CHAPTER 15

2274 Words
KAGAYA kahapon, nang makarating kami sa parking lot, nauna ako sa kaniya na bumaba sa kaniyang kotse at nagmamadaling lumabas sa parking, hanggang sa makarating ako sa hallway. Hindi naman na niya ako pinansin nang maabutan niya ako roon at nagtuloy-tuloy na siya ng lakad. I was just behind him and watching his every step. My God! Pati ang paglalakad niya ay napaka-sexy ng dating. He really is like a Greek God who came down to earth to walk around the whole campus. At ang mga estudyanteng nasa gilid ng hallway ay nakangiting sinusundan din siya ng tingin. Hari nga talaga siya, dahil lahat ng tao sa paligid ay tumahimik bigla at napahinto nang dumaan na siya. Lihim na lamang akong napangiti. Ang swerte ko pala talaga dahil ilang beses ko ng nakasama ang lalaking ito, ilang beses na niya akong nahalikan. At higit sa lahat... oh no, no. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo upang alisin sa utak ko ang nangyari sa amin no’ng isang araw sa pad niya. Kagat ang pang-ilalim na labi’y napangiti akong muli. Hanggang sa makarating na kami sa classroom, ay nakasunod lang ako sa kaniya. “Bes, late ka!” saad sa akin ni Millie nang makaupo na ako sa puwesto ko. “One minute lang naman,” sabi ko. “Mabuti at kararating lang din ni sir.” “Ganoon ba?” nakangiting tanong ko rito at pasimple akong tumingin sa unahan. Nakita ko naman siyang seryoso na ang mukha niya. “Oo,” sabi ni Millie. “My God, bes! Kahit seryoso na naman ang mukha ni Mr. Montague, kumpleto na naman ang araw ko dahil nasilayan ko na naman ang gwapo niyang mukha.” Bulong na saad nito sa akin. Kunot ang noo na tiningnan ko muna ito saka inirapan. Bumuntong-hininga pa ako. “Umagang-umaga ganiyan na naman ang mga iniisip mo, Millie.” Kunwari ay saad ko saka ako umayos sa puwesto ko. “Inggit ka lang ata kasi hindi mo type si sir,” bulong na wika nito sa likod ng ulo ko. “Ewan ko ba kung malinaw pa ba o malabo na ang mga mata mo kaya hindi mo makitang sobrang guwapo ni Mr. Montague.” Muli akong napangiti ng lihim dahil sa sinabi nito. Oh, Millie! Kung alam mo lang. Nang magsimula na si Rufo na mag-discus sa topic namin na naputol kahapon, itinuon ko na sa kaniya ang buong atensyon ko. Pero hindi kagaya kahapon na nakatitig lang ako sa kaniya at hindi iniintindi ang mga sinasabi niya, ngayon ay one hundred percent sure akong naiintindihan ko na ang mga sinasabi niya. Feeling ko nga, lahat ng mga salitang binabanggit niya ay awtomatik na tumatatak sa isipan ko. At isa pa, I also did advanced study last night when I got home. Ayoko ng mapahiya sa kaniya kung sakaling tawagin niya na naman ang apelyido ko at ipa-ulit ang mga sinabi niya. At hindi nga ako nagkamali, dahil sa halos buong discussion niya, ako ang laging tinatawag niya para pasagutin. But I’m ready. Ano ang akala niya sa akin? Nang matapos na ang isa’t kalahating oras namin sa subject niya, kaagad siyang lumabas sa classroom namin dahil may meeting pa raw siya kasama ng ibang faculty. “Wow! Mukhang nag-advance study ka bes, a!” saad sa akin ni Millie nang palabas na kami sa room. Ngumiti naman ako. “Of course. Ayoko ng mapahiya kay Mr. Montague kagaya kahapon.” Saad ko. “O baka naman nagpapa-impress ka lang kay Mr. Montague, Solana?” Sabay kaming napalingon ni Millie kay Arisa na nasa likuran na pala namin at nakasunod. Nakataas pa ang isang kilay nito habang nakatitig sa akin ng seryoso. “What?” kunot ang noo na tanong ko. “You heard what I said, Solana.” Anito. “At halatang-hala sa hitsura mo kanina na nakikipag-flirt ka kay Mr. Montague. The way you talked to him. The way you smiled at him—” “Hello, of course ganoon makikipag-usap si Solana kay Mr. Montague kasi tinatanong siya. Ano ang gusto mong gawin ni Solana, maging rude kay Mr. Montague?” Mabilis namang depensa ni Millie. “Oh, so ganoon na pala ang way ng pagsagot ngayon sa professor, Millie? Way of flirting?” anang Arisa at ngumisi pa ng mapakla. “God! Palibhasa, pareho kayong dalawa na nag-iilusyong mapapansin ni Mr. Montague.