CHAPTER 29

3654 Words
BUMUNTONG-HININGA ako ulit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginagawa iyon simula pa kanina. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko. I mean, simula pa kagabi ay hindi na ako mapakali at hindi matahimik ang isipan ko. Rufo and I could not talk last night, just like what he wanted because he received a call from his mom. Gusto raw siya nitong makausap kaya kailangan niyang umuwi sa kanila. Pero bago naman siya umuwi sa kanila ay inihatid niya muna ako sa bahay namin. Pareho lang kaming tahimik habang nasa biyahe. I really wanted to talk to him last night habang nasa biyahe pa kami. Pero hindi ko na ginawa dahil alam kong hindi kami makakapag-usap nang maayos at hindi ko makukuha ang explanation na gusto niyang sabihin sa akin. At simula kagabi, hindi na nawala sa isipan ko ang sinabi niyang anak niya ang Ciri na ’yon. God! May anak na siyang kasing edad ko? Well, kung sabagay... he’s forty-one. Hindi na nakapagtataka iyon. Puwedeng nasa early or late 20’s pa lang siya no’ng magkaroon siya ng anak. At isa pa, nabanggit niya na rin sa akin dati na may nakarelasyon na siya noon na tumagal ng ten years. Baka iyon ang asawa niya at nanay ni Ciri? Ah, ewan! Ang dami na namang katanungan sa isipan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang uunahing kong isipin kasi lahat naman ay wala akong makuhang sagot. Only Rufo can answer my questions. “Bes, are you okay?” tanong sa akin ni Millie nang lumapit ito sa puwesto ko. Nasa library kami ngayon. Vacant kasi namin at pareho kaming busog pa kaya hindi na kami tumambay sa canteen. Muli akong bumuntong-hininga saka itiniklop ko ang librong kanina ko pa hawak-hawak at tinititigan pero hindi ko naman binabasa. Sumasakit lang lalo ang ulo ko habang tinititigan ko ang maliliit na mga letra doon. “May problema ka ba?” tanong ulit sa akin ni Millie. Malungkot na tumitig ako rito. Gusto ko sanang sabihin kay Millie ang totoo, but I decided na huwag na muna. Personal life kasi ’yon ni Rufo at wala akong karapatan na pangunahan siyang sabihin sa ibang tao ang tungkol doon. I mean, bukod sa akin dito sa school, wala na sigurong may nakakaalam tungkol sa pagkakaroon niya ng anak! “I’m fine,” sagot ko. “Sigurado ka?” tanong nito ulit. “Kanina ka pa kasi tahimik at mukhang ang lalim ng iniisip mo.” “Mababa lang ang energy ko ngayon kasi hindi ako nakatulog nang maayos kagabi,” sabi ko. “Bakit?” Ang mahirap kasi talaga kay Millie kung minsan, ang daming tanong. Hindi ka titigilan hanggat hindi ka nagsasabi rito ng problema mo. Muli akong nagpakawala nang buntong-hininga. “Iniisip ko kasi si Gabby,” sabi ko na lamang. “Parati kasing wala sa bahay. Ang laging dahilan ay nasa bahay ng kaibigan niyang si Danica. E, hindi naman siya ganoon dati.” “Baka may jowa na rin?” patanong na sagot nito. Saglit naman akong natigilan at napaisip. “Malabo, Millie,” sabi ko at umiling pa. “Kasi, nangako sa akin si Gabby na hindi na muna siya magbo-boyfriend hanggat hindi pa siya nakakapagtapos. Hindi niya puwedeng baliin ang pangako niya sa akin dahil lahat naman ay ginagawa ko para sa kanila ni Cat.” Saad ko pa. “E, baka naman busy lang sa mga school projects... ganoon! Alam mo naman ang college students ’di ba? Marami talagang projects, thesis, ganoon! Kagaya sa atin.” Sabagay! Tumango-tango na lamang ako sa mga sinabi ni Millie. Pagkatapos ng vacant namin, nagtungo na kami sa next subject namin. Kagaya kaninang umaga, naging tahimik na naman ako sa buong oras ng klase namin. Laman na naman ng isipan ko si Rufo. Hanggang sa natapos na lamang ang klase namin sa hapon. Nasa hallway na kami ni Millie nang makatanggap ako ng text message galing kay Rufo. Gusto niya akong pumunta sa office niya dahil gusto niya raw akong makausap. “Bes, puwede bang mauna ka na lang umuwi?” saad ko kay Millie. Tumingin naman ito sa akin. “Bakit? Dadaan ka ba sa office ng jowa mo?” bigla ring sumilay