KINABUKASAN, maaga akong nagising kaya nang makababa ako sa kusina ay kaagad akong nagluto ng almusal namin, pati na rin ng baon ng dalawa kong kapatid. At kagaya sa nakaraang araw, pinagkatuwaan na naman ako ng dalawa kong kapatid dahil sa maaga akong nagising.
“Nagtataka na talaga ako kay Ate Solana, Cat.” Anang Gabby habang palapit na ito sa mesa.
“Ako nga rin po, Ate Gabby. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Ate Solana kaya maaga na siyang nagigising ngayon.” Saad din naman ni Cat na may malapad na ngiti sa mga labi habang nakatingin sa akin.
Sumimangot ako habang may ngiti rin sa mga labi ko. “Nako, umupo na lang kayo riyan at kumain na,” sabi ko.
Napahagikhik naman ang dalawa.
“Ate, promoted ka ba sa trabaho mo kaya masaya ka at lagi ka ng umuuwi ng maaga rito at lagi ka na rin gumigising ng maaga?” tanong sa akin ni Gabby.
Napahinto naman ako saglit sa paglalagay ng juice sa baso at tinapunan ko ng tingin si Gabby. I’ve been working at Diamond Club for a year, but I never told my siblings what kind of work I was doing. All they know is that I work for Mama Lu. I didn’t tell them what kind of work I was doing, basta ang nasa isip ko na lang no’ng umpisa ay may trabaho na ako at hindi na ako mahihirapan at mamomroblema kung saan ako hahanap ng pera para may pangbili kami ng pagkain at pangtustos sa pag-aaral namin. At isa pa, I don’t want my siblings to be embarrassed if their classmates find out that their sister works in the club.
Ngumiti naman ako kay Gabby. “Mmm, sabihin na lang natin na parang ganoon na nga,” wika ko. “Hindi na ako ganoon ka-busy sa trabaho ko kaya maaga na akong nakakauwi rito sa gabi.” Pagdadahilan ko na lamang.
“Wow! Congrats po, ate.” Nakangiting saad sa akin ni Cat.
“Congrats, ate. E ’di dapat pala ay mag-celebrate tayo dahil promoted ka sa trabaho mo.”
“Well, I was thinking about that. Pero sa linggo na lang siguro kasi pare-pareho tayong walang pasok sa school that day. Kakain tayo sa labas.”
“Talaga po ate?” excited na tanong ni Cat. “Pero, baka po kulangin na naman tayo sa budget natin. Okay lang po kung dito na lang tayo sa bahay mag-celebrate.”
“Oo nga ate. Puwede namang magluto na lang tayo rito at—”
“Huwag kayong mag-alala sa gastos. May pera naman ako, e!” Sabi ko. “Sabihin na lang natin na may bonus akong natanggap kaya hindi magkukulang ang budget natin kahit ilang buwan pa.” Dagdag ko pa saka ako umupo sa kabisera para kumain na rin.
Nagkatinginan naman ang dalawa pagkuwa’y muling tumingin sa akin. Pareho ding ngumiti.
“So hindi na po tayo mangungutang kay Aling Nadya, ate?” tanong ni Cat.
Natawa naman ako bigla dahil sa tanong nito. “Hindi na,” sabi ko. “At tanungin mo na lang din pala si Aling Nadya kung magkano na ang utang natin sa tindahan niya para makapagbayad na tayo.”
“Opo, ate. Mamaya po pagkauwi ko.” Sagot nito.
“Oh, siya sige na at kumain na kayo riyan at para makaligo na rin kayo. Baka ma-late pa kayo sa pasok n’yo.” Saad ko.
Pagkatapos naming kumain ay naghugas na rin ako ng mga pinagkainan namin, pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto ko upang kunin ang mga labahin ko at isinalang iyon sa washing machine at muli akong pumanhik sa kwarto ko para maligo na. Saktong kalalabas ko lang sa banyo nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng gate namin. Ayoko na sanang labasin dahil hindi pa ako nakakapagbihis, pero dahil sunod-sunod naman ang katok ng taong nasa labas ay napilitan na rin akong lumabas ng silid ko at bumaba sa sala hanggang sa makalabas ako papunta na sa gate. Pagkabukas ko pa lamang n’on ay kaagad na bumungad sa akin si Rufo. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa. At nang ma-realize kong nakatapis pa rin ako ng tuwalya ay kaagad akong napahawak sa may dibdib ko.
“Um, a-ano ang ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko, walang sabi-sabi na pumasok siya sa gate at mabilis na isinarado iyon.
“What are you doing?” seryosong tanong niya sa akin.
“What?” balik na tanong ko rin sa kaniya.
“Lumalabas ka ng bahay na ganiyan lang ang suot?” tiim-bagang na tanong niya pa.
“For your information, wala akong balak na lumabas ngayon dito para pagbuksan ang gate dahil nga hindi pa ako nakabihis. Pero dahil sunod-sunod naman ang pagkatok mo sa labas na parang may sunog na nangyayari ay lumabas na rin ako. So it’s your fault, not mine.” Paninisi ko pa sa kaniya saka ako umirap.
He sighed and looked at me from head to toe again. At nang makaramdam ako ng pagkailang dahil sa kakaibang titig niya sa akin, I swallowed and glanced away from him. Tumalikod ako at naglakad na papasok sa bahay.
“Ano ba ang ginagawa mo rito?” tanong ko pa.
“Sinusundo ka.”
Muli akong napalingon sa kaniya. Tinitigan ko siya saglit. “I told you, hindi mo na ako kailangang sunduin dito kasi kaya ko namang mag-commute papasok sa school.”
He didn’t answer immediately. Instead, he looked around our entire living room when he entered. Wala sa sariling sinundan ko rin ang tinitingnan niya. Well, hindi naman makalat ang bahay namin, pero hindi rin naman ito kagaya sa pad niya na sobrang linis at naka-arranged talaga ang bawat gamit niya.
He walked closer to the sofa. And before he sat there, pinasadahan niya muna ang ibabaw niyon ng kaniyang daliri upang tingnan kung madumi ba iyon o ano!
Lihim akong napairap. Ang arte naman ng lalaking ito!
“Hindi madumi ’yan,” sabi ko.
Tumingi naman siya sa akin saka siya umupo roon. “I want coffee.”
Napatitig ako sa kaniya. “What?” tanong ko.
“I said I want coffee.”
Natawa ako ng pagak. “Nagpunta ka ba talaga rito para sunduin ako o para magkape lang?” sarkastikong tanong ko. “May kape naman sa pad mo bakit hindi ka muna nagkape bago ka umalis!” Saad ko pero tumalikod na rin at nagtungo sa kusina upang ipagtimpla siya.
Pagkabalik ko sa sala, may binabasa na siyang magazine na kinuha niya mula sa ilalim ng center table.
“Ito na po ang kape n’yo, sir.” Saad ko saka inilapag sa center table ang tasa ng kape niya. “Magbibihis lang ako,” wika ko pa at muling tumalikod sa kaniya at naglakad na papunta sa may hagdan upang pumanhik na. But when I turned to him again, I saw him looking at my legs. And when his face lifted and our eyes met, he smiled at me, then he winked. Napasimangot naman ako. Ang loko pala ng lalaking ito!
Mabilis namang bumalik sa seryoso ang hitsura niya at muling ibinalik ang kaniyang atensyon sa magazine na binabasa niya. Ako naman ay nagtuloy na rin sa pagpanhik ko.
Pagkapasok ko pa lang sa silid ko, kaagad na sumilay ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi ko nang maalala ko ang pagngiti at pagkindat niya sa akin.
“Ugh, Solana! At bakit ka napapangiti dahil lang sa kinindatan ka ng lalaking ’yon?” tanong ko sa sarili ko habang naglalakad na ako papunta sa vanity table ko. “Malakas na nga rin ata ang tama mo sa kaniya,” wika ko pa at nagsimula ng mag-ayos at pagkatapos ay mabilis na rin akong nagbihis.
Tumayo ako sa harap ng full-sized mirror at pinasadahan ng tingin ang sarili ko. Mabuti na lang talaga at nilabhan ni Gabby ang uniform ko kagabi kaya may naisuot akong uniform ngayon. Dahil kung hindi, ewan ko na lang talaga. Paano naman kasi, ang lokong lalaking ’yon sinira ang isang uniform ko. Dadalawa na nga lang iyon tapos sinira pa. Kailangan ko tuloy bumili ng bago mamaya.
When I was satisfied with my look, I took my bag that was on top of my bed and slung it over my shoulder. Naglakad na rin ako palabas ng kwarto ko at bumaba sa sala. My eyebrows quickly crossed when I came down to see him lying on the sofa with his eyes closed. His arms were crossed over his chest.
What? Natutulog ba siya?
I slowly walked closer to where he was. Dahil nakatihaya naman siya, I had the chance to stare at his handsome face. Oh, damn. He’s so handsome kahit nakapikit siya at natutulog. Perfect na perfect talaga para sa akin ang histura ng lalaking ito. Kung hindi nga lang dahil sa dahilan niya kung bakit niya sinabing gusto niya ako, sigurado akong magtatatalon ako sa tuwa because finally, a man like him liked someone like me. I mean, sino ba naman ako para magustohan ng isang Rufo Montague? I’m just a simple woman who works at the club at night and a student in the morning and a full-time single parent to my two little sisters. I know I am beautiful and sexy, pero alam ko rin na ’yong ganda ko ay average lang. Hindi kagaya sa ganda ng mga sikat na artistang local man o hollywood.
I let out a deep but gentle breath in the air as I slowly bent down so that I could stare at his face better. Napangiti pa ako.
Holy lordy!
Dahan-dahang umangat ang isang kamay ko papunta sa mukha niya para sana haplosin ang pisngi niya, but I was surprised when he suddenly opened his eyes and quickly grabbed my wrist. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig ako sa kaniya.
“What are you doing?” mahinang tanong niya habang seryosong nakatitig sa akin.
Napalunok naman ako ng aking laway at sunod-sunod na napakurap. “Um, u-uh,” I don’t know what to say to him. My heart was suddenly pounding so fast.
“Are you done?” tanong niya ulit.
Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya. Mayamaya, mula sa pagkakatitig niya sa mukha ko, bumaba ang kaniyang tingin sa may dibdib ko. And when I saw he was peeking inside my uniform, mabilis akong napatuwid ng tayo at binawi ang kamay ko mula sa kaniya. Muli akong napalunok at nahihiyang tumingin sa kaniya.
“I... I’m done. W-we can go.” Saad ko.
Kumilos naman siya sa kaniyang puwesto. Umupo siya sa sofa at pagkuwa’y tumayo na rin. “Why are you staring at me, Ms. Marinduque?” tanong niya habang nakatayo siya sa harapan ko.
“N-no I’m not.” Pagtanggi ko.
Oh, seriously, Solana? Nahuli ka na nga nagde-deny ka pa!
I couldn’t meet his eyes. Pero nang maramdaman kong lumusot sa may baywang ko ang isang braso niya, mabilis akong napatitig sa kaniya. Kinabig niya ako papunta sa kaniya. At kung hindi pa nakaatras ang mukha ko, malamang na biglang naglapat ang mga labi namin.
“Nagaguwapohan ka ba sa akin?”
Mataman akong napatitig sa magandang mga mata niya, at ganoon na rin sa mga labi niya. “Y-yeah,” wala sa sariling sabi ko.
Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya. “Really?”
“I mean, h-hindi lang naman ako—”
“I asked you.” Aniya.
“O-of course.” Sagot ko ulit at wala sa sariling napakagat sa pang-ilalim kong labi nang muli akong mapatitig sa mga labi niya. Damn, parang feeling ko inaaakit ako ng kaniyang mga labi. Parang gusto ko siyang halikan.
Ugh, Solana! Seriously? Pati ikaw ay naadik na rin sa halik ng lalaking ito?
“W—”
I didn’t let him finish what he had to say, mabilis akong tumingkayad at kinabig ang batok niya at basta ko na lang siya sinunggaban ng halik na kaagad din naman niyang tinugon. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng braso niya sa baywang ko kaya mas lalo pa kaming nagkadikit sa isa’t isa. I moaned softly when he gently bit my lower lip. Ilang segundo pa ay ako na rin ang kusang bumitaw sa halik na pinagsaluhan namin. Habol ko ang aking paghinga habang sinasalubong ko ang mga mata niya.
“That was... scandalous kiss, Ms. Marinduque.” Aniya at ngumiti.
Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti at kinagat uli ang pang-ilalim kong labi. “Is it?” tanong ko
“Am I your first kiss?” sa halip ay balik na tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin. “Um, n-no.” Sagot ko. “I had a boyfriend before.”
“So, he taught you how to kiss?”
“No.” Sagot ko ulit. Muli ko siyang tiningnan. “I mean, he was my first kiss but hindi siya ang nagturo sa akin kung paano ba ang humalik.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “So who taught you then?”
“You.” Sagot ko at mabilis na tumalikod sa kaniya.
“Me?”
Nang lingunin ko siya, magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya. “Come on. Baka ma-late tayo sa klase.” Sa halip ay saad ko sa kaniya.
Sumunod naman siya sa akin. “Why me?”
“Do I really need to answer your question, Mr. Montague?”
“Of course.”
Huminto ako nang pareho na kaming nasa labas ng bahay. Hinarap ko siya. Ngumiti ako ulit sa kaniya. “Well, we have to go now. So, let’s talk about that next time, Mr. Montague.” Kinindatan ko rin.
Sumilay muli ang ngiti sa mga labi niya saka niya kinuha ang kamay ko. “Parang gumaganti ka sa akin ngayon, Ms. Marinduque.”
“Wala tayo sa classroom ngayon, so,”
“Silly girl.” Saad na lamang niya saka kami magkaagapay na naglakad palabas ng gate nang maisarado niya ang pinto ng bahay namin.