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito. “Baka sarili mo ang tinutukoy mong nakikipag-flirt at nag-iilusyong mapapansin ka ni Mr. Montague, Arisa!” Saad ko. “Hindi ba’t unang araw pa nga lang ni Mr. Montague sa klase natin ay ka-flirt-an agad ang ipinakita mo sa kaniya?” tanong ko pa. “Hindi kami nag-iilusyon sa kaniya. Baka ikaw ang nag-iilusyon kay Mr. Montague kasi iyon naman ang gawain mo kapag may guwapong lalaki, hindi ba, Arisa?” “True ka riyan, bes!” Pagsang-ayon ni Millie sa sinabi ko. “Akala niya ata maganda siya. Duh! Maputi ka lang Arisa, but you’re not pretty in case na hindi pa sinasabi sa ’yo niyang dalawang alipores mo ang totoo.” Tinaasan pa ito ni Millie ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa, at pabalik pa. “Pero magaspang ang ugali mo.” Dagdag pa nito. Napasinghap naman ito at biglang nagsalubong ang mga kilay. Masamang titig nito ang ipinagpalipat-lipat sa amin ni Millie. “How dare you to say such words, Millie?” “I’m just being honest with you, Arisa. Just be thankful kasi naging concern citizen ako sa ’yo kaysa riyan sa two so-called best friends mo.” Nag-react din ang dalawa nitong kaibigan. “Hey, shut up, Millie!” anang isang babae. “Ikaw ang manahimik dahil extra ka lang naman dito.” Anang Millie. “Halika na nga, bes. Baka tuluyan pang masira ang araw natin.” Hinawakan pa ako nito sa kamay ko at hinila na palayo sa tatlo. “Nakakairita talaga ang babaeng ’yon.” Buntong-hiningang napailing na lamang ako. “Hayaan mo na ’yon. Hindi ka na nasanay sa ugali ni Arisa. Simula first year college tayo ganoon na talaga siya. Palibhasa’y anak ng mayor kaya nagmamaganda.” Sabay pa kaming napairap ni Millie hanggang sa makapasok kami sa second subject namin. NAGLALAKAD na kami ni Millie sa hallway at palabas na sana sa campus dahil tapos na ang klase namin ngayong araw nang makatanggap naman ako ng text message. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag ko upang tingnan iyon. Galing sa unknown number ang message. Hindi ko na sana iyon papansinin pero muling may dumating na message kaya binuksan ko na iyon. Is your class done? I’ll wait for you in my car. Don’t take too long. Kaagad ko namang nalaman kung kanino galing iyon. “Um, bes, puwedeng mauna ka na lang pauwi?” saad ko nang tapunan ko ito ng tingin. Nangunot naman ang noo nito. “Huh? Bakit? Saan ka pa pupunta?” tanong nito. “Um, ano...” ano ba ang idadahilan ko rito? “Uh, k-kailangan ko pang magpunta sa library. Nag-text kasi sa akin si Gabby, may pinapa-research lang sa akin about sa project niya. Wala raw kasing connection sa bahay, e!” Pagdadahilan ko na lamang. “E ’di samahan na kita.” “Huh? Ah, h-huwag na. Hindi na. Ako na lang,” tarantang sabi ko. “Kaya ko naman, e! At hindi rin naman ako magtatagal—” “Hihintayin na lang kita kung hindi ka naman pala magtatagal.” “I mean, magtatagal pala ako.” Ngumiti pa ako rito. “Sige na. Mauna ka na lang umuwi.” Itinulak ko pa ito palayo sa akin. Tinitigan naman ako nito nang seryoso. “Solana—” “Sige na, bes. Libre na lang kita next week.” Saad ko. “Deal?” Ngumiti naman ito nang malapad. “Sabi mo ’yan, a!” “Oo nga. Sige na. Mauna ka na. Bye bes! Ingat ka.” Kumaway pa ako rito saka nagmamadali ng umatras. “Hoy, papunta ’yan sa parking. Nandoon ang way papunta sa library, o!” Tawag nito sa akin at itinuro pa ang kaliwang hallway na papunta nga sa library. Ngumiti ako ulit. “Ay oo nga. Sorry, nalito ako.” Pagdadahilan ko pa at biglang limuko. “Sige na. Umalis ka na.” Napailing na lamang ito saka tumalikod na at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ilang saglit ko pa itong tiningnan bago ako kumaripas nang takbo papunta sa parking lot. Hinihingal pa ako habang hinahanap ko ang sasakyan ni Rufo. At nang matanaw ko iyon sa bandang dulo, nagmamadali akong naglakad palapit doon. Hindi pa man ako nakakalapit nang tuluyan ay kaagad na bumukas ang pinto sa front seat. “Hope in.” Napangiti ako nang makita ko siya sa driver’s seat. Nagmamadali pa akong lumulan doon. “Why?” tanong ko agad sa kaniya. “What why?” balik na tanong niya rin sa akin. “I mean, bakit hinintay mo pa ako?” “Because I want to.” Sagot niya at mabilis na dumukwang palapit sa akin. Mabilis din naman akong ngumuso sa kaniya at handa ng salubungin ang mga labi niya, pero nadismaya ako nang nilagpasan ng mukha niya ang mukha ko at sa halip ay kinuha niya ang seatbelt sa gilid ko. Lumingon naman siya sa akin. “What?” kunot ang noo ngunit nakangiting tanong niya sa akin. Napapahiyang nag-iwas na lamang ako sa kaniya ng tingin. “N-nothing.” Oh, Solana! Ang assuming mo naman. Masiyado ka ng nawiwili sa halik niya kaya ang akala mo ay hahalikan ka niya ulit ngayon. Masiyado kang napaghahalataang adik na rin sa halik niya! Malinga-lingang batukan ko ang sarili ko ngayon. Napahiya ako roon, a! Narinig ko siyang tumawa ng pagak habang isinusuot na sa akin ang seatbelt ko. “Do you want me to kiss you?” tanong niya pagkatapos pero hindi pa rin siya lumalayo sa akin. Tiningnan ko siya. Oh, damn. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Naaamoy ko na naman ang mabango niyang perfume maging ang paghinga niya na tumatama sa ilong ko. Lihim akong napalunok nang mapatitig ako sa mapula niyang mga labi. “A, u-um.” I don’t know what to say kaya kinagat ko na lang ang pang-ilalim kong labi at bahagyang nag-iwas ng tingin sa kaniya. Pero mula sa gilid ng mata ko, nakita kong ngumiti siya ulit sa akin at walang sabi-sabing kinabig ang batok ko at sinunggaban niya ng halik ang mga labi ko. Napapikit akong bigla kasabay niyon ang pagsikdo ng aking puso. Ang isang kamay kong nakahawak sa bag ko na nasa kandungan ko ay napabitaw roon at biglang umangat papunta sa batok niya. Mariin kong tinugon ang mainit niyang mga halik sa akin. Pagkatapos ng ilang segundo ay siya mismo ang pumutol sa halik na pinagsaluhan namin na unti-unti ng lumalalim. Ngumiti siyang muli sa akin at saglit na tinitigan ako sa aking mga mata bago siya bumalik sa kaniyang puwesto. Hindi ko na rin napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. Nilingon ko rin siya. “Where do you want to eat dinner?” tanong niya habang binubuhay na niya ang makina ng kaniyang sasakyan. “Um, sa bahay.” Sagot ko. Lumingon naman siya sa akin. “Alright. Cook for me something delicious. I will have dinner at your house.” Napatitig akong muli sa naka-side view niyang mukha. “S-sa bahay ka kakain?” tanong ko ulit. “Yeah.” Sagot niya. “Why, hindi ba puwede?” “H-hindi naman sa ganoon. Nagulat lang ako. I mean... o-okay sige.” Sa huli ay saad ko na lamang din at ngumiti sa kaniya nang lumingon din siya sa akin bago niya pinaandar na ang kaniyang kotse. Sasama siya sa bahay ngayon? E, nandoon na sa bahay ngayon ang dalawa kong kapatid. Sigurado akong magtatanong sila kung sino ang kasama ko at kung bakit sa bahay kakain si Rufo. Ano na lamang ang isasagot ko? Hindi ko naman puwedeng sabihin na boyfriend ko siya kasi hindi naman talaga. At mas lalong hindi ko rin puwedeng sabihin kung ano ang namamagitan sa aming dalawa kaya magkasama kami ngayon. Lihim na lamang akong napabuntong-hininga at itinapon na sa labas ng bintana ang paningin ko. Bahala na nga mamaya kung ano ang mangyayari pagdating namin sa bahay. Naging tahimik lamang ang buong biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay. Alas kwatro pa naman ng hapon kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ng lalaking ito mamaya. Baka mabagot lang siya sa bahay namin at magpasya na lang na umuwi sa pad niya. Nang makababa siya sa driver’s seat at hindi ko na hinintay na pagbuksan niya rin ako ng pinto. Kaagad din akong bumaba at nagmamadaling binuksan ang gate namin. Baka mamaya kasi ay may makakita pa sa amin na mga tsismosang kapit-bahay, mahirap na. Pagkapasok namin ay naririnig ko na ang boses ng dalawa kong kapatid na nasa sala at may kausap. Huminga akong muli saka humakbang na papasok sa pinto. Una kong nakita ay si Gabby na nakaupo sa sofa habang katabi naman nito ang isang lalaki. Nangunot pa ang aking noo nang magtama ang mga mata namin ng lalaking iyon. Mayamaya ay bigla itong tumayo at sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi. “Solana!” tawag nito sa pangalan ko kaya napatingin din sa akin ang dalawa kong kapatid. Pero nang pumasok din sa pinto si Rufo, habang nasa likod ko siya, ipinagpalipat-lipat ng tatlo ang tingin sa aming dalawa. “R-ross. What are you doing here?” tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD