanginig ang boses at katawan ko dahil sa labis na takot ko rito.
“Please what, Solana?” tanong nito. “Matagal na akong nagtitimpi sa ’yo alam mo ’yon.”
Ramdam ko ang sakit sa palapulsuhan ko dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa akin. Napangiwi ako. “A-aray! Please, let me go, Russel.”
But instead of doing as I said, he tightened his grip on my hand at itinulak ako hanggang sa bumunggo ang likod ko sa malamig na pader ng bahay namin. Mas lalo akong nakadama ng takot no’ng mahigpit din nitong hinawakan ang baba ko at tila nanggigigil na hinawakan ako roon.
“O-ouch, Russel!” impit na daing ko kasabay niyon ang pag-iinit ng mga mata ko.
Inilapit nito ang mukha sa mukha ko na halos magdikit na ang mga labi namin. Sinuyod nito ng tingin ang buong mukha ko at mas lalo pa akong itinulak sa pader at idiniin nito ang katawan sa akin.
“How much do you want, Solana? Magkano ba ang ibinayad sa ’yo ng Rufo na ’yon at hindi mo siya tinanggihan?” tanong nito.
Pinilit kong itulak ito sa dibdib, ngunit hindi ko naman iyon magawa. Sa halip ay mas lalo pa nitong idiniin ang katawan sa akin. Ang kamay kong hawak nito at dinala sa itaas ng ulo ko at humigpit din ang pagkakahawak nito sa baba ko.
Hindi ko na napigilan ang mapaluha dahil sa sakit ng baba at mukha ko.
“Akala mo siguro hindi ko malalaman na binayaran ka ng Rufo na ’yon?” anito.
“P-please... Russel.”
“Huwag kang magmakaawa, Solana. Dahil hindi ko rin pakikinggan ’yan,” sabi nito. “Ang gusto kong gawin mo... hiwalayan mo ang Rufo na ’yon. Dahil kung hindi mo gagawin ’yon, mananagot siya sa akin pati na ang mga kapatid mo.”
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.
“Naiintindihan mo ba ako, Solana?” mariing tanong nito at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa mga mata at mga labi ko. “Naiintindihan mo ba ako? Sumagot ka.” Galit na saad pa nito.
Pero hindi ako nag-abalang sagutin ang mga sinabi nito. Oh, God! Wala akong balak na sundin ang mga sinabi nito. Hindi ako makikipaghiwalay kay Rufo dahil lamang iyon ang gusto nitong mangyari.
“Punyeta!” pagmumura nito at marahas na hinalikan ang mga labi ko.
Dahil sa takot at gulat ko, mabilis at mariin kong itinikom ang mga labi ko at nagpumiglas ako. Nanulak sa katawan nito ang isang kamay ko na hindi nito hawak. At mayamaya, malakas ko itong tinuhod sa gitna ng mga hita nito kaya nabitawan ako nito.
“f**k!” daing nito at bigla akong sinampal nang malakas.
Halos sumubsob pa ako sa pader. Pero mabuti na lamang at naidiin ko roon ang isang kamay ko.
“Punyeta kang babae ka—”
“Russ!”
Hindi nito natuloy ang akmang pagsampal ulit sa akin nang may lalaking pumasok sa gate at tinawag si Russel.
“Tumawag na si boss. Kailangan na nating umalis.”
Tiim-bagang at matalim na titig ang ipinukol sa akin ni Russel. “Hindi pa tayo tapos, Solana.” Anito at dinuro ako bago ito tumalikod at lumabas na sa gate.
Nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa takot. Ang luha sa mga mata ko ay tumutulo pa rin. Ang sakit sa baba at mukha ko dahil sa panggigigil nito kanina ay ramdam ko pa rin. At nang makaramdam ako ng kirot sa gilid ng labi ko, kinapa ko iyon. Doon ko nakita na may dugo pala ako roon.
I let out a deep sigh as I was still leaning against the wall. My knees are still weak.
My God! Ano po ba ang puwede kong gawin para tantanan ako ni Russel? I don’t want Rufo’s life to be in danger, especially my siblings. Ang akala ko... ngayong okay na kami ni Rufo pati ni Ciri, akala ko ang mommy na lang niya ang kailangan kong problemahin. Nawala sa isip ko na nandito pa pala si Russel at General Acosta.
Even though my body was still shaking, I forced myself to walk into the house after closing the gate. And instead of going back to the kitchen, I immediately went to my room. Ayokong makita nina Cath at Gabby ang sugat sa gilid ng labi ko at ang mga luha ko. Sa kwarto ko ako tahimik na umiyak ulit. Kung hindi pa ako nakarinig ng katok mula sa labas ng pinto... hindi pa ako babangon.
“Ate?” kunot ang noo na tanong sa akin ni Cath nang makita nito ang hitsura ko. “Ano po ang nangyari sa ’yo? Bakit ka po umiiyak?” tanong nito. “Akala ko po umalis ka kasi hindi ka na po bumalik sa kusina.”
Saglit akong tumikhim upang tanggalin ang bara sa lalamunan ko. “Um, sumakit kasi bigla ang ulo ko kaya umakyat na ako rito, Cath.” Pagdadahilan ko.
“Gusto mo po ba ng gamot ate? Ikukuha po kita.”
“Hindi na, Cath. Salamat.”
“Sigurado ka po, ate?”
Pinilit kong ngumiti. “Thank you,” sabi ko. “Kayo na lang muna ni Ate Gabby mo ang manuod. Magpapahinga na muna ako.”
“Sige po, ate! Magpahinga ka na po muna.” Anito at kaagad na tumalikod.
Nang maisarado ko ulit ang pinto, kaagad akong bumalik sa kama ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan at nakatulog na ako.
AS SOON as I got into Rufo’s car, he immediately coped my face and was about to kiss me, pero mabilis siyang natigilan at kaagad na nagsalubong ang mga kilay at napatitig sa akin.
“What happened to you, baby?” nag-aalalang tanong niya nang makita niya ang maliit na sugat at pasa sa gilid ng labi ko.
“Um,” bahagya akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Pero dahil nakakulong pa rin sa mga palad niya ang mukha ko, muli niya akong pinatingin sa kaniya.
“Solana!” aniya na seryoso na ang boses at mukha niya nang magtagpo ang mga mata namin. “What happened to you? Who did this?” tanong niya ulit.
“Uh, w-wala. Ano lang... naglilinis kasi kami kahapon nina Cath at Gabby. E, nahulugan kasi ng box. Tumama sa gilid ng labi ko kaya... ayan. Nasugatan ako at nagkapasa.” Pagdadahilan ko. Oh, God! I know it’s a lame excuses, pero sana lang ay maniwala siya. Ayoko kasing sabihin sa kaniya ang nangyari kahapon, ang ginawa sa akin ni Russel.
Even though I was nervous that he might notice that I was lying, I forced myself to meet his gaze and smiled at him. Mabilis akong dumukwang upang halikan siya sa mga labi niya. Smack lang naman ’yon. “Don’t worry, okay? Maliit lang naman ito na sugat, babe.”
Mas lalong naging seryoso ang mukha niya at halos mag-isang linya na ang mga kilay niya. Tiim-bagang na bumuntong-hininga pa siya.
“Are you sure?”
Ngumiti akong muli. “Mukha ba akong nagsisinungaling sa ’yo, babe?” sa halip ay balik na tanong ko sa kaniya.
“Yeah.”
Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ko at nakagat ko ang pang ilalim kong labi at itinuon ko sa dibdib niya ang paningin ko upang hindi niya ako matitigan sa mga mata ko.
“Solana, tell me the truth. What happened to you?” tanong niya ulit.
Humugot naman ako nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Nang muli akong tumingin sa kaniya... malungkot ang mukha ko. “Please... don’t ask me what happened, Rufo.” Malumanay na saad ko.
“What? Of course, I will ask you because I’m worried, Solana.” He said. “Look at yourself. You have a bruise on your face. Who did this to you?”
“Please—”
“Please tell me.” Inunahan niya ako. Mas lalong naging seryoso ang mukha at tingin niya sa akin.
Tinanggal ko ang mga kamay niya sa mukha ko at sumandal sa puwesto ko. Tumungo pa ako at nilaru-laro ang mga daliri ko sa ibabaw ng kandungan ko. Kinagat ko ulit ang ilalim na labi ko upang pigilan ang mga luha ko na nagbabanta na naman sa sulok ng mga mata ko.
“I’m waiting, Solana.”
“Ayoko.”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya nang malalim. I really don’t want to tell him who did this to me. Alam kong mas lalo siyang magagalit and I know the next thing he will ask me is where he can find Russel. Magkakagulo pa silang dalawa.
“Please... puwede bang umalis na tayo?” tanong ko sa kaniya nang balingan ko siya ng tingin mayamaya.
“We’re not leaving until you tell me who did that to you, Solana.” Tiim-bagang na saad niya at saglit na itinuon ang kaniyang paningin sa unahan ng kaniyang sasakyan.
“Rufo—”
“Please, tell me, Solana.” Galit na saad niya nang tumingin siya ulit sa akin. Kitang-kita ko ang pag-igting ng bagang niya. Alam kong pinipilit niya ang kaniyang sarili na huwag magalit nang husto sa akin ngayon. “You know I can’t stop myself from thinking who did this to you, so tell me,” he said. “You’re my girlfriend, Solana, so I can’t bear to see you like this at wala manlang akong gagawin para sa ’yo!”
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko kaya muli akong napayuko. “Si Russel,” humihikbi na sambit ko.
“Who?”
“Russel.”
“Who’s Russel?” tanong niya ulit.
Nilingon ko siya. Halos mag-isang linya na ang mga kilay niya habang nakatingin din sa akin.
“The man who was at your house last time?”
Marahan akong tumango. Nakita ko ang muling pag-igting ng panga niya maging ang mariing pagkuyom ng kamao niyang nasa ibabaw ng hita niya.
“And why did he do this to you?” galit na tanong niya ulit sa akin.
Saglit akong huminga ulit nang malalim. “Russel likes me,” sabi ko. “Matagal na niya akong pinupuntahan sa DC maging dito sa bahay. Ilang beses na niya akong hina-harash at pinagbabantaan. At kahapon... nandito ulit siya. Sinaktan niya ako at... sinabi niyang hiwalayan daw kita at kung hindi ko gagawin ’yon sasaktan ka niya at ang mga kapatid ko.” Lumuluhang pagtatapat ko sa kaniya. “A-ayoko naman na... saktan ka niya at sina Cathy at Gabby. Kilala ko si Russel. Masama siyang tao, Rufo.” Muli akong tumingin sa kaniya.
God! Kung nakamamatay lang ang talim ng titig niya ngayon... baka ako ang unang nalagutan ng hininga.
“Where can I find him?”
Oh, sabi ko na nga ba, e! Iyon ang isusunod niyang itatanong sa akin.
“Rufo, h-hayaan—”
“Where can I find him, Solana?” putol niya sa pagsasalita ko. “Hindi ko mapapalagpas itong ginawa niya sa ’yo.”
“Pero, ayokong mapahamak ka, Rufo.”
“I can protect myself, Solana.” Mariing saad niya. “But I can’t bear to see you like that. I couldn’t imagine myself hurting you like this, then that Russel... f**k him!” malutong pagmumura niya.
Muli akong napaluha dahil sa sinabi niya. Oh, God! Thank you po at ibinigay ninyo si Rufo sa akin. Thank you at minahal ako ng lalaking kagaya niya. Ang akala ko ay hindi ko na kailangan ng lalaking magtatanggol sa akin, pero sa ganitong sitwasyon ko ngayon... labis akong nagpapasalamat at nariyan siya para ipagtanggol ako.
Hinawakan niya ang batok ko at kinabig niya ako papunta sa kaniya. Kumilos ako sa puwesto ko at yumakap ako sa kaniya nang mahigpit.
“Enough crying, baby. I’m sorry if I get mad. But I’m not mad at you, okay?” masuyo niyang hinaplos ang likod ko upang patahanin sa pag-iyak. “Shhh! Enough crying.”
“Ayokong mapahamak ka, Rufo. So please... hayaan mo na lang si Russel.”
Hindi ko naman siya narinig na nagsalita. Sa halip ay hinalikan niya ang noo ko at mas lalo akong niyakap nang mahigpit.