ang nanunudyo nitong ngiti sa akin. Tumango ako. “Okay sige. Hindi naman ako puwedeng sumama sa ’yo kasi baka makaisturbo lang ako sa moment ninyong dalawa.” Tila kinikilig pang saad nito. Ngumiti ako. “Salamat, bes. Mag-iingat ka.” “Bye, bes!” kaagad itong umalis. Tumalikod na rin ako at naglakad papunta sa office ni Rufo. Nang nasa tapat na ako ng pinto, saglit akong kumatok bago pinihit ang doorknob. Nagulat pa ako nang pagkapasok ko ay nasa gilid pala siya ng pintuan at nakatayo. Siguro ay inaabangan niya na ang pagdating ko. Seryoso ko siyang tiningnan. “May sasabihin ka ba?” tanong ko sa kaniya. He sighed and then stepped closer to me and suddenly grabbed me in a tight hug. “Are you still mad at me?” ramdam ko ang lungkot niya dahil sa klase ng boses niya. Banayad din naman akong bumuntong-hininga at dahan-dahan na inangat ang mga kamay ko at masuyong hinaplos ang likod niya. “Do you want us to talk?” sa halip ay mahinang tanong ko sa kaniya. Hindi naman agad siya nagsalita ngunit yakap-yakap niya pa rin ako nang mahigpit. Pagkalipas ng ilang segundo, pinakawalan niya ako at mataman na naman siyang tumitig sa akin. “Let’s sit down first.” At iginiya niya ako papunta sa sofa matapos niyang i-lock ang pinto. Kagaya kanina ay muli siyang humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Kinuha niya ang kamay ko at ipinagsalikop niya ang mga palad namin. “As I told you last night... Ciri is my daughter,” sabi niya at saglit na tumigil sa pagsasalita at tumikhim. “Do you remember when I told you I had a ten-year relationship before?” Bahagya naman akong tumango habang mataman pa rin akong nakatitig sa kaniya. “I was twenty-three when I got my girlfriend pregnant. And Ciri was eight years old when her mom died because of a car accident. We were going to Baguio to celebrate her 8th birthday. But instead of being happy, that day became sad because of the accident that happened. I lost her mom and... since that day, I lost my daughter too. Ciri and I have not been okay for ten years because she blames me for her mom’s death. And when she went to my pad the other day, she’s about to talk to me... but she saw you there so instead of us talking, she got angry with me again. And last night, mom called me and she said Ciri was getting angry again.” Ewan, pero bigla akong nakadama ng lungkot at awa para sa kaniya, dahil sa nangyari sa pamilya niya. Mahirap at masakit mawalan ng mahal sa buhay. Lalo na ng ina. Kami nga na iniwanan lang ng magulang namin ay labis na ang lungkot at sakit na naradaman ko, naming magkakapatid, ano pa kaya para kay Ciri na bata pa ito nang mamatay ang ina? But it is not right to blame her father for the accident that happened before. I mean, no one wants his or her family to be in an accident. But on second thought, I also can’t blame Ciri if she is angry with her father. She was only a child then, kaya ang ama niya ang kaniyang sinisisi sa pagkawala ng kaniyang ina. “I’m sorry if I didn’t tell you about her right away,” aniya at masuyong pinisil ang palad ko at tipid siyang ngumiti sa akin. “Galit ka ba?” tanong niya. Bigla naman akong umiling, “no,” sagot ko sa kaniya. “I mean... nabigla lang ako kagabi nang sabihin mo sa akin na may anak ka na. Pero, hindi naman na iyon nakapagtataka. Mas matanda ka sa akin ng ilang taon, so...” Dahil sa sinabi ko sa kaniya, kitang-kita ko ang pagkapalis ng pag-aalala at lungkot sa mga mata niya. A sweet smile appeared on his lips and he leaned towards me and planted a firm kiss on my lips. I closed my eyes tightly and responded to his kiss. Nang medyo kinakapos na ako ng hangin ay ako na rin ang kusang lumayo sa kaniya. “I really like you, Solana.” Pagkuwa’y saad niya sa akin. Like? Iyon pa rin ang nararamdaman niya para sa akin? Nakakalungkot man, pero sa kabilang banda ng puso ko... kahit papaano ay masaya pa rin ako. At least he admitted to me he really likes me. Kahit papaano ay may panghahawakan akong patunay na may nararamdaman din siya para sa akin. But how I wish na dumating din ang araw na sabihin niya rin sa akin na mahal niya na rin ako! Ah, mukhang malabo ata ’yon mangyari. “What are you thinking?” nang hawakan niya ang baba ko at muli akong pinakatitigan sa mga mata ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya at umiling. “Nothing. I mean... I’m just happy na sinabi mo sa akin ang tungkol dito,” sabi ko. “Am I that special to you kaya ipinagtapat mo sa akin ang tungkol sa anak mo?” tanong ko. Pinakawalan niya ang kamay ko ay pagkuwa’y inakbayan niya ako at kinabig papunta sa dibdib niya. Hindi na ako nagdalawang-isip na ipilig sa kaniya ang katawan ko habang magkayakap kami. “You’re so special to me, Solana. Always remember that.” Napangiti naman ako. Wala pang may nagsasabi sa akin na ibang lalaki na special ako para sa kanila. Only Rufo. Kaya labis akong kinikilig sa mga sandaling ito. “Thank you, Rufo.” Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang malakas na kabog ng dibdib niya na naririnig ko nang husto. “So, you’re coming with me tonight, okay?” Napamulat ako at kunot ang noo na tumingala ako sa kaniya. “Huh? Saan?” tanong ko. “Have you forgotten? Didn’t I ask you to accompany me to my mom’s birthday party?” “Ngayon na ba ’yon?” Tumango siya. “Yeah,” sagot niya. “Tonight.” “E, okay lang ba na sumama ako sa ’yo? I mean... baka magalit sa akin ang anak mo kapag makita niya ako sa—” “That’s why I want you to go with me because I want to introduce you to her. Iyon ay kung kakausapin niya ako.” Saad niya at muling bumuntong-hininga. “Alam mo... I’m sure darating din ang panahon na magkakaayos kayo ni Ciri. Hindi ka rin niya matitiis. Siguro sa ngayon... hindi niya pa rin matanggap ang nangyari noon. But don’t worry, isasama ko sa mga dasal ko na sana ay maging okay na kayo ng anak mo.” Matamis siyang ngumiti sa akin at ginawaran ng halik ang noo ko at muli akong niyakap. Pagkatapos ng pag-uusap namin sa office niya, nauna na rin akong lumabas at nagtungo sa parking lot. Ibinigay naman niya sa akin ang susi ng kotse niya kaya sa loob na ako naghintay sa kaniya. I JUST CAME OUT of the bathroom and saw Rufo who had also just entered the door. May bitbit siyang dalawang paper bag. We went straight to his pad at hindi niya na ako inihatid sa bahay dahil sabay naman kaming pupunta mamaya sa bahay nila para um-attend sa birthday party ng mama niya. “Ano ’yan?” tanong ko sa kaniya. “For you.” Iniabot niya iyon sa akin. Bahagyang nangunot ang noo ko nang kunin ko iyon sa kamay niya at sinilip kung ano ang laman niyon. “I bought it for you. I hope you like it,” aniya habang nakangiti sa akin. Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti at humakbang palapit sa kama niya. Umupo ako sa gilid niyon at binuksan ang paper bag. “Wow!” ang nasambit ko nang makita ko ang dress. It was a black backless spaghetti strap dress na hanggang sa ibaba ng tuhod ko ang haba at may maliit na slit sa kaliwang hita. Nang buksan ko rin ang isang paper bag, four inches black sexy heels naman ang laman niyon. “Do you like it?” nakangiting tanong niya sa akin. Mas lalo akong napangiti nang tapunan ko siya ng tingin. “Ikaw ba talaga ang bumili nito?” sa halip ay tanong ko sa kaniya. “Of course. This afternoon while I was out of class, I left school and went to the Apollo Hotel to buy you that dress. I chose that for you.” “Aba, magaling ka palang pumili ng damit, huh!” Ngumiti naman siya. “When I saw that one, I immediately imagined you wearing that dress. And I know it suits you.” Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. “Thank you, babe.” Inilapag ko iyon sa kama at tumayo. Nang hapitin niya ang baywang ko, kaagad din akong tumingkayad at ipinulupot sa leeg niya ang mga braso ko at sinalubong ng mga labi niya ang mga labi ko. “Let’s get ready. I might not be able to control myself and own you again right now.” Kinagat niya pa ang pang-ilalim niyang labi at tila nanggigigil na pinisil niya ang baba ko at pinakawalan ang baywang ko. Napahagikhik na lamang ako na tumalikod sa kaniya. Nag-ayos na nga agad ako at sabay na kaming nagbihis. Saktong six thirty ng gabi ay umalis na kami sa pad niya dahil seven daw ang start ng party. Kinakabahan naman ako nang husto. Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari mamaya pagdating namin sa bahay nila. Natatakot ako na baka kapag magkita kami ni Ciri sa party ay awayin ako, or hindi kaya ay magalit sa akin ang mama niya. Baka hindi ako nito magustohan agad. Minsan kasi, may mga magulang na tutol sa girlfriend ng anak nila. Lalo na sa sitwasyon namin ni Rufo. Bukod sa may anak na siya e, malaki pa ang agwat ng edad namin. Malamang na hindi ako magustohan ng magulang niya. “Are you okay, baby?” Bigla akong napalingon kay Rufo nang marinig ko ang tanong niya. He even took my hand that was on my thigh. He interlaced our palms. “Malayo pa ba tayo?” kinakabahang tanong ko sa kaniya. “We’re almost there.” Bumuntong-hininga ako nang malalim. “Pinagpapawisan ang palad ko,” sabi ko sa kaniya at akma na sanang babawiin sa kaniya ang kamay ko, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Lumingon siya ulit sa akin. “Hey, relax.” “Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kabahan nang husto, Rufo.” “Just chill. Wala namang masamang mangyayari.” Muli akong bumuga nang malalim na paghinga. “Paano... paano kung hindi ako magustohan ng magulang mo?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at dinala sa tapat ng bibig niya ang kamay naming magkasakilop at hinalikan niya ang likod ng palad ko. “Relax, okay? Mabait ang mama. I’m sure she will like you.” Napalunok ako, “sana nga. Sana nga, Rufo,” sabi ko sa kaniya. NANG MAKABABA si Rufo sa driver’s seat ay kaagad siyang umikot sa front seat at pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya akong makababa sa kotse niya at pagkuwa’y ipinagsalikop niya ang mga palad namin at iginiya niya na ako papasok sa malaking gate ng bahay nila. Grabe, mayaman nga talaga ang pamilya nila. Napakalaki kasi ng bahay nila. I mean, mansion. Nang pagkapasok naman namin sa gate, ang napakalawak na garahe ang bumungad sa paningin ko. Maliwanag ang buong paligid dahil doon lang ginaganap ang birthday party ng mama niya. Lingid sa inaasahan ko, marami palang bisita ang invited. At sa tingin ko ay puro mga mayayamang tao ang narito ngayong gabi. Sa klase pa lamang kasi ng mga damit na suot ng mga taong nakikita ko ay mahahalatang puro mapera ang mga ito. Mabuti na lamang talaga at binilhan ako ni Rufo ng damit. Dahil kung hindi, baka ako lamang ang maiiba ang suot ngayong gabi. “Rufo, hijo!” Lumapit kami ni Rufo sa grupo ng mga may edad ng kalalakihan. Mukhang mga businessman ata dahil sa hitsura pa lamang. “Good evening, Mr. Turner!” bati niya sa lalaking tumawag sa kaniya. Nakipagkamay pa siya rito at sa tatlong kasama pa nito. “How are you, hijo? It’s been a long time.” “I’m good. Busy sa trabaho.” “At mukhang busy ka rin sa love life mo, hijo.” Anang isang matandang lalaki nang tapunan ako nito ng tingin. Nakangiti pa ito. Binalingan naman ako ng tingin ni Rufo pagkuwa’y binitawan niya ang kamay ko at hinawakan niya ako sa likod ko. “Oh, this is Solana, my girlfriend.” Pagpapakilala niya sa akin sa apat na matandang lalaki. Ngumiti naman ako at bahagyang tumungo. “Good evening po!” bati ko sa mga ito. “Wow! Napakaswerte mo naman sa nobya mo, hijo. She’s so beautiful. Hello, hija!” “Hi po, sir!” nahihiyang napangiti pa ako. “Thank you, Mr. Ramos.” Si Rufo ang sumagot sa sinabi ng isang matanda. Saglit silang nag-usap about sa business kaya tahimik lang akong nakatayo sa tabi ni Rufo. Mayamaya ay nagpaalam naman siya sa mga ito. “Let’s go inside. Nasa loob pa siguro si mama.” Aniya at iginiya niya na ako palayo sa mga matatandang kausap niya. Nagpatianod lamang ako sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa bulwagan ng bahay. Ang napakalawak na sala naman ang bumungad sa paningin ko. Grabe, kung namangha na ako kanina sa labas pa lamang... sobra naman akong nalula sa ganda ng loob ng bahay nila. Mula sa mga mamahaling display, sala set, portrait, malaking chandelier, maganda at malinis na marmol na sahig, hanggang sa babasaging hagdanan. Grabe! “Rufo, anak!” Napatingin ako sa itaas ng hagdan nang marinig ko ang boses ng isang babae na medyo may edad na. Nakasuot ito ng puti at modern Filipiniana. Maganda ito na parang kamukha ni Pilita Corrales. At sa tingin ko ay mas matangkad ako rito. Siguro si Rufo ay nagmana sa papa niya. Matangkad kasi siya samantalang maliit ang ina niya. “Mom.” I let go of Rufo’s grip on my hand. Sinalubong naman niya sa ibaba ng hagdan ang kaniyang ina. Kaagad niya itong niyakap at hinalikan sa magkabilang pisngi. Kitang-kita ko ang malapad na ngiti sa mga labi ng kaniyang mama. “Happy birthday, mom.” Aniya. “Thank you, anak.” Anito. But when she looked at me, the smile on her lips suddenly disappeared and she looked at me from head to toe. “Who is she?” seryosong tanong nito. Lihim naman akong napalunok at muling kumabog ang puso ko dahil sa klase ng titig sa akin ng mama niya. Oh, God! Ito na nga ba ang sinasabi at ikinakabahala ko, e! The way Rufo’s mom stared at me... I know na hindi agad ako nito nagustohan. Lihim at banayad akong bumuntong-hininga. “Mom, she’s Solana,” sabi ni Rufo at kaagad siyang naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ang baywang ko at iginiya ako palapit sa mama niya. “This is my girlfriend. And, Solana, this is my mom, Elena.” Kahit kinakabahan ako, pinilit kong ngumiti rito. “G-good evening po m-ma’am. Nice to meet you po.” Saad ko at inilahad ko ang kamay ko rito para sana makipag-shake hands, pero tumaas lamang ang isang kilay nito at tiningnan lang ang kamay ko na para bang bigla itong nandiri. Sa pagkapahiya ko, ikinuyom ko na lamang ang palad ko at itinago sa likod ko at napapahiyang binalingan ko ng tingin si Rufo. Ngumiti naman siya sa akin at muling tinapunan ng tingin ang mama niya. “She’s your girlfriend, Rufo?” Muli akong kinabahan dahil sa seryosong tanong ulit ng mama niya. “Solana is my girlfriend, mama.” Ulit na saad niya. “Bakit parang masiyado pa siyang bata para sa ’yo?” Magsasalita na sana si Rufo para sagutin ang mama niya, pero napatingin kami ulit sa itaas ng hagdan nang mula roon ay may babaeng nagsalita. “She’s the one I was talking to you lola.” And I saw Ciri. She was beautiful in her white sultry gown. Pababa na ito ng hagdan. Hindi ko nga magawang alisin ang paningin ko rito. She really look like her father. Kung baga, girl version siya ni Rufo. Sobrang ganda ni Ciri. “So, binahay mo na pala ang babaeng ito sa pad mo, Rufo?” nakataas pa rin ang isang kilay na tanong ng mama niya. Ewan, pero naghalo-halo na ang pakiramdam ko. Kinakabahan, natatakot, nahihiya... parang gusto ko na lang umalis ngayon bago pa may ibang mangyari o may masabi pa sila sa akin ngayon na hindi maganda at hindi ko magugustohan. Kasi kitang-kita naman sa mukha ng mama at anak niya na hindi nila ako gusto. Damn. Sana pala hindi na ako sumama sa kaniya papunta rito. Napapahiya lang ako. “Mom—” “Hey, babe!” Sabay-sabay pa kaming apat na napalingon sa may main door nang makarinig kami ng boses ng isang babae mula roon. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang isang babae na matangkad, maputi, sexy na parang model. Just like me, she’s wearing black dress. “Rhea, hija! Thank you at nakapunta ka.” Napalingon ako ulit sa mama ni Rufo nang marinig ko ang masayang boses nito. Kung kanina ay seryoso ang mukha at boses nito habang ako ang kaharap, ngayon naman ay biglang nag-iba. May malapad na ngiti sa mga labi nito at masaya ang boses. So, she’s Rhea?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD